Kabanata 7
“I-Isabelle?” nanginginig na tanong ni Kenna sa kanya.
PARANG BIGLANG nabuhay ang multo ng kahapon na matagal na niyang kinalimutan nang makita niya ang dating kaibigan. Hindi niya inaasahan na makikita niya ang dalaga rito sa mismong party. Pero ano pa baa ng dapat niya asahan? Malapit si Isabelle sa pamilyang Guevarra. Kung tutuusin ay mas nauna nitong nakilala ang mga Guevarra kesa sa kanya at matagal na rin silang magkakilala ni Greyson noon pa man.
Kaya nga nang malaman ni Kenna iyon ay kaagad niyang inamin kay Isabelle ang nararamdaman nito para sa binata. Isabelle supported her all the way kaya hindi niya inaasahan na ang magiging matalik niya pang kaibigan ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay mag-asawa nila ni Greyson.
Akala niya ay magiging maayos na ang lahat dahil okay naman sila ni Greyson noong simula pa lang. Greyson never cheated on her and he gave her a lot of assurance that he will never cheat just like what her ex-boyfriend did to her kaya nagtiwala ito sa kanya. Lubos-lubos na tiwala ang ibinigay niya sa binata dahil alam niyang hindi iyon magagawa ni Greyson pero dumating ang kinatatakutan niya.
Greyson broke not only her trust but her heart.
Her heart shattered into million pieces.
She thought it was all her imagination at first because Isabelle cannot do that to her. Isabelle cannot betray her. Matagal na silang magkaibigan at talagang pinagkakatiwalaan niya ito pero sabi nga ng iba ay hindi sukatan ang mahaba at matagal na pinagsamahan kapag kaibigan ang pinag-uusapan dahil kahit na sino ay pwede kang traydurin sa kahit anumang oras at sa kahit anong lugar. Kaya nang makita niya si Greyson at Isabelle noong gabing ‘yon na naghahalikan ay halos madurog siya.
At ang pagkadurog niyang ‘yon ang naging mitsa ng lahat ng kamalasan na pinagdaanan niya mag-isa. She became a strong woman after that but the wounds in her heart cannot be healed easily.
Not when the two people she thought she could trust betrayed her.
“Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Isabelle.
Hindi nakaimik si Kenna. She cannot speak and the only thing she could do was to stare at her. Hindi niya rin alam kung matutuwa ba siya sa tanong nito na kung ano ba raw ang ginagawa niya rito. Malamang ay nakikiparty. Wala naman siya sana rito kung hindi lang dahil kay Greyson at sa kanyang lola.
“Hindi sinabi sa akin ni Greyson na nakabalik ka na. But I am happy that you and him are now okay,” masayang sabi nito rito. Napakurap si Kenna. It must be Greyson’s excuse. Siguro ay katulad ng sinabi nito sa magulang niya ang sinabi niya kay Isabelle pero ang nakakainis ay hindi nito sinabi sa kanya na nandito ang babaeng ‘to.
Tinitigan niya ang dalaga. Hindi siya naniniwala na okay lang ang pagbalik niya sa buhay ni Greyson. Sigurado siyang galit ito sa kanya. Afterall, it’s only a façade. Alam niya kung gaano kaplastik ang babaeng nasa harap niya. But she won’t speak ill about her. Kung ano man ang natutunan niya sa mga naranasan niya, iyon ay huwag gumawa ng kwento upang humilom ang sugat.
Galit siya sa mga taong nanakit sa kanya pero hinding-hindi niya gagawin na manira ng ibang tao porket nasaktan siya. She will never do that kind of thing. Kaya kahit masakit ang ginawa nila Greyson sa kanya, she kept herself quiet and backdown peacefully.
Ang tanging nakakaalam lang ng mga pinagdaanan niya ay walang iba kundi ang sarili niya at ang mga kaibigan niya na tinulungan siya at hindi nawala kahit kailan sa kanyang tabi.
“Welcome back,” nakangiting sabi ni Isabelle sa kanya. Huminga siya ng malalim at tanging pagtango lang ang isinagot niya rito. Lalampasan na niya sana si Isabelle nang magsalita ito na ikinatigil niya.
“Why did you come back, Kenna?” seryosong tanong nito. Mukhang wala na ang pagpapanggap nitong mabait dahil seryoso na ang mukha nito. Ang mukha niyang mala-anghel ay wala na at napalitan na ng seryosong ekspresyon na hindi niya maintindihan.
Why did she come back? Hindi niya rin alam. Kung hindi rin naman dahil sa offer ng KZ ay hindi talaga siya babalik dito. Kung may choice lang siya na tanggihan si Jayce sa mga project na inaalok sa kanya ay hindi niya ito tatanggapin. Pero huli na ang lahat para roon. Sino bang may gustong bumalik sa lugar kung saan maalala mo ang mga masasakit na alaala na dinanas mo dahil sa pag-ibig?
Humarap siya sa dalaga at saka muling tinignan ang dating kaibigan.
Gusto niya matawa dahil parang nabasa niya ang iniisip ng dating kaibigan kung bakit siya tinanong no’n. Iniisip ba nitong bumalik siya para kay Greyson? Bakit niya gagawin ang bagay na ‘yon matapos ang pagtatraydor na ginawa nila? Hindi pa naman siya nababaliw para gawin iyon. Kung hindi lang dahil kay Lola Corazon ay tiyak na hindi na magkukrus ang landas pa nilang muli.
“What do you think, Isabelle?” nakangising sabi nito.
“Me and Greyson… We’re doing okay,” seryosong sabi niya rito.
The audacity of this woman! Sigaw niya sa isip niya. Anong pakialam niya kung okay sila noong lalaking ‘yon? She’s here because of that man’s request. She’s just doing him a favor kaya siya nandito ngayon. Ni hindi nga kasama sa listahan niya ang lalaking ‘yon eh. At wala rin sa isip niya na makikita ang ahas niyang kaibigan dito sa party. Hindi naman siya informed na pwede pala ang ahas dito.
“I don’t care if you’re doing okay with my husband, Isabelle,” malamig niyang wika rito. Wala naman talaga siyang pakialam kung okay sila ni Greyson. Alam niya kung saan siya lulugar, hindi kagaya niya.
“I know the truth,” sabi ni Isabelle sa kanya. Hindi siya nagsalita. “Sinabi niya sa akin na magkunwaring walang alam para hindi mapahamak si lola.”
“Huwag ka sana makapante na porket ikaw ang hiningian ng tulong ay magkakabalikan na kayong dalawa. Ako ang pinili, Kenna.”
Parang biglang tumaas ang presyon niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Talaga bang si Isabelle ang kausap niya? Bakit parang gusto niya mandilim ang kanyang paningin at hayaan ang sarili na saktan ito. Anong karapatan niya na sabihin ang mga ‘yon sa kanya? Kahit hindi niya sabihin ay malinaw ang mga ‘yon. Hindi naman siya tanga. Kaya nga nakipaghiwalay sa kanya si Greyson ay dahil sa ibang babae at siya ‘yon.
Pero imbes na mas piliin ang bayolenteng paraan ay nanatiling kalmado si Kenna. May delikadesa pa naman siya. Hindi siya gagawa ng gulo sa mismong kaarawan ni Lola Corazon kahit gusto na niya itong kalmutin sa mukha na parang pusa.
Ngumiti si Kenna sa kanya. “Huwag ka rin sana maging makapante. Ako ang asawa sa harap ng maraming tao. Sa mata nila, ako ang pinili, Isabelle,” nakangising wika naman nito.
“Alam mo kung anong pagkakamali ko? Nagawa kong magtiwala sa taong akala ko totoong tao talaga pero hayop pala,” dagdag pa niya bago umalis sa kanyang harapan.
Hindi siya makapaniwala na sinabi ni Greyson ang totoo kay Isabelle pero ano pa bang aasahan niya? Malinaw naman kung bakit sinabi niya ang totoo rito at dahil iyon sa may relasyon silang pilit na itinatanggi ni Greyson noon sa kanya. Hindi niya rin matanggap ang katotohanang nagtanong ito kung bakit siya bumalik sa Metropolis. Anong akala niya? Na gugustuhin pa niyang bumalik dito matapos ang mga dinanas niya? Kung siya ang masusunod ay hindi na talaga pero dahil sa proyekto na pinili ni Jayce para sa kanya ay wala siyang choice kundi ang bumalik dito. Hindi niya rin naman kasi alam na si Greyson ang kliyenteng sinasabi ni Jayce. Malay ba niyang ang dati niyang asawa ang magiging kliyente niya para sa proyekto.
Nanahimik siya sa isang sulok tapos bigla siyang kakausapin na para bang siya ang may kasalanan kung bakit siya nandoon. Parang pakiramdam niya ay siya pa ang nakikisali lang siya sa party na ‘yon dahil si Isabelle naman ang inimbitahan at hindi siya. Hindi niya tuloy maiwasan na hindi mainis. Hindi niya rin matanggap na si Isabelle pa ang may gana na makipag-usap ng ganoon sa kanya samantalang siya naman ang sumira ng pamilyang binubuo nila ni Greyson noon. Imbes na humingi ito ng tawad sa mga kasalanang ginawa nila noon ay talagang siya pa ang mataray at nagmamatapang. Tss.
Ayaw niyang masira nang tuluyan ang gabi niya kung kaya’t pilit niyang kinalimutan ang nangyari sa pag-uusap nila ni Isabelle. Natitiyak siyang kapag ikinuwento niya sa mga kaibigan ang nangyari ay baka sugudin ito ng mga ‘yon ngayon dahil sa mga sinabi nito sa kanya. Pero wala siyang oras sa pakikipag-away ngayon kaya papalipasin niya muna ng ilang araw bago sabihin ang mga nangyari dahil baka kung saan pa ito umabot.
Inayos niya ang sarili niya sa loob ng cr at pagkatapos ay nagretouch ng make-up na nasa loob ng bitbit niyang pouch. After her retouch, lumabas na siya at nagpakitang muli sa mga tao. She saw her husband talking to Isabelle, smiling from ear-to-ear na parang nakalimutan na ata na may asawa siya. Tila kumirot naman ang dibdib niya sa nakita na kaagad niyang inilingan.
Lumipat ang atensyon niya sa mga naglalakad na waitress. Tinawag niya ang isang waitress at kumuha ng alak na siyang bitbit nito at nilagok iyon ng isang lagukan lang. Gusto niya magpakalasing ngayong gabi. Wala na siyang pakialam kung hindi kaaya-aya ang inaasta niya. Greyson probably doesn’t care on what will she do because he’s busy with his own affair.
Kahit nakabalik na siya ay harap-harapan pa rin nitong isinasampal sa kanya ang panlolokong ginawa nila noon.
“Hey,” bati sa kanya ni Raven. Isa sa mga pinsan ni Greyson. She smiled on him. Magkasing-edad lang sila ni Greyson. Tanda niya na ito rin ang madalas niyang kasama noong okay pa ang lahat sa kanya.
Kagaya ni Greyson ay nakasuot din ito ng itim na suit. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa ay nakababa ang buhok nito at hindi nakabrushed-up na katulad noong kay Greyson.
“It’s been a while. Akala ko ay magdadahilan na naman ang pinsan ko sa akin.” Yinakap siya nito saglit.
“Well. Sorry kung matagal akong nawala.” Umupo silamg dalawa sa bakanteng upuan sa may pabilog na lamesa at doon nagsimulang magkwentuhan.
“Are you staying here with Greyson for good?” tanong nito sa kanya. Umiling naman siya sa binata. “May tinatapos lang akong project pero pagkatapos no’n ay babalik na ako sa ibang bansa.”
“Buti pinayagan ka ni Greyson.”
Tumawa siya. “Well. He cannot do anything naman but to agree. He’s the CEO of his own company. Habang ako naman ay architect under KZ na nakabase sa ibang bansa. Kahit ayokong bumalik at manatili rito kasama si Greyson ay hindi pwede dahil empleyado nila ako roon.”
“Bakit hindi ka mag-resign? Marami namang architectural firm dito sa Metropolis.”
Totoo naman iyon. Pero hindi niya iyon magi-give up kahit anong mangyari. Lahat ng tao roon sa KZ ay halos tinuturing na niyang pamilya. Bakit niya iiwan ang pamilya niyang kumupkop at tumulong sa kanya na makaangat at makapunta sa pwestong kinalalagyan niya ngayon?
“I love being on KZ,” sabi niya na may kasamang pag-iling.
“Kahit malayo kay Greyson?” dudang tanong ng binata sa kanya. Naniniwala si Kenna na nagwowork naman ang relasyon kahit long distance relationship basta ba ay may tiwala sa isa’t isa. Pero duda siyang magagawa niya iyon kay Greyson dahil matagal na nawala ang pagtitiwala na mayroon siya nang lokohin siya nito.
“Well. Pwede naman siyang pumunta sa ibang bansa kahit kailan niya gustuhin,” sagot naman niya rito.
“Bakit kasi hindi pa kayo magkaanak?” tanong niya na ikinatigil nito. Muling umibabaw na naman ang kirot sa kanyang dibdib. Huminga siya ng malalim at nginitian ang binata na ngayon ay pinapanood ang bawat reaksyon niya.
Bumalik na naman sa anak ang topic. Totoo pala talaga na kahit anong iwas niya ay alam niyang hindi maiiwasan ‘yon lalo na at ang alam ng mga ito ay mag-asawa pa rin sila. At katulad nga ng parati niyang isinasagot sa mga tao ay iyon din ang isinagot niya kay Raven na may kasamang pilit na ngiti.
“Wala pa sa isip namin ‘yan.”
Nagpatuloy ang pagkukwentuhan nila ni Raven. Hindi niya maiwasan na mapahagikgik sa mga kwento nito dahil sa mga nangyayari sa buhay niya habang wala siya. Tumigil lang sila sa pagtawa nang may humigit sa braso ni Kenna dahilan para mapatingin silang dalawa.
“Greyson.”