TUD: Chapter 17

2348 Words
MAXINE'S POV "Pumili ka na ng gusto mong dress." utos ni Gideon sa akin. Inirapan ko naman ito at nag lakad na lang, isa isa ko tiningnan ang mga dress hanggang pumukaw sa paningin ko ang isang peach color na dress. Ngunit mahaba ang sleeves nito pero gawa naman sa citro kaya presko ito. Sa bansang ito mas gugustuhin ko mag suot ng presko kesa mag tiis ako sa inet "Gusto mo ba yan?" tanong ni Gideon. "Ay kabayo ka!" gulat kong wika at mabilis kong hinampas ito sa braso na kina tawa niya. "Sa susunod mag sabi ka na nandyan ka?! Para kang kabute eh! At ang sagot ko sa tanong mo ay Oo!" pagtataray kong sagot dito. "I will, I'm sorry, Miss, we want to buy this dress." utos nito. Agad kumilos ang babae at kinuha ang dress na gusto ko. "Magbihis ka na doon." utos ni Gideon sa akin. Tumango ako at nag paalam muna sa kanya. "Ito po ma'am. "naka ngiti wika ng babae. Ngumiti ako at nag pasalamat na muna. Pumasok naman ako sa changing room at mabilis akong nag palit ng damit ko. Matapos kong mag bihis natuwa ako na halos yumakap sa hubog ng katawan ko ang dress na suot. Para itong sadyang ginawa para sa akin. Inayos ko ang suot ko kanina at lumabas, "Akin na po yan ma'am. Ilalagay ko po ng maayos sa paper bag. " salubong sa akin ng babae. "Salamat ha? Ahm nasaan pala ang kasama kong lalaki kanina?" halos pabulong ko ng tanong dito. "Ay si Sir Gideon po?" tanong nito. Tumango naman ako at nag salita ito. "Namimili po ng stiletto po na babagay sa dress niyo." naka ngiti nitong wika at tinuro ng kabilang side Nakita ko itong pumipili kaya mabilis akong nag excuse sa babae. "Excuse lang ha puntahan ko siya." naka ngiti kong paalam. Ngumiti ito at tumango kaya naman agad akong nag tungo sa kinaroroonan ni Gideon. "Mr. Luxhell, ito na lang bagay na ito dito." tuloy ko sa silver na stiletto. "Are you sure? Tingnan mo muna." utos nito. "Miss.." tawag nito sa isa pang babae. Mabilis naman itong lumapit sa amin. "Yes sir?" tanong nito. Ako naman ay kinuha ang silver stiletto. "Miss may size 38 kayo nito?" tanong ko. Ngumiti ito at naramdaman ko na may humawak sa likod ko walang iba kundi si Gideon. "Yes ma'am kukunin ko po para sainyo." naka ngiti nitong sagot at mabilis umalis. "Maka hawak? " pag susungit ko kay Gideon. "Masanay kana kapag naging mag asawa na tayo hindi lang yan mararanasan mo." maloko itong ngumiti. "FYI hindi ako papayag na ikaw lang maging masaya sa kasal. Kailangan may agreement tayo." bulong ko dito dahil may mga tao na dumadaan dito "Tingin mo papayag ako sa agreement na yan? Ano ikakasal lang tayo but no kiss, no touch and no s*x? Wala tayo sa telenovela!" wika nito at bigla nag walk out. "Ganern? Nag walk out? Hey Gideon!" tawag ko dito at sumunod ako agad. "Paano yung stiletto sino magbabayad? Ang mahal noon hindi ko kaya." wika ko dito. "Bawiin mo muna ang sinabi mo." malamig nitong wika. "Ano bang meron sa s*x at baliw na baliw kayo?" tanong ko dito. Yumuko ito ay bumulong sa teinga ko. "Masarap.." yun lang pero nag taasan na yung balahibo ko. "Yuck!" nandidiri kong wika. Nag lakad na ito palabas. "Oo na binabawi ko sige na bayaran mo na ito!" pag mamaktol ko. Mabilis naman ito umikot at nag tungo sa counter. Nakita ko pa ang pag ngisi nito "Ay marupok itong lalaking ito!" bulong ko at sumunod sa kanya. Umiling ako ng hawak na nito ang paper bag at nag lakad para salubungin ako. "Let's go my Love," naka ngiti nitong aya at nag lakad na lang din ako "Maka my Love ha? Kapag ako niloko mo at nambabae ka o pumatol ka kay Celine sinasabi ko sayo. Sa garahe ka matutulog kasama ng mga kumpare mong surot!" banta ko dito. Narinig kong tumawa ito. "Marami na ni'yang beses akong inakit ngunit deadma si Junior sa kanya." sabi nito. Hindi ko maiwasan hindi mamula dahil napa lingon sa kanya yung babae. Hinampas ko siya ng malakas." Bunga-nga mo nga!" suway ko dito. Bumulong ito sa'kin. "Sayo lang daw sasaludo ito. Promise!" sabi nito at naramdaman ko pa ang pag halik nito sa tainga ko. "Yuck! Umayos ka nga!" sigaw ko dito. Tumawa naman ito ng malakas nakita ko naman ang mga tao na parang kinikilig pa. "Ang cute nila ano? Sana magtagal sila bagay na bagay sila." wika ng babae. "Let's go I'm hungry.." nakangiti nitong aya. Inilahad pa niya ang kaliwang kamay niya. Tinanggap ko naman yun kesa mag tagal pa kami dito. Nag lakad na kami patungo sa sasakyan niya. "Masaya ako kasi kasama kita. At unti unti na akong nakaka lapit sayo. I will treasure this moment forever.." narinig kong wika nito. "Tunugan mo parang inlove in love ah?" pang aasar ko dito. Nilingon ako nito at ngumiti lang hindi ito nag salita. Pinag buksan ako nito ng pinto kaya pumasok na ako dahil mainet. Umikot ito at sumakay na din nilagay niya ang dala niya sa likod. Umandar naman ang sasakyan agad "Oo nga pala matanong lang. Wala ka bang naging girlfriend before?" tanong ko dito para lang may pag usapan kami. "Wala mas gusto kasi mag aral. Ikaw? Nag ka roon ka ng ka---" pinutol ko na siya. Umiling ako at nag salita. "Ayoko, hindi ko type mga lalaki doon." sagot ko. Natawa naman ito "Bakit maliit ba size?" tanong nito. Kaya nag salubong agad ang kilay ko. "Size? Ng alin?" takang tanong ko. Agad itong tumingin sa gitna ng hita niya. Nakuha ko naman ang pinupunto nito na agad kina laki ng mata ko. "Ang bastos mo! Ano tingin mo sakin tit* hunter?!" sigaw ko dito na kina tawa nito ng malakas. Pinalo pa niya yung manibela habang tumatawa. "Hahaha sabi kasi maliit lang daw yung ano nila doon. Mga four inches!" wika nito Pinalo ko naman ang matigas nitong braso, god! Matigas talaga! "Tse malay ko doon! Pero maliit talaga? Tanong ko nga kay sakura!" tanong ko dito. Tawa lang ito ng tawa. "Kung ako sa'yo huwag na anyway nandito na tayo. " bumalik na ito sa pagiging seryoso. Hindi na ako sumagot at hinintay na lang itong makapag park. Nang maipark niya ang sasakyan ay mabilis naman akong bumaba na, hinintay ko na lang siya. "Let's go.."naka ngiti nitong aya. Tumango ako at nag lakad na. Humawak ako sa matipunong braso nito. Nag lakad kami patungo sa pintuan ng restaurant agad naman kami sinalubong ng babae. "Mr. Luxhell?" pagtatanong ng Manager. "Yes.. " maikling sagot nito. "This way sir."aya ng babae. Sumunod naman kami sakto naman naka pwesto kami sa tabi ng salamin. CELINE'S POV Naikuyom ko ang kamao ko ng makita kong kumakain si Gideon at Maxine. Habang nasisira ang pamilya ko nabubuo naman si Maxine. "Lahat ng gusto ko napunta na sayo!" galit na wika ko. Hindi ako makapaniwala na mas gusto ni Gideon na iba ang tema ng kasal nila. Ayaw niya noon ang gusto namin noon, mali gusto ko lang pala dahil never naman ito nag bigay ng suhistsyon niya. "Mukhang kinakalaban ka talaga ng half sister mo ah? Ano mag papatalo ka ba ng ganun ganun lang Celine?" tanong ni Stella sa'kin. "No! Let's go i want to ruin their date!" wika ko at bumaba na ako ng sasakyan ko. Padamog kong sinara ito. "Go girl! I'm here back up!" masayang wika ni Stella. Pumasok na ako ng restaurant kahit pa hinarang ako ng manager. "Stay away from here!" dikdik ko sa mukha ng babae agad naman itong umatras. "Good choice!" ginulo ko pa ang buhok nito na parang aso. Mabilis akong lumapit sa dalawang ito nang maka lapit ako binagsak ko ang kamay ko sa mesa nila na gamit "Ma'am bawal po kayo dito!" awat ng guard sa akin. Humarap ako at pinagbantaan ito. "Subukan mo ako hawakan ipapakulong kita! Ikaw naman!" sigaw ko kay Maxine Nakita ko paano ito naging mahinahon. Binaba niya ang hawak niyang kubyertos at pinunasan ang bibig nito. "Lahat ng akin inagaw mo! Wala ka ng tinira napaka damot mo! Ikaw naman Gideon dumating lang itong kapatid kong bastarda pinagpalit mo na ako? Ganyan ba kababa ang taste mo sa babae?!" galit na tanong ko dito. "You mean yourself?" tanong ni Gideon sa'kin na kina gulat ko. "Wha-what?! Hindi ako kasing baba ng pinalit mo sakin!" sigaw ko dito. "I doubt it, sa nakikita ko kasi ikaw ang palengkera, maingay, pala sigaw laging naghahanap ng gulo at nagwawala. So parang ikaw na din ang sinasabi mong mababang babae." malamig at deterso nitong sagot na kina nga-nga ko. "Celine, matalino kang babae pero dahil sa mga kaibigan mo na parang demonyong bulong ng bulong. Lalong pumangit ang ugali mo." muling wika ni Gideon "How dare you?! That's not true! Ito, itong babae na ito ang sumira sa'tin!" sigaw at paninisi ko kay Maxine. Napa luha na ako dahil sa mga sinasabi ni Gideon. "Maxine let's go, may pupuntahan pa tayo.." aya ni Gideon sa half sister ko. Mabilis silang tumayo at umatras naman ako. Nang tumayo si Maxine "Ikaw ang dahilan! Kaya nasira ang buhay ko dapat pinatay ka lang ng nanay mong malandi!" sigaw ko dito. Agad naman akong pinigilan ni Gideon. " Try to hurt my future wife i will sue you bigtime!" banta nito. Nakita kong hinawakan nito ang kamay ni Maxine at marahas na binitawan ang kamay ko at mabilis silang nag lakad. Nagdilim ang paningin ko at kinuha ko ang steak knife. "Kapag hindi mo ako binalikan. Magpapakamatay ako!" sigaw ko at tinapat ang knife sa pulso ko. Lumingon sila sa'kin ng sabay biglang nag salita si Maxine. "Mahal na mahal mo ang sarili mo, kaya nga nagiging selfish ka! Tingin mo ba maniniwala kami na kaya mo saktan ang sarili mo?" tanong ni Maxine. Nakita ko ang tingin nito sakin na napaka lamig. "Celine. Kilala kita bata pa lang ako, alam ko na hindi mo yan kaya, magawa mo man alam kong hindi mo i-kakamatay." wika nito at umalis na. Ganun din si Gideon sumunod ito kay Maxine. Ako naman ay nakaupo sa sahig habang umiiyak. MAXINE'S POV "Gideon, pwede bang bukas na lang tayo ulit mag usap?" tanong ko sa kanya ng maka sakay kami ng sasakyan niya. "Pwede ka mag pahinga muna sa bahay ko." wika nito. Umiling ako at nag salita ako. " Pagod na ako." malamig kong wika. Tiningnan ako nito at bumuntong hininga. "Sayang yung dress bagay sa pupuntahan natin. Sige idadaan kita ako na lang ang pupunta." sagot nito. Bigla naman akong nakunsenya dahil doon. Nag effort siya para sa lakad na ito."Hindi, sige tuloy tayo! Pasensya na yung nangyari kasi kanina." pag hingi ko ng paumanhin. "Are you sure? Pwede naman na ako na lang ang pumunta." ngumiti ito para pagaanin ang paligid. "Oo naman ano ka ba? "naka ngiti kong wika para mawala ang awkwardness na nararamdaman ko. "Okay sige. Saglit lang naman tayo dahil may meeting pa ako ng 3pm so, mabilis lang ito." naka ngiti nitong wika. Tumango na ako at hindi na nag salita pa. Nang makarating kami doon ko napansin na bilihan pala ito ng sing-sing. "Dito pala tayo pupunta pa suspense ka pa!" irap ko dito. Sabay kaming pumasok sa loob bumungad sa akin ang malamig na hangin galing sa aircon nila. "Oh kayo pala Mr. Luxhell and Miss. Wilhelmina! Naka handa na po ang pagpipilian niyo." naka ngiti wika ng nag ngangalang Juliana. "Let's go. Tumawag na ako sa kanila para makapag pamili ka ng magandang wedding ring natin." bulong ni Gideon sa akin. Tumango naman ako at hindi umimik pa hanggang maka pasok kami sa isang kwarto. Doon nakita ko ang nakalagay sa mesa na mga sing-sing. "Ma'am kayo po ang babae so kayo po ang pipili." paliwanag sa akin ni Juliana. "Pwede ba na dalawa kami? Kasi hindi lang naman ako ang ikakasal?" magalang kong tanong. "Yes of course ma'am. Sir you can join your soon to be your wife po." naka ngiti wika ng babae kay Gideon. Kumilos naman ito at isa isa namin tiningnan ang mga sing-sing hanggang mapansin ko ang sing sing na may diamonds sa buong round ng sing-sing may bato ito o diamond din na malaki sa gitna. "Gideon, ito kaya." kalabit ko dito at tinuro ang sing-sing na nakita ko. Ang sa lalaki naman plain ito pero may maliit na diamonds din. "I like this one simple but yet elegant." he said. "Oh yan na po ba? Good choice po, maganda ang napili ninyo?" naka ngiti nitong wika at kinuha ang napili namin. "Really? Gusto ko ito." sabi ko habang naka ngiti. "Okay we buy this." final na wika ni Gideon. "Okay sige Sir, Ma'am ipapadala na lang po namin sa pangalan mo Mr. Luxhell." naka ngiti wika ng babae. "Okay here's my card." agad nito binigay ang black card niya. "Let's go sila na ang bahala d'yan." aya sakin ni Gideon. Nakuha naman na niya ang kanyang card. "Miss pwede ba ako bumili ng ring dito? Yung out of the business? Parang personalize?" tanong ko. "Opo Ma'am kailangan niyo lang po kausapin ang boss namin." naka ngiti nitong sagot. "Okay thank you!" pasasalamat ko. Mabilis kaming umalis sa bilihan ng sing-sing. "Ihahatid na kita dahil 30 minutes na lang late na ako." wika nito. "Pwede ako mag commute mag taxi na lang ako. Sige na baka malate ka pa." taboy ko dito. "Teka hin----" i cut him. "Okay lang sige na. Kita na lang tayo bukas for fitting ng susuotin." kumaway ako sa kanya at mabilis pumasok sa pinara kong taxi. Nakita ko na nag buntong hininga ito. "Okay. Ingat! Manong paki ingatan yan ikakasal pa sakin yan!" wika nito sa driver nanlaki naman ang mata ko. "Okay Sir akong bahala!" nakangiti wika ni manong. Umirap na lang ako. Nag wave ako ng kamay sa kanya ganun din naman ito, at umandar na ang taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD