TUD: Chapter 3

2115 Words
KINAUMAGAHAN. Maaga pa lang nakarinig na ako ng maingay sa labas ng kwarto ko. Pag bukas ng pinto saktong bangon ko at biglang may humila ng buhok ko. "Dahil sa'yo ang ibang gusto makipag merger sa kumpanya ay umatras!" sigaw ni Alisha. Mabilis kong tinabig ang kamay nito kahit nasasaktan ako at inaantok pa. "Ako? Bakit sino ba sa atin ang manggagamit kayo diba? At ang PERPEKTONG pamilya mo?!" sigaw ko dito. "You!----" hindi niya natuloy ang akmang pag sampal niya ng kinuha ko ang iPad ko at akmang ihahampas ko sa kanya. "Sige subukan mo! Tulog ka dito!" banta ko dito. Pumasok naman si papa at si Celine na susugod na sana sa'kin ng inambahan ko ng suntok ito. Napa atras ito sa takot. "Hindi ko kasalanan kung questionable na pagkatao niyo! Kasalanan ko ba kung pamilya kayo kayo ng mga tanga at hindi marunong mag isip? Mag pa-party after niyong na-matayan ng kamag anak? Seriously?" sunod sunod kong tanong. "Saka ipapa-alala ko sayo PAPA tatay mo ang namatay! Kung makapag party ka parang Victory party dahil wala na si Lolo!" wika ko ulit. Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya. Ngumiti ako at tiningnan ito pinunasan ko ang gilid ng labi ko. Nakita kong ngumisi si Celine kaya siya ang sinampal ko ng mas malakas pa sa binigay ko kagabi. "Subukan niyo pa ako saktan. Tandaan niyo hindi niyo ako kilala, hindi na ako tulad ng bata noon na tina tapak-tapakan niyo lang!" banta ko sa kanila. Mag sasalita pa sana si Papa ng pumasok ang katulong. "Ma'am, Sir nandito po si Attorney, Niña Alcantara." wika ng katulong. "Okay baba na kami." sagot ni papa. Ako naman ay naupo na lang sa kama. Wala akong balak lumabas dahil alam ko naman wala akong makukuha. Kung meron man kaunti lang. "Labas!" sigaw ko at agad silang nag pulasan palabas. Ako naman ay nagtungo sa banyo at ginawa ang pag ligo ko. Doon pumatak ang luha ko habang naliligo. Hinawakan ko ang pisngi ko at tumigil ako sa pag iyak. "Hindi ka pwede manghina ngayon Maxine. Sabi sayo ni Lolo diba? Na darating ang araw na kapag nawala na siya, ako na ang pagtatanggol sa sarili mo?" pagkausap ko sa sasali ko sa salamin. Matapos nag bihis ako dahil aalis ako. Nakikipag kita ako kay Sakura. Nag bihis lang ako ng ripped black jeans, nag t-shirt ako ng puti na v-neck saka ko kinuha ang sling bag ko. Kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at nag suot ako deretso ng itim at puting Adidas na sapatos. Lumabas na ako at bumaba na lang. Handa na ako lagpasan sila nang mag salita ang Attorney na sinasabi nila. "Miss Maxine. Base sa sulat kamay na will ng lolo mo. Sa'yo mapupunta ang 80% ng kabuuan ng asset ng kumpanya. Ikaw na ang bagong CEO." anunsyo ng Attorney. Napa lingon ako dito. "Po?" takang tanong ko "Bakit siya? Ako dapat dahil ako ang anak at nag iisang anak! Hindi ako papayag Attorney!" sigaw ni papa. "Wala akong magagawa dito Mr. Wilhelmina. Ang sulat ng iyong ama ay totoong siya mismo ang nagsulat nito. Pina check na namin ito upang malaman kung hindi ito dinoktor o ano pa." sagot ng babaeng Attorney. "Hindi ako papayag na ang bastarda na yan ang makakakuha ng yaman na para sa asawa ko! Paano ang mga anak ko?!" mahimatay-matay nitong tanong. "Edi mag payaman sila mag trabaho Mrs. Wilhelmina." pambabara ni Attorney kay Alisha. "Work! No! Ikaw tri-nabaho mo si Lolo kaya lahat sayo napunta! Attorney kami ba wala?" tanong ni Celine. Si Caiden naman ay tahimik na naka kuyom ang kamao at si Cody naman ay walang pakialam. "5% meron tig 5% kayong magkakapatid. And kay Mrs. Wilhelmina ay 10% ng alahas ng pamilya at ganun po ang asawa niyo. Kasama ang personal na pag aari na sasakyan ni Mr Maximo Wilhelmina." sagot ng Attorney. Nagulat ako sa nakuha nila. Bakit sa akin lahat binigay bakit? 