CHAPTER 10

1095 Words

HAPON na nang sa wakas ay maubos rin ang mga appointment ni Janine para sa araw na iyon. Napabuntong hininga siya dahil mas pagod ang pakiramdam niya ngayon kaysa dati. Palibhasa ay sa bawat break niya ay hindi niya mapiwasang mapaisip kung saang bahagi na ng hotel naroroon si Draco o kung nakaalis na ba ito. Pagkatapos ay sa tuwing bumabalik sa isip niya ang naging pag-uusap nila ay bumabalik sa panginginig ang mga tuhod niya.             Sana lang hindi napansin ni Draco na buong sandaling magkausap sila ay labis ang kaba ni Janine. Matinding will power ang kinailangan niya para lang magkunwang walang anuman sa kaniya na magkaharap sila at magkausap ng binata. Mas matindi pa ang kaba niya habang kausap si Draco kaysa kapag may mga kausap siyang importanteng mga tao. Marahil dahil teena

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD