Tumigil lang si Janine sa pagtitig sa mukha ng binata nang nasa tapat na sila ng elevator at niyuko siya nito. “Pindutin mo na ang button,” malumanay na susog nito sa kaniya. Napatingin siya sa arrow button sa gilid ng elevator. Umangat ang kamay niya pero huminto din sa ere ilang pulgada ang layo roon nang makinita ni Janine kung ilang kamay na ang humawak niyon. Halos nakikinita pa nga niya ang invisible germs na nakadikit sa button na iyon. Nanlamig siya at nakagat ang ibabang labi. Hindi yata niya kaya…. Napasinghap siya nang maramdaman na lumapit pang lalo sa kaniya si Draco at yumuko hanggang nasa bandang tainga na niya ang mga labi nito. “You can do it. It’s not dirty,” bulong sa kaniya ng binata sa mababang tinig na tila mainit na haplos sa likod niya. Napahugot siya ng malalim