TUD: Chapter 4

2042 Words
Nandito ako sa likod ng bahay habang nag babasa ng libro na nakuha ko sa opisina ni Lolo sa loob ng mansion. Nakarinig ako ng yabag ng paa na patungo sa'kin. "Ma'am. Sumabay na daw po kayo kumain ng tanghalian parating na rin po ang papa niyo." magalang na pag kaka sabi sa'kin ng katulong. "Sunod ako." malamig kong sagot. Nung nangyari kagabe ay hindi na ata nila sinumbong pa. Eh kung isumbong naman nila wala parin mag babago. Wala parin akong paki alam sa kanila, nag desisyon na akong tumayo at nag tungo sa loob. Prente lang akong nag lalakad habang ang isang kamay ko sa bulsa ng short ko at isa naman ay hawak ang ang libro na kanina ay binabasa ko. Natanaw ko agad malayo pa lang si Celine at yung kawawang lalaki na boyfriend niya. I called him "kawawa" kasi pupusta ako na pera nito ang nais sa kanya ng gf niya. Pinag buksan ako ng pinto ng babaeng katulong binigay ko naman sa Butler ang libro. Umupo ako sa upuan ko at nag hintay na maihanda ang pagkain. "Hoy Maxine doon ka sa maids quarter! Anak ng katulong!" pag sisimula ni Celine. Umirap ako at hindi ito pinansin. Hanggang dumating si papa at si Alisha. "Hi Gideon hijo! Masaya ako na pumunta ka dito." bati nito. Kahit hindi ako tumingin alam kong abot hanggang bunbunan niya ang ngiti niya. Hindi pa man sila umupo nag umpisa na akong kumain. "Of course tita. Pupunta talaga ako." sagot ng lalaki. Kinuha ko ang bowl ng soup at humigop ako. "Ganyan talaga yan si Maxine parang patay g----" hindi nito natuloy ang sinasabi niya ng ibagsak ko ang babasagin na mangkok. "Isa pang lalabas sa bibig mo na hindi maganda? Tataob ang mesa na 'to." banta ko ng hindi sila tinatapunan ng tingin. "A-ahmm ma-maupo na kayo ikaw Celine asikasuhin mo ang boyfriend ko." naiilang na utos ni Alisha. "So, kailan niyo balak mag pakasal?" tanong ni papa ng maka upo ito. Tumayo ako upang kumuha pa ng ulam nang mag salita ang katulong. "Ma'am Maxine ako na ho. Trabaho po namin yan." wika ng katulong. "Let her yaya. Dati naman maid ang mama niya." wika ni Caiden. "Parang nanay niyo." simple kong sagot. Biglang tumahimik sila kaya nag salita ako ulit. "Huwag mo na ako pag silbihan kahit kailan. Tulad ng sabi ko hindi ako baldado, sila na lang asikasuhin niyo mukha kasing hindi nila kaya kumilos ng walang katulong." pang iinsulto ko sa pamilyang ito. Naupo na ako ulit at kumain muli. "Eheem.. hijo hanggang mamaya ka bang gabi dito?" tanong ni Alisha. "Ahmm hindi po sir kailangan ko po bumalik ng kumpanya." sagot ng lalaki. Muli itong nag salita ulit. " Sa kasal naman gusto ko sa sunod na taon na para mas makilala namin ni Celine ang isa't isa." sagot nito. Nakita ko na nawala ang ngiti ni Celine. Gotcha! Mukhang pera talaga ang isang ito. Tila hirap naman na napa lunok si Alisha at si papa. Hirap silang tanggapin matagal pa nilang mahahawakan ang pamilya ng lalaking ito. Tahimik akong tumayo at lumabas ng silid kainan. Nag tungo ako muli sa likod para magpa hangin doon. Habang nakatingin ako sa tubig at iniisip ang will ni Lolo, doon ko naisip na. Kapag ba tinaggap ko ito magiging masaya siya? Pero bago yun kailangan ko muna alamin bakit sa akin binigay. Hindi malinaw sa'kin ang lahat. Nagising ako sa pag iisip ng maramdaman kong may parating. Hindi ko na kailangan lumingon dahil alam ko naman sino ang pwedeng tao na pum*ste sa pananahimik ko. "Yaya Maxine. Kunan mo nga kami ng juice ng fiancé ko."utos nito. Umirap naman ako at humarap dito. "Tingin tingin mo d'yan? Go, sundin mo ako.." maarte nitong utos. "Hey Celine. Kapatid mo parin siya." suway ng boyfriend nito. "Eeew Hindi ako mag kaka roon ng kapatid na anak ng isang malanding katulong ano!" nandidiri nitong sagot. "Hey that's enough!" suway ng lalaki. "Mas hindi ko gugustuhin mag karoon ng kapatid na mukhang pera. At lalong lalo na sa babaeng naging kabit ng mayaman at matandang lalaki para lang mabili ang gusto niya." sagot ko at nag lakad na ako. "What? Hindi ako kabit!" sigaw nito. Ngumiti ako at hinarap ito. "Hindi ko sinabing ikaw." simpleng sagot ko at tinalikuran ko na. "You b*tch!!" sigaw nito at hinawakan ang buhok ko. "Celine! Stop!" awat nito sa babaeng baliw na 'to. Umikot ako at pumailalim sa kanya. "I'm gonna ruing your Hair!" sigaw nito. Binigyan ko ng upper cut nito na naging dahilan ng makawala ang kamay nito sa pag kakahawak sa buhok ko. "And I'm gonna ruin your face!" sigaw ko at sinapak ko ito ng malakas. Napa upo ito at napaka nga-nga naman ang lalaki at tiningnan ako ng nanlalaki ang mata nito. "Subukan mo pa ako hawakan gamit yang marumi mong kamay! Babalian kita!" sigaw ko dito Pag harap ko nakita ko sila papa. "Maxine ano na naman ito?!" sigaw ni papa. "Ayoko mag paliwanag nakaka tamad! Yan tanungin niyo ang babaeng yan! Tutal sa mata niyo yan ang tama! " sigaw na sagot ko. Nilingon ko si Celine at diruan. "Kadiri ka! Kabit! Kahit pa hindi mo na ginagawa ngayon? Hindi mabubura ang ginawa mo!" sigaw ko at umalis na. Tumakbo ako patungo sa kwarto ko at pinag papalo ang bibig ko. Umiyak ako at hinawakan ang litrato ni mama. "Ma-mama ko sorry po hi-hindi ko po gusto sa-sabihin ang mga sa-salitang yun. Sobra na po sila." magalang at umiiyak kong paghingi ng tawad sa Mama ko. Ng mahimasmasan ako. Hindi nagtagal tumayo ako at nag tungo sa cr para maligo. Ayoko matulog dito ngayon, matapos ko maligo nag bihis ako at kinuha ko ang suklay ko. Nag desisyon ako na hindi gumamit ng sasakyan. Gusto ko mag commute na dati ko naman ginagawa yun kahit noong nasa Japan ako. Magulo pa at basa ang buhok ko ng lumabas ako ng kwarto. Pag baba ko nakita sila na ginagamot si Celine. "Ikaw! Dahil sa'yo natanggal ang ipin ng anak ko." si Alisha yun "Bakit hindi mo sisihin ang gilagid o banggang ng anak mo at kung bakit marupok yan?" pag tataray ko at nilagpasan ito. Nag lakad na ako hanggang palabas ng gate. Tahimik lang ako hanggang may bumusina sa likod ko na halos kina talon ko. "Ay p*ki ni Celine malaki!" gulat na sigaw ko. Nilingon ko naman kung sinong depungal ito. Patuloy pa rin ako sa pagsusuklay hanggang matapos. Yung jowa ni Celine. "Pwede ba huwag ka nang gugulat?" tanong ko dito. Naka baba naman ang binata nito. "Hope in sabay na kita. Mainet oh!" sabi nito. "Hindi na! Pag simulan pa ng gulo yan!" sagot ko. Bababa na sana ako sa gutter road ng mag salita ito. "Kahit walang dahilan hahanap talaga siya ng dahilan para mang gulo. Alam ko yun, eh bukang bibig ka niya eh." sagot nito. Inirapan ko naman ang hangin at nag tungo sa tabi ng driver seat pumasok ako doon ng buksan niya ito mula sa loob. "Hatid mo ako sa BGC Makati condominium!" utos ko dito. Narinig ko naman na tumawa ito at pinaandar ang sasakyan niya. "Ibang klase ang lakas mo ha? Paano mo nagagawang saktan pabalik ang mga pamilya mo?" tanong nito Hindi ko siya sinagot dahil wala akong oras makipag mabutihan sa mga ka-kilala ng kaaway ko. " Okay fine hindi na ako mag sasalita." mukhang naramdaman niyang ayoko makipag usap sa kanya. Ayoko mag tiwala mas lalo sa kanya malapit siya kay Celine. Baka isang himas lang sa lalaking 'to bumigay agad. "Kung iniisip mo na kaaway ako o mag sasabi----" i cut him dahil naiirita na ako. "Pwede ba mag maneho kana lang? Pinasakay mo ako dito para ihatid kung saan ako. Hindi para ilagay sa hot seat." hanggang maari gusto ko maging mahinahon ngayon. Narinig ko ang pag tikhim nito. " I'm sorry.. gusto ko lang sabihin na hindi ako kaaway. Miss Maxine," pag hingi nito ng paumanhin. "Buong akala ko maalala mo ako. " bulong nito. Napa lingon ako dahil narinig ko yun. "Anong sabi mo?!" tanong ko dito. "Ako yung batang pinaaral ng Lolo mo. Ako yung batang pulubi." pakilala nito. Napa lunok naman ako ng maalala ko yun Naka tingin lang ito sa daan habang nag mamaneho. Ako naman ay tiningnan ito at ang kotse niya at damit niya. Ibig sabihin ito na siya? "Ganun ba? Good for you mukhang may napuntahan naman na maayos ang pera ng Lolo ko." sagot ko lang na bigla nitong kina preno. "Anong problema mo?! Wala akong balak mamatay ngayon!" sigaw na tanong ko dito. Lumingon ito sa'kin at nag salita. "Buong akala ko si Celine ikaw tapos noong nalaman ko na ikaw ang apo ni Mr. Wilhelmina. Yan ang sasabihin mo sakin?" tanong nito. "Ano gusto mo? Matuwa ako na nag kita tayo, utang na loob hindi tayo close noon pa man!" sagot ko dito. Nang bubuksan ko na ang pinto bigla itong nag lock. Kaya naman nilingon ko ito at tiningnan ko ito ng masama. "Open the god d*mn door wala akong oras sa'yo!" galit na utos ko dito. "Hindi mo ba alam paano ako na niwala kay Celine? Na nagpanggap pa siyang ikaw!" sagot nito. "Wala akong pakialam kung sino pa mag panggap bilang ako. Bilyonaryo ka pero hindi ka marunong mag pa imbestiga?" pambabara kong tanong dito. Ginamit ko ang pagkakataon na tulala pa ito at pinindot ko ang unlock ng pinto. Saka mabilis akong lumabas. Nag madali akong sumakay sa parating na Taxi. Pagka parada nito ay mabilis akong sumakay sa likod. "Manong. BGC Makati condominium po." magalang kong sabi. "Sige po ma'am." si kuyang driver. Umandar naman ito at habang nasa byahe ako. Kinuha ko ang cellphone ko at nag hanap ng news article about kay Gideon Luxhell. Totoo ang sinabi ko na hindi kami close talaga. Hindi ko kasi ito pinapansin noon, nagulat din naman ako na lumaki pala siyang mayaman din. Atleast alam kong proud si Lolo sa kanya. Nakita ko nga ang mga news tungkol sa kanya, business tycoon siya may pito siyang branches ng Kumpanya niya na ang produkto nito ay Food Company, Clothing line at isang Law firm. Naka tapos din pala siya ng pagiging abugado. Ngumiti na lang ako at tinago na ang cellphone ko dahil malapit na ako sa condo ko. "Ma'am nandito na po tayo." wika ng driver. Tumango ako at kinuha isang libong buo at inabot sa kanya. "Keep the change po." magalang kong sabi at bumaba na ako. Nag tungo ako agad sa loob at sinalubong ako ng kaibigan ko na si Cécil. " Ikaw pala yan Jazz, ito ang key card mo meron din si Sakura na sarili niya " salubong nito sa'kin. "Thank you. Oy after ng duty mo ha? Sa room ko day off mo bukas diba?" tanong ko dito. Sabay kami nag tungo sa elevator. "Yup. Ang bagal nga ng oras nakaka pagod na mag trabaho. Ikaw kailan mo ba kukunin ang company niyo? Para doon na ako mag apply." sagot at tanong nito. Pumasok muna kami sa loob bago ako sumagot. "Kapag wala na mga asungot. Saka pinag iisipan ko pa rin. Una malaking gulo kapag kinuha ko na lang yun basta." sagot ko. Sumandal pa ako sa pader ng elevator. "My god girl! Kailan ka ba natakot? Kunin mo na saka may tiwala sayo si Tito kaya niya sayo binigay. Nag aral ka sa tanyag na eskwelahan sa ibang bansa ano?" wika nito. Nag kibit balikat ako at lalong napa isip. Kung totoong ako nga karapat-dapat kung ganun bakit ayaw ni Lolo sa kanila? Yun kasi ang point diba? Bakit? Anong meron noong mga pamahon na wala ako sa tabi ni Lolo? Ano ang nangyari? Noon malinaw na sa kanila talaga ibibigay ni Lolo ang lahat, kaya nga lagi si Lolo nagbibigay ng pera sa'kin para kapag nawala na siya hindi ako magugutom. That's the whole point kaya nga diba nag papadala at nag bibigay siya noon? Anong ginawa ni Papa o nila kay Lolo para maging ganito si Lolo sa kanila? Imposible na wala. Napa buntong hininga ako, bukas na bukas mag hahanap na talaga ako ng sagot sa mga tanong ko..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD