TUD: Chapter 11

2074 Words
MAXINE'S POV Halos hindi ako naka tulog kagabe sa nabasa ko. Gamot yun para sa hormones, naka tingin lang sa kisame ng kwarto ko at napa buntong hininga na lang ako. Problema ko ngayon paano ako makaka hanap ng litrato ni Caiden ng bata pa siya? Eh panigurado inalis na ni Alisha ang lahat ng ebidensya. Padamog akong bumangon at naupo sa kama ko. "Aaaahh!!" sigaw ko at ginulo ang buhok ko. Pinauuwi lang ako dito para sa misteryo ng pamilya? Nagulat pa ako ng may kumatok at pumasok sa kwarto ko. "Girl, bakit ka sumigaw may problema ba?" tanong ko dito. Ngumuso ako at tiningnan ito na parang iiyak na. "Aish!!" angil ko at nahiga muli. "Girl, tatawag na ako ng mental anong problema mo d'yan?" pananakot at tanong nito. Mas mabuti siguro na sabihin ko na lang baka sakali may maitulong ito sa'kin. "Babae si Caiden pero hindi ko sigurado." pag sasabi ko ng nalaman ko.. Pero hindi pa ako sigurado talaga. "Nanite kotoda !!" ( Oh my god !! ) "Paano nangyari yun? Ang laki ng katawan niya at ang gwapo niya!" sigaw nito sa'kin. Bumangon ako ulit at kinuha ang mga litrato at ang laptop ko. Binuksan ko ito bago nag salita. "Nag tanong ako sa surgeon na kaibigan ko si Amber. Posible naman ito, then noong pauwi ako kahapon nakita ko si Caiden sa clinic na ito." tinuro ko ito. "Oh my god! Bilihan ito mg hormones diba? Pero girl baka naman hindi pa sa kanya?" tanong nito. Ngumuso naman ako. "Para kanino? Kay Cynthia? Eh hindi nga siya sini-sipingan ni Caiden? At ito pa ang papers ng nag nga-ngalang Candice Smith, isa lang Smith na kilala ko si Alisha lang." sabi ko dito at pinakita sa kanya ang hawak ko. "Oh my god! Bet ko ang kuya mo pero kung totoo ito? Paano ako mag papalahi?" halata sa boses nito ang lungkot. Ako naman ay napa ngiwi sabay batok dito ng nirolyo kong papel. "Inuna mo pa talaga ang mag palahi sa taong yun?!" singhal ko dito. Tumawa naman ito bago mag salita. "Uy Jazz ang gwapo kaya ng kuya mo! Pero mas bet ko si Gideon." sabi nito. Napa irap na lang ako at tumayo na. Tinago ko na ang lahat ng ito muna. "Kailangan ko bumalik sa mansion." sabi ko. "Plano mo? Baka ipalapa ka nila sa aso?" tanong nito. Tumayo at sumunod sa'kin palabas ng kwarto ko. Hanggang makita ko sa TV screen ang pag labas ng balita tungkol sa'kin. "Okay. Seryoso na mukhang gigipitin ka talaga ng pamilya mong hilaw." naka cross arms nitong sabi. Tama bang iaannounce na sa akin na mag papakasal si Gideon? Gag* lang? "Ano naman tingin mo dito?" tanong ni Sakura sa'kin. "Kailangan ko na kumilos agad. Hahayaan ko ang p*steng balita na yan, kukunin ko ang information na kailangan ko. Pero hindi ko alam paano ako makakapasok sa clinic na yun." wika ko. Biglang bumukas ang pinto ng kusina lumabas si Cécil doon. "Kami na bahala d'yan. Sa ngayon kailangan mo muna umuwi doon at komprontahin ang mga tao sa likod niyan." paalala ni Cécil sa'kin. "Tama siya Jazz umuwi kana panigurado nag diriwang sila." wika ni Sakura. "Edi sisirain ko!" ngumisi ako at iniwan na sila. Pumasok ako sa kwarto ko at nag hanap ng susuutin ko. Matapos naligo na ako agad. Mabilis naman akong natapos nang mapansin ko ang journal ni Lolo. Kinuha ko ito at binuksan ito, una pa lang kinakabahan na ako. Nang may mabasa ako. " Sa unang beses pa lang na nakita ko ang mukha niya. Hindi ko na napigilan na hindi humanga kahit pa isa siyang katulong. Masama man at bawal wala naman akong nagawa, takot at nahihiya ako. Matanda na ako at byudo wala akong kumpyansa na mag lahad ng nararamdaman ko sa kanya.." Basa ko sa nakasulat. Masyado naman si Lolo na makata napa hilamos ako at sinara na ito ng may nahulog na litrato. I saw my Caiden ngunit lalaki siya dito. Nakasimangot ito at sa tabi nito ay si Cody na nakaupo sa hita ni Lolo. Tiningnan ko ang likod ng litrato. 1986 ang litrato na ito kinunan, kung tama ako limang taon pa lang si Caiden nito. Kung tama ko mag 42 na si Caiden ngayong taon. Si Cody naman itong isang bata na naka kalong kay Lolo dalawang taon ang agwat ng dalawang yun ngunit isip bata si Cody. O mas magandang sabihin na Happy go Lucky lang si Cody. Wala pa si Celine sa litrato na ito kahit ako dahil 34 pa lang si Celine ngayon. Halos mag kaka sunod sila na pinanganak. Nang niligpit ko ang litrato may nakita akong picture ulit kinuha ko ito at pinag masdan. Kahit malabo ito alam kong baby picture ito ng isang batang walang saplot. Nang tingnan ko ang likod ng litrato. ' Baby Candice first bath ' Alisha.. Nanlaki ang mata ko sa nabasa ko at mabilis akong kinabahan. Nanikip ang dibdib ko at mabilis akong nag bihis ng pang alis ko at kinuha ko ang susi ng sasakyan kom Pag labas ko. "Oh mag agahan ka mun---" "Mamaya na ako kakain pag balik ko. Bye!" wika ko at tumakbo na ako palabas.. Buti bukas na ang elevator mabilis akong pumasok at nang sumara ito agad kong pinindot ang number 1. Huminga muna ako ng malalim. Isa lang pwede kong tanungin about sa Batang si Candice. Pwede din kasing may kambal si Caiden at babae pala, nang bumukas ito ay mabilis akong lumabas at tumakbo palabas ng building nakita ko agad ang sasakyan ko at kinuha ko ang susi at binuksan ito. Wala akong sinayang na segundo mabilis akong umalis pauwi sa mansion. Hindi naman nag tagal nakarating na ako at nakita ko agad na maraming media sa labas.. Ines ako na bumusina na agad naman silang nagsi tabi. Nilock ko ang pinto ng kotse ko at nakita kong binuksan ng guard ang gate kaya pumasok na ako. Bumaba ako at narinig ko ang sigawan ng mga tao. Nakita kong naka silip si Alisha sa pinto at sila Celine sa taas. "Ganito pala ang gusto niyo? Bastusan? Sige kayo nag umpisa sisirain ko!" bulong ko at sinamaan sila ng tingin. Nag lakad ako palapit sa gate. Nag kikislapang camera ang sumalubong sa'kin. "Ma'am pumasok na kayo!" sigaw ng guard. "Buksan mo!" galit na utos ko na agad naman nitong sinunod. Nang bumukas lumabas ako at mabilis akong hinarangang ng guard pinabayaan ko ito at nag umpisa na ako mag salita. "Kumalma ho tayo!" sigaw ko para manahimik sila. Hindi naman nag tagal sumunod sila. "Miss sino ka ano ka sa pamilyang ito?" tanong ng babaeng reporter. Mag sasalita pa lang ako ng hawakan ni Alisha ang braso ko at hilahin ngunit mas malakas ako. "Isa kong Wilhelmina. At gusto ko lang linawain na walang kasalang magaganap between me and Mr. Luxhell!" sigaw ko at tumalikod na. Nakita ko nag tiim bagang si Alisha nilapitan ko ito at nag salita. "Ngayon mo ipakita ang pagiging eskandalosa mo?" ngisi kong tanong dito. Knowing her hinding hindi niya gagagwin yan dahil siya at sila papa ang masisira. "Ibig sabihin ikaw ang anak sa ibang babae ni Mr. Cerius Wilhelmina?" tanong ng isang reporter. Lumapit si Alisha sa kanila at nag salita. "Oo siya nga. Alam niyo na ang asawa ko ay dati naman talagang matinik sa babae. Kung kani-kanino pumapatol. Mababang baba----" " I am the Only heiress of this family! I am The Unwanted Daughter of the Wilhelmina family!" buong lakas kong sigaw. Hindi ako nahihiya dahil walang nakaka hiya sa pagiging anak sa labas. Kung wala ka naman kasalanan sa kasalanan ng magulang mo. Na niniwala ako doon at hindi porket anak ka sa labas wala kang karapatan lumaban. Dahil hindi ka naman magkaka rebulto sa pagiging mabait mo. Lahat natahimik sa isinigaw ko, taas noo akong tumingin sa kanila at kay Alisha. "Mas gugustuhin ko pa maging anak sa labas kesa maging anak na pilit tinatago ang tunay na kasarian. Diba Alisha??" nakangiti kong tanong dito. Nakita kong napa lunok ito at alanganin na ngumiti sa mga pres. Pumasok na ako sa loob hanggang pumasok na rin si Alisha. "How dare you para pahiyain ako?!" galit na sagot nito. "Nakaka hiya ka! Pinangalandakan mo na bunga ka ng kasalanan!" sigaw nito. Nginisian ko ito at nag salita. "Really nahiya ka pa? Sa tibay ng mukha niyo mag ina nakuha mo pang mahiya? Eh kung ibalandra niyo nga ang pangalan ko sa TV wagas. At nahiya ka pa sa lagay na yan ha??" may halong pang aasar kong tanong dito. Sinugod ako nito at ng anak nitong babae at sabay na sinambunutan. "Aray! Let go of my hair!" sigaw ko. Naramdaman ko ang pag palo sa mukha ko ni Celine sa asar ko dahil mahaba ang buhok nito hinila ko ito at sinambuntan. Ganun din ang ginawa ko kay Alisha. Mabilis ko silang tinulak ng may sumampal sakin na naging dahilan para mapa upo ako sa tiles. "Kuya!" Celine "Caiden!!" si Alisha. Tumingin ako dito at sinamaan ito ng tingin. Naramdaman ko ang pag lasa ng dugo sa loob ng bibig ko. Tumayo ako at mabilis itong sinuntok sa mukha. "Ano akala mo hindi ako lalaban porket lalaki ka? Ang tanong lalaki ka nga ba?!" sigaw ko dito. Nag datingan sila Papa Cody at Cynthia. "You!' agad nitong dinakma ang leeg ko at sinakal. "Pinaka ayoko sa lahat sinasaktan ako! Anong sinasabi mo na lalaki ba talaga ako?! Gusto mo ako tumapos sa'yo! Simula ng umuwi ka dito puro gulo ang binigay mo!" galit na wika nito. Hindi na ako maka hinga sa pananakal nito. "Sige kuya tapusin mo na yang salot na yan!" sigaw ni Celine. "Kuya tama na!" sigaw ni Cody at inawat ang kuya nito. Si papa naman ay hindi naman kumilos dito ko napag tanto na wala akong dapat maramdaman sa kanila kundi. Galit at poot. Kinapa ko ang plato sa mesa kung nasaan kami at hinampas ito sa ulo niya. Naging dahilan para maka wala ako. Umatras ako at mabilis itong sinikmuraan gamit ang paa ko. "Ikaw!" Turo ko sa ama ko at muling nag salita. " Tatay ka pa naman hindi ka marunong umawat! Wala kang kwentang ama! Paano ka naging ama ha?!" sigaw ko dito. Nakita kong gumalaw ito at napahawak sa dibdib niya. "Ano tinatanga niyo? Hirap na huminga tatanga ka pa d'yan?!" sigaw ko kay Celine na agad tumakbo sa ama nito. Ako naman ay nag tungo sa kwarto ko sa taas. Pero sa office ako ni Lolo nag tungo. Pinunasan ko ang likod ng painting niya at nakita ko ang susi mula doon. I need he's laptop. Hindi ko makakausap si yaya ngayon so ito na lang ang kailangan kong makuha. Nakarinig ako ng iyakan kaya naman nag madali akong itago ang laptop sa ilalim ng makapal kong boyfriend jacket. Lumabas na ako at nakita kong umiiyak si Celine na lumapit sa'kin. "Si- si Daddy hindi na siya humihinga!" umiiyak nitong wika. Nanlaki ang mata ko at tumakbo pababa. Mabilis akong lumuhod sa gilid ni papa. "Lahat kayo umalis at lumayo! Kailangan niya ng space at hangin. Habang ginagawa ko ito tumawag na kayo ng ambulansya! Hindi na siya pwede itakbo dahil sa daan pa lang babawian na siya ng tuluyan!" sigaw na utos ko. Inangat ko ang ulo ni papa patingala, kinapa ko ang leeg nito naramdaman ko may mahina pang t***k. Lumuhod ako ng maayos at huminga ng malalim "Okay! 1, 2.. 1 2 3 4!" wika ko at pinush ko ang ibaba ng chest ni papa at ng ganung bilang. Hanggang binigyan ko ng mouth to mouth resuscitation ito at paulit ulit iyon. "Ano bang ginagawa mo! Lumayas ka d'yan!" siyaw ni Alisha. Hindi ko siya pinakinggan hanggang kapain ko ang pulso nito. "Okay konti na lang." wika ko. Ginawa ko na ang sunod sunod na pump hanggang sa huling beses binigyan ko ng hangin ang baga nito na galing sa'kin. Naka hinga ako sa huling push ko at humigit ito ng malalim na hininga at dumilat ang mata nito. Tumayo na ako at nag lakad palabas. "Huwag kayo mag aalala hindi ako maniningil. Hindi ako katulad niyo na mananahimik na lang." malamig kong wika at tuluyan na akong lumabas Wala na rin media sa labas kaya naka labas ako ng tahimik. Sumakay ako sa kotse ko at nag maneho pauwi ng condo ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD