Kabanata 8

2062 Words
Kabanata 8   ABALA si Greyson sa pagbati sa mga bisita kaya naman iniwan niya muna si Kenna saglit kela Paxton para may kumausap sa dalaga habang wala siya. He knows how uncomfortable their situation is but he cannot do anything about that. At nagpapasalamat siya na kahit sobrang hindi kumportable ng sitwasyon nila ay pumayag pa rin si Kenna sa pagpunta sa party. Alam niya na napilitan lang si Kenna dahil sa kanyang lola and he felt sorry for her. Kung sinabi niya lang sana ang totoo ay hindi siguro sila mapupunta sa ganitong sitwasyon. Wala siyang balak idamay si Kenna sa pagsisinungaling niya. Everyone thought that they are living happily on their marriage. Iyon din ang naisip niya. Hindi niya naisip kailanman na maghihiwalay silang dalawa pero siguro nga ay dumating sila sa puntong hiwalay na lamang ang tanging paraan para maging masaya sila pareho. Bigla niya tuloy naalala ang sinabi ng kanyang ina sa bahay kung kailan ba sila magkakaanak ni Kenna. Bago pa sila makasal ni Kenna ay pangarap na niya magkaroon ng dalawang anak kaya nang makasal sila ay akala niya ay makakabuo na kaagad sila ng pinapangarap na pamilya pero nagtatrabaho si Kenna bilang model sa isang magazine at sa isang taon pa ang tapos ng kontrata. As much as they want to have kids as soon as possible, they can’t dahil breach of contract ‘yon. Kenna finished her contract as soon as possible kahit wala pang isang taon ang kontrata niya sa magazine dahil gusto niya maibigay ang gusto ni Greyson, at iyon ang magkaanak sila. But another problem came. Giving birth is too low. When the doctor spread the news to them, their world falls apart. Hindi alam ni Greyson kung paano tatanggapin iyon, even Kenna didn’t know what to do. At alam niyang dapat sa mga ganoong oras ay nagdadamayan sila bilang mag-asawa dahil iyon naman dapat talaga ang ginagawa ng mag-asawa pero hindi niya ginawa. He left Kenna. He let her suffered alone. But he didn’t hear any hurtful words from her that time. Instead of hating him, ginawa ni Kenna ang lahat para maiayos pa ang buhay mag-asawa nila. Akala nila ay magiging maayos na sila pero panibago na naman problema ang dumating sa kanila. And he felt guilty dahil alam niya sa sarili niya na wala siyang ginawa para kay Kenna. “Greyson,” sabi ng kanyang ina. “Ma, where is lola?’ tanong niya rito. His mother is wearing a white long dress, it’s simple but elegant. Talagang bumagay ang kulay ng kanyang suot sa balat nito. Kausap ng kanyang ina ang mga kumare nito bago siya nito nagawang tawagin. “Nasa taas pa hijo pero sinabihan ko na bababa na siya mamaya. Where is Kenna? I don’t see her.” Nagpalinga-linga pa ang ginang upang makita ang asawa nito. “Nasa table na, Ma. Iniwan ko muna kela Paxton. I need to greet the visitors,” sagot niya sa ginang. “Where’s Pa?” tanong niya sa kanyang ina. “Your father is talking to some visitors over there. Magpakita ka rin sa kanila. Mr. Marquez wants to meet you.” Tumango naman siya sa kanyang ina at pupunta na sana sa kanyang ama para magpakita sa ilang bisitang kasalukuyang kausap nito nang hawakan siya ng kanyang ina sa braso. “By the way hijo, nandito nga pala si Isabelle.” “What?” gulat na tanong niya sa kanyang ina. “I said Isabelle is here. Kanina ka pa nga niya hinahanap.” Hindi siya nagsalita. He sent her an invitation. At nakalimutan niyang sabihin iyon kay Kenna. Marahil ay nagkita na silang dalawa ngayon. Isabelle is the main point of Kenna’s doubt dahil kaduda-duda nga naman ang relasyon nilang dalawa. He admits that Isabelle is his mistress. He fell in love with her after he found out the low possibility na magkakaanak silang dalawa ni Kenna. Noong mga panahong ‘yon, si Isabelle ang karamay niya sa lahat ng problema niya. She’s always there for him. Hindi siya kailanman nawala. Pero hindi niya ‘yon magawang aminin sa sarili niya at sa ibang tao na totoo ang binabato sa kanya ni Kenna noon pa man. Kenna tried to save their marriage. Pinakiusapan siya nito na gagawin niya ang lahat para lang maisalba ang buhay mag-asawa nila pero sa huli ay hindi niya ito pinagbigyan. He still chose Isabelle despite of their promise to be together until their last day on earth. “May problema ba hijo?” tanong ng kanyang ina. Umiling naman ito at saka ngumiti. “Hanapin ko lang muna si Isabelle, Ma. Balikan ko kayo ni Papa,” sagot niya sa kanyang ina at saka hinanap si Isabelle. Kailangan nila mag-usap. Kung nagkita na sila ni Kenna ngayon, she probably knows now the story that he made para matakpan ang nangyari sa nakaraan. Sinabi niya ang totoo kay Isabelle dahil alam niyang deserve nito malaman ang totoo. Pati iyong pagpapanggap nila ni Kenna sa loob ng tatlong buwan ay sinabi niya rin. Noong una ay hindi pumayag si Isabelle but she must understand that he didn’t tell anyone about their divorce at kung ano ang dahilan ng paghihiwalay nila. Dahil kapag nalaman iyon ng mga ‘yon ay paniguradong hindi na makakalapit pa si Isabelle sa kanya. Pagkatapos ng pakikipaghiwalay ni Greyson kay Kenna ay tinapos na rin niya ang sa kanila ni Isabelle. Marami siyang narealize pagkatapos mawala ni Kenna sa kanya. Kumbaga para siyang nabagok ang ulo sa kalsada kaya luminaw lahat ng desisyon niya sa buhay. Noong una ay hindi iyon matanggap ni Isabelle. She thought he already chose her after signing those divorce papers pero sa huli ay wala pa rin pala siyang pinili sa kanila. Humingi siya ng tawad kay Isabelle pagkatapos no’n. Pinatawad naman siya ng dalaga sa mga ginawa niya. Nagpatuloy pa rin ang komunikasyon nilang dalawa pero bilang kaibigan na lang at paminsan-minsan na lamang sila magkita kumpara noong magkarelasyon sila. He really didn’t want to lose Isabelle. Ayaw niyang mawala pati ang pagkakaibigan nila dahil lang sa isang pagkakamaling relasyon na minsan na nilang nagawa kaya nagawa ni Greyson na makipaghiwalay sa kanya. Naisip niya na para naman ito sa lahat kung tutuusin. Isabelle agreed on his decision. Ang huling pag-uusap nilang dalawa ay nang sabihin nito kay Isabelle ang pagpapanggap nila ni Kenna bilang mag-asawa muli sa kabila ng paghihiwalay na nangyari noon. Ang paghihiwalay na nangyari sa kanila ni Kenna ay naging tahimik at maayos kaya naman walang masyadong nakakaalam bukod sa mga kaibigan nila at kay Isabelle. He admits that he’s a jerk for making Kenna cry despite of their promises. Ipinangako niya na hindi niya na papaiyakin si Kenna sa sakit at lungkot pero ginawa niya pa rin. He broke her heart into tiny million pieces. And he knows that divorce changed her a lot. May nakikita siya kay Kenna na natatakot siyang alamin dahil alam niya na isa siya sa pwedeng dahilan kung bakit nagkagano’n. The happiness on her eyes that he used to see is now empty. She’s still smiling but it’s empty. It’s like a shallow of darkness is living inside her and he’s the main cause of it. Natatakot siyang alamin ang totoo sa mga panahong naghiwalay sila ni Kenna dahil baka masampal siya ng katotohanan na maling-mali ang ginawa niyang desisyon na makipaghiwalay dito. Na kahit pagsisihan niya pa lahat ay huli na ang lahat para roon. Natatakot siyang masaktan sa malalaman niya kaya kahit nakakaduwag ay pilit niyang tinatakbuhan ang mga tumatakbong palaisipan sa isip niya. Huminga siya ng malalim. Iginala niya ang tingin sa lamesa kung nasaan si Kenna at Paxton. Nag-uusap ito ngayon at kasalukuyang tumatawa si Paxton sa kanyang asawa. Ano kayang pinag-uusapan nila? Siguro ay kalokohan na naman ang sinasabi ni Paxton sa kanya. Paxton is the reason why he inquired in KZ Achitectural dahil magagaling ang architect doon. Naniwala siya sa sinabi ni Paxton kaya tumawag siya at sakto naman na kaagad na may ipinunta silang architect para sa project na gusto niya. Hindi niya nga lang inaasahan na si Kenna ang architect na ipapadala. Coincidence? He doesn’t know. Sa kanilang magkakaibigan, si Paxton ang pinakamahirap basahin kahit na marami siyang kalokohan. No one could think what Paxton is thinking kaya hindi niya rin alam kung isa rin ba ito sa mga plano niya. Manipulative? Maybe.  Pero wala na siyang pakialam. Kenna is doing her job anyway. Pagkatapos ng party na ito ay balik na ulit sila sa trabaho. They will start the project tomorrow by visiting the site para simulan ang paggawa. Hinanap niya si Isabelle sa gitna ng maraming tao. “Isay.” She smiled at him. Tinignan niya ang dalaga. Nakasuot ito ng kulay itim na dress na lampas tuhod ang haba. The simple black dress looks really good on her. Her brown hair is on a curly style that made her more beautiful. “Hindi ko alam na pupunta ka,” mahinahon niyang wika sa dalaga. “Well, I just saw your invitation that you’ve sent me Nakalimutan sabihin sa akin ni Manang ang tungkol dito kaya hindi ako nagtext,” paliwanag niya at saka ngumiti. “Did Paxton know that you’re here?” tanong niya sa dalaga. Pinsan ni Paxton si Isabelle kung kaya’t noong naghiwalay sila ni Kenna at nalaman na isa si Isabelle sa punong dahilan ay si Paxton ang pinakakinawawa ng mga kaibigan nila. Normal lang naman na pumanig si Paxton sa kanyang pinsan dahil kamag-anak niya ‘yon pero ang tingin ni Violet at ng mga iba pa nilang kaibigan ay masyado nitong kinukunsinti si Isabelle na hindi matanggap nila Violet. Muntik pa nga magkaproblema si Paxton kay Kayce dahil dito. Hindi niya rin naman masisisi ang lalaki kung si Isabelle ang kakampihan niya dahil pinsan niya nga ito at magkasama na sila noong mga bata pa lang. And Paxton know Isabelle’s feelings towards him.  “Yes. Hindi ba nasabi sa’yo?” tanong nito sa kanya. Paxton. Masasakal niya ang kaibigan sa kalokohang ginawa niya. Paano na lang pala kung magwala si Kenna sa party dahil nandito si Isabelle? Siguradong siya ang masisisi. Mabuti na lang at hindi na ganoon kaapektado si Kenna sa dati nitong kaibigan kundi ay lagot siya. “Is there any problem? I already saw Kenna,” wika niya. Hindi namman na nagulat si Greyson doon. Alam niya na hindi malabong magkita sila lalo na at maliit lang naman itong mansion. Hindi rin naman malaking lugar ang Metropolis para hindi nila magawang magkita. Iyon nga lang ay alam din niya na hindi magiging maganda ang pakikitungo ni Kenna rito dahil sa kanya nagsimula lahat. “Nagkausap na kayong dalawa?” tanong niya rito. Mabilis na tumango ang dalaga sa kanya. “Wala pa rin siyang ipinagbago. She’s still the Kenna that I used to know. By the way, how are you?” She used to know? He doubts that. Para sa kanya ay malaki ang pagbabago ng dati niyang asawa. She’s not the woman who is bubbly and innocent. Mataray na ito ngayon at palaban. Halatang kapag hinamon mo ng pakikipaglaban ay hindi ito aatras. But he’s thankful that she became a fighter and now a strong woman. “I am fine.” “Mabuti naman kung ganoon.” Makikipagkwentuhan dapat pa siya kay Isabelle to catch up things with her when he suddenly saw Raven, his cousin who admire his wife, talking to her. Nakikipagtawanan naman si Kenna sa kanya. Wala sa sariling kumunot ang noo niya sa dalawa at tila biglang naglaho si Isabelle sa kanyang paningin dahil sa hindi pagpansin dito “Greyson?” mahinang tawag ni Isabelle sa kanya. Naramdaman pa nga niya ang paghawak sa kanya ni Isabelle ng bahagya pero kaagad niyang tinanggal ang pagkakahawak sa kanya at pumunta kay Kenna. “Wala sa sariling naglakad siya ng mabilis papunta kela Kenna sa kabila ng maraming taong bumabati sa kanya. Even Isabelle is trying to call him out pero hindi niya ito pinansin sapagkat nakapokus lang ang tingin nito kay Kenna. Nakaramdam siya ng bahagyang inis sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag. Bakit ba nakikipagtawanan itong si Kenna sa pinsan niyang si Raven? Anong pinag-uusapan nila na nakakatawa at napangiti pa si Kenna? Without having a second thought, he pulled his wife away from his cousin. “Greyson.”    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD