MAXINE'S POV
Napa iling na lang ako ng mag set up ng dinner si Papa para sa pormal na bigyan kami ng basbas ni Gideon sa magaganap na kasal.
Napa irap na lang ako habang nagbibihis."Alam mo nakakapikon ito sa totoo lang." irita kong sabi habang sinusuklay ko ang buhok ko.
Narinig ko naman natawa ang dalawa kong kaibigan. "Nag papaka stage father ang pudra (papa) mo girl. Pagbigyan mo na." wika ni Cécil
Hindi ko naman maiwasan na hindi umirap. "Geez, hindi bagay sa kanya!" wika ko at tumayo na ako kinuha na ang bag ko.
Nag suot na lang ako simpleng white sando sa loob short na puti at isang brown Trench Coat from Apollo box. Nakasuot lang ako ng brown Jimmy Choo stiletto.
"Aalis na ako. Baka hindi na rin muna ako matulog dito alam niyo na." wika ko at dala ko ang maleta ko.
"Okay girl. Punta kana lang dito ha? Congrats!" wika ni Sakura.
Ngayon ako lilipat sa bahay ni Gideon. "Thank you! Bye Cécil!" nakipag beso ako habang nag papaalam.
Yumakap din ako sa kanila. "Congratulations Maxine!" bulong ni Cécil. Nginitian ko sila at mag paalam na ako ng tuluyan.
Hanggang maka sakay ako ng elevator at pinindot ang number 1. Hindi magtatagal tumigil na ito saktong nandito na si Gideon may kasama itong lalaki.
"Peterson, ikaw na bahala sa gamit Ma'am Maxine mo. Let's go babe.." utos nito sa kasama niya.
"Yes Mr. Luxhell. Good day Mrs. Luxhell Sir mauna na ho ako." paalam nito. Nginitian ko ito at nauna itong mag lakad sa amin. Napa tingin muna ako sa lalaki dahil parang na mumukhaan ko ito.
Nagising ako ng mag salita si Gideon, "Let's go?" tanong ni Gideon sa akin. Tumango ako nag umpisa na kaming mag lakad.
"You look beautiful with your style.." bulong nito sa itaas ng tainga ko.
"Thank you!" naka ngiti kong pasasalamat. Inalalayan niya ako pumasok sa Mercedes Benz niya.
Umikot ito habang ako naman ay nag lagay ng seat belt sa katawan ko narinig ko na lang ang bukas at pag sara ng pinto. "Himala at hindi sa mansion gaganapin ang dinner?" tanong nito sa akin.
"Baka nanawa na sa mansion?" tanong ko dito.
I choose to trust him kahit ayoko man pero kailangan ko ng tulong niya. Dahil siya ang nasa tabi ng Lolo ng panahon na wala ako, kahit masakit yun ang totoo.
"Pfft. Pamilya mo mag sasawa doon? Kapag na pupuri ang mansion daig pa mga pumapalakpak ang mga teinga sa tuwa." sagot nito.
Natawa naman ako nag kibit balikat bago mag salita. "Ganun naman sila pakiramdam nila sila ang hari at reyna ng mundo." wiko at inayos ko ang upo.
"Well, napansin ko na rin naman noon." sagot nito.
"Gideon bakit hindi ka ng ka girlfriend? Ayaw mo manligaw?" tanong ko dito.
Lumingon ito sakin bago sumagot, "Hindi sa ayoko ko wala lang sa isip ko ng panahon na yun. Mas focus ako sa pag aaral para hindi ma disappointed sakin ang Lolo mo. Mahal ang tuition na binabayaran niya, tapos plus may allowance pa ako weekly." sagot nito.
Ngumiti ako at nag salita. "Ang bait ng Lolo ko diba?" tanong ko dito.
"Walang kasing bait." naka ngiti nitong wika.
"Pwede ko na ba sabihin na noon pa lang masasabi ko na may gusto ako sa'yo? Kahit ang sungit sungit mo?" tanong ni sa'kin.
"I don't believe you and I don't believe in love at first sight.." umiiling na sagot ko.
"Hindi ka talaga maniniwala kung hindi mo pa naramdaman.." sagot nito.
Tiningnan ko ito, kahit hanapin ko sa mata niya na nagbibiro ito pero hindi. Ang sinabi niya ay totoo.
"We're here!" anunsyo nito kaya naman umayos na ako at nang maiparada niya ay siya ang unang bumaba.
Pinag buksan niya ako ay nilahad ang kamay niya. Tinanggap ko ito at lumabas na rin ako, "Masyado kang gentle dog!" irap ko dito.
"What? Gentle what?" tanong nito sa akin.
Natawa naman ako at inexplain sa kanya kung anong ibig sabihin ng sinabi ko. "Hahaha parang hindi ka naman naging batang uhugin?" tanong ko dito.
Nagulat ako ng kabigin ako nito paharap sa kanya at hinawakan ang pisngi ko. "A-anong ginagawa mo? Nasa labas tayo damuho ka!" kinakabahan kong tanong dito.
Natawa naman ito at binigyan ako ng marahang halik sa noo. "Stop it sa pang aalaska sakin baka wala pang kasal maangkin kita agad." bulong nito sa akin. Dahil doon hinampas ko ang matigas na dibdib nito.
Natawa lang ito at hinawakan ang kamay ko. "Let's go baka naghihintay na sila sa loob." aya nito at hinila na lang ako. Nahagip ng mata ko si Celine na nakatingin sa amin.
"May tanong ako." wika ko.
"Wilhelmina reservation please.. sure what is it?" tanong nito habang sumusunod kami sa babae.
"Bakit hindi mo minahal si Celine? Nakikita ko sa mata niya na mahal ka talaga niya." tanong ko dito.
"Mamaya ko sasagutin yan. Good evening Sir.." bulong nito at nakipag kamay pa sa Papa ko.
"Take a sit, nag order na kami ng pagkain natin." wika ni Papa. Pinag hila naman ako ng upuan ni Gideon at umupo ako ng maayos.
Nag pasalamat naman ako kay Gideon ito naman ay umupo sa tabi ko. "Habang kumakain tayo, gusto ko sabihin sa inyo na congrats! Dahil finally matutuloy na ang merger ng dalawang malalaking kumpanya ng bansa." wika ni Papa.
Ako naman ay mas ginusto kong kumain. "Of course, finally." maikling sagot ni Gideon nakita ko naman natuwa sila.
"Finally aangat na naman ang kumpanya sa top 1 richest company!" wika ni Alisha.
"And Ofcourse thank you Maxine at pumayag ka your papa is so proud of you!" plastic na wika ni Alisha.
"Yeah, totoo yan Mommy at least hindi ko ma-raranasan maging miserable sa kasal dahil lang sa business." naka ngising wika ni Celine.
"How can you assure na magiging miserable si Maxine sa kasal na ito?" matapang na tanong ni Gideon.
"Hello Gideon, alam ko naman na mahal mo ako. At napilitan ka lang ikasal d'yan dahil ayaw mo mapahiya sa mga tao." confident na sagot ni Celine nag flip hair pa ito.
Umiling si Gideon at hinawakan ang kanan kong kamay. "Hinding hindi ko pinagsisihan na ikasal ako kay Maxine. Kung issue sa'yo ang pagpapakasal namin ng mabilis, we can married again without rush. Kapag natutunan na namin mahalin ang isa't isa." naka ngiti nitong sagot habang naka tingin sa mga mata ko.
Hindi ito nag bibiro nababasa ko sa mga mata niya na ito ang greatest happened sa buhay niya. Yun ang sinasabi ng mata niya, "Kumain na lang tayo.." utos ni Papa.
Kaya kumain na lang din kami hanggang nakaramdam ako ng pamumuo sa pantog ko. "Excuse me restroom lang ako." wika ko at tumayo na ako. Tinapik-tapik ko sa balikat si Gideon.
Mabilis akong nag tungo sa girls comfort room pumasok ako sa isang cubicle at doon ako nagbabawas ng tubig sa katawan. Narinig ko na may pumasok kaya naman tumayo na ako matapos ko mag cr.
"Tingin mo talaga ano swerte ka kay Gideon? Isipin mo nga mabuti na ang bilis niya mag bago ng isip? Dati gusto niya makasal sa'kin ngayon na nalaman niyang ikaw ang heir ay agad agad nag cut ties siya sa'kin." wika ni Celine.
Napa irap na lang ako at lumabas upang mag hugas ng kamay. "Mahirap talaga kapag mula umaga almusal mo na ang pagiging inggitera. Ultimo dinner at snack yun parin kinakain mo.." wika ko at tiningnan ito sa reflection ng salamin.
Nag tagis ang bagang nito. "Anong akala mo panalo kana? Akin lang si Gideon tingin mo you can satisfy him mas lalo sa kama? No! " galit na sabi nito.
Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Oo i can do that. Mas lalo kung birhen pa ako. Ang alam ko kasi nowadays hinahabol na ang virgin ngayon kasi konti na lang kami.." naka ngiti kong sagot dito.
"Kung pleasure and satisfaction naman i can give him that. At sisiguraduhin kong mababaliw siya sa'kin.." mahalay ang bawat pag bigkas ko.
"Virgin alam natin na hindi kana birhen! If i know sa Japan marami na ang gumalaw sa'yo doon!" naka ngisi nitong wika. Tiningnan pa ako nito mula ulo hanggang paa ko.
"Look who's talking bakit? Ganun ka ba noon? Alam mo payo lang ha pagamot kana malala ka na eh." sagot ko dito at tinapik ko ang balikat nito.
Nag lakad na ako ngunit hindi ko inalis ang mata ko sa mata niya hanggang siya ang unang bumawi ng tingin.
Lumabas na ako at bumalik sa upuan namin. Pag ka upo ko agad akong tinanong ni Gideon ng pabulong. "Sumunod si Celine sa'yo? Anong ginawa niya sinaktan ka ba niya?" pag aalala nitong tanong.
Umiling ako at sumagot "Hindi kung sinaktan niya ako baka mukha na akong mangkukulam dito. Don't worry," nginitian ko ito.
Tumango naman ito at binigay sakin ang wine na siya mismo ang nag salin. "I waited her for so long. Mas lalo nang sabihin sa'kin ni Don Maximo na gusto niya ako para sa apo niyang babae." panimula ni Gideon
Lahat naman sila nakikinig pati ako. "Ang akala ko noon hindi na siya babalik pa ng bansa. Isang araw na balitaan ko na bumalik siya." tumingin ito sakin at ngumiti.
"Kaya ba mabilis mong itinigil ang kasal ninyo ni Celine? Iniisip ko pa naman na inlove kayong dalawa sa isa't isa." tanong ni Alisha kay Gideon.
Ako naman ay busy lang kumain. "Me and Celine we both know na walang love na namamagitan sa amin. Alam niya yun ngunit hindi ko kasalanan na nag ka gusto siya sa'kin. Hindi rin ako nagpakita ng motibo na gusto ko siya." diretsong sagot nito.
Nakita ko ang pag asim ng mukha ni Alisha, gusto ko matawa pero hindi na lang.
Marami napag usapan hanggang mag salita si Caiden. "Kapag nakuha mo na ang gusto mo pwede mo na hiwalayan ang half sister ko. " wika nito.
"Laki ng galit mo sa akin ano? Uy Caiden yung issue mo ayusin mo." irap ko dito.
"She's right kung hiwalayan naman wala akong plano na makipag hiwalay. Kung anong dahilan at totoong dahilan ko kaya ako ang pakasal kay Maxine tanging si Maxine lang ang makaka-alam labas na kayo doon." may ines na sa tono ng pananalita ni Gideon kaya agad kong hinawakan ang matigas nitong braso.
Tumikhim naman si Papa at nag salita. "So ibig sabihin mo na ang kasalan na ito at long time commitment pati sa kumpanya? Kung ganun dapat ay pumirma kayo prenuptial agreement." wika nito.
"Mukha talaga kayong pera ano?" ines na tanong ko sa kanila.
"Ibabangon ng soon to be my wife ang kumapanya sa pamamagitan ko. Pero walang mapuputol na kasal. " wika ni Gideon.
Ngumiti naman sila na para silang nanalo sa Lotto. Hindi ko alam anong plano ni Gideon pero pakiramdam ko malalim ang plano nito.
Hindi niya ito gagawin ng wala lang. "Kung ganun.. i hope maging masaya at healthy ang pagsasama ninyong dalawa! Let's have a toast for partnership and healthy marriage!" wika ni papa at tinaas ang wine glass.
Ako lang ang hindi nakipag toast sa kanila.
Nang matapos ang dinner nauna kaming umuwi ni Gideon. "About sa tanong mo. Dahil hindi ko kaya mag mahal ng iba na meron naman laman ang puso ko." sagot nito at nginitian ako.
Ito ang sagot niya sa tanong ko kanina sa kanya. Gusto ko pa sana mag tanong pero i lost my words. Ibang iba siya sa una kong nakilala na Gideon sa coffee shop.
Arrogante,mayabang at presko. Why all of a sudden nag bago siya? Ano bang gusto niya sakin?
Pera? Ang kumpanya? Hindi ko maintindihan ang gusto niyang mangyari. Nakikita ko sa mata niya na seryoso siya sa mga sinasabi niya sa akin.
Pero natatakot ako mag tiwala sa kanya. Natatakot ako na mag ka totoo ang sinabi ni Celine. "I assure you na hinding hindi ako manloloko. Kung iniisip mo ang pinagsasabi ni Celine, tumigil kana mas kilala ko ang sarili ko alam ko kung anong ayoko ko at gusto ko.." wika nito.
Nabasa ba niya iniisip ko? Tiningnan ko lang siya hanggang makarating kami sa bahay niya este mansion din pala.
"From now on? My property is your property now my money is yours too. And this huge house is also belongs to you. Lahat ng meron ako ay iyo na rin." mahabang wika nito bago kami bumaba ng sasakyan.
Is he willing to do that? Kahit kasal lang ito dahil sa business? Dapat na ba ako matakot?