MAXINE'S POV
Narinig ko ang dahilan ni Sakura bakit siya iyak ng iyak. Sinabi niya na may naka one night stand daw siyang lalaki.
Ito ang naka una sa kanya, hindi niya alam paano kapag na buntis siya nito. "Sa loob mo ba niya pinutok? May ginamit ba kayong proteksyon?" tanong ko. Niyakap ko ito.
"Wala hindi ko alam lasing ako eh." sagot nito. Napa buntong hininga na lang ako.
"Kahit may mabuo nandito lang ako kami ni Cécil okay? Hindi ka nag iisa." pag papagaan ko ng loob nito.
"Oo, Baks nandito lang kami.." segunda ni Cécil at niyakap din nito si Sakura.
Hindi ko pa alam kailan nangyari, dahil sobrang sunod sunod ang nangyari nitong mga nakaraan mas lalo nang maka uwi ako galing Japan.
"Shh mag pahinga kana ha? Gusto ko maganda ka bukas sa kasal ko. " wika ko dito at nginitian ito.
"Oo nga pala kasal mo na pala. Dapat matulog ka para mas maganda ka kasi ikaw yung bride." wika nito habang nagpupunas ng mukha.
Ngumiti ako at tumango ako, sinenyasan ko si Cécil na iakyat na si Sakura sa kwarto nito. Agad naman nito ginawa ako naman ay naiwan lang sa sala.
Sino ang posibleng lalaki na naka naka one night stand ni Sakura? Bigla kong naalala ang pinag usapan ni Brix at Gideon kanina..
Hindi kaya? "Hindi, imposible!" umiiling na wika ko. Tumayo na ako at nag desisyon na mag pahinga. Matapos ang kasal tutulungan ko si Sakura na hanapin ang lalaki na naka one night stand niya. At aalamin ko paanong nangyari ito.
Pag pasok ko sa kwarto ko basta na lang ako nahiga at mabilis naka tulog dahil na rin sa pagod at pag iisip.
****
KINAUMAGAHAN nagising ako sa ingay ng cellphone ko agad kong hinanap ito habang nakapikit. Nakapa ko siya sa bulsa ko agad kong sinagot ito.
"Maxine, umuwi kana ngayon ang kasal." mahinahon na bungad ng baritong boses ni Gideon.
"Oo nga pala! Sige papunta na ako," sagot ko at binaba ko na agad ang tawag nito.
Bumangon ako at agad nag hilamos, hindi naman ako nag alala dahil kasama ko na si Sakura at Cécil pag balik ko sa bahay ni Gideon. Sila ang Bridesmaids ko dahil na rin wala akong kaibigan masyado dito.
"Girl, bilisan mo baka mag bago isip ni Fafa Gideon kapag nag tagal ka pa!" paninigaw ni Cécil sa labas ng kwatro ko.
Binuksan ko ang pinto at lumabas na "Eh kung ginising kasi ninyo ako? Tara na!" nakasimangot kong sabi dito.
Tumawa naman silang dalawa at sunod sunod kami lumabas ng bahay ko." Huwag kana sumimangot papanget ka sa kasal mo!" pabirong wika ni Cécil.
"Tse! Ako pa rin ang pinaka magandang bride no?" sagot ko dito. Humawak pa ako sa braso ni Sakura.
"Sakura, wag ka mag alala after ng wedding tutulungan ka namin hanapin yung lalaki na naka galaw sa'yo." wika ko dito.
Tumigil naman sa pag tawa si Cécil at humawak din sa kanang braso ni Sakura. "Oo nga girl. Hindi ka nag iisa dito ano?" naka ngiti nitong wika.
"Mas mabuti siguro na huwag na lang natin siya hanapin. Nakita ko kasi may suot siyang wedding ring, baka kasal na siya." wika nito. Gumuhit naman ang lungkot sa mukha nito.
Napa buntong hininga na lang ako at tumango. "Hayaan mo kapag kailangan mo ng tulong nandito kami okay?" naka ngiti kong wika.
Ngumiti ito at niyakap kami pareho ni Cécil ng maka pasok kami sa loob ng elevator. Nag hiwalay din kami agad.
Nginitian ko si Sakura at tahimik lang kami hanggang makalabas kami. Sumakay na sila sa kotse na gamit ko. "Ano kaya itsura ng bahay ng magiging asawa mo Jazz?" tanong ni Sakura sa'kin.
"Hmm malaki ang bahay niya, see it for yourself na lang para kayo na ang humusga malapit na tayo." nakangiti kong sagot.
"Bahay niya? Gaga bahay niyo na pareho." si Cécil naman ang nag salita. Natatawa na lang ako at hindi na umimik pa dahil ayoko makipag talo.
Hanggang makarating kami sa mismong bahay na ni Gideon. Nakita ko ang dalawa na naka nganga lang. "Grabe! Dapat na ba ako mag duda sa soon to be your husband girl? Totoo bang Lolo mo ang nag paaral sa kanya?" tanong ni Sakura sa'kin.
Tumango ako at bumaba na ako, kaya ganun din ang dalawa. "Ang laki!" manghang usal ni Cécil.
"Oo si Lolo nga ang nag paaral sa kanya. Wala ng iba!" sagot ko. "Tara na sa loob!" aya ko sa kanila.
Mabilis naman silang sumunod sa akin. "Sila ba ang mga Bridesmaids?" tanong ni Gideon sa'kin, saktong pababa ito ng hagdan.
"Hi fafa Gideon," bati ni Cecil dito.
"Baklang baklang girl ha?"pang aasar ni Sakura kay Cécil na kina tawa ko naman.
"Uy hindi dapat nag kikita ang ikakasal bago mismo ang kasal. Baka hindi matuloy!" si Cécil naman ulit ang mag salita.
" Hmm? Naniniwala kayo d'yan?" tanong ni Gideon sa kanila.
"Hay naku kung hindi man matuloy yan edi ulit ulitin hanggang mag sawa na ang sumpa na yan!" wika ko na kina tawa ng dalawang bruha.
"Hahaha! She's right, maybe mag sabay na lang din patungong simbahan para matuloy lang? What do you think?" tanong ni Gideon sa amin.
"Hay naku, mag prepare na tayo!" utos ko.
Narinig ko naman ang tawanan at sabay sabay kami nag tungo sa hapag upang mag agahan.
Naupo naman ako sa pwesto ko, kaharap ko si Sakura katabi naman nito si Cécil. Si Gideon naman ay sa gitna.
Kumain kami ng pilipino breakfast.
****
Matapos kumain ay mabilis naman kaming inasikaso ng mag aayos sa'kin, isa isa kami pero iba ibang kwarto.
Mauunang ayusan si Gideon dahil kailangan na nito pumunta sa simbahan. Ako naman ay kumakain ng pritong manok habang inaayusan ang buhok ko.
"Ma'am Maxine. Baka po mag amoy garlic chicken po ang hininga ninyo tama na po sa pagkain." awat sakin ni Jade.
Tumango naman ako at inabot ito sa kanya. "Mag toothbrush ako ng maigi mamaya, bago niyo ako make up-an." naka ngiti kong sabi.
Inuna kasi nila yunh buhok ko dahil matagal daw ang sa buhok. Ang make up naman daw ay gagawin nilang light lang.
Nang makita ko ang pang spray sa buhok ay pumikit ako. Ginawa nilang princess style ang buhok ko na maraming white flowers and pearls.
Nang matapos tumayo ako at nag paalam na pupunta sa cr. Kinuha ko ang electric toothbrush ko at nag brush ako ng teeth ko ng maayos. Kaya lang naman ako kumain kanina kasi kinakabahan ako.
Matapos kong mag toothbrush at mag mouthwash ay lumabas na ako.
Saktong pag labas ko nag papaalam na pala ang nag ayos kay Gideon na mag tungo na sila sa simbahan. "Mauna na kami Maxine!" nakangiting paalam ni Cécil, mauuna talaga sila.
Mag isa lang ako mamaya pupunta doon at hihintayin ako ng mga kaibigan ko sa labas ng simbahan. Short time lang na binigyan kami ng gagawin namin.
"Bye! Ingat kayo!" naka ngiti kong paalala.
Nang maka alis sila ay agad akong inayusan sa mukha ko, lahat ng sinabi nila ay sinunod ko lang. Kapag sinabing pikit, pikit lang din ako.
"Yan ang ganda ng pagkaka make-up Ma'am!" nakangiti na papuri ni Jesiya si Jesiya ay nakaka batang kapatid ni Jade. Akala ko ng kambal sila eh.
Tiningnan ko sa malaking mirror ang mukha ko doon ko nakita na ang ganda ng pag kaka ayos niya. "Ang ganda ko lalo!" papuri ko sa sarili ko.
Hanggang may pumasok sa pinto, una hindi ko pinansin dahil baka kasamahan lang nila. Ngunit nang mag salita ito. "Tingin mo ba special ka na ibinigay ni Gideon lahat sayo?" tanong ni Celine.
I roll up my eyes at tiningnan ito sa reflection ng salamin." Huwag ka gumawa ng eksena dito Celine. At hindi ako pumapatol sa buntis, yung nilalaan mong oras sakin? Bakit hindi ko gamitin para hanapin ang ama ng anak mo? Baka natuwa pa sa'yo si Papa." wika ko at tumayo na ako.
"Mag bihis kana baka ma-late ka pa Ma'am Maxine." nakangiti na utos sakin ni Jade, ngumiti ako dito at tumango.
"Hindi naman magtatagal babalik ang amor sakin ni Daddy at ikaw na naman ang etsa pwera." ngising wika nito.
Umiling na lang ako at napag desisyunan na hindi ito patulan. "Pwede po ba paki alis yung tao na yan? Panira ng kasal!" mahinahon kong utos
Natawa naman sila agad naman nag salita si Celine. "I know my way out.. stupid!" irap nito sa mga taong kasama ko.
Napa iling na lang ako hanggang maka alis ito. Hindi nagtagal nakita ko na ang gown na napili ko napa ngiti ako ng makita ko kung gaano ito kaganda.
"You like it po? Suutin na natin sa'yo." naka ngiting tanong ni Jade sa'kin.
"I love it i swear ang ganda niya!" masayang wika ko at agad naman akong kumilos.
Dahan dahan lang ang pag suot ko hanggang maging maayos na ito. May magandang Lace ito at pa v-shape tube siya, hindi ko alam ang tawag dito. Pero simple siya pero para sakin ang ganda ganda niya.
****
Nakasakay ako puting Mercedes Benz habang papunta sa simbahan. Nahirapan pa sila ipasok ang ibang bahagi ng gown pero nagawan naman ng paraan.
"Good day Ma'am ako po pala si Peterson, John " pakilala nito. Tinitigan ko siya ng maigi hanggang ito ang unang umiwas ng tingin sa'kin.
"Pamilyar ka sakin." wika ko. Naramdaman ko na lang muli ang pag andar ng sasakyan.
Naka limutan ko nga lang kung saan ko siya unang nakita. Hanggang nalibang na ako sa hawak kong bouquet of flowers, inamoy amoy ko pa ito hanggang makarating kami.
"Nandito na po tayo." malamig na wika nito. Umirap ako sa paraan niya mag salita.
Binuksan nito ang pinto at inalalayan akong bumaba. "Salamat.." pasasalamat ko ng makita ko ang mga kaibigan ko.
Agad silang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit. "Congrats in advance!" masayang bati sa'kin ni Sakura.
"I'm happy for you Max! Congratulations!" bati naman ni Cécil.
"Thank you girls. Tara na baka mag umpisa na." aya ko.
Inalalayan naman ni ang gown ko hanggang mag umpisa na ang pag tugtog sa loob.
Pamilyar sakin yung song pero instrumental lang ito. LOVE DON'T CHANGE by; JEREMIH pag bukas ay siyang pag tingin ko ng diretso sa loob ng simbahan. Nakita ko ang pamilya ko at ang lalaking pakakasalan ko.
GIDEON'S POV
Pag bukas ng pinto doon ko nakita ang babaeng handa kong ipag laban sa pamilya niya. Hindi ko maiwasan hindi mapa ngiti, "Grabe ang ganda ng gown niya. Paano pa kaya kung mismong ayos na niya talaga?" tanong ni Erson sila ni Brix ang bestman ko ngayon.
Ngumiti na lang ako at hindi na umimik.
Dahan dahan itong naglalakad, na uuna ang kaibigan nito na si Sakura at Cécil, solo na niya ang buong pag lalakad.
Nang makarating ito sa gitna ay siyang sinalubong ng kanyang ama. Alam kong ayaw niya sa tatay niya ngunit hindi niya hinayaan na masira ng Papa niya ang araw niya.
Bumaba na ako at hinintay ito. Tuloy lang ang tugtog hanggang matapat sila sa akin. Nginitian ko lang si Mr. Cerius Wilhelmina at kinuha ko ang kamay ng anak niya.
"Ang gwapo mo sa black tuxedo.." bulong ni Maxine sa'kin, natawa naman ako at nag salita.
"And you're gorgeous too." papuri ko dito.
Nakita kong tumawa ito at kinindatan ako "I know that." sagot nito, napa ngiti na lang ako hanggang alalayan ko ito sa gitna. Inayos naman mga kaibigan niya ang Veil nito at gown.
Nang mag maayos na ang lahat ay nag umpisa na agad ang Pari na mag salita. Ginawaran muna kami nito ng dasal hanggang mag tanong ito.
"Bago ko ipagpatuloy ang seremonya ng kasal na ito. Gusto kong itanong, kung may tumututol ba sa kasalang ito? Marahil ikaw ay mag salita na." tanong ng Pari.
Lahat naman kami ay tumahimik nakuha ko pang lumingon sa likod upang makita kung may tumayo ba? Ngunit wala naman, ngunit na hagip ng mata ko ang sama ng tingin ni Celine kay Maxine.
Muntik na mawalan ng anak ito, ngunit sarili pa rin niya iniisip niya at galit niya.
Humarap na ako ulit at nginitian si Maxine ganun din ang Pari. "Kung ganun umpisahan na natin ang kasalan!" anunsyo ng Pari.