Kabanata 6
"P-Po?" kinakabahan na sagot ni Kenna sa ginang.
"Kailan ba kayo magkakaanak ni Greyson? Ilang taon na kayong kasal pero hanggang ngayon ay wala pa rin kayong anak," mahabang paliwanag ni Judy sa kanyang manugang.
HINDI MAWARI ni Kenna kung ano ang sasabihin niya o kung may dapat ba siyang sabihin. Hindi niya rin alam kung maiiyak ba siya sa sinabi ng ginang o hindi. Afterall, they don't know what really happened to their marriage until now. Wala silang kaalam-alam kung ano ang pinagdaanan niya. Na kahit ang sarili nilang anak ay walang alam sa nangyari pagkatapos nila maghiwalay.
Magkaanak? After her failed marriage, hindi na niya pinangarap na magkaanak pa. Ayaw niyang lumaki ang anak niya sa magulong mundo. Ayaw niya marinig na magtanong ang anak niya kung bakit wala siyang tatay o bakit hindi sila kumpleto dahil masakit iyon para sa isang ina na tanungin ng ganoon ang kanyang anak.
Kaya mas mabuti na rin na hindi sila nakabuo ni Greyson noong okay pa sila. Oo, minsa'y pumasok sa utak niya na baka bata nga ang maging dahilan para maging maayos ang pagsasama nila pero narealize niya na kahit anong gawin niya ay wala ng pag-asa ang buhay mag-asawa nila. And that's the reason why she gave up on him even though her love that she had for him was bigger enough to forgive his betrayal than him.
It was true that she loved Greyson but that love has to stopped now. Masyado na siyang nauubos ng pagmamahal na mayroon siya para kay Greyson kaya kahit masakit sa kanya ay hindi na niya isinalba pa ang relasyon nila. Naging martyr at tanga siya sa mahabang panahon at siguro ay sapat na iyon para masabi niya sa sarili niya na ginawa niya naman ang lahat ng makakaya niya para sa relasyon nila kaya lang hindi iyon sapat sa isang Greyson Guevarra. Ano pang silbi ng paglaban niya sa relasyon na mayroon sila kung ang mismong asawa na niya ang bumitaw?
Sabi nila okay lang na mapagod kasi makakapagpahinga naman. Kung napagod ang isa, iyong partner naman ang lalaban kaya lang ang nangyari sa kanila, siya lang iyong lumaban. She was waiting for Greyson to fight for their relationship, for their love but he didn't. He did nothing.
Kenna became tired of it. Napagod siya. Kahit anong pagmamakaawa ang gawin niya kay Greyson na gusto niyang isalba ang relasyon nila, balewala. He chose another woman over her. Doon niya napatunayan na balewala na ang lahat ng pagmamahal na mayroon ka kapag hindi ka na mahal ng taong binubuhusan mo ng pagmamahal.
At sobrang sakit no’n para sa kanya. Pero anong magagawa niya? Kinakailangan niya magpakatatag hindi lang sa pamilya niya kung hindi pati na rin sa ibang taong umaasa sa kanya na malalampasan niya ang lahat nang ito/
"Honey, huwag mo silang pagmadaliin. Kakauwi lang ni Kenna. I am sure that we will get a grandchild soon," sabi naman ni Jan, ang tatay ni Greyson.
Nagpasalamat si Kenna sa tatay ni Greyson nang sabihin niya iyon. Parang biglang tumigil ang pagbalik ng masasakit na alaala sa kanyang utak dahil sa sinabi nito.
Kung tutuusin ay wala naman talaga siya dapat dito eh. Wala naman talaga siyang balak na i-involve ang sarili niya kay Greyson ulit dahil ang tagal bago niya nagawang mabuo ang sarili niya. Pero eto at nandito siya, kasama ang taong nagwasak sa kanya dahil sa kanyang lola.
She's doing him a favor. Kung para naman sa lola niya at tatlong buwan lang ang hinihingi ay bakit hindi niya ito pagbigyan? Kung hindi masunod ang napagkasunduan, siya na mismo ang aalis. Hindi kasi maatim ni Kenna na mawalan ng pakialam kay Lola Corazon. Napakabuti nitong tao at paniguradong bibigat ang dibdib niya dahil sa konsensya sa oras na tanggihan niya si Greyson. Kaya naman kahit labag sa kalooban niya ay pumayag siya. Sana lang maging maayos ang lahat.
Umalis na ang mga magulang ni Greyson sa bahay. Nakahinga na rin si Kenna sa wakas dahil hindi na niya kailangan magpanggap pa. But she has to prepare herself later on dahil maraming tao ang kailangan nila lokohin at paniwalain na okay sila ni Greyson lalo na ang Lola Corazon niya.
Sa totoo lang ay nakakaramdam siya ng matinding pangongonsensya sa gagawin nila ni Greyson. Hindi niya alam kung paano magsinungaling lalo na sa mga taong walang ginawa kundi maging mabuti sa kanya at kabilang na roon ang lola ni Greyson na halos naging magulang niya na rin kaya hindi niya alam kung makakatagal ba siya roon.
Gusto na niya sana umatras pero alam niyang walang magandang maidudulot ang pag-atras niya. Alam niyang kukulitin lang siya ni Greyson na pumayag sa kasunduan nila at kung totoo talaga ang sinasabi nito na malala ang kondisyon ng kalusugan ni Lola Corazon ay hindi niya talaga ito pupwede biglain tungkol sa katotohanan ng paghihiwalay nil ani Greyson.
Hindi maaatim ni Kenna na may mangyaring masama kay Lola Corazon sa oras na ipaalam niya ang katotohanan dahil lang sa pagiging makasarili niya kaya naman kahit ayaw niya ay hahayaan niyang matapos ang tatlong buwan na napagkasunduan nilang dalawa ni Greyson noong una pa lang.
Habang hindi pa sila umaalis ay naglinis muna siya ng bahay. She's a clean freak. She knows that. Kapag may kalat siyang nakikita ay hindi niya maiwasan na hindi mairita.
"Naglinis ka?" Greyson asked in amusement voice. Kakababa lang nito galing sa itaas nang makita siya nito na nagkukutingting at naglilinis sa salas at kusina.
Pinaningkitan niya ito ng mata at saka inirapan. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni Greyson na lalo niyang ikinainis. Hindi niya maiwasan na maalala na ganito rin sila noong okay pa sa kanila ang lahat. Palagi siyang pinagtatawanan ni Greyson sa pagiging clean conscious niya dahil ayaw niya makakita ng kahit na anong alikabok sa kahit anong parte ng bahay. Kapag nakakakita siya no'n ay pakiramdam niya dadapo ang maraming insekto sa parteng maalikabok at doon maninirahan.
"Pakialam mo ba?" masungit niyang tanong rito.
Tinawanan lang siya ng binata sa sinabi nito at bahagya pang umiling bago siya tignan sa mata. "Take a rest after that. Mapapagod ka mamaya sa party."
"How's Lola Corazon?"
"She's okay but she's getting old kaya palaging may nakabantay sa kanya na nurse."
"Okay." Tumalikod na siya sa binata at ipinagpatuloy ang ginagawang paglilinis nang tawagin siya muli nito.
"Kenna..." mahinang tawag nito sa kanya. Hindi niya ito nilingon at nagpatuloy pa rin sa paglilinis. "Don't worry about it. Everything will be alright."
DUMATING ANG HAPON, naghanda na sila ni Greyson para sa pag-alis. Suot ni Kenna ang white long gown na backless na ibinigay sa kanya ni Greyson kaninang umaga na nakabalot sa isang box. May kasama rin itong alahas na kasalukuyan niyang suot.
Inayos niya ang kanyang buhok. Kinulot niya ang dulo no'n at saka itinali sa ponytail na ayos. Pagkatapos niya mag-ayos ay bumaba na siya. Sumakto naman na naghihintay sa kanya si Greyson sa dulo ng hagdan.
Tumingin sa kanya ang binata at bahagyang tinitigan sa mata. Napansin niya rin ang pagtingin nito sa kanya mula ulo hanggang paa. She can't help but to be anxious on the way he looked at her.
"You looked beautiful."
Imbes na magpadala sa mabulaklak nitong salita at mamula ay sinimangutan niya ito. "Stop it, Greyson. Hindi mo ako mabobola."
Inilahad ni Greyson ang kanyang kamay kay Kenna para alalayan ito subalit hindi ito pinansin ng dalaga at bumaba sa hagdan mag-isa na walang tulong nito.
Tumawa ang binata. "Hindi kita binobola. Nagsasabi ako ng totoo."
Greyson is wearing a black tuxedo. Nakabrushed-up din ang kanyang buhok. Lalo tuloy nakita ang hugis ng mukha nito at ang matalim nitong mga mata. Hindi niya nga naman masisisi ang mga kababaihan kung maraming nagkakagusto sa binata dahil totoong gwapo naman talaga ang panganay na anak ng Guevarra.
He looked hands--Stop it, Kenna! Kailan ka pa natuto pumuri ng lalaking ex mo? Tss.
Sabay silang sumakay sa sasakyan. Si Greyson ang nagmaneho papunta sa mansyon kaya naman nasa shotgun seat siya nakaupo ngayon. Kamuntikan pa niya makalimutan magseatbelt. Buti na lang ay ipinaalala sa kanya ng magaling niyang katabi kung hindi ay baka sa presinto sila pumunta ngayon imbes na sa party.
Pagdating sa mansion ay sinalubong sila ng maraming tao sa likod ng mansion kung saan matatagpuan ang malawak na hardin. The whole garden is decorated with white and blue balloons. Tumerno iyon sa puting tela ng lamesa at upuan. May malaking projector screen sa gitna at malaking speaker sa harapan. Sa gilid ay ang mahabang table kung saan nakalagay ang mga inihandang pagkain.
Greyson is holding her in her waist na para bang pinoprotektahan siya nito. The party is very intimate. Kahit na maraming tao ang dumating ay masasabi na ito lang iyong mga taong tunay na malalapit sa pamilyang Guevarra. Kenna can't help but to feel overwhelmed because of many people around her, greeting them. Maging ang mga kaibigan ni Greyson ay nandito rin, hindi nga lang sila kumpleto dahil si Paxton lang ang nakita niya.
Paxton is very close to Gueverra lalo na kay Greyson. Marahil alam na nito ang sitwasyon nila ni Greyson ngayon kaya hindi ito nagulat nang makita siya nito. Si Paxton ang nakasama na ni Greyson simula noong maliit pa lamang sila kaya kung sasabihin man ni Greyson sa kanya ang sitwasyon nila kung bakit siya nandito ngayon ay hindi na rin ito magugulat.
"Kenna, stay here. May babatiin lang ako," sabi sa kanya ni Greyson na ikinatango niya lamang. Hindi pa niya nakikita si Lola Corazon. Marahil ay mamaya pa ito magpapakita. She can't help but to feel excited of seeing her. Matagal na rin niya itong hindi nakita at namiss niya ito. Kung pupwede nga lang niya ikwento ang lahat na nangyari sa kanya para gumaan ang saloobin ay sasabihin niya rito ngunit hindi pwede. Nag-aalala siya sa magiging reaksyon nito.
Iniwan siya ni Greyson sa bakanteng lamesa. Umupo siya roon. Binigyan naman siya ng waitress ng drinks nang lumapit sa kanya si Paxton.
"How are you, Kenna?" tanong ng binata sa kanya.
"I am fine, thank you," walang gana niyang sagot.
"Ang tagal mong nawala."
Hindi naman ganoon siya katagal nawala. Two years is too short. Dapat nga ay mananatili pa siya ng isang taon sa ibang bansa pero napilitan siyang pumunta rito dahil sa trabaho niya.
"Pasalamatan mo ang kaibigan mo. He put me in this situation again," inis niyang sagot rito. Iyon naman talaga ang nararamdaman niya. Iritado siya. Ilang araw na siyang iritado dahil hindi niya akalain na magiging ganito ang sitwasyon niya sa pagbalik niya sa Metropolis. Kung alam lang niya na magiging ganito ay hindi na sana siya bumalik pa. Higit pa roon ay hindi pa niya nasasabi kay Jayce ang totoong nangyari. Ilang araw na nitong hindi sinasagot ang tawag kahit na nagchachat naman sila. She can't help but to feel guilty.
"Relax. Totoo naman talaga ang sinasabi ni Greyson, palagi kang tinatanong ni Lola sa amin."
"Balita ko ay ikaw rin ang architect ni Greyson. Ako ang nagsuggest sa kanya sa KZ pero hindi ko akalain na ikaw ang ipapadala," mahabang sabi sa kanya ni Paxton. Tinignan niya ito ng masama at saka pinalo sa braso na nagpaaray sa kanya.
"Aray! Bakit mo ako pinalo, Kenna?"
"Eh ikaw pala ang may kasalanan kung bakit ganito ang sitwasyon ko ngayon. If you didn't suggest KZ, wala ako ngayon rito."
Mahinang napatawa ang binata at umiling. "Marami kayong arki sa KZ diba? Balita ko ay magaling ka kaya ikaw ang pinadala. Masyado mo kasi atang ginalingan."
"Ewan ko sa'yo, Paxton. Magsama nga kayo ng damuho mong kaibigan," inis niyang sabi rito bago tumayo.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Sa CR."
Bago pa makapagsalita si Paxton ay tumakbo na siya papunta sa CR. She's familiar with the mansion kaya hindi mahirap sa kanya na hanapin ang CR nito.
Habang naglalakad siya ay hindi niya sinasadyang may makabunggo siya. Hindi niya kasi maiwasan na igala ang kanyang mga mata sa buong mansion. Iba kasi ang interior nito at maging ang pag-ayos ng mga furnitures noong huli niya itong nakita.
Kaagad niyang tinulungan ang babaeng nakabunggo niya pero kaagad din siyang napahinto nang makita ang mukha nito at bahagyang napaatras. Parang isang malaking bangungot ang bumungad sa kanya dahil doon.
"Kenna?"
"I-Isabelle?"