NATULALA si Janine sa kaniya bago mabilis na nag-iwas ng tingin. Hindi tuloy niya nasiguro kung sakit nga ba ang nakita niyang kumislap sa mga mata nito o baka nagkamali lamang siya ng tingin. “Well… kung ayaw mo pwede naman ako magtalaga ng ibang tao para -” “No. Hindi ganoon ang ibig kong sabihin,” pigil ni Draco sa sasabihin pa nito. “You have been avoiding me since so long ago. Ayos lang ba talaga sa iyo na makatrabaho ako?” Umawang ang mga labi ni Janine sa pagkamangha. “Palagi kong sinasabi sa iyo na hindi kita iniiwasan,” giit ng dalaga. Pagkatapos ay naningkit pa ang mga mata at bumakas ang inis sa mukha. “Ikaw nga ang umiiwas. Hindi ba at nagpahaging ka pa na ako ang dahilan kung bakit hindi ka umuuwi? Hindi ko pa rin naiintindihan ang ibig mong sabihin nang sabihin mo iyon sa