TUD: Chapter 27

2108 Words
CELINE'S POV Nakaramdam ako ng kahihiyan sa nakita ko. Nakakahiya dahil lahat ng tao ay napapanood nila, at bukod doon ay napapanood pa ng iba. Tumikhim ako at bago mag salita, " Oo, tinanggihan ako ng isang Luxhell at totoo dahil sa half sister ko. Ganun naman talaga sa business world, ang half sister ko ang taga pag mana kaya siguro naisip ni Mr. Luxhell na ito na lang ang pakasalan niya instead of me.." malungkot kong wika. Tingnan natin kung maka lusot ka pa dito Gideon, gusto ko ngumisi pero mas gusto mag pa under dog. MAXINE'S POV Napa iling na lang ako sa napanood ko na katahangan ni Celine. She's trying to drag Gideon names down, knowing her ganun talaga gagawin niya at wala siyang pakialam sa magiging balik nito sa kanya. Nag suot lang ako ng komportable na damit, hindi na rin ako isinama ni Gideon muna dahil na rin may bigla itong tawag. "Nang alis lang po ako ha?" paalam ko ng maka baba ako mula sa kwarto. "Nag sabi ka ba sa asawa mo? Mamaya tatawag 'yun dito, tapos hindi ka pala nag paalam." tanong ni Nanang Edna. Nag lakad ako papunta sa kusina at ngumiti, "Tatawagan ko po siya ngayon." sagot ko nang makalapit ako. Ngumiti naman ito bago tumango "Sige na mag ingat ka lang," utos ni Nanang Edna sa'kin. "Opo, salamat." pasasalamat ko at lumabas na ako ng bahay. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at nag tungo ako sa garahe ni Gideon, pag pasok ko sa loob agad kong inilagay ang bluetooth earphone sa kaliwang tenga ko at tinawagan si Gideon. Mabilis kong binuhay ang makina ng sasakyan ko, pag andar pa lang ay sumagot na si Gideon. "Max? May problema ba, Wife?" bungad agad nito. "Nothing, gusto ko lang mag paalam na may pupuntahan lang ako babalik ako agad before dinner.." paalam ko dito. I hear him chuckle. "It's fine, but please take cake," paalala sa'kin ni Gideon. "I will, ibaba ko na ito nag drive ako." paalam ko, nang marinig ko ang pag payag ni Gideon ay agad kong binaba ang tawag ko. Mabilis akong nag maneho patungo sa condo, i hope i just hoping na nandun si Sakura. Nang makarating ako tinigil ko ang sasakyan sa parking at bumaba ako agad. Nag lakad na lang ako hanggang maka pasok ako sa loob at diretso ako sa elevator. Dahil kilala na rin naman ako dito. Pinindot ko ang floor number ng unit ko, hindi nag tagal tumigil na ito at agad akong lumabas. Kinuha ko ang Key Card ko ng may maka banggaan ako. "Aray! Ang tang* naman!" maarteng reklamo ng babae. Napa angat naman ako ng tingin, "Sorry Miss, kinukuha ko kasi yung Ke---" she cut me off. "Yan ang mga excuse ng mga taong tang*!" sigaw nito sa'kin. Nakilala ko naman ito, kaya agad nag salubong ang kilay ko. Magsasalita pa lang sana ako ng mag salita ito. "Diba ikaw yung half sister ni Celine? God! Kaya naman pala napaka tang-----" This time i cut her off. "Nag sorry na ako, ikaw itong maraming sinasabi. Sabagay kaibigan ka nga pala ni Celine. Kung ano ugali ng leader ganun din ang minions.." putol ko. Nilagpasan ko na ito bago muling tumigil at ang salita. "Right?" nakangiti kong tanong dito. Bago ko pa isara ang pinto nakita kong naka nga-nga pa ito. CELINE'S POV "Ang galing mo Celine, for sure hinding hindi na makaka ahon pa ang half sister mo at ex Fiancé mo sa ginawa mo!" naka ngiti wika ni Alyson sa'kin. Ngumiti naman ako at kumain ng chips, " Mali sila ng taong kinalaban. Oo tama sila mayaman si Gideon pero isa akong model at isang social influencer, kaya mas alam ko paano utuin ang mga tao using my words." kumpyansa kong sagot. Natanaw ko dito mula sa loob ng isang Italian restaurant ang pagpasok ni Greta. Masama ang mukha nito. "Anong mukha yan?" tanong ni Alyson dito. "Yung half sister mo Celine? Tinawag ba naman akong minions mo? Bwisit! Kung pwede ko lang kalbuhin ang babaeng yun ginawa ko na!" binagsak pa nito ang bag niyang Chanel. "Girl, yung bag mahal yan Chanel yan ha? And don't forget limited edition bag yan!" paalala ni Alyson dito. Umirap na lang ako at nag salita, "Hayaan niyo na siya, ganun talaga kapag sampid." nakangiti kong wika. Hindi naman nag tagal agad naman kumalma si Greta, napag desisyunan namin na mag punta sa mall upang mag shopping. Nag tungo din kami sa Jewelry shop ng mommy ni Stella. MAKALIPAS ang ilang minuto nandito na kami sa shop ng mommy ni Stella. "Oh kayo pala mga hija? May gusto ba kayong bilhin?" tanong ni Tita Catrina. "Yes Tita gusto ko po sana itong clover and silver with diamonds." sagot ko at tinuro ang bracelet na gusto ko. "Wow! Okay sige that costs 20 thousand." sagot ni Tita Catrina. "Sure tita, here's my card. "naka ngiti kong sagot at inabot sa kanya ang card ko. Nakita ko ang dalawa na namimili hanggang mag salita si Tita Catrina. "Hija, may isa ka pa bang card d'yan o cash?" tanong ni Tita sa'kin. Nag salubong naman ang kilay ko at nag salita. "No, i don't have any card and cash too. Why tita?" tanong ko naman kay Tita. "Well, hija your card has been declined. Tumawag ka muna sa bangko para ipa check.." utos nito, umiling pa ito. Napa yuko naman ako sa kahihiyan at tumango na lang ako. "But no worries itatabi na lang namin ito upang ma-balikan mo pa. " naka ngiti nitong wika. Ngumiti na lang ako ng alanganin at nilapitan ko ang kasama ko. "Girls, i have to go may aasikasuhin lang ako.." paalam ko. "But--- wait Celine!!" tawag sakin ni Greta pero hindi ko ito pinakinggan. Imbes gumamit ng elevator dito sa mall, nag escalator na lang ako hanggang makarating ako sa ibaba at dumeretso ako sa parking. Wala akong idea sa pagkaka decline ng card ko pero isa lang, kailangan ko makausap si Daddy. Sa kumpanya ako dumeretso at park ko ng sasakyan ko mabilis akong pumasok sa kumpanya. Nakuha naman ako batiin ng mga empleyado ng daddy ko pero hindi ko sila pinapansin. "Ang rude ni Miss Celine ano? Mabuti pa si Ma'am Maxine ano? Mataray pero ang bait naman sa ibang tao." bulong ng mukhang mucha-cha Tumigil ako at humarap sa kanila. "Last warning ha kapag hindi pa kayo tumigil sa ginagawa niyo! I will tell my dad to fire you!" sigaw ko na kina yuko nila. "Opo.." sagot nila at tumalikod na sa'kin. Inirapan ko ito at pumasok na ako sa elevator, pinindot ko ang floor number ng opisina ni Daddy. Nang makarating ako lumabas agad ako at bumungad sa akin si Gideon na nakipag kamay kay Daddy at kuya Caiden. Mabilis akong lumapit at nag tanong. "Dad i need you to talk," bungad ko. "Mauna na ako Mr. Wilhelmina," paalam ni Gideon kaya binalingan ko ito. "Oh, bakit ikaw lang ata? Akala ko ipapakilala mo na si Maxine as the new CEO?" sunod sunod na tanong ko dito. Ngumisi pa ako at muling nag tanong. "Change of mind?" tanong ko dito. "I'm pretty sure nakatanggap kana ng notice about sa pag decline ng card mo. By the way i really need to go.." maka-hulugan nitong sagot at malamig itong tumalikod at umalis na sa amin kasama niya ang kanyang secretary na si Angie. "Dad anong ibig sabihin ni Gideon dito?" tanong ko kay daddy. "Inside my office now.." sagot ni Dad at una itong pumasok, inalalayan naman ako ni Caiden "Instead si Maxine ang bagong CEO si Gideon na ang bagong CEO ngayon. Siya na ang kikilos para sa asawa niya hanggang matapos ang personal training ni Maxine." panimula ni daddy na kina gulat ko. Bago pa ako maka pag salita agad sumabat si Kuya Caiden. "Dahil doon kasama ang pag decline ng ATM mo sa pamumuno niya. Hindi na tayo pwede kumuha ng pera mula sa kumpanya." malamig ang pagkaka sabi ni kuya Caiden. Ngunit alam ko galit ito, "A-ano? Paano ako niyang mabubuhay? Ang mga bayarin ko?" tanong ko sa kanila. "Magsimula ka na mag trabaho sa ilalim ng pamumuno mi Gideon." sagot ni Daddy at umalis na lang ito agad. Napa upo naman ako sa gulat at umiling, "Ngayon pa? Kuya wala nga halos tumatanggap sa akin na agency!" wika ko at tiningnan ko ang kuya ko. Umiling ito at nag tanong. "Bakit pag mo-model lang ba ang alam mo sa buhay gawin? Magkano ba sahod mo dyan? Eh 'yang sahod mo nga nagugulat na lang kami ubos na." sagot nito at umalis na lang din. Napa luha ako at umiling, "Kaya natin ito Celine para sa baby mo.." bulong ko. MAXINE'S POV "Sige na, bilhin mo gusto mong Bracelet regalo ko na sayo." naka ngiti kong sabi kay Sakura. Nandito kasi kami sa Jewelry shop sa loob mismo ng mall. Matapos ko kasi puntahan sa condo Sakura, nakita ko siyang paalis na din para mamili ng pagkain para sa condo ko, naisipan ko siyang isama at samahan na rin ito mamili. "Talaga? Ang mahal dito Jazz.." tanong nito habang ang mata ay nasa mga alahas. "Sige na kasi, kapag hindi ka pa naka pili sinasabi ko sayo!" banta ko dito at agad naman itong namili. "Good day mga Ma'am nakapili na po kayo?" tanong sa amin ng babae at bati. Ngumiti ako at umiling bilang sagot. "Wow i like this one, tingin mo Jazz?" tanong sa akin ni Sakura, tinuro ni Sakura ang Silver with diamonds na clover ang disenyo. "You like it?" tanong ko sa kaibigan ko. Para naman itong batang tuma-tango. Ngumiti naman ako at nginitian ko ang babae. "Kukunin na po namin ito, at itong bracelet na ito." wika ko at tinuro ang gusto ko para kay Cécil. "Okay ma'am, this clover bracelet ay 20 thousand po at itong isa ay 18 thousand po." pag sasabi nito sa price ng mga bracelet. Agad kong binigyan ang ATM ko sa kanya, actually, ito ay ang binigay sakin ni Gideon sabi kasi niya pwede kahit ano. "Okay ma'am saglit lang po." naka ngiti nitong wika. "Sure, take your time." sagot ko na lang at tumingin pa ako sa paligid. "Maraming salamat ha?" naka ngiti pasasalamat ni Sakura sa'kin. "Anytime, bukas mag tanong tanong tayo sa bar kung saan ka nagtungo at nag lasing baka makakuha tayo ng lead.." sagot ko. "Here ma'am, thank you po!" pasasalamat ng babae at inabot sa akin ang 2 paper box na pinaglalagyan ng binili namin at ang ATM card ko. "Thank you miss.." pasasalamat ko at umalis na kami agad. Dahil idadaan ko pa siya sa condo ko. Tapos na rin kami bumili ng kailangan nila ni Cécil sa condo. "Oo sige, tutal day off naman ni Cécil bukas.." sagot nito. Nag escalator na lang kami, "Mabuti naman, magpapaalam din ako kay Gideon sana nga pumayag." wika ko at nag lakad na kami patungo sa parking. "Hahaha! Kaya ayaw ko mag asawa, dahil ayoko ng palaging nag pa-paalam sa asawa o sa boyfriend. " kwento nito habang tumatawa. Inirapan ko ito, "Eh kung ganun bakit kailangan pa natin hanapin ang naka one night stand mo? Kasi hello, kapag nalaman niya posible na buntis ka? " tanong ko dito. "Oo nga ano? Baks ayoko na! Hindi ko na gusto mahanap yun!" biglang atras nito. Natawa naman ako at umiling."I respect what you really want, kung ayaw mo then okay. Sabihin at ipaliwanag mo na lang kay Cécil bukas." mahinahon kong paliwanag din dito. Noon pa talaga ayaw na ni Sakura na nalalapit sa boys, para kasi sa kanya ay hindi naman niya kailangan. Maniwala kayo sa hindi, marami siyang manliligaw noon at talagang halos pilahan siya. May time nga na ayaw na niyang pumasok dahil, may naka abang sa gate pa lang ng paaralan namin. Nang makarating kami ay agad namin pinasok ang pinamili naming grocery at mga damit na gusto niya. Mabilis naman akong nag maneho patungo sa condo ko. "Jazz wala ka talagang balak hawakan ang kumpanya na iniwan ng Lolo mo?" tanong sa akin ng kaibigan ko. Bumuntong hininga ako, "Meron pero sabi ni Gideon, tuturuan niya muna ako at pansamantala siya na muna ang hahawak ng board." sagot ko dito. "Ang bait ng asawa mo sana hindi magbago. Oy dito na ako huwag kana pumasok." sabi nito sa akin. Tinigil ko ang sasakyan at binuksan ko ang trunk ng sasakyan. "Ingat ka Maxine! " paalala nito sa akin. Ngumiti ako at kumaway na ako, nang makapasok ito saka naman ako umalis na at umuwi ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD