CHAPTER 20

1599 Words

SA SUMUNOD na mga araw ay nagkaroon ng kakaibang sigla ang mga empleyado ng Visperas Hotel. O mas tamang sabihin na nagkaroon ng mapag-ti-tsismisan at masisilayan ang mga babaeng empleyado mula nang gabi-gabi nang nagpupunta roon si Draco. Usap-usapan ang “guwapong painter” na nakakaalis daw sa antok ng mga empleyadong pang gabi ang shift. Bukod doon ay may kumakalat din na tsismis na may relasyon daw ang painter na iyon at ang boss ng Visperas Hotel. Which happened to be Janine. At dahil wala namang nagtatanong sa kaniya ng katotohanan maliban kay Almira ay hindi naman niya mapabulaanan ang tungkol sa balitang iyon. Si Almira naman ay hindi naman ma-tsismis na tao kaya hindi rin nagsasalita. “Hayaan mo sila kung ano ang gusto nilang isipin,” balewalang sabi ni Draco at sumubo ng pagkain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD