TUD: Chapter 29

2101 Words
GIDEON'S POV Pinag buksan ako ng driver ko ng back seat door at pumasok na ako. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Angie ang secretary ko. "Angie, gusto ko kuhain mo ang lahat ng makukuha mo sa past financial situation ng Wilhelmina Group." utos ko dito. "Yes Mr. Luxhell." sagot nito. Binaba ko na agad ang cellphone ko at muli naman itong mag ring. "Mr. Luxhell, naka kuha ako ng information about kay Caiden." bungad nito sa'kin. Naikuyom ko ang kamao ko at nag salita na. "Mag tungo ka sa office ko ngayon." utos ko dito. "Masusunod Mr. Luxhell." sagot nito at binaba na ang tawag nito. Tumingin ako sa labas ng bintana ng sasakyan ko. "Mr. Luxhell, hindi niyo pa po ba sasabihin kay Ma'am. Maxine ang alam niyo sa pagkatao niya?" tanong ng driver ko sa akin. Umiling ako nag salita. "Hangga't hindi niya pa nababasa ng buo ang Journal ng kanyang Lolo." sagot ko. Tumahimik naman ito at nag meneho na lang ng tahimik. Kung ano man ang nakuha ni Peterson kailangan ko makita ito pag una. MAXINE'S POV Habang nasa labas kami ng mga kaibigan ko, nagulat ako ng makita ang lumabas na balita tungkol sa pag da-dawit ni Celine sa pangalan ko. Sinabi nito na ako ang totoong sumira sa kanya kay Gideon para itigil nito ang kasal. "Hindi parin siya nakaka move on sa issue na yun?" tanong ni Cécil. Nag kibit balikat ako at sumubo ng okoy kung tawagin nila. Nasa karinderya kasi namin napiling kumain. "Pabayaan niyo na lang, ayoko din sumagot sa mga ganyan ni Celine." sagot ko na lang bago uminom ng malamig na tubig. "Pero, maganda pag bigyan mo ang press mag pa interview ka din, tell them the truth." sagot ni Sakura. Umiling ako at sumagot. "Family war tapos maraming involved? Parang ayoko na ma-involved pa ang media sa gulo ng pamilya namin." sagot ko na lang at nag bayad na ako ng kinain namin. "Well, Hindi yan ang Maxine na kilala namin. Kasi ang kilala namin ay isang palaban!" wika ni Cécil. Ngumiti ako at tumayo na, "Not this time.." sagot ko na lang. Matapos namin kumain nag tungo naman kami sa favorite ni Cécil na park. Habang nag tatawanan kami biglang nag ring ang phone ko. Mabilis kong binasa kung sino ng masagot ko. "Guys tumatawag si Gideon saglit lang ha?" pag sasabi ko sa kanila. "Okay sagutin mo muna doon lang kami sa bench." turo ni Sakura. Tumango na lang ako at sinagot ang tawag nito. "Where are you?" bungad nito sakin na kina ngiwi ko. "Nasa park ako kasama ni Cécil at Sakura, napa tawag ka?" tanong ko dito at sagot ko na rin dito. "I just want to tell you this. Bukas mag papa-interview ka, kasama mo si Celine sa Daily News for celebrity," sagot nito. "But I don't want to do that Gideon. Alam mo naman na hindi ako magaling sa mga ganyan.." reklamo ko. "That's why inaasahan ni Celine na hindi ka pupunta, so gawin mo pumunta ka, mag usap tayo sa bahay pag uwi ko at sasabihin ko ang mga dapat mo gawin.." putol nito. Dahil nag pasalamat pa ito sa kanyang sekretarya. "Please do this Wife for yourself na lang?" pakiusap nito. Napa buntong hininga na lang ako. "Okay pag uwi mo makikinig ako sayo about that.." sagot ko na lang din. " See you and take care.." huling paalala nito at binaba na nito ang tawag mismo. Napa iling na lang ako at nag lakad na ako patungo sa dalawang kaibigan ko, nang maka lapit ako sa kanila nakita ko silang kumakain ng Ice Cream. "Oh ano daw sabi ni papa Gideon?" tanong ni Cécil, inabot nito sakin ang ice cream. Kinuha ko agad ito, bago pa ako kumain sumagot muna ako. "Gusto niya ako pumayag sa hamon ni Celine tungkol sa pag papa interview ng live sa TV." sagot ko at kumain muna ako. Natawa naman sila ng sabay. "Pumayag kana kasi, saka hello talbog 'yang si Celine sa ganda mo sa araw na yun trust me." pagpapalakas ng loob ko ni Sakura. " So kailan?" tanong Cécil. Tumango naman si Sakura bilang pag sang-ayon