TUD: Chapter 5

2029 Words
Tulad ng sabi ko kay Cécil nag inom lang kami sa condo ko habang nanonood ng Japanese horror movie. Yung dalawa naman panay na sigaw ako naman akupado ng iniisip ko hanggang matapos sila. Narinig ko ang pag hinga ng maluwag ni Cécil. "Grabe kahit ang tagal na niyang Sadako na yan nakakatakot parin!" wika nito. Natawa naman si Sakura at tiningnan ko sila. "Hindi mo ba alam na may place sa Japan na pinupuntahan ng mga kapwa ko Japanese para doon mag pakamatay?" tanong ni Sakura sa'min. "Huh? Meron talagang ganung lugar?" tanong ni Cécil. "Oo. Pero hindi ko sasabihin saan dahil masama ang bawian ang sarili mong buhay. But naiintindihan ko kung bakit nila ginagawa yun.. "malungkot nitong sabi. Naiintindihan ko siya bakit hindi niya magawang sabihin. Dahil isa ang ate niya sa nag pakamatay doon. I'm 16 years old that time siya naman ay 17 years old. Ang ate niya naman ay 26 years old. Kaya lang naman ito nagawa ng ate niya dahil hindi ito sinipot ng kanyang groom sa simbahan. A few days after the failed wedding, nalaman ng ate niya na may iba na pala itong pakakasalan. Dahil hindi kinaya ng ate niya. She took her own life in the middle of the Forest. "Anyway bakit ka pala tahimik? May problema ba Max?" tanong sa akin ni Cécil. Bumuntong hininga ako at nag salita. "About sa Will ni Lolo. It's gave me confused, noon kasi sabi ni Lolo kay papa ibibigay ang kumpanya then all of a sudden after his death? Sa akin na nakapangalan?" takang kwento ko. "Then? What is the exact meaning of that?" tanong ni Sakura. "Gusto ko malaman kung bakit bigla ni Lolo nilipat sakin lahat, but hindi ko alam paano ako magsisimula." sagot ko habang naka nguso pa. "Hay girl! CCTV baka meron kayo malay mo sinasaktan siya ng hindi ko alam? Tapos sa company?" tanong ni Cécil. Lalo akong nanlumo "Walang CCTV sa mansion. Ang yaman yaman ng bahay na yun walang CCTV. Tapos sa company subukan ko pumasok doon." sagot ko naman sa kanila. "Yun naman pala so huwag kana mangamba d'yan at ma stress magagawan natin yan ng paraan." pagpapalakas Cécil ng loob ko. Tumango naman ako at nang mag paalam silang matutulog na sinabihan ko sila na mauna na sila. Kinuha ko ang iPad ko at nag hanap ng news about kay Papa at Alisha. Habang antok akong kaka scroll up nakakita ako ng news article about kay Papa. Binasa ko ito. "11 million pesos ang nailustay nito sa sugal? Sa isang grupo na kilala sa larangan ng ilegal na sabong?" tanong ko. Seryoso 11 million? Para saan sa manok? Ano ba yang manok na yan may rare stone na kasama? Nag scroll up pa ako ng mabasa ko ang ibang article. Doon ko naisip na isa ito sa mga naging dahilan bakit. Hindi sila pinamanaha ni Lolo nang malaking halaga Hanggang makita ko ang news about sa asawa ni Caiden. Siya si Cynthia Alessandro Wilhelmina, the only daughter of Alessandro Family. May nag appear na picture tiniti-gan ko ito at doon ko nakita na hindi si Caiden ang kasama nitong lalaki. Binasa ko ang news sa ibaba ng picture. "Palihim daw nakikipag kita ang asawa ng kilalang pamilya na si Caiden Wilhelmina sa long-time boyfriend nito. Dito din napapa isip ang madla mahal nga ba talaga nila ang isa't isa o dahil lang sa pera ang lahat?" Yun ang nabasa ko. "Tsk. Pakialam ko naman sa babaeng yan?" tanong ko hanggang nakita ko ang pagmumukha ni Celine nasa bar ito kasama ng mga tingin ko ay kaibigan niya. Nang mabasa ko ang pangalan ng bar sa article. Ngumisi ako at nakaisip ng paraan para masundan ang bruha kong half sister. Sinulat ko ang address na yun sa note ko sa cellphone at naisipan kong mag bihis upang pumunta sa bar na yun. Hindi na ako nag abalang mang gising pa. Nag suot ako Silk dress na spaghetti ang style nito golden brown ang kulay. Pinartneran ko ng Gold earrings necklace and Gold 5 inches heels with Black and gold Gucci sling bag. Nag make up ako ng light at nude lipstick na Scarlett Red. Ginamitan ko ng flatiron ang buhok ko at nag lagay ng hair clip na may Diamonds. Binigay sakin ni Lolo ito bilang regalo dahil daw bagay sa'kin. Marami ito halos isang box sila kaya ginamit ko halos ang dose piraso nito. Magkabilaan ko itong nilagay, natuwa ako sa ayos ng buhok ko. Mabilis akong umalis ng condo ko. Hawak ko ang susi ng sasakyan ko na nandito lang din sa condo. Bukod sa BMW may isa pa ako which is Aston Martin Nang makarating ako sa First Floor saktong pag labas ko ang biglang may humarang sa daan ko. "Maxine mag usap tayo please." pakiusap ni Gideon sa akin. "Paano?? Ayoko nga! Hindi tayo friends ano!" iritang sagot ko dito at lalagpasan ko na sana ito nang hawakan ako nito. "Ano ba?! Hindi mo ba alam na may pupuntahan ako?!" pasigaw na tanong ko dito. "Please mag usap tayo. May sasabihin ako sayo about sa Lolo mo pangako hindi ako gagawa ng ika kagalit mo." mahinahon nitong wika. Tiningnan ko naman ito tapos bigla itong ngumiti. "Yuck! Remove that awful smile! Ang panget!" irita kong suway dito na kina wala ng ngiti nito. "Doon tayo sa malapit na coffee shop. Sayang itong dress ko hindi ko man lang mairampa!" irita kong pag papa rinig dito. Narinig kong tumawa ito at nag salita. "Hindi nga nag kamali si Mr. Wilhelmina na pinalaking bata. Ngayon iniisip ko kung yung isang apo na lang kaya paka-salanan ko instead of Celine?" tanong nito. Tuloy naman ako mag lakad bago sumagot. "Kahit ikaw na lang natitirang lalaki sa mundo hindi kita pakakasalan!!" ines kong sagot dito. "Well, the more you hate the more you love ika nga nila." sagot nito. Panigurado ako nakangiti ito. "Excuse me, Mr. Luxhell sumama ako sa'yo para makipag usap at pakinggan ka. Hindi para makipag mabutihan sa'yo!" inirapan ko ito at pumasok na sa loob. Naghanap agad ako ng mauupuan at ito naman ay mukhang bumili muna para hindi nakakahiya sa coffee shop. Hindi naman ganun ka sobrang gabi na kaya pwede pa kami bumili. "Here. " wika nito at nilapag nito ang cappuccino sabay naman na umiling ako. " Hindi ako nag kakape. Hindi ko gusto ang amoy okay ako sa hot choco," pagtanggi ko at sinenyasan nito ang waiter at nag salita. "Isang hot choco and sa'yo na lang ito. She's not coffee lover." mahinahon nitong utos. "Okay po sir.." sagot ng waiter. Nang umalis na ito agad naman akong nag salita. "Spill it. Dalian mo malamig dito," irita kong sabi dito. Nag tanggal ito ng coat pero pinigilan ko siya. "Stop it fiancé ka ni Celine don't give me another trouble! Just say it!" pinakita ko pa sa kanya kung gaano ako ka irita sa presensya niya. Umiling ito at nag umpisa nang mag salita. "Noong una tingin ko naman ay walang masama sa ginagawa ni Celine. Lagi itong nagsasabi sakin na lagi daw siyang kinukumpara sa anak sa labas ng daddy niya. " kwento nito. Nakinig lang ako sa kanya ng tahimik. "Yun minsan daw nasasagot niya ito. Wala akong idea na ikaw pala ang kanyang kapatid sa labas. Lagi kasi sinasabi sakin ng Lolo niyo na ikaw ang apo niya at hindi si Celine, noong nag hanap ako sa apo ni Mr. Wilhelmina siya lang ang natagpuan ko. Buong akala ko ikaw talaga siya." kwento nito. Umirap ako at nag salita. "Pwede? Paki skip mo na yang mala telenovela mo na tungkol sa paghahanap? May ginawa ba sila kay lolo na hindi maganda?" pagtatanong ko dito. Daig ko pa matagal na nawawala niyang tuta sa kwento niya. Umiling ito at huminga ng malalim. "Bago namatay ang lolo niyo. Sabi ni Celine may away ang mommy, daddy niya at lolo mo tungkol sa kumpanya. At sabi sa mana din daw, matapos noon kinaumagahan pumutok ang balita na pumanaw na ang lolo mo." muling wika nito. "Minsan, kapag nakikipag kita ako sa kanya nakakakita ako ng mga bruises, kadalasan aa kamay niya at pisngi." kwento nito. "So, sinasabi mo na sinasaktan siya ng mga taong yun?" tanong ko dito. Tumango ito at nag salita. "Oo kasi minsan akong pumunta doon. Nakita ko na sinampal ni Tita Alisha si Mr. Wilhelmina umawat ako sa kanila syempre." sagot nito. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit ko. "Wala na ba ibang nakaka alam niyan?" tanong ko dito. "Wala na ikaw lang pinag sabihan ko." sagot nito. Tumango ako at tumayo. "Okay thank you!" pasasalamat ko at nag salita na. "What?" tanong ko dito. "Please nakiusap sakin ang Lolo mo na bantayan kita kapag bumalik kana dito. " nangungusap ang mata nito Tiningnan ko ang kamay nito at inalis ito sa pag kaka-hawak sa braso ko. "Hindi ko kailangan ng tulong mo. At hindi ka pinag aral ng Lolo ko para maging bodyguard ko." pag didiin ko sa kanya ng ginawa ng Lolo ko para sa kanya "Please Maxine. Don't be so cruel to me, hindi naman ako kakampi sa mga taong mali ang ginagawa. Tanggapin mo ang kumpanya, oo alam ko ang tungkol dito, tulad ng sabi ko ako ang kinausap ng Lolo mo tungkol sayo." pangungulit nito. "Tutulungan kita kahit ano. Hindi ako maniningil, " pakiusap nito. Tiningnan ko ito sa mata at sumagot. "Pag iisipan ko." sagot ko. Sumilay naman ang ngiti nito sa labi kaya tumalikod na ako. Nag lakad na ako palabas. Nang makalabas ako doon ako naines lalo," sayang yung suot ko! kaines!" pag papadyak ko at bumalik na lang sa unit ko. Habang naglalakad napaisip ako sa sinabi ni Gideon. Oras na ba para tanggapin ko ang kumpanya? Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Attorney. Vargas. Mabilis naman itong nag ring at sumagot. "This is an Attorney. Katrina Vargas. Who's this?" tanong at pakilala nito. "Ako ito Attorney si Maxine." pakilala ko. Narinig ko naman na parang may inayos ito. "Oh ikaw pala Miss. Wilhelmina? Nakapag isip kana ba?" tanong nito sa akin. "Bigyan mo ako ng isang linggo. Kapag nakuha ko na ang dahilan bakit sa akin ibinigay ni Lolo ang lahat tatawagan kita at doon ako mag dedisisyon."sagot ko. "Well said Miss. Wilhelmina and good luck to your mission. Sana magawa mo ang lahat ng kailangan mo sa isang linggo.." mahabang sagot nito. Hindi ako sumagot at agad ko itong binaba ang tawag. Nagtungo ako unit ko at nag sulat ako sa sticky note at dinikit ko sa cellphone screen ni Sakura. Pansamantala muna akong hindi mag papakita sa kanila. Matapos non nag bihis ako at plano ko umuwi sa mansion. Kukunin ko ang diary ni Lolo. Sana makahanap ako ng clue doon. Matapos lumabas na ako ng unit ko at sumakay sa elevator. Nang tumigil ito sa first floor lumabas na ako ng building. Sumakay ako sa sasakyan ko at umuwi sa mansion. Mabilis kong pinatakbo ito at nang makarating ako mabuti at pinapasok pa ako ng guard. Pag pasok ko bumaba ako agad at umakyat patungo sa Opisina ni Lolo. Tahimik kong ginawa ang gusto ko, binuksan ko ang secret volt ni Lolo sa likod ng bulaklak na painting na gawa ng unang asawa ni Lolo. Which is Lola ko din inenter ko ang code ni Lolo. Hindi niya birthday ang code nito kundi random numbers. "5,10,7,5,111. " bulong ko nang bumukas ito ay naka ngiti akong binuksan ito. Nakita ko ang ilang gold bars ni Lolo kinuha ko din yun. Dahil wala akong tiwala sa mga tao dito. Nilagay ko sa bag kong dala at kinuha ko ang mga papeles dito sa loob at ang pinaka mahalaga. Ay ang Diary ni Lolo. Mabilis kong sinara ito at pinalitan ng passcode. Mabilis akong umalis at dumaan ako sa likod ng libro ni Lolo at patungo sa kwarto ko. Nilagay ko sa sarili kong volt ang mga nakuha ko. "Bukas na bukas ilalayo ko ito sa mansion lahat." bulong ko hanggang matapos ako sa pag lalagay. Matapos humiga na ako at mabilis akong hinila ng antok ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD