AUTHOR'S NOTE;
( Sorry po kung hindi ko na ididetalye kasi may word count po akong habol e pasensya na po! )
-
MAXINE'S POV
"Ikaw Gideon Zynnich Luxhell, tinatanggap mo ba si Maxine Bilang iyong asawa sa hirap at ginhawa?" tanong ng Pari kay Gideon.
May second name pala si Gideon ngayon ko lang nalaman yun.
"Opo Father.." sagot ni Gideon.
"Ikaw Maxine Jazz Alonzo Wilhelmina, tinatanggap mo ba si Gideon Zynnich Luxhell bilang iyong asawa sa hirap man o sa ginhawa?" tanong ni Father sa akin.
Tiningnan ko muna si Gideon, Ma kung tama man itong desisyon ko, bigyan mo ako ng kahit isang haplos o yakap man lang bilang sign na tama ako ng desisyon.
Tinitigan ko si Gideon sa mata na babakas sa kanya ang kaba at takot. Hanggang mag salita si Father ulit.
Naramdaman ko ang isang malamig na haplos sa pisngi ko napangiti ako ng maalala ko ang haplos na iyon. Alam ko si Mama lang ang gumagawa ng ganung haplos kapag umiiyak ako noon.
Naramdaman ko ang pag patak ng luha ko. "Opo Father." naka ngiti kong sagot. "Sorry.." bulong ko at pinunasan ko ang luha ko at tumawa ng mahina.
Natawa naman si Gideon alam ko kinabahan siya doon. "Kinabahan ka ano?" tanong ko dito.
Pabulong lang yun pero nag tawanan ang mga bisita dahil naka tapat parin pala sa amin ang mic. "Sino ang hindi kakabahan doon? Naka titig ka lang sa'kin." natatawa nitong tanong sa akin.
Nag tawanan naman kami pati si Father. "Dapat pala pinatagal ko pa ng 5 minutes." biro ko na kina laki ng mata nito.
Nag tawanan naman lahat hanggang ideklara na ng Pari na kami ay mag asawa na. "I pronounce you Husband and Wife, you may now kiss your beautiful bride.." nakangiting utos ng Pari.
Ngumiti si Gideon sa'kin at tinaas nito mismo ang Veil ko. Hinawakan ako nito sa magkabilang pisngi at ginawaran ng marahan na halik sa labi ko.
Ngumiti ako at gumanti ng halik, natapos at nag palakpakan ang mga tao. Sabay kaming humarap sa mga dumalo at bumaba sa baitang altar.
"Congratulations! Now you're a part of our family!" salubong ni Papa kay Gideon.
Nakita ko paano nagbago ang mukha ni Gideon mula sa nakangiti bigla itong nag seryoso. "Yeah thanks, let's go." naka ngiting baling sa akin ni Gideon
Sasagot na sana ako ng may mag salita. "Newly weds? Picture muna saglit lang ito." wika ng photographer.
Mabilis kami pumayag ni Gideon Una kasama namin si Father, sunod naman, kaming dalawa na mag asawa. Then sunod ang pamilya dahil walang pamilya si Gideon ang bestfriend nito ang kasama niya.
Meron din kami ng kaibigan ko pati silang mga best man at Bridesmaids. Nang matapos ay nag lakad na palabas.
"Baks! Throw the flower!" sigaw ni Sakura.
Lumingon ako at nahuli ng mata ko na nakatingin si Brix kay Sakura, napansin ko din ang sing-sing nito sa pala sing-singan.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Sakura at pinag uusapan ni Gideon at Brix, ngumiti ako at tumalikod muli.
"Galingan nyo pag salo ha? Dapat yung kasing galing kung paano kayo sumalo ng mga ng rebound sa inyo, ganun dapat ha?!" pag papatawa ko.
"Ay grabe siya oh!" si Cécil ang nag react kaya natawa ako.
"1,2 and 3!" sigaw ko at hinagis ko na ang bulaklak. Paglingon ko nakita ko na hawak ni Sakura ang bulaklak na kina putla ng mukha nito.
"Wala akong balak mag asawa ano!" sigaw nito at inabot kay Cécil yung bulaklak na kina tawa namin.
Noon pa ayaw na talaga niya ni Sakura mag asawa o pumasok sa relasyon, kahit yun ay ayaw niya din. " Bye!" paalam ko at kumaway sa kanila.
"Ingat kayo!!" sigaw na paalala nito Cécil sa'kin.
Ngumiti ako at tumango pinag buksan kami ni Peterson ng pinto at ako ang unang pumasok. Sumunod naman sa akin si Gideon.
Nakita ko paano ni Gideon tingnan si Peterson na kina tango ni Peterson kay Gideon. Ano kaya ibig sabihin non?
Pag sara saka ko naisipan tanungin si Gideon. "Mag kaibigan ba kayo ni Peterson? Pakiramdam ko kasi may sikreto kayong tinatago." wika ko.
Tumingin ito sakin walang gulat o pagkabigla man lang sa tingin nito. "Why? Kung sikreto usapan meron, pero sasabihin ko din sayo." ngumiti ito sa'kin matapos nito ako sagutin.
Ngumiti na lang din ako at hinayaan na lang na kusa niyang sabihin. Pero pakiramdam ko may hindi magandang dulot ang sekreto na yan sa sakin.
***
Pag dating sa isang Hotel kung saan gaganapin ang reception ng kasal, nandun na ang ibang bisita namin.
Nginitian ko si Gideon ng lumingon ito sa akin kabado ako kasi tatawagin daw kami. "Please welcome our newlyweds! Mr and Mrs. Luxhell!" malakas na wika ng Emcee.
Agad naman bumukas ang pinto at pumasok na kaming dalawa. Inalalayan pa nito ang suot kong gown hanggang makapasok kami.
Kumaway ako at ganun din si Gideon sa mga bisita, agad inabot sa amin ang dalawang kulay puting microphone.
"First, I would like to thank all of you for coming for our special day. Alam ko na nakarating sa inyo na ang kasalanan na ito ay part of the business lang," putol ni Gideon. Humarap ito sa'kin at muling nag salita.
"Ngunit para sa akin ay hindi. This is the best day of my whole life na akala ko hindi na mangyayari. "naka ngiti nitong wika.
Tiningnan ko ang mga mata nito na walang bakas ng pag bibiro at pagsisinungaling ang mata nito. "Alam ko masyadong maaga pa ang pagpapakasal nami, pero handa akong ligawan ka habang nasa loob tayo ng married life na ito." naka ngiti nitong wika at binigyan ng patak na halik ang likod ng palad ko.
Ngumiti naman ako na totoong ngiti ko. Magsasalita na sana ako ng biglang may umeksena agad. "I can't take this anymore i can't hold my anger towards you!" sigaw ni Celine.
Pag harap ko saktong paglabay sa mukha ko ng chocolate mas lalong lalo na sa gown ko. "Celine!" sigaw ni Papa.
"Alam mo niyo ba? Yang babaeng yan ang umagaw ng kasal ko?! Yes you heard it right! Ako dapat ang nasa posisyon niya!" galit na sigaw nito.
GIDEON'S POV
Agad kong sinenyasan ang bestman ko at bridesmaids ko pati si Peterson. Mabilis naman silang kumilos ngunit. .
Nakita ko paano nito hablutin ni Maxine si Celine at malakas na sinampal. "Kasalanan ko kung ubod ng mukhang pera ang magulang mo?! Pwede ba nakaka sawa na rants mo sa buhay kung may problema ka alam mo ang patungo sa presinto! Boba!" sigaw ng asawa ko.
Napa kamot na lang ako sa ulo sa tapang ng asawa ko. "At oo nga pala! Totoo siya talaga dapat ikakasal alam ko naman na hindi kayo tanga para hindi malaman yun. Kalat yan sa internet! At mali kayo na inagaw ko itong lalaki na ito, dahil itong lalaking ito mismo ang gusto akong pakasalan!" wika ng asawa ko na naka mic pa.
Natatawa na lang ako at nag tawanan ang mga bisita. "Yang pagiging mukhang pera niyo pati ako damay! Pati kasal ko!" panenermon nito.
Nakita kong tumawa ang dalawang kaibigan nito. Ibang klase talaga ang babae na 'to hindi ugali magpatalo.
"Oo nga pala! Pwede pigilan mo yang dugo mo baka maging kamukha ko anak mo, alam kung ayaw mo n'yan! Utang na loob kung gusto ko man may maging kamukha ako, anak lang namin ng A-S-A-W-A ko!" huling sabi nito at tumalikod na. Binato pa nito ang mic sa sahig na kina labas ng malakas na feedbacks..
"D*mn it!" daing ni Erson.
Natawa lalo ako sa narinig nito. Hanggang sa anak ayaw pa rin niya na kamukha niya ang anak ni Celine. "Everyone, I'm sorry this happened. Please enjoy the party i will follow my wife first. Thank you!" mahinahon kong wika.
Agad kong binigay ang mic sa emcee na ngayon ay naka nganga parin. Tinapik ko ang dalawa kong kaibigan sa braso nila at agad kami sumunod sa mag kakaibigan.
Narinig pa namin ang tawanan ng tatlo habang nag lalakad. Napa iling na lang ako at napa ngiti. "Ibang klase ang wife mo. Huwag mo na pakawalan!" tapik sa akin ni Erson.
Ngumiti ako at tumango.
CELINE'S POV
"Let's go! Tumayo kana d'yan!" utos ni daddy. Nagulat ako ng hilahin ako nito.
"Kahit kailan panira ka talaga!" galit na bulong ni Daddy.
Napa luha na lang ako, ganyan na ang tingin niya sa akin? Hinila nila ako palabas ng bulwagan na yun.
"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo Celine?!" tanong ni daddy.
"Cerius! Ano ba nasasaktan ang anak natin!" awat ni Mommy kay Daddy.
Nakita ko naman na sumunod sila kuya Cody at Caiden sa amin. "Hindi kana nahiya! Doon pa talaga sa harap ng mga bisita nag wala?" gigil na tanong ni Daddy.
Hindi ko mapigilan ang mag salita. "Galit ako sa inyong lahat! Bakit hindi niyo ako naiintindihan ako naman talaga dapat ang ikakasal kay Gideon! Bakit sila pinilit niyo, tapos ako hindi man lang pinag laban?!" panunumbat ko.
"Bakit tingin mo gugustuhin ni Gideon na pakasalan ka na may bastardo ng anak?!" tanong ni Daddy sa akin.
Napa nga-nga ako sa sinabi nitong salita. "Bastardo? So maruming babae ang tingin mo sa'kin?" tanong ko.
Sa ines ko iniwan ko sila ng hindi hinihintay ang magiging sagot nila. Nag lakad ako patungo sa Elevator. "Celine come back here!" hiyaw ni Daddy ngunit hindi ko ito pina kinggan. Nang bumukas ang pinto mabilis akong pumasok at pinindot ang number one.
"Argh!! I hate you Maxine!" pag wawala ko sa loob ng elevator.
Nang tumigil ito ay agad kong lumabas hanggang nakita ko si Maxine kasama ang dalawang kaibigan niya. Nakita kong iba na ang damit nito, sa gigil ko nag lakad ako at sinugod ito.
"Ikaw ang dahilan kung bakit ako nabuntis! Dahil lagi mo kinokontra ang gusto ko!" sigaw ko at hinila ko ang buhok nito.
Hindi ako nakuntento na ng punitin ko ang damit nito. "Yan bagay sa'yo! Pareho kayo ng nanay mong hubadera! " sigaw ko at lumayo ako.
Nakita ko siyang naka upo sa sahig habang naka yuko. "Ano hindi ka makapag salita? Kayo," sigaw ko sa mga tao.
Tinuro ko si Maxine. "Yang babae na yan malandi yan! Inagaw niya sakin ang Fiancé ko! Pati ang kasal ko!" sigaw ko.
Nakita ko siyang tumayo at tumingin sa'kin. Napa atras ako sa klase ng tingin niya sakin, malamig ito at tila walang emosyon.
"Ako? Mag pasalamat ka at buntis ka dahil kung hindi? Kanina pa kita nilampaso sa mamahaling sahig na ito." malamig na wika nito.
Tatalikod na sana ito ng mag salita ako. "Bakit nahihiya ka dahil totoo ang sinabi ko. Nag mana lang naman siya sa nanay niyang maland---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko, ng apat na beses na mas malakas na sampal ang natanggap ko.
Napa upo at napa yuko ako sa sahig dahil sa hilo ng sampal niya. "Bakit ba gigil na gigil sa nanay ko? Ipapa-alala ko lang sayo ikaw ang nag pa buntis sa ibang lalaki na hindi mo kilala. Pagkakaiba niyo ng Mama ko? Ako may ama at yang iyo," putol nito sa sasabihin niya
"Jazz let's go.." bulong na aya ng kaibigan niyang pink ang buhok.
"Hindi mo gugustuhin ang susunod kong sasabihin. At pwede ba? Tumigil kana dahil kapag dumating ang oras na mawalan ako ng awa sayo. Baka yang mukha mo ang gamitin kong pang lampaso sa sahig ng mansion.." mahabang wika nito.
Tiningnan ko ito habang naka hawak sa pisngi ko. Naramdaman ko ang pag patak ng luha ko hanggang tumalikod ito at muling mag salita.
"Mag impake na kayo ng pamilya mo. Dahil kukunin ko na ang mansion bukas na bukas.." naka talikod nitong wika at tuluyan ng sumakay sa isang itim na Mercedes Benz.
Kasama nito ang kaibigan niya. Ako naman ay napa hikbi na at umiyak na lang, alam ko si Gideon ay nasa taas pa dahil kung nandito yun kanina pa siya umawat sa'min.
Hanggang tumayo ako at nag lakad palabas. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at binuksan ito.
Papasok na sana ako ng may nag salita sa likod ko. "Sa inyong dalawa ni Maxine mas may karapatan siya. Dahil siya lang ang nag iisang kadugo ng Lolo mo.." maka hulugan na wika ni Gideon.
Mag sasalita pa ako sana ng sumakay na ito sa pulang Lamborghini at umalis ng mabilis.
Anong ibig sabihin na si Maxine lang ang nag iisang kadugo? Umiling ako at binaliwala ito, na pag desisyon ko na lang na umuwi.
Hindi yan totoo, isang bastarda si Maxine paano siya magiging isang kadugo lang? Kailangan ko makausap si Daddy tungkol dito!