sa kaibigan namin. "Bukas na.." sagot ko, na kina ubo ng dalawa ng sabay. Natawa naman ako sa kanila this time. "Bu-bukas agad?!" gulat na tanong ni Cécil. Tumango ako habang ngumunguya ng ice cream. "Okay na yun at least agad agad. Basta 'wag ka matakot kaya mo yan!" nakangiting pagpapalakas ng loob ko ni Sakura. Ngumiti naman ako bago sumagot "Well i don't have any choice masisira din ang pangalan ni Gideon. Remember I'm his wife.." nag tawanan naman ang dalawa. Buong araw kami nag gala lang at kung saan saan nag punta. CELINE'S POV Hawak ko ang remote ng tv namin habang naka ngisi. Hindi ako natatakot sa magiging kilos ni Gideon all i want is destroyer the image of my half sister Maxine. With that interview i know siya mismo magkakamali, she never have done this before, remember lagi siyang tinatago ng magulang namin. "Celine, bad news wala pa rin tayong nakukuhang sagot mula sa agency na inaplayan mo as a model." wika ni Marushka "Then mag hanap pa!" ines na sagot ko. "That's a bad idea, the primary reason why they did not accept your resúme it because you have a baby. And you know the fact na kapag may baby ay mahirap rumampa diba?" pagtatanong ni Marushka sakin Hindi ko mapigilan hindi mapa irap. "What if, you get a rid of the baby?" tanong nito na kina laki ng mata ko. "Are you out of your mind?!" sigaw na tanong ko dito. "Well, normal naman yan gawin mo sa ibang bansa legal ang abortion doon.." sagot nito. Mabilis ito ulit nag salita. "Look, i know hindi kasalanan yan pero, hahayaan mo ba na masira ang career mo dahil d'yan?" tanong nito sa akin. "I won't do that and that's the final!" sagot ko at padamog kong kinuha ang bag ko at padamog akong lumabas. No I won't do it! Oo alam ko hindi ko alam sino ang ama nito, pero kasalanan ang gusto niyang gawin ko! At marami na akong nagawang kasalanan. But this my unborn baby to me? Is not one of them! MAXINE'S POV "Basta tatandaan mo lang ang tinuro ko. Kung hindi gumana gawin mo ang paraan na kaya mo, i know you.." ngumiti sa akin si Gideon matapos ipaliwanag sa akin ang ginagawa sa mga interview. Nandito kami ngayon sa garden ng kanyang bahay. "Sigurado ako na itatanong nila ang tungkol sa pagpapakasal mo sa akin. Sumagot ka lang ng totoo, hindi ko ikakasira ang katotohanan." bulong nito at marahan akong niyakap ng mahigpit nito "You're too sweet, but i will do that. Hindi ka ba sasama?" tanong ko dito hinawakan ko ang magkabilang tagiliran nito. Umiling ito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Hindi, but kapag may nangyari darating ako agad. Manonood naman ako sa'yo." sagot nito. Tumango ako at ngumiti. "Okay.." sagot ko dito. Ngumiti ito sakin at nanatili lang kami nasa garden hanggang tawagin na kami ni Nanang Edna para sa hapunan. Tahimik lang kami kumain ng hapunan kasama si Nanang Edna, at ng matapos nauna si Gideon sa kwarto dahil tinulungan ko pa si Nanang na mag lines sa kusina. Matapos ako nag paalam na ako na magpahinga na ako. Pumayag na ito at ilalock na lang niya ang mga pinto ng bahay. Pag pasok ko naabutan ko si Gideon na mahimbing na natutulog. Nag lines muna ako ng katawan ko ng makapasok ako at nag bihis ako ng pajama ko. Nang matapos tumabi na ako dito at pinikit ko ang mata ko hanggang hilahin ako ng antok. KINAUMAGAHAN, naramdaman ko ang tapik sa pisngi ko ng mahina. "Wife, gising na i will drop you off sa studio doon ka nila aayusan. Kasama mo ang secretary ko na si Angie at si Peterson bilang driver mo pag uwi.." bungad na paliwanag ni Gideon sa akin. "Haist, maaga pa naman kaya ako na lang pupunta!" sagot ko at nag takip pa ako ng kumot. "Get your *ass off the bed now, or i will f*ck you so hard?" pagtatanong nito na kina bangon ko agad. Tiningnan ko ito ng masama at sinuntok ko ang puson nito na agad naman niyang nasalo ang kamao ko. "Bastos ka! Bwisit ka! Gusto ko pa matulog!" sigaw ko dito. I heard him chuckle. "Sige na mas maganda ang maaga, kesa ng late ka at ayoko din na gamitin nila ang pagka late mo, para siraan ka nila." naging mahinahon ang boses nito habang nag papaliwanag ito. Bumuntong hininga na lang ako at tumango. "Okay maliligo muna ako at susunod sayo sa baba. " sagot ko dito "Okay, make a quick." paalala nito at lumabas na ito. Mabuti pa siya at bihis na siya ako nga maliligo pa lang. Mabilis naman akong nag tungo sa bathroom at naghubad ako ng damit ko. Mabilis lang din ako naligo, pag labas ko nakahanap agad ako ng susuotin ko. Nakita ko ang Black dress na Abebey Velvet dress. Pwede ito for casual event or dinner date. Inayusan ko na ang mukha ko at naglagay ako ng lotion sa aking katawan at binti, matapos naglagay ako ng light makeup and pink plump lipstick with lip gloss. Hindi na ako nag lagay ng eyeshadow na makapal. Baby pink eye shadow at nilagyan ko ito ng glittering style para gumanda naman ang mata ko. Matapos sinuot ko na ang dress ko at kinuha ko ang Jimmy Choo stiletto ko na itim. Kinuha ko ang bag kong Chanel black at nilagay ko ang cellphone ko at lip balm ko and foundation. Inayos ko ang buhok ko muna, wavy style ang buhok ko at nag suot ako ng earrings na may diamonds. Sa akin ito lahat kasama sa mga collection ko. Naglagay din ako ng chain necklace. Matapos lumabas na ako at bumaba na ako. "Wow! Ang ganda mo hija!" manghang wika ni Nanang Edna na naging dahilan para lumingon si Gideon at Peterson sa'kin. "Wow! Nakita na kitang nag suot ng black, but this? This is the most elegant one.." papuri ni Gideon sa akin. Inirapan ko naman ito. "Salamat na Nanang, "pasasalamat ko at nginitian ito. "Sus wala yun, kumain kana muna hija." aya ni Nanang sa'kin. Umiling ako. "Wala na pong oras Nang, late na po ako. Sa sasakyan na lang po." magalang kong sagot. "Gideon hijo?" pagtatanong ni Nanang Edna kay Gideon. Tiningnan ko ito bago tumango. "Bibilhan ko na lang siya ng pagkain, we have to go.." paalam ni Gideon. Kumaway muna ako kay Nanang at lumabas na kami ng mansion. Pinag buksan naman ako ng pinto ni Gideon bago ito pumasok dito. Si Peterson ang nag sara ng pinto for Gideon. Matapos sumakay si Peterson sa isang sasakyan bago kami umalis. "Doon ka na sasakay mamaya kay Peterson. Huwag ka mag alala he keep on eye on you.." wika ni Gideon. Napa ismid naman ako at inirapan ito. "Para naman akong bata niyan! Kaya ko naman si Celine ano, saka hindi ko papatulan yun, buntis yun ayoko makulong ng dahil sa kanya.." biro ko na kina-iling nito. "Fine, but still you need Peterson and my secretary as well." pinal na sagot nito na kina simangot ko na lang. CELINE'S POV Napa ngisi ako na maisip na hindi makakapunta si Maxine, "Nakangiti ka ata ngayon? Or should i say d*vil smile?" tanong ni Marushka sa akin. "Because she can't make it today. Mapapahiya na naman si Gideon.." masaya kong sagot. "Are you really sure of that darling huh?" nakangiting tanong nito. Ngumiti ako at tumango bago sana sumagot ng nakarinig kami ng ingay sa labas. "Oh my god! Ang ganda pala niya sa personal?" narinig ko na sabi ng nag aayos sa'kin habang papasok ito. "Oo nga ano? Nakita mo ba yung makeup niya super light.." wika ng nag aayos sa buhok ko. Sinenyahan ko si Marushka na alamin kung sino yun. "Sino ba girls pinag uusapan niyo?" tanong ni Marushka sa mga ito. "Ay si Ma'am. Maxine po nasa labas ang ganda nga po niya sa suot niya!" masayang sagot ng hair stylist ko. Na kina init ng ulo ko. "Si Maxine daw.." bulong ni Marushka. Inirapan ko ito at nag salita. " Diba aayusin mo pa mata ko!?" galit na tanong ko sa make up artist na naka assign sa'kin. Tumango ito at natataranta na kumilos. " Bagal bagal, inuuna pa kasi chismiss!" angil ko na kina irap ko. She's getting on my nerves!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD