TUD: Chapter 9

2079 Words
GIDEON'S POV Napa buntong hininga na lang ako habang naka tingin sa mukha ni Celine. Mabuti at hindi na damage ang mata niya at wala masyadong natamo. Kundi lapnos lang hindi naman ito umabot sa 3rd degree burn o 2nd degree. Dahil na rin sa pag saboy ni Maxine ng tubig sa mukha nito agad. "Ipakukulong ko yang bastarda na yan!" galit na wika ni Mrs Wilhelmina. "Kung gagawin niyo yan matatalo lang ho kayo. Dahil may CCTV sa loob ng restaurant, at ang restaurant na yun mukhang kilala ni Maxine ang may ari. " baliwala kong sagot. Lumingon sila sakin si Caiden at Mrs Alisha. "So, ano hahayaan lang namin na makalaya ang babaeng yun?!" tanong ni Caiden sa'kin. "Yun na lang magagawa niyo. At kita naman sa CCTV na intention talaga ni Celine na manakit dahil nagawa niya pa itong sundan. Doon pa lang tagilid na kayo. Lalabas na self defense ang ginawa ni Maxine. False accusations makes you go to jail.. baka hindi ka pa makalaya." mahabang paliwanag ko. Natahimik naman sila hanggang nagising na si Celine. "Mom?" tawag nito sa mommy niya. "Mauna na ho ako." paalam ko. Tumalikod na ako ng mag salita si Celine. "Babe ikaw ba yan? Babe, nakita mo ginawa niya sakin diba?" halata sa boses nito ang pag papaawa. Lumingon ako. "Oo nakita ko." malamig kong sagot, sumilay ang ngiti nito sa labi. "Sabi na eh mahal mo talaga ak---" agad kong pinutol ang sasabihin nito. "Alam mo na wala tayong relasyon una pa lang. Ang kasal na magaganap sana.. ay para lang sa merger ng mga kumpanya." muling paalala ko dito. Hindi ko siya magagawang mahalin dahil una pa lang hindi naman siya ang hinahanap ko. Mali ako na pumayag sa merger na ito. Kung alam ko lang na possible pala na babalik pa si Maxine sa bansa, matapos nila itong pag bawalan pa-puntahin sa burol ni Mr. Maximo Wilhelmina. Hindi ako aabot sa desisyon na iyon. "Tingin mo magugustuhan ka ni Maxine? Hahaha nagpapatawa ka ba? Tandaan mo na galit si Maxine sa mga kakampi ng pamilya namin at sa mga kaalyado at isa ka na doon," mahabang sabi nito. Sa tono niya parang siyang nanalo sa isang deal. "Kaya tanggapin mo na Gideon my love, you are belong to m---" i cut her again. "Mali ka Celine. Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo at isa na ako doon. Hindi ako pag mamayari ng kung sino. Kaya kong icut tise ang pamilya niyo sa sarili ko. I have to go excuse me.." paalam ko at lumabas na ako. Narinig ko pa ang pagwawala nito. Nag lakad na ako hanggang makapasok ako sa ka-bubukas lang na elevator. "I need to protect her." bulong ko at agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan ang kanang kamay ko. "Yes Mr Luxhell?" tanong na bungad ni Peterson. "Gusto ko bantayan mo ang kilos ni Maxine gusto ko mag report ka sakin ng time to time." utos ko dito. "Masusunod po Mr. Luxhell." Sagot nito at binaba na ang tawag ko. Sunod kong tinawagan ang Secretary ko. Agad naman itong sumunod. "Angie. Maghanap ka ng ka ng tv network na pwede mag interview sa akin o para makagawa ako ng public conference. I need 4pm ngayon hapon rush it." utos ko dito. "Okay po Mr. Luxhell tatawagan po kita agad, " sagot nito. Saktong pag bukas ng elevator ay lumabas na ako at binulsa ko ang cellphone ko. Magulo na ang buhay ni Maxine. Mas lalong gugulo sa gagawin ko. But promise is promise ayoko biguin ang taong naging dahilan kung bakit at ano ang narating ko ngayon. Hindi dahil sa utang na loob, sinabihan na ako Mr. Maxino Wilhelmina na kahit kailan ay hindi siya maniningil ng utang na loob. Sapat na kabayaran na naging successful ako sa pamamaraan ko. Naging instrumento lang siya ng mga panahon na kailangan ko ng tulong. Sumakay ako sa itim na Mercedes Benz ko at umuwi sa bahay ko upang mag palit at kumain na rin. Hindi nag tagal nakarating na ako sa bahay ko. Pinag buksan ako ng gate ng guard ko at pumasok na ako hanggang ipinarada ko na ang sasakyan ko sa harap ng bahay ko. "Sir. Nagtungo dito si Miss Celine," bungad nito sa akin ng maka baba ako. "Pabayaan niyo siya simula ngayon hindi na ako parte ng pamilyang yun." malamig kong sagot. "Talaga Sir? Buti naman po grabe po si Miss Celine. Hindi niyo pa asawa grabe na kami awayin." sumbong nito. Ngumiti ako at binigay ang susi sa isa ko pang tauhan. "Hayaan niyo po iba na po ang magiging amo niyo sa susunod." makahulugan kong wika Kuminang naman ang mata nito at ngumiti ng malawak. "Si Ma'am Maxine na po ba? Nahanap niyo na po siya Sir?" tanong nito at hindi naalis ang ngiti. Tumango ako at ngumiti nag paalam na ako dahil nagugutom na talaga ako. Kaya lang ako sumunod kay Maxine kanina dahil gutom na rin ako. Sakto din na nakita ko siya sa isang veterinarian at nakita ko siyang parang batang bumili ng puppy na black and white ang kulay. I think kamukha ito ng aso sa isang pelikula na Beethoven. Kaya naisipan ko siyang sundan sakto naman na doon din ako SANA kakain. Kaso hindi natuloy. "Nanang Edna. Pahain po kakain ako," tawag ko kay nanang. "Sige hijo bumaba kana lang." sagot nito. Hindi na ako sumagot at nag tungo na lang sa itaas kung saan ang kwarto ko. Pagpasok ko mabilis akong nag hubad ay nagtungo sa bathroom upang maligo. **** "Hijo kamusta na pala kayo ni Celine? Tuloy ba ang kasal?" tanong ni Nanang. Matapos ko maligo kanina bumaba na ako diretso dito at kumain. "Hindi na Nang Edna. Hindi ko gusto na ginagamit ako ng ibang tao, mas lalo ng pamilya ni Mr. Maxino Wilhelmina." sagot ko. Humigop ako ng sabaw ng sinigang na bangus. "Hindi ba yan makakasama sa kumpanya mo? Malaking kumpanya din ang Wilhelmina Group of Companies." tanong nito. Kasabay ko siyang kumain. Hindi ako sanay kumain ng mag isa. Kaya kahit siya ay kailangan kasabay ko. Umiling ako at kinain ang parte ng tiyan o taba sa t'yan ng isda bago sumagot. "Hindi po. Sa kanila nakakaapekto yun, mas lalo ngayon na nanganganib ang kumpanya na bumagsak." sagot ko "Oh diba? Nasa bansa na ang totoong taga pag mana?" tanong ni Nanang. Tumango ako at ngumiti. "Mag da-dalawang linggo na siya dito sa bansa ng maka uwi ito." sagot ko. Ngumiti naman ito at hindi na muli pang nag tanong. Kumain naman na ako ng tahimik at nang matapos nakatanggap na ako ng tawag mula kay Angie. "Mr. Luxhell may darating po ang taga Media sa mansion niyo. Taga Daily News po sila para ito sa mga celebrity at mga business tycoons ng bansa." paliwanag nito "Okay. I need you here, pumunta ka dito bago sila dumating. "sagot at utos ko dito. "I'm on my way po." sagot nito. Binaba ko na ang tawag nito at ako naman ay nag handa na. Desido na akong iurong ang kasal at merger sa anak ni Mr. Cerius Wilhelmina. Kung si Maxine ang CEO maaari ko pang ituloy, dahil ito ang aming na pag usapan ni Mr. Maxino Wilhelmina. Sinabi ko kay Nanang Edna na papasukin ang darating. Nag suot ako ng dark blue long sleeve polo at tiniklop ko ang manggas nito hanggang siko ko. Nag suot ako pang trabaho. Matapos ko mag ayos sinunod ko ang buhok ko nang may kumatok alam kong nandito na sila. "Hijo nandito na ang Secretary mo at ang taga Daily News." wika ni Nanang Edna. "Sunod na ako." sagot ko. Tiningnan ko pa ang sarili ko ulit at lumabas na ako. Bumaba ako hanggang makarating ako sa likod kung nasaan ang aming hardin. "Magandang hapon Mr. Luxhell sobrang last minute nito." bati sakin ng lalaki. "I'm Jc Pantong, taga Daily News!" pakilala nito. "Thank you at pinag bigyan niyo ako. Have a sit please." aya ko naupo naman ito at ako din. Magkaharap kami kasama nito ang kanyang team. Nasa likod ko ang Secretary kong si Angie. "Okay umpisahan na natin ito." wika ng Jc. Tumango ako at huminga ng malalim. "Okay on my cue we are on live!" wika ng tingin ko ay direktor. "Jc handa kana? Mr. Luxhell? " tanong ng lalaki sa amin. Nag bigay lang ako ng isang tango. "Okay in my count of 3! 1, 2 and 3!" sigaw ng direktor. Naka set up na lahat dito bago pa ako bumaba. "Magandang hapon mga manonood. Ako si Jc Pantong, ngayon ay makakasama natin ang kilalang kilala ng lahat na Mr. Gideon Luxhell. Isang Self Billionaire ng bansang Pilipinas at kilala din ito sa husay sa kanyang larangan." mahabang pakilala nito. Bumaling ito sa'kin. Hindi naman ako nag bigay ng kahit ngiti sa labi. Nang humarap ito sa'kin nag umpisa na itong mag tanong. Lahat ng tanong nito ay tungkol sa pagiging Self Billionaire ko at sa iba pang bagay hanggang magawi ang usapan about sa amin ni Celine. "Mr. Luxhell ano na ba ang status ninyo ng iyong Fiancé na si Miss. Celine Wilhelmina? Balita namin ay hindi matutuloy ang kasal bakit?" tanong nito. "Totoo. Kumakalas na ako sa pakikipag alyansa kumpanya at sa pamilya na yun. Alam namin pareho ni Miss Celine na ang kasal ay business purposes only," putol ko at tiningnan ito ng malamig. "But i realize ayoko maging tuta at ATM ng pamilya ng aking ex-Fiancé. Hindi ako nag aral at nagpayaman para lang maging tauhan nila." diretso kong sagot. Napa nga-nga ito sa gulat. "Kaya ba ay umaatras na kayo? Paano ang inyong kumpanya?" tanong nito "Ang kumpanya ko ay mananatiling kumpanya. Hindi ito maapektuhan sa nangyari, Independent company ang kumpanya ko. Kaya hindi ako takot na kumalas sa malakihang merger, dagdag ko pa pala.." putol ko at tumingin sa camera. "Kung ang totoong taga pag mana ng Wilhelmina Group of Company ang tatayo bilang bagong CEO president and chairman. Ako mismo na CEO Chairman and President ng kumpanya ang makikipag alyansa sa kumpanya nila." wika ko. Lalo itong nagulat. Kilala ako sa bansa na hindi ako mahilig makipag merger at kumapit sa ibang kumpanya. " I don't know what to say. Narinig at napa nood natin ang sinabi ng ating Business Tycoon na si Mr. Gideon Luxhell. Wala na siyang ka-ugnayan sa kasalukuyang pinuno ng Wilhelmina Group of Company." naka ngiti nitong anunsyo at pag uulit sa sinabi ko. "Ngayon ang tanong sino nga ba ang taga pag mana ng Wilhelmina Group of Company?" huling tanong nito. Matapos ang short time interview ay nagpasalamat ako ng husto sa kanila at binigyan sila ng malaking halaga. Napa buntong hininga ako habang hawak ang DNA results na galing kay Mr. Maximo Wilhelmina. Pinag katiwala niya ito sa'kin, ito ang magiging gate ni Maxine upang makuha ang dapat sa kanya. Kahit ako nagulat sa nilalaman nito ngunit kailangan ko pa mag hintay ng konti pang oras. Hindi pa ito ang tamang oras para sabihin na sa kanya. Kailangan siya na muna ang makaalam ng sikreto ng pamilya niya. Dahil kung sasabihin ko lahat ay hindi na ito magiging epektibo. Bahala na ang mga clue ang masasabi sa kanya at magtuturo sa kanya patungo sa sakin. Tinago ko ito sa volt ko at lumabas na ako ng aking opisina. Nag tungo ako sa aking silid upang mag palit muli. Matapos naupo na lang muna ako sa balkonahe ko. Tanaw ko ang mala berdeng paligid, naalala ko dito kami madalas mag usap ni Mr. Wilhelmina. Bata pa lang ako manghang mangha na ako sa kanya. Dahil nagagawa nito tumulong sa ibang tao. Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko na masaya kaming nag uusap noon. Minsan napag uusapan namin ang apo niyang si Maxine noong buhay pa ito. Totoo ang sinabi niya na lumaki si Maxine na matapang at palaban. Tama lang dahil ang mga kalaban niya ay mga ganid sa pera. Nangako din ako noon na kapag nag kita na kami ng mahal niyang apo. Kahit itaboy ako nito kailangan ko itong protektahan. Kaso mukhang challenging din ang pag lapit ko dito. Natawa naman ako hanggang maka tanggap ako ng tawag mula kay Peterson Sinagot ko agad ito. "Mr. Luxhell umuwi si Miss Maxine sa mansion at mukhang hindi maganda ang mangyayari." wika nito "Hayaan mo lang.." sagot ko. Napatanong pa ito pero hindi ko sinagot. Dahil nasa plano ang pagpapalayas sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD