TUD PROLOGUE
Sa sampung taon ko sa Japan na tumira. Ito ako ngayon nag iimpake na pauwi sa Pilipinas.
Nabalitaan ko ang pagkamatay ng Lolo ko.
"Hey Jazz this is your passport. I'm sure na haharangan ka nila upang hindi ka maka balik ng Pilipinas." bungad ni Sakura sa'kin ng pumasok ito sa kwarto ko.
"Expected ko na yan, pero kailangan ko bumalik ng Pilipinas. Hindi ko man naabutan si Lolo habang nakaburol? Uuwi parin ako." seryoso kong sagot.
"Okay makakapasok ka ng bansa sa madaling paraan. Ito ang plano." wika nito at kinuha ang sexy red dress na kailangan ko suutin.
"Suotin mo yan matapos mag picture ka na yan ang suot mo. Ipost mo sa social media account mo. For sure iche-check nila yan." paliwanag nito.
Agad kong nakuha ang punto niya. Nagpalit ako at kumuha ng litrato mga apat na shot ang kinuha ko at agad kong pinost ito.
My Caption with photos;
OOTD, goodbye for now Japan hello Philippines!
May nilagay pa ako ng kiss emoticon at airplane. Hinagis ko ang cellphone ko nag palit ulit ng damit.
Nag jogger pants lang ako at malaking hoodie jacket at baseball cap.
"At ako ang gaganap na ikaw para mabilis ang smooth entrance mo at exit sa NAIA. You owe me for doing this huh?" wika ni Sakura sa'kin
Tumawa lang ako at nag salita. " Okay, name your price. Hahaha bilisan mo d'yan hinihintay na ako ng lolo ko!" Pagmamadali ko dito.
Tumawa ito at mabilis nag bihis ng pulang dress na sinuot ko kanina. Ako naman ay isang bag lang dinala ko at isang sideways bag kung saan nakalagay lagay ng gamit ko at iba ko pang personal na kailangan.
Maka lipas ang limang kinuto ay sinuot ko na ang salamin sa mata ko at inaayos ang baseball cap ko. Tinanguan ko si Sakura at magka haliwalay kaming pumasok sa Narita International Airport.
Pag pasok ay mabilis akong nag tungo sa waiting area nila. Nang tawagin ang number plane ko at tumayo na ako. Ganun din si Sakura.
Sunod lang kami lahat hanggang makapasok sa eroplano. Mag kaibang sit number ni Sakura.
Si Sakura ang unang naging kaibigan ko noong bago pa ako sa paaralan. Mabait lahat sila, mas lalo na exchange student ako masyado silang curious kapag exchange student silang nakaka salamuha.
Sa bansang ito ako nag ka roon ng maraming kaibigan. Nang namatay ang mama ko pinadala ako dito para ilayo sa mga tao dahil isa akong kahihiyan
Bakit? Anak ako sa labas ng papa ko may unang pamilya ang papa ko. Isang katulong ang namayapa kong ina.
Isa akong The Unwanted Daughter. Sabagay sino ba ang gugustuhin na mag karoon ng kapamilya na anak sa labas?
Umirap ako at tumingin sa labas ng bintana naramdaman ko na ang pag abante ng eroplano hanggang dahan dahan itong umangat sa langit.
Pinikit ko ang mata ko hanggang maging relax na ang paligid ibig sabihin nasa alapaap na kami.
MAKALIPAS ang limang oras at dalawampung minuto naka lapag na kami ng bansang Pilipinas.
Bumaba na ako ng eroplano at naglalakad papasok sa NAIA terminal 3. Habang naglalakad ako nakita ko ang mga tauhan ni papa.
Naka men in black pa ng mga ito. Ngumisi naman ako at kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Sakura.
"Girl. Nasa harap mo sila, dumaan ka mismo sa kanila," utos ko dito.
"Oh? Really sila yung men in black?" tanong nito. Kumaliwa ako at si Sakura ay dumeretso naman.
"Hell yeah!" sagot ko at binaba ko na ang tawag ko.
Ngumisi ako ng pag lingon ng tauhan ni papa ay narinig ko ang sigaw ni papa sa kanya. "Hanapin niyo siya naka pulang damit! Itim ang buhok!"
Ngumisi ako dahil sa narinig ko at tahimik na lumabas ng airport.
-
Nagulat ako ng may humablot sa'kin. "Nani?!" pasigaw kong tanong. Kilala ko sila, sila ang tinutukoy ni Jazz na tauhan ng papa niyang hilaw.
"Ikaw ba si Miss Maxine?" tanong nito.
"No? I'm Sakura Yabe!" sigaw ko at hinablot ko ang braso ko at nag lakad na palabas.
Narinig ko ang pagmumura nila ng mabigo sila. Hindi talaga bagay sa'kin na mag suot ng dress nag mukha akong suman.
Hi, let me introduce myself first. I'm Sakura Yabe, half Japanese and half pilipino 24 years old. Matanda lang ako ng isang taon kay Jazz.
Nakita ko ang sasakyan ni Jazz sa labas kaya agad akong sumakay. "Kala ko iniwan mo na ako eh." salubong ko dito nang makapasok ako
"Duh! Hindi ko gagawin yun pero kailangan kita ibaba sa bahay kong isa dito na iniwan ni Lolo sakin. Tapos ako diretso sa mansion." mahabang sagot nito sa akin.
"Walang problema pagod din ako. Basta balitaan mo na lang ako." pag payag ko.
Hindi ito sumagot hindi nag tagal tumigil ito sa napaka taas na building. "BGC ang tawag sa lugar na ito. Sige na alam nila na darating ka, pasok kana doon may sasalubong sa'yo." pag tataboy nito sa akin.
Nag paalam na ako at lumabas ng sasakyan ito naman ay mabilis na umalis na agad. Nag lakad ako papasok hanggang may sumalubong sakin na babae.
"Miss. Sakura Yabe?" tanong nito sa akin. Tumango ako bilang sagot. "This way ma'am." turo nito.
-
"Ano sabi niyo hindi niyo siya nakita?" rinig kong tanong ng aking stepmother.
Nakarating na ako sa mansion ng mga Wilhelmina. "Ma'am nandito na po si Miss Maxine!" wika ng katulong habang nasa labas ito ng pinto ng dining.
"Papasukin mo!" may galit na utos ng Stepmom kong si Alisha Wilhelmina.
"Pasok na ho kayo ma'am.." naka yuko nitong wika at binuksan namab ng Butler ng pamilya ang pinto.
Pumasok ako at nag lakad ng masama ang tingin sa pamilyang sinusuka ko. Kung hindi lang kay Lolo matagal ko nang pinutol ang ugnayan ko sa mga ito.
"Oh my god! Ikaw na nga yan? Ang ganda at ang laki ng pinagbago mo!" wika ni Cody siya ang pangalawa sa anak ni papa sa original na pamilya niya.
Si Caiden ang panganay at ang alam ko may asawa na ito na isa din anak ng mayaman na politiko.
Nakaupo ako sa dulo hanggang dumating si Papa Cerius. Sila naman ay tumayo at binigyan ito ng galang.
Habang ako umiinom ng malamig na orange juice. "How's your flight Maxine?" tanong ni papa.
"Walang bago. Saan nakalibing si Lolo? I want to visit him." tanong ko naman.
Hinawa ko ang steak na niluto ng personal chef ng pamilya nila. "You're not allowed to visit him. Alam mo na kung bakit." wika ni Caiden
"Pfft, oo nga pala anak kasi ako sa labas. What a f*cking family!" mura ko biglang binagsak ni papa ang kamay niya sa mesa.
Tuloy lang ako sa pagkain at hinayaan itong tumaas ang dugo niya sa'kin. "Uuwi ka lang dito para bigyan ako ng sakit sa ulo?!" sigaw ni papa.
Tiningnan ko ito ng blangko. "Wala ka naman talagang sakit sa ulo kung sasabihin mo lang. Nag mamatigas ka pa kasi, sige ka baka ikaw ang sumunod kay Lolo." pang aasar ko dito.
Napa nga nga naman ang step mom ko. "Unbelievable! Yan ba ang nagagawa ng pag punta sa ibang ba---"
"Shh.. hindi tayo close para magsalita ka ng ganyan," putol ko dito at tumayo na ako.
"Hindi masarap luto ng chef mo. Lasang bitter at galit, recipe niyo?" pang aasar ko pa.
"Yaya!" sigaw ko at agad lumapit ang isang katulong. Binigay ko ang gamit ko sa kanya. "Yung kwarto ko please," wika ko.
"Opo ma'am!" sagot nito
"Adiós!" nag flying kiss pa ako at nag lakad na patungo sa ikalawang palapag.
Pag pasok ko hinintay ko muna umalis ang katulong saka ako nanghihina na pa upo sa kama ko. "Mama nakabalik ako.." bulong ko at hinawakan ang baka taob ba litrato ni mama.
Ngumiti ako ng mapait. Ito na ang simula ng laban ko sa pamilyang ito.