TUD: Chapter 2

2324 Words
"Ma'am Maxine. Bumaba na daw po kayo para kumain ng hapunan," tawag sakin ng katulong na hindi ko pinagtuunan ng pansin alamin ang pangalan. "Busog na ako kumain na ako dito." sagot ko ng hindi tumatayo sa ibabaw ng kama ko. "Ma'am nakaka hiya daw po sa bisita. Sige na po ayoko po mawalan ng trabaho.." nakikiusap nito. Umirap ako sa hangin at tumayo na. Pinatay ko ang tv at naglakad palabas. Wala akong pakialam sa itsura ko, para sakin maayos na ito Naka pajama ako at maka jacket na blue na badfinger na design sa harap. Nilagpasan ko ang katulong at nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ng hoodie jacket na suot ko. Tahimik akong bumaba hanggang narinig ko ang tawanan nila sa dining. "Miss Maxine is here.." wika ng butler kaya naman biglang tumahimik ang mga tao sa loob. Pinag buksan ako at pumasok na ako sa loob. Ang mga mata nila ay sa akin nakatingin kahit yung lalaki kanina sa Coffee shop. "Kailangan ka pa ba talaga tawagin?" tanong ni Caiden. "Hindi. Dahil wala sa plano ko ang kumain kasama kayo. Pakiramdam ko huling kain ko na kapag kayo kasama ko." dire-diretso kong sagot. Napa nga nga naman ang step mom ko, tumawa naman si Cody habang kumakain. "Mahiya ka naman sa bisita!" may pag babanta sa tono ni papa. "Bisita niyo hindi ko bisita. Hindi ko naman kilala yan, and to be honest? Busog na ako pwede na ba ako umakyat ulit?" irita kong tanong. Nakita ko naman ang mukha ng lalaki na may gulat sa mukha nito. "Please Maxine, stay here join us." mahinahon na pakiusap ni Alisha. "Fine. Mukha kang tuta sa amo." bulong ko sa huling sinabi ko at naupo ako malayo sa ibang bakanteng upuan. Ramdam ko ang pag titig ng pares ng mata sa'kin ngunit tuloy lang ako kumain ng gulay. Hindi na ako nag kanin kasi busog na ako kanina. Kaya gulay ang kinakain ko ngayon. Masarap naman din ang pagkaka luto. Kumuha ako ng juice ng gagalaw ang katulong nag salita ako. "Kaya ko. Huwag mo na ako pagsilbihan hindi ako baldado." suway ko dito. "Si-sige po ma'am." yuko nitong sagot. Wala akong pinagkakatiwalaan sa lahat ng tao sa mansion na ito. Dahil lahat sila madaling bayaran, ibig sabihin madali silang tumiklop kapag pinakitaan mo ng malaking halaga. "Maxine, gusto ko sumama ka sa party na gaganapin bukas. Wear your best dress okay?" wika ni papa. Tumango ako at hindi sumagot. Pag iisipan ko pa kung pupunta ako "We have a very special announcement.." excited na wika ni Alisha. Kumuha naman ako ng manok na hindi ako pamilyar kung anong luto ito. Dahil matagal na akong hindi nakakain ng lutong bahay. Puro kasi ako instant at madaling maluto noong nasa Japan pa ako. Kung ano man ang announcement na yan? Base sa itsura ng lalaking ito? Dalawa lang yan engagement or merger. Business as usual. "Tapos na ako." anunsyo ko at tumayo na ako habang hawak ko ang baso ng tubig. Lumabas ako ng hindi sila hinihintay mag salita. Nagtungo ako sa likod kung nasaan ang pool area, tumayo lang ako at tumingin sa madilim na langit "Gusto ko na bumalik ng Narita.." bulong ko. Kung hindi dahil kay Lolo hindi ako uuwi Akala ko malalaman ko kung nasaan siya inilibing yun pala hindi pa rin pala. Kaya pinag iisipan ko na bumalik na lang. Siguro after ng party bukas, Kinuha ko ang cellphone ko at nag padala ng mensahe kay Sakura. Na mag pa book ng flight bukas ng gabi ang flight pabalik ng Japan. Hindi pa ako agad nakatanggap ng sagot agad sa kanya. Nang ipasok ko ang cellphone ko sa bulsa ko naramdaman ko naman na parang may tao sa likod ko. Mabilis akong lumingon at nakita ko yung lalaking bisita nila. "Hi, I'm Gid---" I cut him off. "I'm not interested who you are. Lahat ng kaibigan at ka kilala ng mga taong yun ay wala akong pakialam at ayoko makilala." matapang kong wika dito. Nag lakad na ako para lagpasan niya ng mag salita ito. "I'm Gideon Luxhell, i know you ikaw yung babae sa coffee shop." pakilala parin nito. "Anyway I'm Celine's boyfriend. Sana mag kausap tayo mi---" i cut him again. "Mas lalong ayoko kita makilala at sa susunod na magkita at magkaharap tayo. Ikaw ang umiwas, kilala ko si Celine hindi papatalo ang baliw na spoiled brat na 'yun." wika ko at tumalikod na ako ng tuluyan. Umakyat ako sa kwarto ko at nag kulong na ako sa loob. Nilock ko pa ang pinto hanggang mahiga na ako sa kama ko.. Mabilis naman akong dinalaw ng antok siguro dahil na rin antok na ako kanina pa. KINAUMAGAHAN. Lahat naghahanda para sa magiging party mamaya. Ako naman ay bumaba para sana mag pahangin muna. Saktong nasa hagdan ako nang makita ko si Celine naka yakap ito sa lalaki kahapon. "So totoo pa lang umuwi ka na? Tingin mo ba sa pag balik mo may makukuha kang man----" hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng lagpasan ko siya. Nagtungo ako sa labas at nag pahangin muna ako. Tiningnan ko ang oras sa cellphone, nag desisyon ako na lumabas na muna ng mansion at mag tungo sa park na malapit dito. "Daddy oh! Lalayas si Maxine, dad baka may makakita sa sampid na yan!" sumbong ni Celine. Tiningnan ko ito ng malamig. " Sa ating dalawa mas mukha kang sampid sa ugali mo." sagot ko. Isang malakas na sampal ang inabot ko mula kay Alisha. Hindi ako naka pag timpi ng sampalin ko din ito pabalik. "Sampalan pala gusto mo? Bakit hindi mo man lang ako hinayaan mag dala ng tabla?!" tanong ko dito. Napahawak ito sa pisngi niya, nang susugod si papa para sampalin ako ulit. Nag taas ako ng noo at sinalubong galit na tingin nito. "Sige subukan mo kung ayaw mo makita ng mga iilan mong bisita kung gaano kawalang hiya 'yang pamilya mo!" banta ko dito. Napa tigil ito at tiningnan ang mga tao sa paligid. Umatras ito at umalis ang kasama ang asawa niya. "You b*tch! Dahil sayo nagkagulo ang pamilya!" panduduro sakin ni Celine. "Really? Sino ba dito yung parang batang nagsusumbong sa magulang? Celine Trenta anyos kana! Grow up!" pang iinsulto ko dito. Pumasok ako ulit sa bahay at iniwan itong pahiyang pahiya na naka nga-nga sa labas. Matapos ang eksena na yun hindi na ako muling lumabas pa. Hindi pa rin ako nakatanggap ng kahit anong reply mula kay Sakura. Panay lang ako panonood habang nag do-drawing ng kung ano ano. Ito ang natutunan ko habang nasa Japan ako. Ay ang mag drawing ng anime, ito ang past time ko sa apartment noon bago ako matulog. Minsan nakaka gawa na ako ng isang buong mangga pero wala itong conversation. Puro draws lang. Ngumiti ako ng makita kong tapos na ako. Hindi ko napansin na alas siyete na pala ng gabi. Kaya tumayo na ako at sumilip sa bintana. Mula kasi dito nakikita ko ang malawak na garden kung na saan ginaganap ang party ngayon. Umirap ako nang may matanggap akong tawag. Agad kong sinagot ito ng hindi sinsinilip kung sino ang tumatawag. "Hey ano sabi mo? Babalik ka talaga agad ngayong gabi sa Japan? Girl ilang araw ka pa lang dito. Saka diba pupuntahan mo pa yung mag asawa?" sunod sunod na tanong ni Sakura. "Babalikan ko sila. Hindi naman nila ako sinipot kanina. Mukhang naka limutan ata ni tatay Rudy at nanay Belen.." sagot ko. "Okay bukas samahan kita doon hanapin natin sila. Pero girl mag stay ka muna dito sa pilipinas kahit huwag na dyan sa mansion." sagot nito. Napa hinga naman ako ng malalim at tumango kahit niya ako nakikita. "Hey are you still there?---" "Katatapos lang ng libing ni Lolo pero ganito na sila mag party? Kaya hindi sila pinag kaka tiwalaan ni lolo dahil puro pera lang ang hangad nila." wala sa sarili kong wika. "What?! he---" binaba ko na ang tawag at nag hanap ako ng itim na dress at kinuha ko ang itim kong ribbon. Ang mga bisita ay halos bright color ang suot wala halos naka itim. "Bakit hindi natin kumpletuhin ang kulay nila?" naka ngiti kong tanong. Nag bihis ako agad at nag apply ng light makeup. Nilagay ko ang ribbon na ipit ko sa kaliwang parte ng ulo ko. Nag suot ako ng itim din na Heels. Nang makita ko ang sarili ko ay nakarinig naman ako ng katok. "Ma'am Maxine pina-patawag na ho kayo sa likod.." wika ng katulong. "Palabas na." sagot ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag lakad na palabas ng kwarto ko. V-neck Patchwork lace long sleeve bodycon Dress. Ang disenyo ng damit ko sa Japan ko pa nabili ito cute kasi. Bumaba ako ng hagdan habang ang ibang bisita naka tingin sa'kin. "Siya ba yung anak sa labas?" rinig kong tanong ng isang babae. Nang maka baba ako matalim na tingin ang nakikita ko sa Stepmom ko. Gusto ko matawa sa pisngi nito na bumakat pa rin ang sampal ko. "God, she's really a goddess. Yung makeup niya is so light!" mangha at maarteng wika ng babae. Nag lakad ako ng taas ang noo patungo sa hilaw kong pamilya. "Hi, Mr Wilhelmina and Mrs Wilhelmina.." naka ngiti kong bati. "Why are you wearing black ha?" tanong ni Alisha sa'kin. "Ngiti Alisha, sayang ang make up at alahas mo kung sisimangot ka lang. " bulong ko dito habang naka ngiti. Tiningnan ako ng hindi makapaniwala nito habang nanlalaki ang mata. "How dare you?!" bulong at may galit nitong tanong. "Sssh.. chill Alisha sayang ang pag papa Botox kung ikukunot mo ang noo mo. Relax, nasa party tayo wala tayo sa gulo." natatawa kong pang aasar dito. Tiningnan ko pa ito mula ulo hanggang paa. "Enough. Pumunta na tayo sa likod at malapit na ako mag salita.. And you Maxine? Come with us!" utos ni papa. "Nah, hindi tayo totoong pamilya alam nila yun. So kayo na lang ayoko makipag plastikan sa inyo." walang gana kong sagot. Narinig naman yun ni Celine at ng ibang bisita kita ko ang pagkawala ng ngiti nito. Nauna akong mag lakad patungo sa likod ng mansion. Kung marami na kanina mas marami ngayon dito. Nag lakad ako na parang isang super model at kumuha ako ng champagne sa waiter na naglalakad. "Thank you!" naka ngiti kong pasasalamat. Nag tungo ako sa malapit sa pool at hinayaan ang mga hilaw kong pamilya na umakyat sa stage. "Good evening Ladies and Gentlemen! Thank you for coming to our special announcement for our Only Daughter! Celine Wilhelmina with her engagement of her boyfriend. Mr Gideon Luxhell!" naka ngiting wika ni papa. Umirap naman ako at uminom lang. Like i said may nabingwit na naman silang mayaman. "Only daughter? Kung ganun sino siya?" turo ng lalaki sa'kin. "Hologram lang ako. Huwag kana maraming tanong." irap ko dito na kinatahimik nito. Mabilis silang umalis ako naman ay nag lakad palapit. "Congratulations Celine and Of Course sa Family mo! Let's have a toast! Naka bingwit na naman sila ng mayaman na mauubos ang pera sa pang huhot-hot nila!" naka ngiti kong panira sa party nila. Biglang tumahimik ang paligid. Kaya doon ko lang na realize na "Oops, just kidding! Congrats! Ang galing niyo naman mag organized ng party, 2 days after my grandfather's death talaga ha?" Gusto niyo award?" natatawa kong tanong ko Sari sari ng bulong bulungan ang naririnig ko. "Ang bastos naman nila! Kamamatay lang ni Mr. Wilhelmina!" bulong ng matandang babae sa likod ko. Lumingon ako dito at tumango tango habang naka sad face. Pag harap ko isang malakas na sampal ang sinalubong sa'kin ni Celine kaya sinapak ko naman ito. "Hindi na tayo bata para mag sampalan kaya pwede na tayo mag sapakan naman!" naka ngiti kong wika. Kinuha ko ang red wine at ininom ito sa harap nila. Nag lasing lasingan ako at tinaas ko pa ang kamay ko. "Celine anak! Ikaw! Palabasin siya dito!" nag hi-hysterical na utos ni Alisha. "Wow ang taas naman no'n step-mother!" pang aasar ko pa dito. Nilapitan ko yung lalaki na pangalan ay Gideon. "Ikaw Mr? Aaah! Wala akong pake sa pangalan mo. Eto lang ha ingat ka baka kasi ginagatasan ka na nila hindi mo pa alam. Careful!" nginitian ko ito ng matamis at kinindatan. Tumalikod na ako at tinapik tapik ang balikat ng papa ko. At naglakad na ako palayo "Yaya i want to sleep na! I'm drunk please! Can you help me?" pag iskandalo ko. Agad naman lumapit sakin ang dalawang katulong. Inaalalayan nila ako hanggang maipasok nila ako sa kwarto. Pabagsak akong nahiga sa kama at pinag tabuyan sila. "Go! I don't need you na! " ungot ko at nag kumot pa ako. "Hay naku si Ma'am talaga. Tara na matutulog na yan." wika ng isang katulong. Nang makalabas sila saka ako bumangon at sumilip sa labas. Nang walang tao nag tungo ako sa Power Source ng mansion at sa labas. Papatayin ko yung ilaw ng buong mansion. Alam ko naman saan ako dadaan para makabalik sa kwarto ko. Hello dati ako naglalaro ng tagu-taguan sa mansion na 'to at kabisado ko ito kahit madilim. Ito ang mansion na ang yaman yaman ng nakatira hindi makabili ng CCTV camera. Nang makarating ako narinig ko pa ang masasayang tinig nila. "Welcome back Maxine Jazz Alonzo Wilhelmina!" bulong ko at binaba ang lahat ng switch ng ilaw. Mabilis akong lumabas at pumasok ako sa kwarto ni Lolo. Mula doon nagtungo ako sa secret door malapit sa office table ni Lolo. Binuksan ko yun at pumasok. Saka ko sinara ulit at gumapang ako papasok sa kwarto ko. Natawa ako ng napagtanto ko na kasya pa ako. Tuwang tuwa ako nang maka labas ako at mabilis akong nahiga ulit. Narinig ko ang galit na tono ni papa. Nang bumukas ang kwarto ko. Nasilaw pa ako sa ilaw ng flashlight buti nakatalikod ako. Hihi success!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD