“ANONG ginagawa mo diyan?” nakataas ang kilay na tanong ni Almira nang maabutan si Janine sa labas ng entrada ng Visperas Hotel. Kasama nito ang isang security personnel at parehong may mga bitbit na take-out coffee ang dalawa. Nang mga sandaling iyon ay nahamig na ni Janine ang sarili kaya nagawa niyang magsalita agad. “Hinihintay ko ang kape.” “Iyon lang?” dudang tanong ng kaibigan niya. “Of course. Akin na iyong sa amin ni Draco,” sabi ni Janine at kinuha ang hawak ng security personnel sa isang kamay. “Thanks. Sige na bumalik ka na sa duty mo.” “Yes, ma’am.” Iyon lang at umalis na ang lalaki. Naiwan sila ni Almira at dahil ayaw ni Janine na pag-usapan ang nangyari sa pagitan nila ni Draco kanina ay nagsimula na lang siyang maglakad papasok sa lo