CELINE'S POV
Naging maayos naman si daddy walang masamang nangyari sa kanya. Sabi ni Doc Fajardo, tama ang ginawang procedure ni Maxine kanina.
"Thank you doc." pasasalamat ni Mommy. Ngumiti ako at umalis na si Doc.
"Mom kasuhan natin si Maxine para sa ginawa niyang gulo." wika ni Kuya Caiden.
Hindi din mawala ang sinabi Maxine sa isip ko na babae si kuya? How? "Utang na loob Caiden! Enough na kapag lalong nilabanan niyo ang batang yun mas lalo lala ang gulong ito." wika ni daddy.
"Pero sweetie. Hindi natin pwede palampasin ito!" wika ni Mom.
"Hindi mo ba nakikita? Wala siyang ginagawa sa pamilya, kayo, tayo ang laging nauuna. Hindi siya kikilos kung wala tayong ginagawa!" galit na wika ni dad.
"Pinagtatanggol mo na ang bastarda na yun?!" galit na tanong ni mommy kay daddy.
"Mom enough please.." awat ko kay mommy at hinawakan ko ang braso nito.
Padamog itong lumabas at si kuya naman ay sumunod. Ako na lang ang naiwan dito sa kwarto na pinaglalagyan kay daddy. "Daddy, pasensya na sa gulo. Hindi lang namin mapigilan ang sarili namin kapag nandyan si Maxine." paghingi ko ng paumanhin kay daddy.
Ngunit tinalikuran lang ako nito naikuyom ko ang kamao ko at lumabas na lang din. Nakapag desisyon akong pumunta sa kwarto ko upang mag bihis.
Gusto ko mag bar ngayon I'm stress, ngunit ng maalala ko ang sinabi ni Maxine? "Haist! Bakit ko ba iniisip ang bagay na yun! Hindi babae si kuya Celine okay?" pag kausap ko sa sarili ko.
Tinapos ko mag bihis at mag ayos ng mukha ko, nang matapos ako umalis na ako at hindi na ako nag paalam sa kanila. Sumakay ako sa blue Lamborghini ko at umalis na.
Habang nasa biyahe nakita ko si Maxine na ang lalakad casual na pambahay lang ang suot nito.
Naka short na itim malaking t-shirt na itim din. Hindi ko alam anong ginamit nitong ipit sa buhok dahil magulo. Napansin ko na nakasuot ito ng de gradong salamin.
I admit bagay sa kanya ang suot niya. Naka tsinelas lang ito ay may dala itong itim na bag tingin ko ay basura.
Nakita ko paano ito mag tapon hinagis na lang nito ng basta. Malapit lang ang bahay nito sa mansion block away lang, nakita kong pumasok ito sa coffee shop. Nakita ko din na bumaba si Gideon sa Mercedes Benz nito at pumasok doon.
Nag init ang ulo ko dahil doon. Ngunit nakita ko paano iwasan ni Maxine si Gideon para pa itong diring diri ito kapag nahawakan ng lalaki.
Hanggang lumabas si Maxine at sumunod si Gideon. Never in my life hinabol ako ng ganyan ni Gideon kapag nag aaway kami ako pa ang nakikipag bati sa kanya.
Pero si Maxine, nagawa niyang ipababa ang pride ni Gideon ng ganun ka dali. Huminga ako ng malalim at umalis na lang, totoo ang sinabi ni Lolo lumaki si Maxine na iba na hindi na ito ang iyakin na bata noon.
Palaban ito at mukhang wala sa kanyang bokabularyo ang sariling "pagsuko".
GIDEON'S POV
"Pwede ba marami akong problema Mr. Luxhell!" ines nitong wika tinabig pa nito ang kamay ko.
Napa buntong hininga na lang ako at hinayaan na itong umalis. Nakita ko itong nag tungo sa loob ng building.
Hanggang sumulpot si Brix. "Hindi mo pa rin maka usap?" tanong ng kaibigan ko.
Tumango ako at humarap dito. "Alam mo pabayaan mo na lang muna. Dahil kapag natuklasan niya na lahat ng paunti unti? Siya mismo lalapit sa'yo." tapik nito sa balikat ko.
"Tama ka dyan.." pagsang-ayon ko. Napa tingin ako muli sa dinaanan ni Maxine wala na ito doon.
"Tara punta tayo kay Erson binyag daw ng anak niya ngayon may painom si gago." aya nito. Binatukan ko ito ng mahina lang lang.
"Kaibigan natin yun." sabi ko dito. Natawa naman ito.
Nag lakad ako ng may matanggap akong message mula sa secretary ko. Sinabi lang niya invited ako sa kaarawan ni Mr. Wilhelmina.
Napa iling na lang ako at binulsa ang cellphone ko.
MAXINE'S POV
Nakatanggap ako invitation mula sa secretary ni papa. Birthday na pala niya sa ikatlong araw?
"Ano yan Jazz?" tanong ni Sakura sa'kin.
Naupo muna ako at kumuha ng saging sa harap ko. "Birthday invitation ni papa." walang gana kong sagot.
"Girl pupunta ka?" tanong naman ni Cécil.
Mabilis akong umiling at kumain ng saging. "Ayoko gulo lang yan, saka ipapahiya na naman nila ako doon." sagot ko at kumuha pa ako ulit.
Kinain ko naman ng buo ito matapos ko balatan. "Sabagay pero paano kung pilitin ka? " tanong sa akin ni Sakura.
Nagkibit balikat na ako at hindi na sumagot. Hanggang mag paalam ako sa kanila may dala akong Ramyun at omelet rice. Nag tipa ako ng mensahe at tiningnan ang email ko kung sumagot ba ang hospital kung saan nag pagawa si Caiden ng kanyang s*xual transformation.
Nanlaki ang mata ko ng maka kita ako ng email. Sinubo ko muna ang kanin at nakita kong record ito From 2016 hanggang 2022. "Last year lang yung huli?" wika ko.
Ano pina-gawa niya kung ganun? Nakita ko na sinabi na naging pasyente nila ang nasabi kong tao.
Halos manlumo ako sa nakita ko ngunit bakit ito ginawa ni Alisha at Caiden? Binasa ko pa ang lahat ng information na ito at kinuha ko, agad kong iprint out ito dahil may gagawin ako dito
Hindi kasalanan ang pagiging bading o tomboy pero ang manloko ng iba ay isang kasalanan. Isali na rin nila ang ginawa nila kay Cynthia, para mapag takpan ang tunay na pagkatao ni Caiden ginamit nila si Cynthia.
Ngayon kailangan ko mag tungo sa kaarawan ni papa doon ko sisimulan ang panggigipit ko. Titingnan ko kung anong reaksyon ni Caiden at Alisha.
Hindi ako uuwi sa mansion dahil mas makaka halata sila. Baka nga pinasundan na nila ako, war freak man sila hindi naman sila boba.
Mas lalo ai Caiden.
Kaya pala galit na galit ito sa akin noon. Ni ayaw niya nakikita akong nag susuot ng magandang dress kahit naman ay bigay iyon ng mama ko.
Matapos kong iprint, pinarami ko ang litrato na nakita ko sa kahon na mukha ng babaeng nag undergo ng surgery.
Matapos ko ang lahat ng ito binura ko ang email na ginamit ko at ang message ng hospital sa akin. Lahat ng pwede ibalik sakin ay inalis ko.
Paano ko nakumbinse ang hospital? Sabi ko ini-recommend kasi niya ako sa hospital na yun, that's why.
Minsan kailangan mo din mag sinungaling pero huwag mo naman gawing vitamins na araw arawin mo pa.
Matapos ko ang lahat ng ito binasa ko ang journal ni Lolo. Pero halos mangalahati na rin ako pero puro, tungkol sa mystery girl lang ni lolo ito.
Andito na ako sa sinabi niyang may nangyari sa kanila ng girl. Pinag dadasal pa ni Lolo na may mabuo.
Hindi ko iku-kwento yung buong sinabi ni Lolo dahil ang haba po. "Ibang klase ka Lo, naka tungkod ka na nakuha mo pang umararo?" tanong ko sa kawalan habang binabasa pa rin.
Best journey ito ni Lolo yun. Mas lalo ang makita araw araw ang babae kahit iniiwasan siya nito.
Ngunit nagbago daw ang lahat ng magdalang tao ito. Alam niyang kanya ngunit hindi sinabi ng babae na kanya.
Nilipat ko ang page at muling nag basa na naman ako. "Nalaman ko. Narinig ko na may nangyari din sa kanila ng ka isa isa kong anak. Ngunit alam ko sa sarili ko na sa akin ang bata."
Hindi ko na napigilan isatinig ito. Para naman itong isang nobela sa libro. "Bawat araw na dumaan, mas lalo akong nakumbinse na sa akin ang pinagbubuntis niya ng mag tapat ang anak ko na. May proteksyon siya ang araw na may nang sa kanila ni Amelia."
Sino si Amelia? May iba pang babae si Papa?
Patuloy lang ako sa pagbabasa. "Doon ko pa lang naisip na kapag lumabas ang bata ipapa DNA ko ito. Nagawa kong tanungin si Amelia tungkol sa bata ngunit mariin nitong tinanggi na anak ko ito. Alam ko may lihim na pagtingin si Amelia sa anak ko, masakit pero wala akong magagawa matanda na ako at kahit sinong batang babae ay hindi magkaka gusto sa'kin."
Basa ko dito, "Ayos Lo ah? Guma-ganito ka pala noon?" tanong ko.
Pero sino si Amelia? Nagbabasa pa sana ako ng may kumatok sa pinto. "Girl. May dumating na package for you!" sigaw ni Sakura.
Sumimangot ako niligpit ang gamit na ito at tumayo dala ko ang pinag kainin ko at lumabas ako ng kwarto.
"Asan na?" tanong ko at nilagay ko sa lababo ang mga pinag kainan ko.
"Nasa sala. Galing sa hindi ko kilala baka ikaw kilala mo?" alanganin nitong tanong sa akin.
Nagkibit balikat ako at nag tungo sa sala nakita ko agad ang kahon na tingin ko naman ay parang lalagyan ng sapatos. Nilapitan ko ito at tiningnan ng maigi bawat kanto.
Ngumuso ako at pinitik ito well, baka kasi may kung ano mamaya bomba ito edi kasalanan ko pa at sumabog itong buong building.
"Ano yan? Buksan mo na!" tanong at utos ni Sakura.
Naupo ako at kinuha ito iniligay ko ito sa hita ko at binuksan. Nakita ko ang papel na nakasulat at binasa ito.
" Makaka tulong sa'yo ang mga ito. Sana matuklasan mo na agad ang lahat dahil konting panahon na lang natitira."
G.L
Yun ang naka sulat na pangalan. "G and L sino naman ito! Pambihira naman mag iisiip pa ako??" hindi maka-paniwalang kong tanong.
Narinig kong tumawa si Sakura at kinuha ang kahon. "Tingin ko ito na ang sagot sa tulong na gusto mo. Ito oh tingnan mo bank statement, ni Alisha at si Caiden at si Papa mo." sabi nito.
Mabilis akong tumayo at kinuha ito sa kanya. Nakita ko kung gaano kalaking halaga ang nawala sa kumpanya ni Lolo. "What? 15 million pesos? May 50 million pang nakuha sa project?!" hindi makapaniwala kong tanong.
" My god! Kaya ba noon halos mag hikahos ang kumpanya? Naalala ko noon sabi ni Lolo na hirap ang kumpanya dahil may nawawalang pera! Ito yun?" gulat kong tanong.
"Naku, hindi lang pala pamilya ng baliw ang pamilya mo nuk-nukan din pala ng magna.." wika nito.
Tiningnan ko ito nang tatanong "Magna?" tanong ko
"Hello ikaw kaya nagturo sakin ng words na yun. Magnanakaw Jazz!" sagot nito. Inirapan ko ito at pinagmasdan maigi ang mga nakuhang pera.
"Lahat na punta sa account ni Alisha." wika ko at binasa pa ang iba.
Puro lang ito tungkol sa pera, napa upo ako at huminga ng malalim at umiling. "Girl may susuutin kana ba?" tanong ni Sakura.
Umiling ako at tumayo na iniwan ko siya na nakatayo doon. Nilagay ko ito sa ilalim ng kama ko at muli akong lumabas.
"Sakura, samahan mo ako bukas ha? Bibili ako ng damit." wika ko at sinandal ako sa island table sa kusina.
Ngumiti ito at tumango, "Ako na mag luto!" wika ko at tumayo na ako.
"Ay good yan pagod na rin ako!" naka ngiti nitong sabi.
Natawa na ako, nag umpisa naman akong mag prepare ng iluluto ko gusto namin ng afritada kaya iyon ang ginawa ko.
Nag hiwa na ako at nag umpisa nang mag luto. Habang nakatitig ako sa niluluto ko nag vibrate ang cellphone ko sa bulsa ko..
Si Sakura kasi lumabas upang bumili ng pang snack namin. Binasa ko ito at tiningnan ang sender ngunit unknown naman.
" Heaven's Delight. 7pm "
Basa ko dito. "What??" takang tanong ko.
Anong lugar na naman yun? Sinubukan kong tawagan ngunit cannot be reach naman ito agad.
Napa hilot ako sa sentido ko. Agad naman dumating si Sakura kasama si Cécil, "tamang tama kakain na." wika ko at nag tulong tulong kaming mag handa ng plano upang sabay sabay makakain."
"Samahan niyo ako mamayang gabi? Sa Heaven's Delight?" wika ko habang kumakain kami.
"H.D?! Gaga alam mo ba kung ano yan?" tanong ni Cécil sa'kin. Umiling ako bilang sagot kaya sumagot agad siya. "Isa yang bar! Sige tutal naman ay hindi pa ako nakakapunta d'yan." masayang wika at pag pag payag nito.
Ngumiti ako at si Sakura. Mukhang masaya ang mangyayari mamaya. Minsan lang ako makakapunta sa ganito noon kasi ay bawal.