Sumikdo ang puso niya nang bago mag-angat ng tingin si Draco ay nahuli na niyang nakatingin ito sa mga labi niya. Nagtama ang kanilang mga mata at sandaling pakiramdam ni Janine ay may kakaibang boltahe ng kuryente ang namagitan sa kanilang dalawa. Siya ang hindi natiis ang tensiyon. Tumikhim siya at sa pagmamadaling may gawin ay mabilis niyang hinawakan ang mga kubyertos at nagsimulang kumain. Nang muli siyang maglakas loob na tumingin kay Draco ay may ngiti na sa mga labi nito at tila aliw na aliw pa habang pinagmamasdan siya. “What?” sikmat ni Janine kahit pa nararamdaman niya ang pag-iinit ng mukha at buong katawan niya sa tinging ipinupukol nito sa kanya at sa ngiting halos hindi niya nakikita sa nakaraang mga taon. Hindi nawala ang ngiti ni Draco nang sumagot, “Naisip ko lang na