CELINE'S POV
Patapos na ako ayusan ng pumasok si Maxine kasama nito ang secretary ni Gideon na si Angie.
"Ay Ma'am. Maxine? Aayusan ka po muna ng aming make up artist.." wika ng producer kay Maxine.
Sasagot pa lang sana si Maxine ng mag salita ako. "Why? Kahit naman anong ayos mo sa isang basahan, basahan parin naman.." umirap ako at tumayo na ako.
"Okay lang, nag ayos na ako enough na sa'kin itong ayos ko. Hindi naman ako tulad ng iba na, kahit anong ganda ng make up, still pangit pa rin ang ugali.." putol nito sa kanyang sagot at tiningnan ako ng may ngiti sa labi.
"Right? Ate?" ang matamis nitong ngiti napalitan ng ngiting aso at agad itong bumaling sa mga make up artist.
"I'm fine," wika ni Maxine at umupo na ito sa harap ng salamin..
Umirap lang ako at lalabas na sana ako ng mag salita ito. "Akala mo ba na hindi ako pupunta? Actually hindi talaga, kaso pinakiusapan ako ng asawa ko kaya nandito ako.." mapang asar nitong tono.
Napa higit ako ng hininga at naikuyom ko ang kamao ko sa ines na nararamdaman ko. "Sa susunod don't too much confident, dahil kapag nawala ang confidence mo? I'm pretty sure na mahirap bumangon mula d'yan.." mapang asar nitong sabi sa akin.
Hinawakan ko ang doorknob at lumabas na ako, pabagsak kong sinara ito at nag lakad na ako papunta sa studio 6. Kung saan gaganapin ang Daily News.
"Relax lang Celine ano ba? Iwasan mo naman na pumasok ng ganyan ang mukha mo. Smile," bulong ni Marushka sa akin.
I rolled up my eyes at umiling na lang.
MAXINE'S POV
Ngumiti ako ng tawagin na kami ng host na si Miss. Pia ang pangalan. Kahit kinakabahan ako dahil ito ang first TV appearance ko.
"Oh my god! Bakit nila tinatago ang ganyan ka gandang babae? " narinig kong wika ng isang segment producer. Nabasa ko naman sa kanyang ID na suot.
"Ngayon naman po mga ka-chika tinatawagan po natin ang dalawang babae na pinag uusapan sa social media. Please welcome!" putol na wika ni Miss. Pia.
"The super model, Miss. Celine Wilhelmina and the woman behind the controversy?" tawag nito kay Celine na buong confident na nag lakad.
"Kaya mo yan Mrs. Luxhell nailed it okay?" bulong ni Angie sa'kin ang secretary ni Gideon.
Ngumiti ako at tumango ako hanggang tawagin na ang pangalan ko. "Mrs. Maxine Jazz Wilhelmina-Luxhell!" nag palakpakan ang mga tao na agad naman akong nag lakad papasok sa studio.
Ngumiti ako at kumaway sa mga tao na live na nanonood dito. Hinawi ko ang buhok ko dahil nagsi puntahan sa harap ko. "Ang ganda naman niya.." wika ng cameraman nila dito.
"Salamat naman at pumayag kana Mrs. Luxhell sa live interview na ito. Oh.. have a sit!" salubong sakin ni Miss. Pia at nakipag kamay pa ito sa'kin.
"Thank you.." nakangiti kong sagot. Naupo ako sa mahabang sofa at si Celine naman ay sa tabi ko naka upo.
"God, na starstruck ako sa ganda ni Mrs. Luxhell. Tama ako live audience na ang ganda ni Mrs. Luxhell, right?" papuri ni Miss. Pia na kina ilang ko.
"Salamat.." mahinang pasasalamat ko at yumuko ako.
"Can we start?" mataray na tanong ni Celine na kina lingon ko din dito.
Ngumiti ako at nag salita. "Hamon pa.." i whispered and she rolled up her eyes. Gusto ko matawa pero hindi na lang muna ngayon.
Hindi nagtagal nag umpisa na ang pagtatanong ni Miss. Pia, una ako sa tatanungin sunod naman si Celine. "So, totoo ba ang rumors na dati ka daw tumira sa Japan. Pwede mo ba ikwento sa amin?" tanong sa akin nito.
Pasagot pa lang ako nang mag salita si Celine, "Well, kahihiyan kasi siya sa pamilya.." sagot nito.
Huminga lang ako ng malalim at ngumiti. "For me? Walang masama sa pagiging anak sa labas o anak sa ibang babae. Hangga't alam ng mga ito saan sila lulugar. " may halong prangka ang pagkakasabi ni Miss. Pia dito.
"Pinadala ako doon para maka layo sa sakit ng pagkamatay ng Mama ko. Namatay si Mama ko sa breast cancer matagal niya itong ininda ng hindi ko alam. " sagot ko na lang ng tumigil na sila sa mainit na usapan nila.
"Oh I'm sorry to ask.." sincere na paghingi ng paumanhin ni Miss. Pia at hinawakan pa nito ang kamay ko.
Umiling ako at ngumiti. "It's fine Miss. Pia," sagot ko na lang.
"But totoo ba na hindi talaga dapat ikaw ang pakakasalan dapat ni Mr. Luxhell the made billionaire himself?" tanong nito ulit sa'kin.
"Yes that's true. But bigla nag bago ang ihip ng hangin." maikli ko lang na sagot.
Tumango naman ito habang naka ngiti, ang mga tao naman ay na pa tango din. Bumaling ito kay Celine na agad naman akong umayos ng upo. "Totoo ba ang sinasabi ni Mrs. Luxhell? " diretso na tanong ni Miss. Pia.
"Yes. " matapang at taas noo nitong sagot.
Narinig ko pa na nag bulungan ang mga manonood. Umayos ng upo si Miss. Pia at muling nag salita "Can you in lighten us paano nag simula ang rival ninyo sa family?" tanong nito sa amin.
This time seryoso na ito, mabilis sumagot si Celine. "Nag simula ito ng pumasok ang nanay ni Maxine sa buhay namin bilang katulong at nag pa buntis.." madiin na sagot ni Celine.
Kahit hindi ako mapakali pinatili kong ipakita na ayos lang ako. "Totoo ba?" tanong sa akin ni Miss. Pia.
"Totoo yun, pero matagal na gustong umalis ng Mama ko sa kanilang bilang katulong. Habang buntis siya sa akin. Ngunit ang Lolo namin ay hindi pumayag, kung aalis si Mama kukunin niya ako kay Mama dahil apo niya ako at isa akong Wilhelmina.." paliwanag ko sa kanila.
"That's make sense. Kung ako ang Lola mo? I would do the same thing, kung mag hahanap naman nag masisi maybe sisihin ninyo ang pumigil na umalis. Right?" sagot nito.
Ngumiti ako dito, "But still kasalanan parin niya! Alam ko sang-ayon kayo na hindi dapat tinotolorate ang mga makaka-kating kabit!" pikon na wika ni Celine.
"Tama ka naman d'yan, kaso sa kaso ko at sa amin ng nanay ko ay wala nagawa ang nanay ko kundi manatili sa nakaka suka mong pamilya. "tahasan kong sagot dito na kina singhap ng lahat.
"Alam ko naman saan ako lulugar kahit ang mama ko noong nabubuhay pa ito. Tumira nga kami sa ibang bahay diba? Kasalanan ko ba o namin na mas pamilya ang tingin ni Lolo sa amin kesa sa pamilya mo na walang ibang inisip kundi paano yayaman pa?" pambabara ko dito.
"Okay okay.. bago mag ka initan ang lahat mag commercial break muna tayo.." naiilang na wika ni Miss.Pia.
Tumayo na ako at nginitian ito nag lakad ako para lapitan si Angie na nasa audience naka upo. "Angie, " tawag ko dito na agad naman ito lumapit at inalalayan ako..
"Ang intense nun Ma'am Maxine.." bulong nito na kina tawa ko.
"Siya ang nauna.." bulong na sagot ko dito. Humingi ako ng tubig na agad naman akong inabutan ni Peterson na prenteng naka bantay sa gilid.
Tiningnan ko ito at agad umiwas ng tingin ito sa'kin. Creepy ang lalaki na yan pakiramdam ko may tinatago siya. "Mrs. Luxhell 5 minutes na lang po live na ulit tayo.." wika ng lalaki.
Ngumiti ako at tumango. "Okay, thank you!" pasalamat ko at nag lakad na ulit ako inalalayan naman ako nito paakyat sa stage.
Umupo ako sa dating pwesto ko at huminga ako ng malalim hanggang naka balik na rin si Celine. "Are you ready for my next surprise?" bulong nito.
"No, wala naman kasing nakaka excite sa mga paandar mo mas lalo kapag alam ko na." sagot ko.
Nakita kong inirapan ako ni Celine. "Celine ngiti ka lang ha? Baka kasi pag kamalan ka nilang buntis na nag lilihi.." pang aasar ko dito.
Sasagot pa sana ito nang mag salita na ang director "WE ARE LIVE IN 5,4,3,2 and 1!" sigaw nito
"Now we are back mga ka-chika! Kanina natunghayan natin ang mainit na sagutan ng ating dalawang bisita. " wika ni Miss. Pia.
Umupo at muli kami ni Celine binalingan. "May pumasok na balita na totoo ba na ginapang ni Mr. Luxhell ang Wilhelmina Group of Company para mapa sa kanya ito?" tanong nito kay Celine.
"Yes. Imagine ako dapat ang pakakasalan niya ngunit ng malaman niya na si Maxine ang taga pag mana. Bigla na lang niyang pinutol ang ugnayan namin sa kanya. " pangungumbinse na sagot ni Celine.
Halata na humihingi ito ng simpatya sa mga tao. "Kung ganun? Posibilidad na ginagamit lang din si Mrs. Luxhell?" gulat na tanong ni Miss. Pia.
"Well, alam natin na noon pa man nag de-date na kami ni Gideon so I guess, yes.." buong kumpyansa na sagot nito
Ngumiti naman ako at bumaling kay Celine. "You're too over confident right? Kung totoo na ginagamit niya ako, bakit nasa pangalan ko ang kumpanya kahit nabili na niya ito? Bakit din tutulungan pa niya ako?" tanong ko dito na kina tikom ng bibig nito.
"You know what my HUSBAND told me? He Didn't want my company or my money. Because he's the billionaire of himself. So i don't think na hindi siya sincere sa pagpapakasal sa akin." naka ngiti kong paliwanag.
Nakita ko naman na kinilig si Miss Pia. "Well, congratulations to your wedding Mrs. Luxhell. we know na maikling panahon lang ang preparation but, you both did everything to make a perfect.."pag congratulate sa akin nito.
Ngumiti ako. "Thank you Miss. Pia. " sagot ko nahagip ng mata ko na naka ngiti si Peterson habang naka tingin sa amin.
"Alam niyo hindi ko na ito matiis!" wika ni Celine na kina lingon ko dito.
"Bakit ba kayo paniwa-paniwalang sa babaeng yan?! Diba nga dapat kayo magalit dahil anak siya ng kabit? Walang lugar sa mundo ang mga the Unwanted child!" galit na tanong nito.
Hinawakan ako ni Miss. Pia at pinatayo ako nito. "Miss Celine calm down... please kumalma ka this is just a show. Alam mo na maaaring may ganitong talakayan, at alam mo yan dahil matagal ka na sa industry na ito. " mahinahon na paliwanag ni Miss. Pia.
Ang mga manonood naman ay nagbubulungan na at kanya kanya sa pagkuha ng litrato.
"Ha! Ikaw talaga ang jinks sa buhay ko at sa pamilya ko!" sigaw nito at dinuro pa ako.
"Ikaw dapat namatay kana lang! At dapat talaga pinainom ni Mommy ang Nanay mong malandi ng pampalaglag para mawala kana!" sigaw nito na kina gulat ko din.
" Yes totoo! Malandi at makati kasi ang Nanay niya para mag pabuntis sa may asawa!" sigaw nito at hinawi ang kamay ni Miss. Pia walang maka tigil sa kanya.
Kaya Lumapit ako at dalawang malakas na sampal ang binigay ko sa kanya. "Wala kang karapatan sabihan ang Nanay ko ng ganyan! Bakit ba kating kati ka ipahiya ako? Hindi mo ba alam na sa ginagawa mo ikaw ang na papahiya!!" sigaw ko dito.
Umatras na ako at inalis ang kamay ng guard. "I know my way out." kalmado kong wika at nag lakad na ako.
"I will sue you for hurting me! You know that i'm pregnant!" sigaw nito.
Tumigil ako sa pag lalakad at muling bumalik. "Ito para may ground kana!" wika ko at binigyan ko pa ito ng isa pang mas malakas na sampal na kina bagsak nito.
"Ouch!" sigaw na daing nito. Tumalikod na ako at hinagis ko ang lapel na nag sisilbing mic namin.
GIDEON'S POV
Napailing na lang ako habang nanonood sa aking iPad ng live interview, but it turns out into live bardagulan.
"Puntahan natin ang asawa ko bilisan mo. " utos ko sa driver ko. Agad kong tinawagan si Peterson.
Kung si Angie alam ko mabilis itong mataranta kaya mas okay na si Peterson, "Mr. Luxhell we need to be prepared panigurado kakasuhan nila si Mrs. Luxhell." bungad nito.
Rinig na rinig ko ang ingay sa kabilang linya. "No, hayaan natin sila mas maganda na yun kesa maging maagap tayo. Baka isipin nila na planado dito." sagot ko
"Yes Mr Luxhell." sagot nito.
"Kung kayo ang mauna maka alis d'yan dalhin mo ang asawa ko sa private beach ko.." utos ko dito.
Sumagot ito kaya binaba ko na ang tawag ko. Alam ko na mangyayari ito, mas maigi na yun para malaman nila na talagang walang hiya ang pamilya ni Celine.
Ngunit na babahala ako for my wife safety alam ko na mas lalo siyang pag iinitan ni Alisha Ngunit hindi rin dapat ako matakot ngayon.
My wife need me, kaya naman niya pero sa mga kaso na ibabato nila, ay she need me..