BATA pa si Janine ay mahilig na siya sa art. Mahilig siya sa paintings at kumuha pa siya ng art lesson bilang suporta ng kaniyang ama sa hilig niya. Kaya lamang ay ayaw ng art sa kaniya. Kahit anong gawin niya ay hindi siya nag-improve. Palaging may mas magaling sa kaniya. Kaya noong high school siya ay tinanggap na lamang niya sa sarili na hanggang art appreciation lang siya. Lalo na nang una niyang makita ang mga doodles at sketches ni Draco. At habang lumilipas ang mga taon ay lalong nag-e-evolve ang art ng binata. Lalong mahirap alisin ang tingin kapag nakita na. Lalong nagkaroon ng kakaibang karisma. Iyon ang napagtanto ni Janine nang makita niya ang laman ng sketch pad na iniwan nito sa kaniya. Nawala ang kahit anong alinlangan at kaba na akala niya ay mararamdaman niya kapag kinai