TUD: Chapter 22

2052 Words
MAXINE'S POV KINAUMAGAHAN naabutan ko si Gideon na bihis na bihis. " Oh? Bihis na bihis ah?" tanong ko dito. Galing ako sa kusina dahil ako ang nag luto ng agahan namin. "Pupuntahan ko ang catering para sa kasal. Sa sabado na yun." sagot nito. "Diba dapat tayong dalawa yun? Oy kumain ka muna." tanong ko dito. "Oo pero ako na lang dito ka lang sa bahay saglit lang ako babalik din ako agad." nakangiti nitong sagot. "Okay? Sige ikaw bahala." tumango na lang ako at hinayaan na siya inayos ko naman ang pinag higaan niya dahil magulo. "Oo nga pala darating mamaya dito ang mag aayos ng kwarto ikaw ang incharge doon. Sinabi ko na sa kanila." wika nito Ngumuso naman ako at tiningnan na ito. "Ako na naman? Bakit hindi mo sinabi kagabe?" tanong ko dito. Natawa ito at nilapitan ako." Nakalimutan ko I'm sorry." paghingi nito ng paumanhin. "Sige basta walang magrereklamo pag ako nag desisyon ha?" tanong ko dito. "Yes Ma'am!" sagot nito at sumaludo pa nag paalam na ito. "Mauna na ako ikaw na bahala babalik ako agad." paalam nito. " Okay sige ingat!" paalala ko. Hanggang maka labas ito. Hindi rin pala masama ang mag tiwala sa kanya, ngunit mas mahal ko at pinagkakatiwalaan ko ang sarili ko. Matapos ang ilang minuto dumating na ang sinasabi ni Gideon. Kaya bumaba na ako at para kausapin sila, nang umalis si Gideon kanina ay kumain na rin ako ng agahan. "Good day Mrs. Luxhell nandito po kami para mag ayos ng kwarto ni Mr. Luxhell." wika ng lalaki. Tumango ako at nilahad ang kamay ko. "Okay nasabi na nga sa akin ni Gideon kanina. Mag merienda muna kayo." sagot at aya ko sa kanila. "Ay hindi na ho Ma'am," tanggi nila. "Kayo pala Sir Noel. Sige po nasabi na ni Gideon sa amin alam niyo naman po ang kwarto niya hindi ba?" pag kausap sa kanya ni Manang Edna. "Yes Manang. No worries Mrs. Luxhell kaibigan ko si Gideon mauna na ho kami sa taas at Ma'am kailangan ko po ang suggestion ninyo." nakangiting wika ng nag nga-ngalang Noel.. "Okay sige po Sir akyat na po kayo sa taas sunod ako." naka ngiti kong sagot ko. Agad naman silang umakyat kasama ang mga tao niya. May dumating din na truck at isang babae ang bumaba. " Good morning Mrs. Luxhell. Nandito na po ang furniture at bagong masters bed na inorder ng husband niyo." bungad nito sakin ng papasukin sila ni Manang. "Hija pag may mamay-ari ng asawa mo ang furniture Company." bulong ni Manang. Napa 'O' na lang ako at tumango nilahad ko ang kamay ko at nag pakilala. "Ako si Maxine Jazz, Maxine na lang. Sige ipasok niyo na yan tapos yung mga luma siguro ilagay na lang sa storage room dito. Kasi sayang naman kung itatapon agad." mahabang paliwanag ko at pakilala ko na rin. "Claudine po Ma'am! Sige po kami na po bahala." sagot nito. Ngumiti ako at umakyat na ako sa taas, saktong lumabas yung Noel. "Ma'am buti umakyat na po kayo. Ito po gusto niyo po ba ito?" bungad nito sa'kin. Agad akong lumapit at sumilip sa iPad nito. "Kaya niyo ito gawin ngayon? Pwede bang wife and husband yung theme?" tanong ko. "Oo naman Ma'am saka ang laki ng binayad po sa amin ng husband niya. Kaya kailangan po namin tapusin ito agad." sagot nito Tumango na lang ako at habang nag swipe siya nakita ko ang isang design na off-white siya. "Ito gusto ko ito tapos yung curtain na ilalagay medyo dark din." wika ko at binalik sa nakita ko. "Oh? Sige po ma'am final na po ito? Matapos po ito ipapasok naman namin yung mga furniture na napili po ng husband ninyo." tanong nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Mabilis naman sila kumilos ako naman ay sumilip lang sa ginagawa nila wala ng laman yung kwarto yung kama inilabas na agad nila. Naka lagay pa dito sa hallway sa second floor. Nakita ko paano sila nag hands-on kahit mabilis ang kilos nila. Nakarinig ako ng tunog ng sasakyan ng lumingon ako mula sa loob ng mansion kita ko ang labas dahil tinted glass ito. Kapag nasa labas ka hindi mo kita ang nasa loob pero pag nasa loob ka kita mo ang nasa labas.. Dumating na si Gideon may dala itong paper bag siguro ay laman ay pagkain. Bumaba na ako at sinalubong ito. "Kamusta ang pinuntahan mo?" bungad kong tanong dito. "Okay naman handa na ang lahat para sa kasal. Tapos na sila?" tanong nito. Umiling ako, "Halos kaka umpisa pa lang.." sagot ko lang. Kinuha ko ang dala nito. "Buti hindi kana naiilang sakin? " tanong nito. Kami lang kasing dalawa dito sa sala. "Mas ginusto ko kasing alisin na yun. Saka mahirap na lagi akong naiilang sa'yo, mas lalo sa isang bahay na tayo titira." sagot ko. Yun naman talaga ang totoo, aanhin ko pa ang pagka ilang kung sa iisang bahay at kama naman kami hihiga gulo lang yan. Nakita kong gumuhit sa labi nito ang matamis na ngiti. May kinuha ito sa bulsa niya at lumuhod sa harap ko. "Hey ano ginagawa mo?" tanong ko dito. "Alam ko masyado mabilis ito para sa'yo. Baka nga ako lang may gusto sa'yo o sabihin natin na ako lang may nararamdaman sayo. But I'm willing to wait hanggang kaya mo na ako mahalin," putol nito nakita ko ang isang diamond ring. "Will you marry me?" tanong nito. Napa nga-nga naman ako sa sinabi nito. Oo totoong pinagbuklod lang kami dahil sa kagustuhan ni Papa pero hindi ko inaasahan ito. "Yes! Naka yes na ako kaya nga may kasalan diba?" sagot ko. Anong purpose ng No? Kung pumayag na ako? Ngumiti ito at agad sinuot ang engagement ring sa kaliwang kamay ko. "Thank you! Pasensya kana kung hindi romantic ang paraan ko." masayang pasasalamat nito at paghingi ng paumanhin. Niyakap ako nito ng mahigpit. Ngumiti naman ako at marahang tumango. " Okay lang yun Yes parin ang sagot ko." Nakangiti kong sagot at kumalas ako pag una sa pagkakayakap nito sa'kin. NANG MATAPOS ang proposal na yun ay natapos na din mag ayos sila. Nakita ko na idinaan ang bagong queen size bed na bago sa may malaking pinto sa gilid ng kwarto ni Gideon. Nang matapos ay nag paalam na sila. Ang mga luma naman na gamit ay inilagay sa storage room dito. "Ay may gusto akong sabihin sayo Gideon." wika ko. Nakita kong nagulat ito sa biglang pag palakpak ko at pagsasalita. "Ano naman yun?" tanong nito. Binaba nito ang salamin niya sa mata at lumingon sa'kin. Nandito kasi kami sa kanyang opisina dahil may kailangan siyang ireview na kaso na hawak daw ni Brix. Hindi ko alam na attorney din pala yun. "Ano kaya kung idonate natin yung kama sa home for the aged? Tingin mo?" tanong ko kay Gideon "Tingin ko hindi nila yan tatanggapin." sagot nito. "Bakit?" tanong ko. Sumandal naman ito sa office chair nito bago sumagot. " Dahil kapag doon mo binigay yan iisipin nila may favoritism ka. Dahil dalawa lang yan." paliwanag nito. Napa nguso naman ako at tiningnan ito. Tama naman siya doon tatalikod na sana ako ng mag salita ito. "Pwede naman bibili ako ng mga kama para ibigay sa mga matatanda doon. Then the two beds na gamit natin, magpapagawa ako ng room ng anak natin o kaya naman movie theater doon ko siya ilagay so hindi sayang.. " mahabang wika nito Nag liwanag ang mata ko sa sinabi nito. "Gusto ko yan!" sigaw ko dito. Natawa naman ito at tumango. "After the wedding gagawin natin yan. Gusto ko tayong dalawa." nakangiti nitong sagot. Tumango lang ako at nanahimik na ulit dahil kailangan niya na talaga tapusin ang ginagawa niya. Hanggang maalala ko ang tungkol sa mana. "Pwede ba na ikaw humawak ng tungkol sa mana?" tanong ko dito. Nag angat ito ng ulo. "Pwede kung ipapasa sa akin ng lawyer na pinag kaka tiwalaan ng Lolo mo." sagot nito. Magsasalita na sana ako nag mag salita. "But be prepared. Mag mumukhamg bias yan dahil una asawa mo ako, iisipin ng kabilang kampo na pinag planuhan natin yan." paalala nito. Tumango ako at ngumiti na lang, tama siya hindi pwede na siya ang humawak dahil baka magka gulo lalo. At Least alam ko na, MAKALIPAS ang halos limang oras gabi na si Gideon nasa labas dahil kausap si Brix. Lalabas na sana ako ng marinig ko ang usapan ng dalawa. "Sino ba ang naka one night stand mo?" tanong ni Gideon kay Brix. "Hindi ko nga maalala, pag gising ko wala na yung babae." problemadong sagot ni Brix. Kaya sila nasa labas dahil uuwi na si Brix. Hinatid lang siya ni Gideon. "After the wedding I'll help you with that. Hahanapin natin yung babae." wika ni Gideon. "Babe kakain na." lumabas na ako at tinawag ito. Nanlaki ang mata nito ng tawagin ko siyang 'Babe' "Hey, I don't like that, maybe Love na lang." suway nito sakin. Natawa naman ako at tumango na lang. "Hahaha oo na! Halina kumain na tayo gutom na ako!" reklamo ko. "Sige pare uwi na ako. Jazx, Una na ako!" nakangiting paalam ni Brix. "Ingat! Ayaw mo kasi dito kumain eh bahala ka!" pangongonsensya ko dito. Natawa naman ito at sumakay na sa sasakyan niya. Ako naman ay kumaway lang hanggang maka alis ito. Naramdaman ko na may yumakap mula sa likod ko. "Kamay mo!" pinalo ko kamay ni Gideon dahil medyo naiilang ako ng konti. "I'm sorry. Let's go?" nakangiti nitong aya sa'kin. Inirapan ko ito at pumasok na ako. "Medyo naiilang parin ako pero kapag siguro nasanay na ako sa presensya mo. Baka kaya ko na," wika ko dito. "I know, and i am willing to wait huwag kana mag alala sa bagay na yun." naka ngiti nitong sagot. Ngumiti naman ako at kumain na kami ng maayos para sa hapunan. Bukas ang huling araw ko bilang dalaga at bilang Miss. Wilhelmina, pero tanggap ko na. "Try this masarap yan." wika nito at nilagyan nito ang plato ko ng hindi ko alam ang tawag dito. "Ano ito?" tanong ko at inamoy ko pa ang ulam na nilagay niya. "Ginataang langka yan may mga buto pero lasang mani o peanut lang yan. Try it," paliwanag nito kaya naman tinikman ko ito at napa ngiti ako ng malasahan ito. "How is it?" tanong nito habang naka ngiti. "Masarap siya, yung gata diba kung tama ako ay galing sa kinayod na niyog?" tanong ko dito. "You're right!" sagot nito. Lalo pa akong natuwa at kumain ng maayos, marami akong makain na ginataang langka. May time pa na pumapak lang ako at walang kanin. NANG MATAPOS ang hapunan sinabi ko kay Gideon na kung pwede sa guest room ako matulog. Mabuti at hindi nag tanong at pumayag na siya. Kaya ito ako nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Naisipan ko tawagan si Sakura agad kong kinuha ang cellphone ko at hinanap ang pangalan niya Nang mahanap ko ay agad kong tinawagan ito. "Hello, girl kita tayo bukas." bungad ko dito. "Girl may problema si Sakura.." wika ni Cécil. Agad akong napa bangon. "Anong problema? Pupunta ako ngayon d'yan!" wika ko. Hindi ko na hinintay itong sumagot at agad akong bumangon. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Gideon. Pag bukas ko halos katatapos lang nito maligo, "Nice view--- este! Aalis pala ako need ako ni Cécil at Sakura." paalam ko kay Gideon. Natawa naman ito. "Ihatid kita?" tanong nito ng mahinahon. Umiling na lang ako. "Hindi na babalik ako bukas before wedding." wika ko dito. "Okay, don't be late." paalala nito. GIDEON'S POV Pinanood ko na lang ang Fiancé ko habang mabilis itong nag maneho ng sasakyan. Umiling na lang ako at tinawagan si Peterson. "Sundan mo si Maxine.." bungad na utos ko dito. "Sige po Mr. Luxhell," sagot nito at binaba ko na ang tawag ko. Sinara ko ang kurtina ng kwarto ko at nahiga na ako sa kama ko. Bukas na ang kasal namin malalaman na rin ni Maxine ang totoo. Dahil sasabihin ko na rin sa kanya ang alam ko. Alam ko magagalit siya sa'kin pero wala na akong pagpipilian kailangan ko gawin. Masasaktan din ako kapag nilayuan niya ako pero tatanggapin ko yun. Dahil magiging masakit din ito para sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD