MAXINE'S POV
Pagdating ko saktong kadadating lang ni Gideon. "Ang aga mo umuwi?" tanong ko dito at nilapitan ko ito.
"Be prepared panigurado magagalit sayo si Celine kapag nagkita kayo. "wika nito at hinalikan ako sa pisngi ko.
"Why? " tanong ko habang papasok kami sa bahay niya.
"Pinutol ko na ang linya ng source of income niya. Dahil company money ang gamit nila." sagot ni Gideon na kina lingon ko ng marahas.
"Pera ng kumpanya? Kaya ba ito lalong lumubog?" tanong ko dito.
Umupo muna ito at inabutan ito ng tubig ni Nanang Edna, umupo naman din ako. "Oo, tama ka. Lahat ng pera nila nanggaling sa kumpanya, kahit ang mga personal na bagay doon nila kinukuha. Walang alam ang board dito.." sagot nito at inubos ang isang baso ng tubig.
Napa nganga naman ako sa gulat hanggang mag salita ulit ito. "At ito ang naging dahilan bakit sila na question tungkol sa nawawalang pera." muling wika nito.
Tumango naman ako at nang may bigla akong may naalala. "May nakita ako sa misteryosong nagpadala sa akin ng box noon. May 15 and 50 Million na nakuha si Alisha na pera." wika ko.
Ngumiti ito at tumayo na ito. "Ako ang nag padala ng box na yun upang makakuha ka ng idea. Hindi ko rin alam saan eksakto ginamit ang pera." pag amin nito na kina nganga ko ulit.
"What?! Ikaw yung G.L?" gulat kong tanong at tumango naman ito at iniwan na lang ako.
Napa tingin ako sa likuran ni Gideon habang paakyat ito sa hagdan. Sino ka ba talaga Gideon? Bakit mo ginagawa ang lahat na ito?
"Hija mag bihis ka na, diba gusto mo ikaw mag prepare ng dinner ninyong mag asawa?" nagising ako ng marinig ko ang tanong ni Nanang Edna.
Ngumiti ako at tumango. "Opo Nang, ako na po bahala mag prepare.." naka ngiti kong sagot, tumango ito ay umalis na ulit.
Sumunod naman ako sa taas at agad akong pumasok. Narinig ko ang pag lagas-gas ng tubig mula sa banyo. Kaya naman mabilis akong nag bihis at muling bumaba na.
Mabilis akong nag tungo sa kusina wala naman akong naabutan kahit isang katulong dito. Nakakita ako ng hipon sa ref kaya ito ang niluto ko, kumuha ako ng gulay.
Balak ko mag sinigang na hipon yung traditional style ng Filipino. Matapos ko mag handa lahat, nag umpisa na ako magpakulo ng tubig kasama ang mga herbs and spices. Naglagay din ako labanos na gulay, syempre hiniwa ko naman siya.
Inayos ko ang pag hugas sa kang-kong at nag hiwa naman ako ng kamatis at sinabay ko narin.
Nang kumulo ito at nilagyan ko na ng pampalasa at nilagay ko ang gulay na kangkong. Nagsasaing na rin ako, nang makita kong kumukulo na.
Tinikman ko muna ang sabaw at gulay, napa ngiti ako ng masarap na ang lasa. Linisin ko naman ang hipon at nilagay ko na ito.
Ayoko kasi na over cook ang hipon, yung tama lang ang gusto ko. Matapos nito at hinintay ko pa na kumulo ng isang beses bago ito patayin.
"Anong niluluto ng asawa ko?" tanong ni Gideon sa akin.
"Ah, nag luto lang ako sinigang na hipon." nakangiti kong sagot.
Sumilip pa ito sa niluluto ko bago mag salita, "May nilulutuan ka ba ng pagkain noong nakatira ka pa sa Japan?" biglang tanong nito.
Napa angat naman ako ng tingin dito. "What do you mean?" tanong ko, dahil hindi ko naman makuha ang gusto niyang sabihin.
Nag kibit balikat ito bago sumagot ulit. "Boyfriend or a friend, manliligaw?" tanong nito.
Napa angat ang isang kilay ko. "Gideon, sinabi ko naman na sayo na wala ako ng mga yan. Kung kaibigan oo sila Cécil at Sakura. Mag kasama kasi kami sa iisang apartment." sagot ko dito.
Tumingin ito sa'kin na parang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo. "Siguraduhin mo lang," wika nito at umalis na sa harapan ko.
"Ngayon ko lang nalaman na seloso pala siya?" tanong ko sa hangin at hindi na lang ito pinansin at nag luto na lang ako ng tahimik.
CELINE'S POV
"Ano? Sino bumili?" tanong ko kay Stella.
Tumawag ako sa kanya para sabihin na bibilhin ko na ang bracelet na gusto ko at napili ko kanina." Girl, kung alam ko sinabi ko na sa'yo. Bawal sabihin kung sino at baka magalit si mommy." sagot ni Stella sa'kin.
Napa irap naman ako bago mag salita. "Nakakainis ang ganda pa naman ng bracelet na yun tapos mapupunta lang kung kanino?!" galit na tanong ko
"Hmm, kung ako sayo mag iipon na ako para sa anak ko. Celine may anak kana okay? Kahit naman mga maldita kami ay concern kami sa anak mo." wika nito.
Napa buntong hininga ako. "Yeah, si Mommy naman muna ang bahala sa akin at sa baby ko basta kailangan ko muna mag pahinga at umiwas sa stress." mahinahon kong sagot.
"Okay, kung may kailangan ka? Let us know kapag kaya namin ibibigay namin sa'yo. I need to hang up na.." paalam nito.
"Okay bye.." paalam ko at binaba ko na mismo ang tawag ko kay Stella.
Napa iling na lang ako hanggang makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko. Nag lakad ako binuksan ito. "Ma'am. Celine pinapatawag kayo sa opisina ng daddy n'yo." bungad nito.
"Okay.." tumango na lang ako at lumabas na rin ako. Naka sunod lang ako, hanggang ito na nagbukas ng pinto ng opisina ni Daddy.
"Maupo ka Celine.." utos ni Dad sa akin na siyang ginawa ko.
Tumabi ako kay Mommy. "Ngayon na kumpleto na tayo, gusto ko sabihin sa inyo na may pagbabago na simula ngayon. Alam kung alam niyo na si Gideon na ang bagong CEO ng Wilhelmina Group of Company.." putol ni Dad.
"Ngayon, hindi mabait na tao si Gideon mas lalo sa kanyang mga empleyado. Mahigpit ito mas lalo kapag alam niyang may history ng pagnanakaw.." wika ulit ni Daddy at tumingin ito kay mommy at kuya Caiden.
"Hindi man ito kumikibo sa harap natin alam kong naka bantay na ito sa atin, mas lalo sa inyong mag ina." wika ulit ni Daddy.
"At Celine?" tawag ni Daddy sa pangalan ko.
"Yes dad?" tanong ko na sagot.
"Umiwas kana kay Gideon, I'm warning you Celine and don't hurt her wife, dahil ibang klase ng lalaki si Gideon kapag nasasaktan ang mga tao na malapit sa kanya mas lalo ang asawa niya.." maka hulugan na banta ni Dad sa akin.
Nakita kong sumandal si kuya sa upuan nito at nag salita. "Kayang kaya nitong manakit ng babae, I am telling you Celine.." mapag banta na wika ni kuya.
"But he never hurt me.." sagot ko.
"Yeah.. sa ngayon, hindi niya sasaktan si Maxine yun ang sigurado, pero kapag may nanakit sa asawa niya hindi ko maipapangako na hindi ko maipapangako na hindi siya gagawa ng paraan para masira ang mga taong yun.." sagot ulit ni kuya Caiden.
"Kung napapansin mo walang nag kakamaling babae na mamikot sa kanya. Ang pag payag niya noon na pakasalan ka ay for business only. Ang kay Maxine naman dahil ito na noon pa ang gusto niya." paliwanag ni Daddy sa akin.
"Then we can do is sirain ni Maxine upang masaktan at maging impyerno ang buhay ni Maxine sa kamay ni Gideon." biglang singit ni mommy.
"Mom, i think that's a bad idea. Kahit pa hindi kami magkasundo ni Maxine hindi ko gugustuhin na gawing impyerno ang buhay niya doon." pag hindi ko sang-ayon kay Mommy.
Kahit galit ako kay Maxine para sa'kin sobra na ito. "Hindi rin ako papayag sa idea na yan Alisha she's still my daughter. Kahit kailan walang naging kasalanan si Maxine sa akin. Kahit pa sabihin ng ibang tao na anak ko siya sa labas. But yet still baliktarin mo man ang mundo anak ko parin siya." mahabang paliwanag ni Daddy kay mommy.
Dad is right, anak parin niya si Maxine at kapatid ko parin siya. "Fine!" iritang sagot ni Mom.
"But i doubt na kayang saktan ni Gideon si Maxine, nakikita ko sa mga mata niya kung gaano niya ito ka gusto.." wika ni kuya Cody na kababangon lang sa pag kaka-higa sa couch sa opisina ni dad.
"Okay enough that topic, simula ngayon mag hanap na kayo ng trabaho dahil alam ko ikaw Caiden hinding hindi ka mag papa-under kay Gideon." wika ulit ni Daddy.
"Ikaw Celine, please gumawa kana ng matino this time." paalala ni Daddy sa'kin at muling nag salita. "Hintayin mo muna na maka panganak ka saka mag trabaho." utos nito.
Tumango na lang ako tumayo na, isa isa kami nag paalam palabas. Napa buntong hininga na ako at nag tungo sa kwarto ko.
Hanggang maisipan ko mag bukas ng social media account ko. Bumungad sa'kin ang mga shared post ni Gideon na kinuhaan nito ang wedding ring nila ni Maxine.
Pare nila itong kamay, umiling na lang ako at nag scroll up pa ng makita ko ang isang article tungkol sa pag labas ng statement ni Gideon sa nangyari kong interview..
MAXINE'S POV
Napa tingin ako kay Gideon ng mabasa ko ang pag labas ng statement nito sa sinabi ni Celine sa isang press interview.
He's so Heartless..
Nakatingin lang ako sa lalaking mahimbing na natutulog sa tabi ko.
"Mr. Luxhell ano pong masasabi ninyo sa sinabi ng ex Fiancé niyong si Celine?" tanong ng reporter na lalaki.
"Kung ano gusto niyang paniwalaan, wala akong pakialam. I can kick them from my Company, their company to be exact. Akin na ito kaya ako na ang may ari." walang puso nitong sagot.
"So, Mr. Luxhell talagang ginapang mo ang pamilya nila para makuha ang business nila, yun po ba ang gusto niyong sabihin?" tanong ng babae naman.
"If i say yes? May pagbabago ba? If Miss Celine and her family didn't stop hurting my wife Maxine. I will sure their precious life will turn upside down.. thank you!" sagot nito.
Agad itong tumalikod, kahit marami pa gusto itanong ang mga ito. Napa tingin ako ulit sa katabi kong lalaki, "Ano ba talaga ang intensyon mo?" tanong ko dito.
Tinabi ko ang laptop ko at inalis ko sa tainga ko ang earphone. Inilapag ko ito ng maayos sa side table ng kama namin.
Paglingon ko nagulat ako ng makita kong gising si Gideon. "God! Bakit ka ba nang gugulat?!" tanong ko rito habang ang kamay ko nasa dibdib ko.
"Nagdududa ka ba sakin?" tanong sa akin ni Gideon. Tila baliwala sa kanya ang sinabi ko.
"Medyo, parang hindi ikaw ang nakilala kong Gideon.." pag sagot ko sa tanong niya, mas mabuti ng totoo ang sabihin ko kesa Hindi.
At alam ko naman na narinig niya ang sinabi ko kanina. Bumuntong hininga ito at nag salita. "I need to do that, para mas matakot sila na saktan ka o galawin ka.." paliwanag nito.
"Okay lang naman sakin yun, basta huwag mo ako saktan dahil lalaban ako sayo.." may pag babanta ko sa kanya.
Hindi ako magdadalawang isip na lumaban sa kanya, mas lalo kapag nararamdaman kong naagrabiyado na ako.
Umiling ito. " I will never do that, kahit ako na lang ang pag sali-taan nila ayos lang, immune na ako but not my wife. I'm sorry if i really scare you.." humarap ito sakin at hinawakan ang kamay ko.
"I'm sorry," paghingi ulit nitong tawad.
Pinisil ko ito sa kamay nito at ngumiti. "Apology accepted, but don't too much.." paalala ko dito.
Ngumiti ito at niyakap ako ng mahigpit nito, "I will my wife.." bulong nito.
Tumango na lang ako at matapos ang usapan namin ay ako ang unang nag aya ng matulog na. Niyakap ako nito habang nakatalikod ako sa kanya.
Medyo naiilang pa ako sa kanya at naiintindihan niya yun. He's trying little by little hanggang masanay ako sa kanya. 'Yun kasi ang pangako niya sakin.
KINAUMAGAHAN maaga ako nagising upang pag handaan ito ng agahan niya at para sabay kami kumain.
"Mukhang masarap ah? Good morning my wife!" bati nito at humalik pa ito sa pisngi ko.
Ngumiti naman ako. " Ako gumawa eh. Sige na kumain na tayo gutom na din ako. " aya ko sa kanya at naupo na ako.
Tumango ito at nag sandok na ito ganun din ako. Sila Nanang Edna kasi ay tapos na sila kanina pa, dahil may kailangan pa daw silang tapusin ng maaga.
Matapos nito kumain ay nag paalam na ito na papasok na, naka bihis na rin kasi ito. "Ingat ka, nga pala aalis ako ha?" paalala at paalam ko dito.
"Okay sabihin mo sa akin saan ka pupunta. I Love you.." sagot nito. Ngumiti na lang ako at tumango.
Alam ko na hindi ko pa siya Totally na natatanggap kaya hindi ito nag eexpect ng sagot ko. But I'm willing to accept him and learn to love him back.
Not now but maybe soon..