TUD: Chapter 26

2163 Words
MAXINE'S POV Nagulat ako ng hilahin ako ni Alisha at pwersahan na paharapin sa kanya. "Hindi ko alam saan ka kumukuha ng kapal ng mukha?! Ikaw na ang ang sampid sa pamilya na ito ikaw pa ang may ganang mag mayabang?!" gigil nitong tanong sa'kin. "Alam mo Alisha," putol ko at inalis ko ang kamay nito sa braso ko. "Hindi naman ako lalaban, kung hindi kayo ang nauuna." naka ngiti kong wika. "Dahil salot ka! Sana pala pinainom ko na lang ang nanay mo ng pampalaglag para hindi ka nabuhay! Kaso yung Lolo mo pakialamero!" wika nito. Natawa naman ako kahit nasaktan ako sa sinabi niya. "Talaga? Kaso hindi mo ginawa dahil naduwag ka. Kaya mo naman uulitin mo lang pero hindi mo pa rin ginawa, so hindi ko na kasalanan yun." sagot ko. "Tumigil na kayo! Pirmahan mo ito Maxine yun ang dahilan kaya ka pinakasal kay Gideon. Gagamitin namin ang kasal na yan para umangat muli ang kumpanya!" wika ni Caiden. Mag sasalita pa lang sana ako ng mag salita si Gideon. Oo si Gideon, " Lumabas din ang totoong dahilan bakit ninyo ipinipilit ang kasal na ito sa akin. Tingin ninyo ba ganun ako ka tanga para na lang maniwala na lang ng ganun?" tanong ni Gideon sa kanila. Kasunod niya si Peterson at may hawak itong papel. Marahan akong hinila ni Gideon at nilagay niya ako sa likod niya. "Basahin niyo yan!" utos ni Gideon at inilapag ni Peterson ang papel sa harap nila. Agad ito kinuha ni Caiden at binasa. "Anong laman niyan?" bulong kong tanong kay Gideon "Share certificate ng lahat ng shareholders ng Kumpanya. Katunayan na na binenta na nila ang natitira nilang shares nila sa akin. Ngayon bilang bagong CEO and President of The Wilhelmina Group of Company, I have the right to give my all buys shares to my wife, Maxine Jazz Wilhelmina- Luxhell." pagdedeklara ng asawa ko na kina gulat ko. "Paano mo ito ginawa? Ginapang mo at tinakot sila ha?!" sigaw ni Papa kay Gideon. Ngumisi si Gideon at nag salita. "Yun ang tinatawag na ' power ' Mr. Wilhelmina. And i am the owner now. Bukas, ayoko na makita ang mukha ninyo sa kumpanya ng asawa ko. At saktan niyo pa ang asawa ko hindi niyo magugustuhan ang ganti ko." banta ng asawa ko at hinila na lang ako nito paalis doon. Pag sakay sa kotse niya kinuha ni Perterson ang susi sa akin. "Paano mo ginawa yun?" tanong ko "I did that because of you and your grandfather's will. Alam ng Lolo mo na hindi papayag ang pamilya mo na makuha mo ang kumpanya," putol nito sa sasabihin niya habang seryoso itong nag mamaneho. "Magagawa ko ang lahat ng ito kung ikakasal ka sakin. Tulad ng inaasahan ko pa-pipirmahin ka nila for agreement na sila ang makikinabang ng lahat. Kaya ka nila pilit ipakasal sa akin, ginamit ko ang pagiging greedy nila sa pera ko. Pero hindi ibig sabihin pinaglaruan kita o ginamit kita.." mahabang paliwanag nito. Hindi ko maiwasan hindi umiyak dahil yun ang nasa isip ko na baka ginamit niya ako. "Totoong ibibigay ko sayo ang full rights ng kumpanya dahil sa iyo talaga ito. Kumbaga ginamit ako ng Lolo mo para protektahan ka at tulungan ka sa lahat." muling paliwanag nito. "Ganun ka kamahal ng Lolo. Tandaan mo palagi na ikaw lang ang may karapatan sa lahat ng iniwan niya." naka ngiti nitong wika. Naguguluhan man ako sa sinabi nito ngunit mas akupado ang isip ko ng sinasabi niya. "Soon malalaman mo na rin ang totoo okay? Pero sa ngayon we need to fix everything at gusto ko muna mag bakasyon after nito." nakangiti nitong wika. Pinunasan ko ang mukha ko at tumango ako bilang pagsang-ayon. Nang maka uwi kami sa bahay agad akong bumaba hindi ko na siya hinintay na pag buksan pa ako. "Kailan mo balak mag bakasyon?" tanong ko kay Gideon. "After I fix everything and ipapakilala ka as the new CEO and President of your grandfather's company." sagot nito. Ngumuso naman ako at sinundan itong pumasok sa loob. "Pwede ba na sa Thailand tayo mag bakasyon?" tanong ko dito. "You want? I thought sa Japan mo gugustuhin mag bakasyon? If you want that I'm okay with it." sagot nito sakin habang naka ngiti. "Kahit saan na lang o kaya road trip?" tanong ko dito. "Mukhang maganda yan isama din natin ang friends mo and friends of mine too. What do you think?" tanong nito sa akin. Excited akong tumango at ngumiti. "Approved!" sagot ko. CELINE'S POV "What?! Paanong nabili ni Gideon lahat yun ng hindi niyo napapansin Dad? Kuya?!" tanong ko matapos mabalitaan na si Gideon na ang bagong may ari ng kumpanya. "Ginapang niya ang lahat ng shareholder ng kumpanya. Ginamit niya ang impluwensya niya bilang tanyag na CEO. Balak niya isalin ang lahat kay Maxine kaya mabilis siyang pumayag sa kasalan." wika ni Daddy. "Ibig sabihin nang bumalik si Maxine o bago pa bumalik si Maxine planado na niya ang lahat ng ito. Pero bakit?" tanong ni kuya Caiden "God paano na tayo n'yan? Wala na tayong source of income?!" tanong ni mommy. "Oh no Mommy don't say that. Ayoko mag hirap!" wika ko at na upo ako. "May mali sa nangyayari, alam ko pansin ko na rin noon na laging may kinikita si papa pero hindi ko kilala." wika ni Daddy. Bigla ko naalala ang huling pagkikita ni Gideon at Lolo noon." Dad wait!" Putol ko. Dahil doon nakuha ko ang atensyon nila. Nag pa tuloy ako sa pagsasalita ng wala akong sagot na nakuha. " Noon bago namatay si Lolo nakita ko si Gideon na kausap si Lolo. Hindi kaya siya ang matagal ng kinikita ni Lolo?" tanong ko kay Daddy. "That's nonsense Celine! Gamitin mo naman utak mo! Hindi malabo na nagkita sila mas lalo noong panahon na yun ay isa na rin sa biggest shareholder si Gideon!" asik ni kuya Caiden. "Fine i won't! Nag baka sakali lang yung tao." irap ko dito. "Alam n'yo imbes na isipin yan ang isipin natin ngayon paano makukuha ang kumpanya kay Gideon. Mas mahihirapan tayo makuha kapag nasa kamay na ito ni Maxine!" wika ni Mommy. "Attorney, makukuha pa ba namin ang kumpanya kahit kasal na si Maxine kay Gideon?" tanong ni Mommy kay Attorney. Olivarez Nag buntong hininga pa ito at umiling. "Malabo na yan Mrs. Wilhelmina mas lalo malinaw ang pag bili ni Mr. Luxhell sa kumpanya at sa mga shares. Ang magagawa na lang natin ay makiusap sa anak niyo Mr. Wilhelmina." mahabang paliwanag ni Attorney sa amin. Napa irap na lang ako at tumayo upang umalis sa bahay na ito. Pagod na ako makinig sa stress na ito, hanggang nag ring ang cellphone ko at sinagot ko ito without looking kung sino ang tumatawag. "Hello?" bored kong tanong. " Celine, tomorrow wear your best and look fresh. You have an interview on Timezone Tv. 8am!" wika ni Marushka. " Okay bago mag 7 am sunduin mo na ako." utos ko at binabaan ko na agad ito ng tawag. Imbes na umalis, bumalik ako sa loob upang mag pahinga na kailangan ko maging maayos bukas ng umaga. Nalampasan ko sila Mom tutal ay mamaya pa kami mag hahapuna. MAXINE'S POV Habang nag hahapunan kami naitanong ko kay Gideon ang tungkol sa Journal na sinasabi niya. "Ano bang meron sa journal na iyon Gideon, bakit mo pinatatapos sa akin?" tanong ko sa kanya Hindi ko naman ito nakitaan ng pagkagulat. "Kailangan mo yun para mas malaman mo pa ang katotohanan na tinago ng Lolo mo sa'yo at sa pamilya ng papa mo." seryosong wika nito. "Kapag natapos mo balikan mo ako at may ibibigay ako sayo." dagdag nito. Kaya naman napa tango na lang ako. Basahin ko talaga yun kahit mamaya. Alam ko malapit na ako matapos sa pag babasa. Matapos namin kumain, nag presinta ako na ako na lang ang mag hugas ng pinag kainan namin. Una ayaw pa ako payagan ni Gideon pero nag matigas ako, kalaunan pumayag din siya. Nang matapos ako mag hugas at umakyat naman ako agad, pag pasok ko sa kwarto namin ni Gideon nakita ko itong nagbabasa habang naka sandal sa headboard ng kama namin. Naisipan ko magbasa kasama siya. Nag tungo ako sa damitan ko at kinuha ko ang journal ni Lolo. "Tabi ako sayo ha?" naka ngiti kong paalam "Sure, come here.." umayos ito at agad akong tumabi sa kanya. Sumandal pa ako sa katawan niya at ito naman ay umakbay sa akin. "Bukas mag handa ka para ipakilala kita sa mga magiging tauhan mo." wika nito. "Hindi pa ako handa para hawakan ang business ng pamilya Gideon." pagpapakatotoo ko. "Okay sige sa ngayon ako na muna ang kikilos pero ipapangalan ko sa iyo ito. " this time humarap na ako ng upo sa kanya. "Gideon, pwede mo ako turuan kahit konti. Matagal akong nasa Japan at wala naman akong ginawa kundi mag party party doon." wika ko. Kakapalan ko na ang mukha ko. Tumingin ito sa akin at Hinawakan ang kamay ko, binaba na muna niya ang binabasa niya at hinarap ako. "Kaya nga nandito ako para iguide ka. Hindi kita pababayaan dito naiintindihan mo ba?" nakangiti nitong sagot. Tumango ako at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you!" bulong ko at pasasalamat ko. Naramdaman ko ang pag hawak nito sa likod ko. "You're always welcome, my Wife. No worries okay? Kung ano man ang nasa isip mo tell me then i will help you." sagot nito. Ngumiti naman ako at kumalas na, naupo ako ulit paharap pa rin sa kanya. "Ahmm Wife, bukas ipapakilala parin kita." wika nito sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at tumango na lang ng hindi sumasagot. Ilang oras pa ang lumipas ng makita kong tulog na si Gideon tahimik lang itong natutulog. Pinatay ko ang isang lampshade sa gilid niya, medyo bina-baan ko ang ilaw sa aking gawi. Pinag masdan ko ang mukha niya at ngumiti. "Ang gwapo mo naman, kaya siguro nababaliw si Celine sa'yo? Mayaman na, gwapo, matalino at gentleman din." nakangiti kong bulong at humiga na ako paharap sa kanya. Lalo ko pang pinagmasdan ang mukha niya. "Grabe lalaki ka ba talaga? Ang ganda ng lashes mo eh at ang tangos ng ilong.." tanong ko dito kahit alam ko na hindi ako naririnig niyo. Napa hikab ako hanggang hindi ko na kaya ang antok. "Goodnight Hubby.." bulong ko at pumikit na ako hanggang hilahin na ako ng antok ko. **** KINAUMAGAHAN nagising ako na parang may kung ano dumadampi sa labi ko. "Hmm.." ungot ko. "Wife wake up ayoko ma-late tayo." pang gigising ni Gideon sa'kin. Nang mag tangka pa itong mang halik ay agad kong hinarang ang kamay ko sa mismong bibig nito. "Tama na babangon na nga ako eh!" wika ko. Narinig kong tumawa ito at inalis ko naman ang kamay ko. Bumangon na ako at tiningnan ito ng masama. "Sabayan mo ako maligo?" nakangisi nitong tanong. Naramdaman ko naman ang pag init ng mukha ko. "Hahaha! So cute Wife! Sige na maligo kana tapos na ako." natatawa nitong wika. "You!" sigaw ko at binato ko ng unan na at ang loko ay nasalo naman agad. Padamog akong bumangon at tumayo na, kinuha ko ang nakasabit na bathrobe at towel. Sina-maan ko siya ng tingin at pumasok na ako sa loob ng bathroom. CELINE'S POV Buong ngiti akong humarap sa camera at sa mga audience sa studio. "Magandang umaga Miss.l Celine. Mabuti naman at pinaunlakan mo ang interview na ito." nakangiting bati sa akin ni Miss Pia. Ngumiti ako at bumati din "Magandang umaga din Miss. Pia. Of course Miss. Pia kayo pa ba?" nakangiti kong wika. Kailangan mo lang silang bolahin para naman mas maniwala sila sayo. "Ikaw naman, so are you ready Miss. Celine? Kayo audience?" pagtatanong nito. Ngumiti ako ng pinaka matamis kong ngiti at tumango. Umupo ako ng maayos hanggang mag tanong na ito. "Totoo ba ang rumors na You are pregnant at hindi mo alam kung sino ang ama?" tanong nito. Nawala ang ngiti ko sa tanong na yun hanggang ibalik ko ulit. Kahit ayoko sagutin mas pinili ko sumagot. "Yes, kahit wala siyang ama palalakihin ko naman siya ng maayos." matapang kong sagot. "Wow! Coming from Miss. Celine. Are you not afraid of losing your job as a model?" tanong nito. "To be honest? Yes I'm afraid sino ba ang kayang tumanggap sa isang katulad ko?" malungkot kong wika. "Oh I'm sorry. Alam ko naman sa impluwensya ng pamilya mo ay makakahanap ka din ng bagong brand." nakangiting wika ni Miss Pia. Gusto ko siya sakalin sa totoo lang sa ginawa at tanong niya, lalo akong mawawalan ng trabaho. "And totoo bang tinanggihan ka ng isang Gideon Luxhell sa kasal? Upang pakasalan ang iyong half sister, at kalat na kalat na siya ang taga pag mana ng inyong ari-arian?" tanong nito. Natulala ako sa tanong nito, hanggang mag flash sa tv screen ang nangyari sa wedding reception ni Maxine at Gideon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD