TUD: Chapter 25

2156 Words
MAXINE'S POV Pag uwi sa bahay, hindi naman nag tagal naka sunod na rin si Gideon. Ang dalawa kong kaibigan naman ay kasama ko. Pumayag si Gideon na dito muna sila mag pahinga dahil malalim na rin ang gabi. Paglabas ko ng bathroom saktong pasok ni Gideon, "Pasensya kana sa nangyaring gulo kanina." panimula nito at lumapit ito sa'kin. Hinawakan pa nito ang kamay ko. " Okay lang yun, huwag mo na isipin ang bagay na yun." naka ngiti kong sagot dito. "Special ang araw na ito pero nasira lang. Hindi man lang tayo nakapag First dance and paghati sa cake.." nahihimigan ang boses nito ng pagiging malungkot. Hinawakan ko ang pisngi nito at nginitian ito. "Then sayaw tayo ngayon gusto mo? Mag play ako ng music ngayon, tapos sa cake naman sa kaarawan mo o bukas." naka ngiti kong wika. Para naman gumaan ang loob niya. Ramdam ko ang pagiging malungkot niya, doon ko nasabi na importante sa kanya ang araw na ito. Kahit nag dududa ako sa intensyon niya sa'kin. "Thank you.." pasasalamat nito at niyakap ako ng mahigpit nagulat man ako pero.. Ngumiti lang ako at niyakap din ito pabalik upang kahit paano mawala ang bigat na nararamdaman niya. "Sobrang mahalaga ang kasal na ito sayo ano?" tanong ko dito. Kumalas ito at tiningnan ako. Hindi naman ako nagulat ng mag hubad ito sa harap ko, medyo naiilang pero makakasanayan ko din naman yan. "Yes sobra itong mahalaga sa akin. Bakit sayo hindi ba? Iniisip mo parin ba na business pa rin ito?" tanong nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. "Oo nag dududa kasi ako sa intensyon mo." pag papaka totoo ko. "Alam ko, pero may isang request ako. Tapusin mong basahin ang journal ng Lolo mo, lahat ng doubt at tanong mo masasagot nito. Balikan mo ako kapag natapos mo na." naka ngiti nitong wika at pumasok agad ito ng bathroom. Nag salubong naman ang kilay ko at saglit na natulala sa pinasukan nito. Journal ni Lolo? Anong meron doon? CELINE'S POV "Ano ang sinasabi ni Gideon Daddy na sa inyong dalawa ni Maxine siya lang ang totoong kadugo ni Lolo?" tanong ko kay daddy ng maka uwi ako. "What are you talking about? Hindi yan totoo!" pagtanggi ni daddy. "Teka nga bakit nasabi ni Gideon yun? Kasali ba siya sa pamilya na ito? Hindi diba? Pinaaral lang siya ni Papa!" galit na wika ni Daddy. "Yun ang sinabi niya sa akin na mas may karapatan pa ang bastarda na yun kesa sayo!" padamog akong umupo sa single na sofa. "Then bakit ka naman agad naniniwala? Malay mo sinabi niya ito upang protektahan ang asawa niya?" pag tatanong ni Kuya Caiden sa'kin. "See hindi mo naisip tama ba ako?" tanong ni kuya Caiden. Umiiling pa ito. "Caiden, ayusin mo ang asawa mo hanggang ngayon hindi pa umuuwi?!" panenermon ni Daddy kay kuya Caiden. "Kayong dalawa lumabas na kayo pagod ako!" taboy sa amin ni kuya Caiden. Umirap ako at padamog na lumabas, naisip ko din na hindi sasabihin ni Gideon ang bagay na yun para lang kay Maxine. Alam ko may malalim na dahilan kaya niya nasabi 'yun. "Huwag ka magpadala sa sinasabi ni Mr. Luxhell, mas walang karapatan ang bastarda na yun kesa sa atin!" wika ni kuya at pumasok na ito sa kwarto nila ng asawa niya. Si Cynthia naman hindi namin alam kung na saan ito. Halos isang linggo itong hindi nagpakita, wala din ito sa bahay ng magulang niya. Nagtungo ako sa kwarto ko at mas minabuti kong mag half bath muna bago matulog. Nag tungo ako sa bathroom at mabilis akong nag hubad at naligo ako agad. Doon ko na rin binura ang make up ko matapos lumabas na ako at agad akong nag open ng aking social media account. Nakita ko din na may ang email sa akin. Napangiti ako, " Baka may bago akong offer for a model. " wika ko at agad kong binuksan ito at nanlumo ako ng mabasa ang email ng manager ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ito. "Ano sinabi mo? Paano ako na cancel?" tanong ko dito. "Dahil sa paninira mo ng kasal ng sarili mong kapatid. Celine ikaw ang isa sa mga model ng wedding dress last year noon remember? Ikaw ang huling rumampa. May sinabi ka pa noon na ' ang kasal ay mahalaga sa bawat babae. Kahit sino ka pa. ' " wika ng manager kong si Marushka. "Marushka, maliban sa impakta kong kapatid okay? Bakit naman nila idinamay ang pagiging model ko?!" pagtatanong ko dito. "I'm sorry Celine ginawa ko ang lahat para kumbinsihin sila, family issue ito pero ayaw nila maniwala. Wala akong power doon," wika nito at binaba na ang tawag ko. Sa galit ko hinagis ko ang cellphone ko sa kama ko at nag scroll na lang ako sa EyeG ko, doon ko nakita ang nagkalat na video kung paano ko sinabuyan ng chocolate si Maxine. At kung paano din ako nito sampalin. "Bakit ako ang tinitira ng mga haters? Totoo naman ang sinabi ko na, ako dapat ang ikakasal ah?!" pasigaw kong tanong. Nabasa ko ang mga comment, lahat galit sakin ang iba ay sinasabi na isa akong highest paid model tapos basura ang ugali ko? "Kilala ba nila akong lahat?!" sigaw ko. Saglit ko pinag pupunit ko ang cover ng unan ko at hinagis ang laptop ko. I hate them! I hate Maxine she always ruin my reputation! MAXINE'S POV Napa hilot ako sa sentido ko ng makita ko ang kumalat ba news article tungkol sa kasal at sa ginawa ni Celine. Naramdaman ko na may humawak sa balikat ko nang mag angat ako ng tingin. "I need to go after this, mag impake kana may pupuntahan tayo." naka ngiti nitong paalam sa akin. Agad kong hinawakan ang kamay nito. "Pwede ba natin ipost-pone muna yung honeymoon natin? Pwede ba na dito muna ako sa manila mahirap na kasi, kakausapin ko pa si Attorney." pakiusap ko dito. Umupo naman ito sa tabi ko. " Sige, mas mainam yan para maka pag adjust ka pa sa akin." pag payag nito. Napa ngiti naman ako at niyakap ito. Naramdaman ko din ang mainet nitong niyakap. "Thank you!" pasasalamat ko. "You're always welcome. Sa ngayon mag enjoy ka muna with your friends dito ako mag dinner." bulong nito. Ako naman ang unang kumalas sa yakap niya at ngumiti "Okay ingat ka. Tawag ka kapag uuwi kana," nakangiti kong paalala dito. " I will.." humalik ito sa pisngi ko at buhok ko. "I really need to go. Text or call me if you need anything or you want me to buy." paalala nito ulit. Tumango naman ako at lumabas naman ito agad ng kwarto. Nag tungo ako sa balcony niya at hinintay itong maka labas, nang makita ko siya at lumingon sa gawi ko. Masaya at buong ngiti akong kumaway sa kanya. Ngumiti din ito at kumaway sa akin pabalik. Pinag buksan siya ni Peterson ng pinto hanggang maka alis sila naka tanaw parin ako sa kanila. "Ang laki ng kwarto ninyong mag asawa." narinig kong wika ni Sakura. Pumasok naman ako bago sumagot. "Ang ganda 'no?" tanong ko. Tumingin silang dalawa sa'kin at sabay sabay kaming tumili at nag yakapan. "Ang ganda ng kwarto niyo girl! Ang swerte mo!" kinikilig na papuri ni Cécil at nahiga pa ito sa kama namin ni Gideon. "Uy wala pang nangyari sa inyo?" tanong ni Sakura sa'kin. "Wala pa. We both decided na huwag na muna mas lalo at may gulo pa sa Family ko. " sagot ko at naupo ako sa tabi ni Cécil. "Buti nga may katulad niyang lalaki na handa mag hintay, hindi tulad ng iba kinasal lang sa asawa kung maka araro kala mo wala ng bukas." mahalay na wika ni Cécil. Natawa naman ako at tumango. "Kahit may doubt ako at least nakikita ko naman na hindi siya tulad ng ibang lalaki na kilala natin." sagot ko. "Sana all na lang talaga." tila nag daydream na wika ni Cécil. Naupo naman si Sakura at nag salita. "Hoy yung sister mo na si Celine nakita ko maraming nag back out na mga modeling agency at brand sa kanya ah?" wika ni Sakura. Napa buntong hininga ako at tumango na lang din. "Nabasa ko nga ang dami nga na galit din sa kanya. Dahil sa ginagawa niya sa kasal ko." wika ko. "At eto pa ang chika, yung pinaka malaking Brand ng pagawaan ng wedding dresses na si Francine Valencia yun diba? Yung magaling na designer? Ay umayaw din daw." wika ni Cécil. "Teka sila ba yung isa sa mga malaking pamilya sa bansang ito? Ang sabi nila ay masasamang tao daw mga yun." tanong ni Sakura kay Cécil. Ako naman ay hindi ko alam ang pinag sasabi nila. "Yun din ang chika at kumakalat sa balita pero. Hindi ako basta basta naniniwala." sagot naman ni Cécil. "Sayang ang ganda pa naman mga gawa ni Miss Francine. Super expensive ang mga gawa niya. Sabi din nila ang una at huling expensive wedding gown na ginawa nito ay ang sa kamag anak nila. Grabe bilyones daw ang ginastos dahil sa mga diamonds na ginamit." muling dagdag ni Cécil. Hindi ko maiwasan hindi ma panganga. "Teka saan sila nakakakuha ng ganyan? Oo bilyonaryo din ako pero hindi ko ginusto magpagawa ng gown na puro diamonds ang naka lagay ano?" tanong ko sa kanila. "Yun lang walang nakakaalam basta ang sabi sobrang yaman daw ng babae nilang pinsan. Yung mga Lavistre at mga Valencia, forbidden din ang kanilang mga pagkatao, dahil na rin siguro sa buhay na meron sila." sagot ni Cécil sa'kin. Na tahimik naman ako, kung ganun may tao talagang kahit ubod ng yaman na gagawa pa rin mabuhay na para bang hangin lang? "Para silang mga hangin lang? Kilala pero hindi nakikita?" tanong ko sa kanila. Mabilis tumango si Cécil. "And dangerous people daw sila." bulong pa nito. Nangilabot naman ako sa sinabi nila. Napa iling na lang ako hanggang tinawagan ako ni Papa. "Speaking of the d*vil tumatawag si Papa saglit." wika ko at pinakita pa sa kanila. Tumango sila at ako naman ay tumayo. "What?" bungad ko. "Pumunta ka dito may pag uusapan tayo." wika nito. Umirap ako at hindi sumagot basta ko na lang binaba ang tawag nito. "Well, i need to go too may pag uusapan daw." paalam ko. "Okay sige bonding tayo next time ha? Una na kami." paalam ni Sakura. "Okay punta ako sa condo kapag tapos na kami mag usap." pag papa alam ko ng plano ko. "Okay sige tawag kana lang at mag paalam ka sa Hubby mo." sabay hagikhik ni Cécil. Inirapan ko sila at hinatid ko sila hanggang sa labas. "Tse! Ingat!" kumaway pa ako at siyang umalis na sila agad. Ako naman ay agad pumanik sa taas at mabilis akong naligo. Matapos kong maligo nag bihis na ako ng jeans at v-neck t-shirt na kulay pink. Nag sapatos ako at mabilis akong umalis. Nag paalam ako kay Manang Edna at sa guard, bago ko paandarin ang sasakyan ko nag tipa muna ako ng message for Gideon para alam niya kung nasaan ako. Nag maneho na ako pauwi sa mansion. Narinig ko ang pag tunog ng cellphone ko meaning nag reply ito. Nang makarating ako sa mansion agad akong bumaba, iniwan ko ang sasakyan ko sa labas ng gate ay pumasok na lang ako. Pagpasok ko sa main door, sumalubong ang panget na mukha ni Georgina at ni Attorney. Olivarez. Napa irap na lang ako at padamog na umupo. "Para saan iyo?" tanong ko naman sa kanila. "We want you to sign these Terms and agreements.." wika ni Attorney. Olivarez. Kinuha ko ito at binasa ng malakas. "We want you, Maxine Jazz Alonzo Wilhelmina, to sign this agreement for the company. We want you to give us 80% of your shares and assets to your Father. Mr. Cerius Wilhelmina. Blah blah and blah!" wika at hinagis ito sa ere. "Tingin n'yo sakin 1 year old? Hindi alam kung ano yan? Kung kumpanya lang ang usapan. I want my OWN company buong buo, walang labi at walang kulang!" diin kong wika. Sasampalin sana ako ni Papa ng saluhin ko ito. "Pa, paka tandaan mo sa akin binigay ni Lolo ang kumpanya. Kaya siguro ayaw niya ibigay sayo dahil wala siyang tiwala sayo?" pagtatanong ko. Marahas kong binitawan ito at muling nag salita. "Kung ako sayo magiging mabait na ako simula ngayon. Para hindi ko kunin ang kumpanya. At ikaw Miss, Georgina? Gumawa kana ng resignation letter mo. Dahil ikaw ang una kong aalisin sa kumpanya KO!" Pinagdaanan ko pa ang salitang "KO" ngumiti nag mag salita si papa. "You no have the right para sa lahat ng ito! Isa lang kitang anak sa labas!" galit na wika nito. "Hmm, that's sad kaso andito na ako eh!" nginitian ko ito at tumayo na. - Part 2 tayo lagpas tayo sa WC eh!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD