TUD: Chapter 18

2056 Words
MAXINE'S POV Ngayon naman ay mas naging busy kaming dalawa ni Gideon gusto ni Gideon kahit maikling panahon lang ay magawa na maganda at perpekto ang magaganap na kasal. Nandito kami ngayon sa mansion dahil gusto ni Papa na dito namin pag planuhan at kasali siya sa pagpili ng susuotin ko. Hindi ko alam para saan ang ginagawa niya dahil hindi naman siya nag paka-ama sakin noon. "Ito gusto mo Miss Maxine?" tanong sa akin ni Jade ang designer at coordinator ng wedding preparations, lahat lahat na. Tiningnan ko ito at agad umiling "I don't like this staff on my neck." turo ko sa ayaw ko. Napaka inet sa pilipinas tapos pag susuutin ako ng Choker neck na klase ng wedding dress? "Okay how about this?" tanong ulit nito. Nakita ko naman halos makita na ang dibdib ko dito. "Ako na lang ho pipili. Kasal po ang pupuntahan ko hindi lugar ng pa sexyhan at palabasan ng dibdib." sabi ko at umirap ako. I know it's rude but nakakainis kasi, ano tingin nila sa'kin? Bastusin na babae? "Bakit bagay naman sayo ang hubad ah? Ganun ang nanay mo diba?" naka ngising tanong ni Celine. "Celine!" awat ni Papa dito. "Pwede ba bakit ka ba nandito? Ikaw ba ikakasal? Alam ko naman taste mo ang mga damit na ito alam ko yun pero pwede? Lumayas ka muna? Kahit ngayon lang?" irita kong tanong dito. Nakita ko naman na halos yumuko ito sa kahihiyan. "Gideon, pwede ba na hindi na lang tayo dito mamili? Nakaka sira kasi ng mood." tanong ko kay Gideon. "Mas mabuti pa. Sir, padadalhan na lang namin kayo ng theme sa kasal. Ayoko masira ang pag pili namin ng isusuot ni Maxine. Excuse us." mahinahon na wika ni Gideon. "Pasensya na sige kung yan ang gusto ninyo. Ingat!" buntong hininga na sagot ni Papa. Kinuha ko ang bag ko at padamog na tumayo. "Pupunta na lang kami sa boutique ninyo Miss Jade." wika ko at yumuko ako upang pormal na mag paalam "Ah sige, hintayin ko kayo." naka ngiti wika nito. Ngumiti ako at nag lakad na ako pag una Si Gideon naman ay nasa likod ko lang din. "Hindi talaga yan marunong tumigil si Celine sa pamemeste sa'yo." wika ni Gideon habang pinag bubuksan ako ng pinto. Pumasok muna ako bago sumagot ganun din ito. Nang makapasok siya doon lang ako sumagot, "Wala na ako magagawa sa ugali ni Celine. Ganun talaga napaka inggetera sanay kasi siyang nakukuha ang kung anong gusto niya." sagot ko at sinandal ang siko sa bintana. Naramdaman ko naman ang pag galaw ng sasakyan. " Bakit ikaw ba noon hindi mo na kukuha ang gusto mo? Pareho naman kayo lumaki kasama ang ama niyo diba?" tanong ni Gideon. Umiling ako at nag salita. "Never si Papa lumapit sakin o hawakan man lang ako. Kahit ang umakyat sa stage for my award hindi niya ako kahit kailan binati. Sinabi din kasi ni Mama noon na huwag ako lalapit sa kanila," putol ko. Tumingin ako sa kanya saglit at nag salita. "Laging si Lolo ang nagbibigay sakin ng regalo o kaya handa o man lang batiin ako. Noong nakakalakad pa si Lolo, siya ang umaakyat sa stage para sabitan ako ng medals. "ngumiti ako at tiningnan ito. "He really like father when it comes to you..." makahulugan nitong wika. May laman yung sinabi niya mas lalo yung paraan ng pag ngiti niya. "Oo totoo yan. Kahit ayaw ni Mama ang ginagawa ni Lolo pero walang magawa si Mama dahil minsan tinatakas ako ni Lolo." naka ngiti kong sagot. Natawa naman ito at tumango. "All the Grandparents always do that for the sake of their apo." sagot nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon, hanggang makarating kami sa boutique ni Miss Jade. "Malapit lang pala ang boutique nila sa bahay? Dito din ba kayo nag pagawa ni Celine?" tanong ko dito. Inayos niya ang park ng sasakyan niya muna saka ako bumaba pag una. Paglabas nito saka pa lang siya sumagot. "No pero sa iisang tao kami nakipag usap. Dahil wala pang plano, na engaged lang kami agad pero sa plano? Wala." pag ka-klaro nito. "Eh bakit kung makapag salita siya at maka akto akala mo naman inagaw ko sa kanya ang kasal niya sa mismong araw? " tanong ko at lumapit ako dito. Tumawa naman ito at hinawi ang buhok kong hinangin. " Syempre bigtime ang papakasalan niya 'Sana' kaso nawala pa." sagot nito. Inirapan ko ito. "Yabang!" wika ko at nag lakad na ako pag una. "Komportable ka na ba sakin? Nakikita ko kasi na hindi kana high blood sa'kin lagi." tanong nito. Umiling na ako at sumagot. "I choose it to be comfortable with you. Kasi ako lang mahihirapan kapag nag matigas pa ako, adjust adjust din pag may time. "sagot ko at kinindatan ko pa ito. Natawa lang ito at ito na mismo ang nag bukas ng pinto kaya nauna akong pumasok. Nagpasalamat naman ako sa kanya. "Thank you sa ginawa mo na ikaw mismo ang mag adjust na dapat ako ang gumagawa." pasasalamat nito. "Drama mo. Wala tayo sa MMK para mag drama ka utang na loob!" biro ko dito na kina tawa nito. Mabilis naman kaming ginuide ng mga tao ni Jade at doon kami nag tungo sa private room. Binigyan nila kami ng book na pagpipilian namin. Habang ang isa naman ay panay lakad at tinitingnan ang ibang design ng three piece suit dito. "Alam mo Gideon bagay sa'yo yung Navy Blue na three piece suit na nakita natin kanina." wika ko. Dahil totoo naman lalo siyang ga-gwapo sa damit na yun. "Are you sure? " tanong nito. Tumango naman ako bilang sagot. "Okay i will buy it later, sinabi kasi ng future wife ko." wika nito. Inirapan ko lang siya. "Anong gusto mo sa isang relasyon? Mabilis o slow burn love?"tanong nito. "For me? Slow burn love, kasi doon mo makikita ang purity ng Love. I don't believe in force love o mala Cinderella love story. Ayoko ng pahirapan ang sarili ko." sagot ko. "Yung atin tingin force love ba ito?" tanong naman nito. "Nope. Dahil pare naman tayo pumayag so hindi, ang force love or Marriage tulad nito ay may consent ng both pairs. Ang ibig sabihin kasi sakin ng mga iyon ay yung hindi aware ang both parties." paliwanag ko sa kanya. "You're Right.." naka ngiti nitong pag sang-ayon. Tiningnan ko naman ito at sumimangot. "Bakit mo pala naitanong?" tanong ko dito. Magsasalita na sana ito ng bumukas ang pinto. Kaya naman hindi na ito naka pag salita. "Oh naka pili kayo?" tanong ni Jade sa'min. Umiling ako. Hanggang inasikaso na kami nito, ang napili ko lang naman ay simple lang White Gown Floor touch ang style nito na maraming kumikinang. Ball gown siya dahil gusto ko nakaka lakad ako ng maayos. "Ang galing niyo naman pumili. Okay kukunan ka namin sukat agad para malaman ko kung iaadjust pa ba o hindi na." wika nito. Kaya naman agad akong pinatayo ng babae at pina-sunod sa kanya. Ginawa ko na lang hindi ko alam kung anong pinag usapan o gusto ni Gideon. "Kuhaan lang kita Miss. Wilhelmina okay?" nakangiting paalam ng babae. Tumango ako at hinayaan na itong gawin ang gusto niya. Nakita kong sinukatan ako at sinulat naman nito sa isang clear white na papel. Hanggang matapos. Nang matapos nakita ko na lang si Gideon nakatingin sa mga suits dito, mukhang tapos na ito kunan ng sukat o ano man. "Tapos kana?" tanong ko dito. Napa lingon ito sakin at nginitian ako nito. Ang lalim pala ng dimple ng nilalang na 'to? "Yeah. So let's go?" tanong nito. Tumango ako at nag lakad na. "Kakain muna tayo tapos ako na bahala mag send sa pamilya mo ng theme ng kasal." wika nito. "Okay gutom na rin ako." naka ngiti kong sagot. Niyukuan kami ng mga tao hanggang maka labas kami. "Saan mo gusto kumain muna?" tanong nito. Pinag buksan niya ako muli ng pinto. "Pwede ba tayo kumain sa fast food naman? Ang tipid kasi ng kanin nila sa Restaurant." angal ko. Natawa naman ito at umiling. "Okay hindi na ako masyado kumakain sa mga ganyan. But parang namiss ko." sagot nito. Pumasok na ako sa kotse at ito naman ay umikot na at pumasok na rin. "Kapal mo yumaman ka lang hindi ka na kumakain ng ganun? Eh kung bigwasan kaya kita?" tanong ko dito. Nakita kong tumawa ito, bakit ganun ang sarap sa teinga ng tawa niya? "Hahaha! Ganun talaga masarap na kinakain ko eh!" sagot nito. "Sus. Mukha mo nga dati nalalamahid sa dume, sumbong kita kay Lolo eh." pananakot ko dito. Lalo itong tumawa at nag maneho na lang. "Joke lang, kumakain pa rin ako mas lalo kapag namimiss ko at gusto ko balikan ang nakaraan." wika nito. Ngumiti naman ako at tinitigan ito. "Yan ang gusto ni Lolo ang mga tinu-tulungan niya ay hindi nakakalimot sa nakaraan." naka ngiti kong wika. Tiningnan ako nito."Never akong makalimot, mas lalo sa mga pangaral ng Lolo mo." wika nito. Kaya lalo akong naging masaya. "Salamat dahil nandyan ka para kay Lolo habang nasa malayo ako." pasasalamat ko dito. Lumingon ito sa akin at nakita kong nangilid ang luha nito. "Wala yun para sa Lolo mo gagawin ko lahat para protektahan ka." naka ngiti nitong wika. "Sabay natin hanapin ang labi ng iyong Lolo?" tanong nito sa akin. "Tutulungan mo ako?" tanong ko dito. Nagulat din ako sa sinabi nito. "Oo yun ang purpose ko kaya gusto ko magpakasal ka sakin para malaya akong matulungan ka ng hindi ako nag tatago." wika nito. Medyo nalito ako sa sinabi niya kaya nag tanong ako. "Ano ibig mong sabihin?" tanong ko. "Malalaman mo matapos ng kasal.." naka ngiti nitong sagot. "Basta magtiwala ka lang sakin ngayon." dagdag nito. Ngumiti ako at tumango. "Basta huwag mo ako lokohin ipapag utos ko kay Lolo na multuhin ka!" banta ko dito. Natawa naman ito at tumango. Hindi nagtagal nakarating na kami sa fast food nag drive thru na lang kami kasi may meeting pa siya ulit kaya naman wala akong nagawa kundi kumain sa sasakyan niya. "Maxine. Bukas lumipat kana sa bahay ko pwede ba?" tanong nito. "Okay mag iimpake lang ako ngayon." sagot ko. Sumubo ako ng burger. "Salamat, bukas after ng work ko sunduin kita. Pwede ko ba makuha ang number mo?" mahinahon nitong tanong. Nilabas nito ang cellphone niya. Kinuha ko ito at ako na mismo ang tipa dahil kuma-kain ako at hindi ako makapag salita. Siya naman ay nag mamaneho. "Done!" wika ko at binalik sa bulsa ng coat niya ang phone niya. Nang makita ko ang pamilya sa gilid ng daan nakita ko na marami akong inorder. "Wait itigil mo. Bibigyan ko ng foods ng pamilya na yun!" wika ko at tinuro pa ito. "Okay sige saglit.." sagot nito. Kumuha ako ng pera para maibigay sa kanila. Siniksik ko sa pagkain. Nang tumigil siya mabilis akong bumaba at naiwan naman si Gideon sa loob. Kasi may kausap ito sa cellphone, "Hi ito oh kainin niyo ng anak mo." naka ngiti kong wika sa babae mukha ito ang nanay nila. "Wow chicken? Mama may manok salamat po ate ganda!" wika ng batang lalaki. Ginulo ko naman ang buhok nito." Sige po mauuna na ako kumain po kayo!" naka ngiti kong paalam. "Maraming salamat ma'am!" naka ngiting pasasalamat ng babae. Kumaway lang ako at sumakay na saktong wala ng kausap ni Gideon. Nang umandar ang sasakyan saktong nakita kong umiyak ang mag iina dahil sa nakita nilang pera. "You love helping homeless?" tanong ni Gideon. "Oo kasi wala naman ibang tutulong sa kanila kundi tayong may mga kayang gumawa." sagot ko. It's hard for me na iwan na lang sila ng ganun, hindi ako pwede mag tagal dahil na rin nag mamadali si Gideon. "Don't worry bahala na si Peterson sa kanila. Mag kaka bahay na sila at negosyo bibigyan ko ng trabaho ang nanay nila. Don't be sad." wika nito. Napa iyak naman ako sa narinig ko "Maraming salamat Gideon!" pasasalamat ko Ngumiti lang ito sa akin at hindi na sumagot. Pinunasan ko ang luha ko at nang makarating kami sa condo ko hindi na ito bumaba. Nag paalam na lang ako at kumaway hanggang maka alis ulit ito. Ako naman ay pumasok na lang sa loob ng may ngiti sa labi. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD