Simula
Simula
“I want a divorce,” malamig na sabi ni Greyson. Halos manlamig ang katawan ni Kenna sa sinabi ng asawa. Hindi niya alam kung ano ang dapat niya maramdaman ngayon. Hindi niya akalain na aabot sila sa punto na kung saan sa kanilang dalawa ay may gustong makipaghiwalay.
Mag-iisang taon pa lang sila simula noong ikasal sila. Kenna believe that they love each other and the love that they have is enough for them to get married and grow old together. Pero ngayon ay tila pinagsakluban siya ng langit at lupa sa sinabi ng asawa.
Divorce? Of course not! There’s no way that she would agree to this lalo na ngayon na alam niya ang lahat ng dahilan kung bakit gusto makipaghiwalay bigla sa kanya ng asawa.
“For what? So that you can be with your mistress?” tila-mala-asido niyang tanong sa asawa. Nakatitig siya kay Greyson ng buong tapang kahit na sa loob ay durog na durog na siya. Hindi niya lubos maisip na basta na lang itatapon ni Greyson ang mahabang pinagsamahan nila para sa isang babaeng naninira ng pamilya ng may pamilya. And to make the situation worst, that woman is her best friend.
Hindi niya akalain na aahasin mismo ng babaeng tinuturing niyang kapatid ang asawa.
“I don’t have a mistress, Kenna. Ilang beses ko ba sasabihin ‘yon sa’yo?”
Wala? Gusto niya matawa pero masyadong mabigat ang dinadala niya para makuha pang tumawa sa ganitong sitwasyon. Talagang malakas ang paninindigan nito na depensahan si Isabelle.
“Then why? Why do you want to leave me on this marriage all of a sudden?” naiiyak na tanong niya. Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung saan siya nagkamali para ganituhin siya ni Greyson. Dahil kung alam niya, itatama niya kaagad ‘yon para lang hindi sila magkawatak ng lalaking mahal niya. “H-Hindi mo magagawang makipaghiwalay sa akin kung walang sapat na dahilan, Grey.”
“I am sorry Kenna. I just fell out of love. That’s it.”
Hindi niya alam na may kakayahan pa pala ang puso niya na mabasag muli pagkatapos ito basagin ni Grey kanina. She heard her own heart got shattered into tiny pieces because of what he said. Sobrang bumigat ang dibdib niya. Hindi siya makahinga sa sobrang sakit at alam niya na walang makakapagpagaan ng loob niya sa mga oras na ‘yon.
Maliban na lang kung ang lahat ng nangyayari na ito ngayon ay isang panaginip pero hindi. Paborito ata siya saktan ni tadhana kaya kahit gusto niyang sabihin na isang malaking nakakatakot na panaginip lang ito, hindi niya magawa dahil mas malinaw pa sa ilog ang nakikita niya.
Greyson started to pack his things.
“Iyon lang sumusuko ka na? Paano naman ako Grey?” Hindi niya alam kung paano pa siya nakapagsalita ng mga oras na ‘yon na hindi umiiyak sa harap niya. Grey hates it when she’s crying. Tanda pa nga niya ang sinabi nito na hindi siya nito papaiyakin kahit kailan at kung maiiyak man siya ay dahil iyon sa puro kasiyahan ang ipaparanas nito sa kanya. Pero isang malaking kasinungalingan lang pala ang lahat.
“Paano naman ako? Paano naman iyong mga panahon na gusto na kitang sukuan pero hindi ko ginawa dahil mahal kita?” namimiyok niyang sabi sa binata.
Tinignan siya ng binata na may lungkot din sa mata. The love that she used to see on his eyes is now gone. And that made her heart shattered into pieces once again. Hindi niya mapigilan ang sarili na tumanaw sa mga alaala nila ni Greyson. He used to make sure that she’s happy and feel loved. Pinanghawakan niya ang mga sinabi ng binata na hindi siya nito sasaktan. Nakakatawang isipin na pagkatapos ng mga mahabang pinagsamahan nila ay ganoon na lang kabilis magbago ang naramdaman nito.
“I’m sorry. I don’t think I can still stay on this marriage after what happened to us,” malungkot na sabi nito. “I don’t want to hurt you so please let me go.”