80% napaka laki nito isa na akong bilyonaryo? Biglang tumayo si Caiden at kinuwelyuhan ako agad. "Hindi ako naniniwala na sayo lahat binigay! Anong alam mo sa pagpapatakbo ng kumpanya? Ako! Ako ang nag paka hirap sa kumpanya tapos 5% lang makukuha ko?!" sigaw nito. Halos gusto na nito ako kainin ng buhay. "Attorney akin ang kopya ng will!" sigaw ni papa. Agad niya itong inabot binasa ni papa yun at pabagsak na ibinaba. Binasa naman nilang tatlo yun. Maliban kay Cody. "Oh my god! Oh my god! Mom, Dad, kuya! Wala akong makukuha? Tanging 5% lang? Bakit ganun?" umiiyak na tanong ni Celine. Napa iling na lang ako at tumalikod na. "Maxine kailangan kita makausap. Mauna na ako Mr. And Mrs. Wilhelmina." nag mamadali nitong paalam ako naman ay nag tuloy tuloy lang. "Maxine hindi ako kalaban kailangan natin mag usap ng masinsinan!" hinawakan pa nito ang braso ko. Tumigil ako at humarap. "Sige po Attorney. Sabihin niyo lang po saan sunod ako sa inyo." pag payag ko. Ngumiti ito at sinabi kung saan kami pupunta. Sa isang Italian restaurant kami mag tutungo. Sumunod lang ako sa kanya gamit ang sasakyan ko. Hanggang pumarada ito at ganun din ako. Bumaba na ako ng sasakyan at sumunod sa kanya. Sinalubong kami ng Manager na babae at ginayak kami patungo sa mukhang private room. "Mauna ka Miss. Wilhelmina." utos ni Attorney sa'kin. Naupo naman ako at ganun din ito. "Mag order muna tayo." wika nito. Umiling ako at sumagot. "Nag mamadali din ako Attorney. Kaya sabihin niyo na po para saan ito." wika ko. Humiga ito ng malalim at tumango. "Okay sige. Ito basahin mo." utos nito at binigay sakin ang black na folder. "Ikaw ang nagmana ng 80% ng kumpanya. 80% jewelry na pag mamayari ang Lolo mo. 50% din sa mga kotse at ang mansion ay sayo mapupunta. Ngayon kailangan ka ng kumpanya." wika nito. Napanganga ako sa nabasa. "Company needs you, yun ang dahilan kaya pinag aral ka ng business administration sa London. Remember? Ako ang nag enroll sa'yo I'm sure hindi ko na ako natatandaan.." nakangiti nitong kwento. Nagulat ako at tiningnan ito. "Hinanda ka ni Mr. Maximo Wilhelmina para dito. Sigurado ang lolo mo na pag tatangkaan nila ang buhay mo. Hija umalis ka na sa mansion muna. " nakikiusap ang tono nito. "Hindi ko man alam kung bakit sayo binigay lahat. Pero pwede mo alamin ng sarili mo, walang mag ko-contest ng will na yan dahil sulat kamay yan.." muling wika nito. Nag salubong ang kilay ko at tiningnan ito. "Bakit mo ba yan sinasabi sa'kin? Alam natin na walang karapatan ang tulad kong anak sa labas sa kahit anong mana. Ibigay mo na lang sa kanila yan, mas kailangan nila." malamig kong sagot dito at tumayo na ako. Nag lakad na ako bago ulit mag salita. "Kung yan ang magiging dahilan para mawala ang katahimikan ng buhay ko. Mas gugustuhin ko na lang bumalik ng Japan.." huling sabi ko at binuksan ko na ang pinto ng mag salita ito. "Sana bago ka maka alis ng bansang ito. Makita mo na ang sagot, bakit sa'yo halos lahat iniwan. May dahilan si Mr. Wilhelmina bakit sayo iniwan at hindi sa kanila.." makahulugan nitong sabi. Tuluyan na akong umalis para mag tungo sa lugar kung saan kami magkikita ni Sakura. **** Celine's POV "Cerius, gumawa ka ng paraan para saatin mapunta ang yaman ng papa mo! Diyos ko bakit pa sa bastarda mo? Anong alam niya sa pagpapatakbo ng kumpanya? Baka nga puro kalandian ang alam gawin niyan!" angil ni mommy. "Totoo yun. Please ayoko mag hirap saka paano na lang yung mga gusto ko bilhin? 5% lang mana ko?" himutok ko. Hindi ako papayag na makuha niya ang dapat sa'kin. Ang kapal ng mukha ng anak ng bastarda na yun. "Pwede ba tumigil na kayo? Ano gusto nyo gawin ko? Saktan ko siya saktan ko si Attorney para baliin ang will ni papa?" tanong ni daddy. Biglang tumayo si mommy at ngumiti. "Why not? Aanhin pa ang pera diba? Money is power sweetie kaya naman sige na please… hahayaan mo ba kami na maghirap?" tanong ni mommy kay daddy. Umiling si daddy at tumayo ng padamog at lumabas ng study room. "Tsk. Nakakainis yang matanda na yun! Kahit anong gawin ko mas matimbang talaga ang anak ng katulong na yun!" ines na usal ni Mommy. "Sana pala noon pa lang ng malaman kung pinagbubuntis niya ang anak ng daddy mo sa labas. Pinainom ko na ng pampalaglag yun! Uuurgh!" pang gigil ni mommy sa unan Pansin ko na yun na malapit talaga si Lolo Maximo kay Maxine kahit hindi na ito halos lumalabas sa maids room. Dahil takot sakin. Lagi ko kasi siyang inaaway. Pero ngayon na bumalik siya naging mas palaban na ito. Pero wala parin akong pakialam. Hanggat nandyan si Gideon. I can use him para manalo laban d'yan sa bruhang bastarda na yan! **** "God! Maxine ang ganda naman ng titirhan nila tatay Rudy. Tay oh!" masayang pag mamayabang ni Sakura. "Hija, maraming salamat sa napakalaking tulong nito. "naka ngiting pasasalamat ni tatay Rudy sa'kin. Hinawakan ko ang kamay nito. "Tay. Maikli lang ang buhay kaya bakit hindi po natin gamitin ng gamitin diba? Saka itong binigay ko ay bukal sa loob ko. Sige na po pasok na po kayo sa loob." naka ngiti kong sabi dito. "Maraming maraming salamat Maxine hija!" wika ni nanay Belen. Binilhan ko ito ng maayos na wheelchair. Ngumiti ako at pinisil ang kamay nito. Pumasok ang mag asawa sa bagong bahay nila habang kami ni Sakura naiwan sa labas. "Max, kung ako sa'yo tanggapin mo ang posisyon sa kumpanya.." panimula nito. Umiling ako desido na ako na ibigay ang lahat ng rights sa pamilya ni papa. Kaya ko naman mag trabaho at may pinag aralan naman ako. Minsan nga lang sarap pumatol sa mga utak ipis. Tulad ng pamilya ni papa. "Hay naku! Sana mag bago isip mo!" sabi pa nito at pumasok na sa loob. Hindi nagtagal nag aya na ako umuwi kasi mag gagabi na at may kalayuan ang mansion dito. "Ingat kayo sa biyahe!" paalala ni tatay. "Opo!" magalang na sagot namin ni Sakura. Natawa pa kami dahil na rin mag kasabay kami ulit. Kumaway ako at pumasok na sa kotse ko. Nag usap na kami kanina ni Sakura na pag iisipan ko ang tungkol sa mana. Kapag binigyan ako ng sign ni Lolo kahit ano basta sign na hindi ko madalas nakikita. Tatanggapin ko ang mana at hindi ito ililipat sa pamilya ni papa. Bumusina ako dahil liliko na ako pakanan dahil magkaiba ang daan namin ni Sakura. Nakita kong nag pa ilaw ito ng ilaw sa likod ng sasakyan niya. Kaya naman tumuloy na ako pauwi sa mansion. Mabilis ako nakarating sa mansion at pagdating ko pinapasok naman ako agad ng Guard. Bumaba ako ng sasakyan at akmang papasok na ako ng pinto, nang marinig ko ang usapan ng mag ina. "Kung mommy hayaan natin isuko ni Maxine yung mana niya? Tapos saka natin siya balikan maging mabait muna tayo sa kanya?" wika ni Celine. Gusto ko masuka sa sinabi ni Celine. "Are you out of mind Celine? Hindi ko nga matagalan ang presensya ng demonyita na yun! Kung hindi kasi lumandi ang nanay niyang katulong edi sana hindi siya nabuo!" gigil na sigaw nito. Pumasok na ako na kina tayo nila. Tiningnan ko sila ng malamig. "Narinig mo diba? Low life b*tch!" wika ni Alisha sa'kin. Natawa naman ako at nag salita. "Ipapaalala ko lang sa'yo na dati ka ding katulong ng mga Wilhelmina. " pagbubunyag ko. Nakita ko ang pag kapahiya nito at si Celine naman napa nganga. "Hindi nila alam ano? Poor Celine, oo nga pala bakit ang mama ko lang sinisisi mo palagi? Kanino bang t*mod ng hindi naka pag pigil at pumutok sa iba? Tandaan mo walang mabubuong bata kung nag pigil yang asawa mo." wika ko kay Alisha. Tiningnan ko pa ito mula ulo hanggang paa na nandidiring tingin. "Bago ka mag bato ng bato siguraduhin mo na hindi ka mababato ng burak sa susunod!" nilapitan ko pa ito at nginisian. Nag tungo na ako sa kwarto ko at pumasok sa loob. Kung totoo ang sinabi ko? Oo dati din siyang katulong dito sa pamilya ng mga Wilhelmina. May nangyari sa kanila ni papa at yun nga ay si Caiden ang naging anak nila. Kaya nag decide sila Lola at Lolo na ipakasal agad sila. Dahil ang anak nila ang magiging Heir ng pamilya. Kaya nag tataka din ako bakit sa akin binigay? Alam ko naman na masama ang ugali nila, pero pakiramdam ko may mali dito. Kung ano man yun kailangan ko na rin alamin ang totoo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD