MAXINE'S POV
Masama kong tiningnan ang pag mumukha ni Gideon na ngayon ay nasa harap ng pinto ng unit ko. "Ano ba ang kailangan mo at nandito ka?" tanong ko dito.
"I heard what happened. Are you okay?" tanong nito.
Inirapan ko ito bago sumagot. "Kung sasabihin ko na Okay lang lang aalis kana?" tanong ko dito.
Tumango ito bilang sagot. "Good okay lang ako at ayoko na makita pa ang pagmumukha mo!" singhal ko dito.
"Okay i have to go. But please ang mga gamit na nilagay ng Lolo mo sa unit mo ay tingnan mo. " maka hulugan nitong wika at umalis na lang bigla.
Saglit ko pang tiningnan ito hanggang mag sada ang elevator nang bigla kong mapag tabto ang sinabi niya.
Nanlaki ang mata ko. "Gamit na nilagay ni Lolo dito?" tanong ko sa hangin.
Agad kong sinara ang pinto at pumasok ako sa loob diretso sa kwarto ko. Kinuha ko ang box at lumundag ako sa kama ko. Kinuha ko ang picture na nandito.
"Anong meron sa'yo?" tanong ko. Nakita ko ang litrato ng batang babae.
Nag salubong ang kilay ko nang mapansin kong may pagkaka hawig ang mukha nito sa child picture nila noon sa mansion.
Agad kong inaaala kung sino ang batang babae na ito sa pamilya bukod sa'min ni Celine. Muli kong tiningnan ang litrato nila sa internet.
Kilala ko si Celine lagi itong nag a-upload ng throwback picture. Binuksan ko ang social media account ko at nag tungo ako sa profile ni Celine.
Agad kong nakita ang halos 2 weeks niyang post throwback ulit ito. Ngunit bigo akong makita ang isa pang babae sa litrato nila.
Kailangan ko bumalik sa mansion. Ngunit napa tingin ako kay Caiden at tiningnan ko ang mukha ng litrato ang babaeng nasa kamay ko. Inimagine ko na walang buhok ang babae sa litrato.
Napa singhap ako at mabilis na umiling."Imposible na babae si Caiden. Ang laki ng katawan niya para maging babae!" para akong baliw na kausap ang sarili ko.
Kinalat ko ang mga litrato mula sa batang babae. Hanggang maging dalaga ito, nang maging dalaga ito hindi naman nag bago ang hitsura nito.
" Pero kung si Caiden ito kailan ito ginawa? " tanong ko. Impossible naman na gawin niya ito, Mabilis kong tinago ang mga litrato at hindi ko pinansin ang journal ni Lolo.
Nagbihis ako ay pupunta ako sa hospital at may itatanong ako sa kilala kong surgeon doon. Matapos kinuha ko ang cellphone ko at susi ng sasakyan.
Kung may sekreto ang pamilya ko kailangan ko malaman yun. Lumabas ako at nilock ang pinto, tumakbo na ako papunta sa elevator at pumasok sa loob.
Pinindot ko ang number 1 at nag hintayin na lang.
Posible naman ang transgender surgery pero, kailan ginawa ito? Bigla kong naalala noong bata pa ako nag bakasyon sila Alisha at Caiden sa Thailand at Korea.
Hindi bakasyon yun kasi na unang umuwi si Alisha after ng halos isang taon umuwi naman si Caiden. Ngunit malaki na katawan niya noon. At lalaki naman ang gupit niya.
Ever since na lumaki ako nakikita ko si Caiden na lalaki siya. Mula sa pananamit at boses nito lahat.
Kung idudugtong na ayaw niyang sipingan si Cynthia? Mapag iisipan mong bakla ito.
Mabilis akong lumabas ng bukukas ang elevator. Diretso akong lumabas ng building at nagtungo ako sa kotse ko at mabilis akong sumakay dito.
Mabilis kong pinaandar ito at mabilis akong nag tungo sa pinaka malapit na hospital nang ka-kilala ko. Hindi ko alam kung kakausapin niya ako pero sana oo.
Ayoko na pumunta sa ibang hospital pa. Hindi nag tagal nakarating na ako at bumaba na ako ng maiparada ko ng maayos ang kotse ko.
Deretso akong nag lakad papasok sa loob. Nagtungo ako sa Information Desk, " Duty ba ni Doc. Amber Trilles ngayon?" tanong ko agad sa Nurse.
"Yes ma'am. May appointment po ba kayo?" tanong nito.
Sasagot na sana ako ng may mag salita. "Maxine Jazz?" tawag ng babaeng hinahanap ko.
Humarap ako at nginitian ito. "Amber." tawag ko dito.
Kaibigan ko siya simula elementary ngunit nag hiwalay kami dahil pinadala ako ni Lolo sa Japan noong 1st year high school ako. At malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil hindi ako nakapag paalam man lang.
"God! You're back na nga talaga! " nakita kong lumuha ito at mabilis akong niyakap. "Na miss kita Jazz!" bulong nito. Niyakap ko na siya ng mahigpit.
"I'm sorry na bigla akong umalis. Na miss din kita!" pareho na kaming umiiyak ngayon.
Ito ang unang kumalas. "Okay lang naiintindihan ko nasabi na rin sa'kin ni Tito Maximo. Tara in my office!" aya at sagot nito. Tumango ako at ngumiti.
Tiningnan nito ang nurse sa likod ko at nginitian. "She's my bestfriend." wika nito. Nginitian ko ang nurse din at sumama na ako sa kanya.
"Grabe tinupad mo talaga pangarap mo ha? " naka ngiti kong wika. Alam ko sa family niya ang Hospital na ito.
"Oo naman ano. Ikaw anong kinuha mo noong college?" tanong nito at pumasok kami sa tingin ko ay opisina niya.
"Business Administration, pero hindi ko naman tinapos yun kasi nag palit ako. " Kwento ko na kinatawa nito.
"Ewan ko sa'yo. Upo ka muna, ano gusto mo? Juice? Alam ko na hindi ka nag kakape." tanong nito.
"Kahit tubig na lang na malamig." sagot ko nginitian ko ito. Binigyan naman ako nito ng tubig at ng tinapay na tingin ko ay Monai.
"Ano naman ang kailangan mo? Alam ko meron." pag tatanong nito. Tinaas ako ang kamay ko kasi kumakain ako ng monai.
Matapos ko lunukin at uminom ng tubig saka na ako sumagot. "May itatanong sana ako sa'yo tutal surgeon ka naman. Posible ba na may palit ng alam mo na? Yung baba at yung dibdib?" tanong ko dito ng deretso.
Dumiretso ito ng upo at sumandal sa kanyang upuan. "Hmm total change yan? Papalitan pati ang mga private part. Actually okay yun ginagawa talaga yan. Mas lalo yung gusto mag pa S*x change." sagot nito.
"Paano kung babae at nag palit siya bilang lalaki?" tanong ko naman dito.
"Ang tawag doon ay. In female-to-male transsexuals, why? May problema ba?" tanong nito sa'kin.
"So posible siyang gawin sa ibang bansa?" tanont ko dito.
"Pwede naman nasa tao yun." sagot nito. Tumango tango ako.
"Ilang months o years bago sila gumaling?" tabong ko ulit.
Nag salubong agad ang kilay nito. "Teka nga para saan ba yan? Girl hindi kana nag aaral para sabihing research yan!" mapag duda nitong tanong.
"Eh kasi yung kilala kong lalaki pakiramdam ko dati siyang babae." pag sisinungaling ko.
Nawala naman ang gitla sa noo nito at nag salita muli. "Years hanggang ma Kumpleto ang lahat at hindi na ito makilala bilang babae. Kailangan kasi tumugma din ang katawan niya sa personality like you said, a man. Nasagot ko na ba ang tanong mo?" tanong nito at sagot.
Tumango ako ng marami at tumayo niyakap ko siya agad. "Thank you! You help me a lot!" pasasalamat ko dito.
Naramdaman ko ang pag tapik nito sa tagiliran ko. "Basta ha? Invite me minsan." naka ngiti nitong sabi
"Oo ba? Basta tapusin ko lang ang mala misyon imposible ko." natatawa kong sagot. Napa tingin ako sa orasan sa itaas ng kanyang uluhan.
"Oh I'm sorry. Amber i need to go may dadaanan pa kasi ako." paalam ko.
Tumingin muna ito sa pambisig niyang relo at tumayo na. "Sige mag ingat ka, iikot pa ako sa pasyente kong katatapos lang ng surgery." sagot nito.
"See yah!" kumaway pa ako at nag madaling lumabas ng hospital. Pag sakay ko sa sasakyan ko.
Mabilis akong bumalik sa condo ko ng makita ko ang sasakyan ni Caiden. Tumigil muna ako at binasa ang nasa taas na Karatula.
"Hormones Clinic?" patanong kong basa dito. Kinuha ko ang cellphone ko at kinuhaan ito ng litrato.
Mabilis akong umalis doon at nag tungo sa condo ko. Hindi nag tagal nakarating ako at nakita ko sa labas si Gideon naka tayo ito at naka sandal sa sasakyan niya.
Bumaba na ako matapos kong iparada ang sasakyan ko. Nakita ko siyang umayos ng tayo ako naman ay lumabas na ng sasakyan ng mapatay ko ang sasakyan ko.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko dito. Lumapit ito sa'kin.
"Pwede ba tayo mag usap?" tanong nito.
Huminga muna ako ng malalim at sinagot ito. "Ayoko! Pwede ka lumayo ka sakin?" ines na sabi ko dito.
Nilagpasan ko ito ngunit nag salita ito. "Kung may tanong ka o kailangan mo ng tulong Casa Grande Villa's 2 ang bahay ko." sabi nito.
Nilingon ko ito at nakita kong sumakay ito sa backseat ng sasakyan niya. Ako naman ay pumasok na lang din.
Saktong pag pasok ko nakita ko si Celine. Lumingon ito at sumugod sakin. "Dahil sa'yo ayaw na niya sa'kin at ayaw akong pakasalan ni Gideon!" sigaw nito..
Nagulat naman ako sa narinig ko. Ayaw siyang pakasalan bakit? "Dahil sayo tuluyan babagsak ang kumpanya!" sigaw nito.
Hinawakan nito ang buhok ko. Doon lang ako nagising sa pag iisip ko, mabilis kong tinabig ang kamay niya at nang mabitawan niya ako.
Mabilis ko siyang tinulak at muntik pa ito masubsob sa sahig. "Ako? Bakit sino ba nag sisimula ng gulo? Ikaw diba?! Huwag niyo isisi sa'kin ang kamalian niyo!" sigaw ko dito
Nang humarap ito akmang sasampalin niya ako ng unahan ko siya ng tatlong magkasunod na sampal. "Isa pang sumugod ka dito, saktan pa ako hindi ako magdadalawang isip na i take over ang kumpanya! Sa bagay sakin naman talaga iniwan ang kumpanya!" pag mamayabang ko dito.
Nakita kong lumuha ito at susugod na naman sana ng senyasan ko ang guard. Mabilis siyang hinawakan ng mga ito.
"What are you doing?! Let me go!" pag wawala ni Celine.
Ako naman ay nag tungo sa elevator at pumasok doon. Alam na nila ang gagawin kailangan nila ibanned si Celine dito.
"Nakakahiya ang babaeng yun!" wika ko at sumandal ako sa malamig na pader ng elevator.
Nang tumunog ito lumabas na ako at nag tungo sa bahay ko. Kailangan ko maka kuha ng information tungkol kay Caiden.
At bakit siya nag tungo sa lugar na yun? Pumasok ako at nabasa ko agad ang sticky note na iniwan ni Sakura.
" Girl, I'm leaving muna babalik ako bukas may kailangan lang ako asikasuhin sa papers ko dito pinas."
Basa ko dito tinapon ko lang ito at nag palit ako ng damit pambahay. Nag saing muna ako ng kanin at nag luto ako ng pork adobo.
Habang nag luluto naalala ko ang sinabi ni Amber. Posible nga siguro na ganun ang nangyari kay Caiden.
Ibig sabihin dati siyang babae? Napa iling ako bakit naman gagawin ni Alisha yun?
Nang matapos akong mag luto kumain na ako habang na nonood ng news.
NEWS HEADLINE;
"Isang business tycoon na si Mr. Gideon Luxhell ay umatras sa kasal at merger sa pamilya Wilhelmina." wika ng babaeng anchor.
So yun pala ang dahilan bakit nag wawala si Celine. Dahil napa hiya na naman sila, kinagat ko ang laman ng pork adobo at binasa ang iba pang detalye ng balita.
Hanggang mauwi ito sa pag tatanong kung sino ba ang totoong taga pag mana ng kumpanya. Napa iling na lang ako.
Masasapak ko talaga kung sino man ang nag sabi ng topic na yan sa mga taga media. Nanahimik ang buhay ko tapos dahil sa kanya magugulo?
Matapos ko kumain at mag hugas ng pinggan hinanap ko ang laptop ko at nag research tungkol sa Clinic na yun.
"Para sa mga trans man and woman?!" gulat na tanong ko napatayo pa ako at muling hinalungkat ang mga litrato at ang nakita kong Medical Records.
Binasa ko ang pangalan ng babae "Candice Smith.."
Smith? Nag isip ako kung sino bang Smith ang kilala ko, hanggang maalala ko na Smith ang single surname ni Alisha bago ito ikasal.
"Oh my god! Anong ginawa mo Alisha?" bulong kong tanong.
Umiling pa ako "Hindi, i need more information. bago ako mag hinala." wika ko.
Naalala ko ang gamot na nakita ko sa mesa ng kumakain kami noon nakatabi yun sa gawi ni Cynthia noon.
Pilit kong inisip ang pangalan mg mabasa ko ito. "Okay naalala ko na!" wika ko at mabilis akong nag tipa sa internet.
Kinagat ko ang kuko ko hanggang lumabas ang resulta..
"Oy my god! Anong kalokohan mo Alisha bakit mo ginawa ito sa anak mo?!" wala sa sarili kong wika.