HINDI mahilig mag-overtime si Janine. Palagi ay sinisiguro niyang tapos ang mga trabaho niya within working hours. Kaya naman napapailing na lamang siya sa sarili nang kahit dapat nang umuwi ay hindi niya magawang tumayo mula sa swivel chair niya. Umuwi na ang sekretarya niya at natapos na niya lahat ng trabaho niya para sa araw na iyon ay nanatili pa rin sa hotel si Janine. Tingin lang siya ng tingin sa relo dahil… “God, I’m crazy,” pabuntong hiningang nabulalas ni Janine. Ang totoo kasi ay hinihintay niyang mag-alas dose dahil gusto niyang makitang magpinta si Draco. Ang tagal na kasi mula nang makita niya itong nagpipinta. Bigla niya iyong naalala dahil sa sinabi ng binata sa kaniya kanina na patungkol noon kolehiyo sila. Noong hindi pa sila nag-iiwasan ay palaging sa kaniya unang pina