ALAS onse na ng gabi nang magpaalam si Draco na aalis na. Agad na nagreklamo ang mga magulang nila. “Dito ka na magpalipas ng gabi. May kuwarto ka naman dito,” sabi ni mommy Diana. “Tama ang mommy mo. Janine, ihatid mo nga ang kapatid mo sa kuwarto niya. Hindi na siya puwedeng umuwi,” sabi naman ng daddy niya. Napaigtad siya at agad napatingin kay Draco na napabuntong hininga na lang himbis na magreklamo. Katulad niya ay hirap din ang binata na tumanggi kapag ang mga magulang na nila ang nagsabi. “Sige na, umakyat na kayo. Tatapusin pa namin ng daddy niyo ang pinapanood namin,” taboy pa sa kanila ni mommy Diana. “Okay. Goodnight, mommy, daddy,” sabi na lang ni Janine at nagpatiuna na para umakyat sa ikalawang palapag ng kanil