CHAPTER 8

1384 Words

WHAT now? Iyon ang kanina pa naiisip ni Draco nang papunta siya sa Visperas Hotel upang makipagkita kay Janine. Sa loob ng labing limang taon mula ng magpakasal ang kaniyang ina kay Alan Visperas ay hindi siya umapak sa loob ng hotel na iyon maliban na lamang noong mismong araw ng kasal ng dalawa. Doon kasi ginanap ang reception. Habang nakatingin siya kay Janine na naglalakad na palapit sa puwesto niya sa restaurant ay napagtanto niya na parang iyon din ang tanong na tumatakbo sa isip ng dalaga. Nakataas ang noo nito at mahigpit ang pagkakakipkip sa dibdib ng folder pero nakikita ni Draco ang determinasyon sa mga mata ni Janine. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng kuryosidad kung bakit gusto nitong makipag-usap sa kaniya. Huminto sa mismong harap niya si Janine at bahagyang ngumiti. “Hi,”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD