CHAPTER 3

901 Words
NAKAKAPAGOD ang araw na iyon. Gabing gabi na nakauwi sa bahay sina Janine pero puno pa rin ng energy si mommy Diana. Mula nang umalis sila ng ospital hanggang maihimpil niya ang kaniyang kotse sa garahe at makapasok na sila sa bahay ay tungkol sa baby at sa nalalapit na kasal ni Ryan at Jesilyn ang bukambibig ng may-edad na babae. “Hay, mabuti pa si Elsa may apo na at ikakasal na ang anak,” pabuntong hiningang bulalas pa ni mommy Diana at sumulyap sa kaniya. “Ang anak kong lalaki ay hindi mapakali sa isang lugar ng matagal habang ang anak ko namang babae ay ni ayaw napapadikit sa ibang tao. Paano ko makikitang ikasal ang mga anak ko at magkaroon ng pamilya?” Napangiwi si Janine. “Mommy,” pareklamong usal niya. “Diana, bago mo pilitin mag-asawa si Janine ay hindi ba dapat gawan muna natin ng paraan para manatili na sa bansa for good si Draco? Mas matanda ang batang iyon ng ilang buwan kay Janine kaya dapat siya ang mauna lumagay sa tahimik.” Nakahinga ng maluwag si Janine at napatingala sa itaas ng hagdan ng kanilang bahay nang marinig ang tinig ng kaniyang ama. Galing ito sa right wing ng ikalawang palapag kung nasaan ang Master’s bedroom, study at library. Bumaba ito ng hagdan hanggang makalapit sa kanila. Tiningnan siya ng daddy niya at umangat ang mga kilay na ibinuka ang mga braso. “Nasaan ang I’m home kiss and hug ko?” pabirong sabi nito. Napangiwi si Janine at umiling. Alam naman ng kaniyang ama na hindi talaga siya komportableng yumakap lalo na kung galing siya sa labas ng bahay pero gabi-gabi pa rin nitong ginagawa iyon. “Galing kami sa ospital daddy. Bukas na lang kita yayakapin bago ako magpunta sa hotel,” paiwas na sagot niya. Nagkatingnan ang mag-asawa at parehong napailing. “Janine, hindi nakakamatay ang kaunting germs,” sabi ng daddy niya na umakbay pa sa mommy Diana niya. “Kapag mahal mo ang isang tao, kahit gaano pa karaming germs ang nakadikit sa kaniya, hindi mo na iyon mapapansin, hindi ba, mahal?” malambing na tanong nito sa may-edad na babae na ngumiti naman at yumakap din sa kaniyang ama. Napailing si Janine. Hindi lang naman kasi tungkol sa germs ang dahilan kung bakit ayaw niyang nadidikit sa mga tao. Hindi lang niya kayang ipaliwanag sa daddy at mommy niya dahil kapag ginawa niya iyon ay mauungkat ang isang bahagi ng kaniyang nakaraan na ayaw na niyang maalala. Napatingin siya sa mag-asawa na ngayon ay nakangiti na sa isa’t isa at nagbubulungan ng sweet notings. Napangiwi siya. Kapag ganoong nagsimula na maglambingan ang dalawa ay hindi na paaawat ang mga ito. “Aakyat na po ako sa kuwarto ko. Goodnight, daddy, mommy,” paalam ni Janine. “Teka, pag-uusapan pa natin kung paano natin mapapanatili sa bansa ang kapatid mo,” habol ni mommy Diana nang makailang hakbang na siya sa hagdan. Napahinto si Janine. Sumagi sa isip niya ang mukha ni Draco at ang huling pag-uusap nila kanina sa ospital. Sino sa tingin mo ang dahilan kung bakit hindi ako umuuwi? Para siyang sinampal sa sinabing iyon ng binata. Pero kahit anong isip ang gawin niya ay hindi niya malaman kung ano ang kasalanan niya at ni hindi maatim ni Draco na umuwi dahil sa kaniya. At bakit ba palagi na lamang sa argumento nauuwi ang bihira nilang pag-uusap? Noon, sa maiksing sandali ay inakala niyang magiging maayos ang relasyon nilang dalawa. “Janine?” tawag ng daddy niya. Huminga siya ng malalim at nilingon ang mag-asawa. “Hiling niyo ba talaga na permanente nang manatili sa bansa si Draco at madalas na kayo bisitahin?” “Of course,” sabay na sagot ng mag-asawa. Ikinuyom ni Janine ang mga kamao at tumango. “Kung ganoon mag-iisip ako ng paraan. Kapag may naisip ako sasabihin ko sa inyo bukas. Goodnight.” Iyon lang at tumalikod na siya at nagpatuloy sa pag-akyat sa ikalawang palapag. Isa sa dalawang silid sa left wing ng second floor ang kuwarto ni Janine mula pa noon. Naglakad siya at huminto sa kaniyang silid. Sa gilid ng pinto niya ay may nakadikit na sanitizer pump sa pader na katulad sa restrooms ng hotel nila. Naglagay muna siya ng sanitizer sa kaniyang mga kamay bago hinawakan ang seradura at binuksan ang pinto. Bago siya tuluyang pumasok sa kaniyang silid ay napasulyap muna siya sa isa pang pinto sa bahaging iyon ng second floor. Iyon ang silid na inookupa ni Draco mula noong labinlimang taong gulang sila. Inalis ni Janine ang tingin sa bakanteng silid at tuluyang pumasok sa sarili niyang kuwarto. Kinuha niya ang air freshener na nakapatong sa lamesa sa gilid ng pinto at nag-spray muna sa loob ng kaniyang kuwarto bago binuksan ang aircon. Nang malanghap ang mabangong fruity scent ng air freshener ay saka lamang nakuntento si Janine at nagtungo sa banyo para maligo. Nang buksan niya ang shower at bumuhos ang maligamgam na tubig sa kaniyang katawan ay tila nakisabay ang mga alaala sa pagdaloy sa isip ni Janine. Marahil iyon ay dahil nang pumikit siya ay nakinita niya ang mukha ni Draco kanina sa ospital, noong ga hibla lamang ang layo niyon sa kaniyang mukha. Bigla niyang naalala noong panahong hindi pa sila pormal na magkakilala. Labing limang taon na ang nakararaan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD