Kabanata 4
SHE CAN’T BELIEVE what's happening right now. Parang nasa isa siyang masamang panaginip at kinakailangan na magising.
Seryoso na ba talaga ang tadhana rito? Talagang kailangan niya makasama ang dati niyang asawa para ihatid siya sa mismong tinitirhan niya? Sa pagkakatanda niya ay ginagawa niya ang lahat para hindi magkrus ang landas nila pero eto na ang pangalawang beses na nagkita sila.
Oo nga at kliyente niya ito kaya naman talagang magkikita sila hanggang sa matapos ang proyekto na kailangan nila gawin pero hindi niya sukat akalain na hanggang sa labas ng trabaho ay magkukrus ang mga landas nila.
Para saan?
Bakit kinakailangan siya makita ni Greyson sa bar na 'yon?
Ihahatid siya ni Greyson sa mismong condo unit niya. Ayaw nito magpaawat kahit na sinabi na nito na uuwi at kaya niya mag-isa. Hindi naman na siya bata para makuha pang ihatid pero etong si Greyson ay matigas pa ang ulo.
"Hey! Where are you taking me? Hindi ito ang papunta sa Crown Asia!" sigaw niya rito na nanggalaiti. Iniliko kasi nito ang sasakyan papunta sa kaliwa imbes na sa kanan.
"I know. I am using waze." Umirap siya sa sagot nito at saka sandaling nanahimik. Tinignan niya ang binata sa tabi ng driver seat kung saan siya nakaupo. Kung hindi lang hi-tech ang sasakyan nito ay matagal na siyang bumaba kahit na umaandar pa ito.
“Ano bang ginagawa mo roon sa bar na ‘yon? And what the hell are you wearing? Bakit kakarampot na tela lamang ang suot mo?” nakakunot na wika ni Greyson sa kanya. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o maiinis. Anong pakialam nito sa damit niya? Dati naman ay wala itong masyadong pakialam sa damit niya. She could wear sexy clothes anytime she wants when they were still a husband and wife tapos ngayong hindi na sila ay kulang na lang ay magdikit ang magkabilang kilay sa kakakunot ng noo.
“Saan ka ba nakakita ng babaeng pupunta sa bar na balot na balot?” pamimilosopong sagot niya rito at saka umirap. Kung kaya siya nitong pilosopohin, kaya niya rin itong pilosopohin ng doble pa sa inaakala nito.
“Kaya ka nababastos dahil dyan sa suot mo.”
Kenna is wearing a red dress na hanggang tuhod lamang ang haba. Kita ang cleavage nito sa harapan at backless naman sa likod habang nakasuot ng itim na boots. Nakapuyod ang kanyang mahabang buhok habang ang kanyang make-up naman ay simple lang. She hates wearing heavy make-up dahil napakahirap tanggalin kapag matutulog na siya. Aaminin naman niyang sexy nga ang damit na suot niya dahil pangclubbing talaga ‘yon. Binili niya iyon noong nasa ibang bansa pa siya.
“What’s wrong with my dress? Pang-clubbing naman kasi ‘to at nasa club ako, Greyson,” giit niya rito.
“Kailan ka pa natuto mag-club?” tanong nito. Tumaas ng tuluyan ang kilay ni Kenna dahil sa tanong ng lalaki sa kanya.
What’s wrong with him? Ano naman kung nagkaclub na ako ngayon?
"Ano bang pakialam mo kung kailan ako natuto magclub? At inuulit ko. My clothes has nothing to do with those guys. Pwede naman nila ako ignorahin pero mas inuna pa nila ang pagiging mahalay at malibog nila," masungit na wika nito sa kanya.
"You're wearing a little piece of cloth, Kenna. What do you expect from those guys?"
Hindi nagsalita si Kenna. Para sa kanya ay isa itong malaking pagkakamali. Lalo na ang makasama ang dati niyang asawa kahit na ilang taon na ang nakalipas. Hindi siya gagawa ng bagay na ikaka-trigger ng feelings niya dahil ang tagal bago tuluyang mawala ang nararamdaman niya para rito.
“And you’re stress because?” Hindi niya iyon sinagot. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin at kailangan mo pa akong ihatid sa bahay?” tanong nito.
Akala niya ay nagbago na ito dahil iyon ang sabi-sabi sa kanya nila Paxton. That he changed. That he’s far from the Greyson he used to know. Pero siguro ay may mga ugali pa rin ang binata na hindi nga nagbago at isa na rito ang paligoy-ligoy niyang pagtatanong kapag may pabor siyang hinihingi.
"Kenna, I have a favor to ask you."
Kumunot ang noo niya. Sino ba siya sa akala niya para humingi ng pabor? "At alam kong hindi mo rin ito matatanggihan."
"Lola Corazon wants to see you. I never told her what happened to us kaya hindi niya alam na matagal na tayong hiwalay. Hindi ko nasabi sa kanya dahil lumala ang kondisyon ng puso niya at bawal sa kanya ang makaramdam ng lungkot dahil baka ikamatay niya iyon."
Naalala bigla ni Kenna ang lola ni Greyson. Paboritong-paborito siya nito at tuwang-tuwa na malaman na naging magkasintahan sila at mauuwi na sa pagpapakasal ang relasyon nilang dalawa. She remembered how she gave her blessing to the two of them pero ngayon ay hiwalay na sila.
"Let's pretend to be a husband and wife," sabi nito na parang ganoon kadali lang ang hinihingi nito sa kanya.
"What? Are you fvcking kidding me, Guevarra?" tanong ni Kenna na puno ng inis. Umigting naman ang panga ni Greyson at saka nagsalita. "Don't cuss, Kenna."
"Paanong hindi ako magmumura? I am your ex-wife and you're asking me to pretend your wife infront of Lola Corazon like it was just a normal favor to ask! Naririnig mo ba ang sinasabi mo ha Greyson?" singhal niya rito.
Hindi talaga siya makapaniwala sa sinasabi nito ngayon. Alam niyang matalino ito pero hindi niya akalain na maririnig niya ang mga ganitong salita sa binata ngayon.
Nabagok ba ang ulo niya nang umalis ako at ganito na siya mag-isip ngayon? Sabi ni Kenna sa isip niya.
"But I am serious on what I've said. Gusto kang makita ni Lola Corazon at wala na akong maisip na ibang dahilan kundi ang humingi ng pabor sayo na magpanggap kang asawa ko ulit sa harap niya."
Bumuntong-hininga siya. Hindi niya kaagad maproseso ang sinasabi nito sa kanya. Alam niya na ang hiwalayang naganap sa pagitan nila ay sa kanilang dalawa lang. Kahit siya ay late na niya sinabi sa pamilya niya dahil ayaw niya na ng gulo. But her parents are still sad on what happened to their marriage habang ang kapatid naman niya na si Kian ay galit na galit dito. She didn’t tell the main reason about their divorce. Ayaw na niyang dagdagan pa ang galit ng mga ito kay Greyson kaya hindi na niya sinabi ang kumpletong detalye.
Akala niya ay successful na ang pagtatago niya pero nalaman ni Kian ang isang sikretong pilit niyang itinatago hanggang ngayon na naging dahilan ng matinding galit nito kay Greyson. And she was thankful because there’s someone who is mad on her behalf pero tapos na. At hinding-hindi lalabas ang sikretong ‘yon kay Greyson. Hindi na niya kailangan malaman pa ang tungkol sa bagay na ‘yon.
Akala niya ay makakaya niyang hindi sabihin sa pamilya niya ang pinagdadaanan niya. She thought she can live with it. But she can’t. And she wanted to live in peace kaya sinabi niya ang totoo sa magulang niya na hiwalay na sila ng asawa. Ayaw na niyang umiyak gabi-gabi. She wanted to share the pain with her loved ones dahil alam niyang doon lang sa paraan na ‘yon gagaan ang loob niya. At totoo naman ‘yon. Dahil pagkatapos niyang sabihin ang mga ‘yon ay doon siya nagdesisyon na umalis sa bansa at magbagong buhay.
"Alam ba ng pamilya mo na matagal na tayong hiwalay?"
Umiling ang binata na nagpagulat sa kanya. "I didn't tell them anyone because they like you. Ayokong masaktan sila dahil sa nangyari sa atin dalawa."
Saglit na nanahimik ang dalaga. Parang nakukulangan siya sa paliwanag ng binata kung bakit niya hindi sinabi ang totoo. It was his family. Hindi siya pupwede magsinungaling habang buhay dahil malalaman at malalaman nila iyon.
Gusto rin naman siya ng pamilya niya. Pero sa kabila no’n ay sinabi pa rin niya ang totoong nangyari sa pagsasama nila. That they decided to live in separate ways. Hindi niya ito pinagtakpan kaya hindi niya maintindihan kung bakit hindi sinabi ni Greyson ang totoo.
"To be honest, Lola Corazon is looking forward to see you on her 70th birthday. Palagi ka niyang tinatanong sa akin simula noong... umalis ka para makapagsimula ulit. Wala na akong maisip na idadahilan pa kay lola kaya nang makita kita sa bar ay kinuha ko na ang oportunidad na ito."
Huminga ito ng malalim."Kailan ba ang birthday ni Lola Corazon?"
"Ngayong saturday na. That's why you are going to stay with me tonight dahil pupunta sila Mama bukas ng umaga bago dumeretso sa nasabing birthday."
"What? Why should I stay with you?" gulat na tanong nito. Talaga bang nahihibang na ito? Bakit ba kailangan nilang humantong sa ganito na kailangan nila magpanggap na mag-asawa na para bang hindi nangyari ang mga ‘yon sa nakaraan.
"Kagaya nga ng sabi ko, pupunta sila Mama bukas sa bahay kung saan ako nakatira ngayon. Tiyak na hahanapin ka niya kaya kailangan kasama kita sa bahay."
Parang gusto niya biglang umatras. Pero gusto niya rin makita ang lola ni Greyson. Sa isang taon silang nagsama, naging malapit talaga ang loob ni Kenna sa lola nito. Nasasabihan niya ito ng mga problema niya na hindi niya nasasabi kay Greyson kaya masasabi niyang espesyal talaga ang lola nito sa kanya.
"Papayag lang ako dahil birthday ni Lola pero pagkatapos no'n ay wala na."
"No!" pigil niya sa dalaga. "I need a little more time bago masabi sa kanila ang totoo. Sorry but can you pretend as my wife for three months?"
"What? Ang tagal no'n! Matagal na tayong hiwalay! Bakit kinakailangan ko magpanggap bilang asawa mo ng ganoon katagal? Kung kailangan mo ng asawa, eh di magsyota ka ng iba!" singhal niya rito. Hindi siya magsasayang ng oras kung ganoon lang pala. Matagal bago niya naialis si Greyson sa sistema niya at ngayon ay magpapanggap siya na asawa nito? Pinaglalaruan ba talaga siya ng tadhana? Anong klaseng laro na naman ang gusto nito?
"Kenna, I won't ask you kung ganoon lang kadali. As I've said, kailangan ko ng kaonti pang oras bago ko masabi sa kanila ang totoo. I will pay you double in exchange of this big favor," mahabang paliwanag nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim. Hindi niya mapigilan na mapatanong na bakit kailangan mangyari ang mga ito? Bakit kailangan nila mag-usap at magkalapit na parang walang masakit na nangyari sa kanila noon? Nakalimot na siya pero hindi naman niya inaasahan na porket nakalimot na siya ay makakasama niya ulit ang lalaking nanakit sa kanya ng sobra-sobra. Talaga bang ginagago sila ng tadhana? Ano na naman kayang trip nito at silang dalawa na naman ni Greyson ang pinaglalaruan?
"Ayoko lang ng pera. May gusto pa ako bukod doon," sagot niya rito. Nababaliw na ata siya. Noong una ay ayaw niya pumayag pero bigla siyang nakaisip ng magandang ideya kung saan susuko si Greyson sa kanya.
"What do you want then?" tanong niya rito.
"Gusto kong makilala ako bilang professional na architect. I want to be more successful."
"Okay. I will help you. Marami akong kakilala na pwedeng kumuha sayo bilang architect nila. They will give you a lot of opportunities. Gawin mo lang itong pabor na ginagawa ko."
"Three months then?"
"Okay."