Nag unat unat ako ng katawan matapos ko mag lines ng kwarto ko. Day 5 ko na sa mansion na ito rinig ko may party na gaganapin ang pamilya na ito.
Diba kamamatay lang ng Lolo may pa-party na ang mga hudyo? Nice one! Bumaba ako ng kwarto ko para kumuha ng pagkain.
"Akala ko umalis ka na. Oo nga pala bakit hindi ka pa umalis? Hindi ka welcome dito." Si Caiden ang nag salita.
"Really? Kaya pala pinapasok ako ng katulong niyo ng walang kahirap hirap? Really? Think again Caiden." sarkastiko kong tanong dito. Inirapan ko pa ito at kumuha ng ice cream.
Kinuha niya ito sa kamay ko at nag salita. "You're not allowed to eat. Mas lalo wala kang ambag sa mansion na 'to. Always remember your position here," gigil na wika nito.
Napa kagat ako sa labi ko at naikuyom ko ang kamao ko. Tiningnan ko ito ng malamig. "Tandaan mo isa kang amp---" hindi nito natuloy ang sasabihin niya ng kinuha ko ang ice cream sa kamay niya at kinain sa harap niya.
"Sabi nga sa Bible Caiden. Be kind to the poor, no worries mag ta-trabaho ako babayaran ko ito. Lista mo muna!" lalong pang aasar ko dito.
"You! I will tell mom about what you did, you little bastard!" sigaw nito.
Ngumiti ako at nilingon ito. "Gusto mo samahan pa kita? o Kaya sama mo asawa mo." pang iinis ko lalo dito.
Umakyat na ako sa taas nanggagalaiti ito. Narinig ko pa na may tumawag dito, kaya nakinig muna ako. "Okay dad pupunta ako dyan ngayon." wika ni Caiden mabilis akong umalis at nag tungo sa kwarto ko.
Kinuha ko ang laptop ko at nag tipa doon ng mensahe kay Sakura. Bakit pakiramdam ko na may mali sa ginagawa nila?
Kinuha ko ang cellphone ko ng hindi agad sumagot si Sakura. Tinawagan ko ito," Girl, kita tayo sa malapit na coffee shop dyan sa bahay ko." bungad ko dito.
" Okay sure. Sa katabing coffee shop masarap ang kape doon." sabi nito.
Binaba ko na ang tawag at nag tungo ako agad sa banyo mabuti at naisipan ko mag lagay ng bathrobes dito.
Mabilis lang akong na ligo dito at nang matapos ako nag suot lang ako ng maong na pants. Coffee brown na round neck t-shirt at white rubber shoes.
Kinuha ko ang white Chanel sling bag ko. Kinuha ko ang Chanel sunglasses ko. Hinayaan ko lang nakalugay ang buhok ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at lumabas na. Habang pababa ako saka ako ang lagay ng lip balm.
Nakita ko ang stepmom ko na nag tsa-tsa-a sa salas namin. "Bye Momster!" paalam ko.
"Wha-what did her call me?!" hindi maka paniwalang nitong tanong.
Kinuha ko ang iniwan na kotse ni Lolo sa akin at yun ang ginamit ko. Mabilis akong umalis sa mansion,.
BMW ang iniwan sa'kin ni Lolo alam ko ayaw nila ako bigyan o payagan si Lolo na bigyan ako sa expensive car. Hindi naman bago yan
Mabilis akong nakarating nag park ako sa maayos na parking at bumaba na. Kung itatanong niyo na kung may pera ako?
Yes meron, hindi man tulad ng pamilya ko na saksakan ng yaman sapat lang para mabuhay ako. Hindi ako pinapabayaan ni Lolo habang nasa Japan ako at malayo sa kanya.
Kahit hindi ko pa kailangan bini-bigyan niya ako.
Pag pasok ko sa loob nakita ko agad si Sakura. Kumaway ako at lumapit na "Girl, kamusta ang pag stay sa mansion? 5 days ha?" bungad nito.
"Hah! Kung alam mo lang parang nasa impyerno ako. Bawal ako lumabas mas lalo kapag may bisita sila? Umorder kana?" tanong ko dito.
Naupo na ako at saktong dating ang tinatanong ko. "Oo naman. Ayan na nga eh," sagot nito at tinuro ang order nito.
"Hehe, kala ko oorderan mo din ako ng kape ayoko n'yan!" sagot ko at kinuha ko ang red velvet cake.
Nakita kong nag roll eyes ito. "Pero balita ko may party daw na gaganapin ang pamilya ng papa mo, totoo ba?" tanong nito.
Nilunok ko muna ang kinain ko bago sumagot. "Yeah meron nga, hindi ako pwede pumunta doon alam mo naman kung bakit," walang gana kong sagot.
Nakita kong ngumiti na parang aso. "Ayoko ng nasa isip mo. Ako lang kawawa d'yan!" pagtanggi ko agad.
Ayoko na ilagay ang sarili ko sa kahihiyan bilang isang anak sa ibang babae mas lalo at katulong pa. Hindi ako nahihiya na katulong ang mama ko. Ngunit iba na kasi ngayon kung ano pa ang meron ka yun ang gagamitin ng iba laban sa'yo.
Saka matagal ng pumanaw si mama hanggang ngayon buhay pa rin ang issue na yan.
Isa na rin baka biglang dumating si Celine siya ang bunsong anak ni papa spoiled ito at talagang barubal ang ugali.
"Are you still afraid your half sister?" tanong nito. Tumango ako dahil totoo naman.
Lagi ako pinapahiya nito sa maraming tao. Ewan ko ba at hindi pa rin ako ma-sanay sanay sa taong yun. "Alam mo hindi na tulad ng dati. Makinig ka Maxine lahat nga sila nagawa mong harapin diba? Paano pa kaya si Celine kaya mo yun.." naka ngiti nito wikan
Ngumuso lang ako at nag kibit balikat. "Bahala na kung gusto ko pumunta makaka punta ako ng walang kahirap hirap." sagot ko.
"Pero tingin ko sa mansion niyo gaganapin yan. Kilala mo ang papa mo masyadong magarbo sa party daig pa si Mr. Wilhelmina." biro nito.
Sabagay totoo yun si Lolo kasi mag party sakto lang. Kaya nga sinasabi ni Celine lagi na boring si Lolo pag dating sa parties.
"Hahaha yan ang gusto ko sa'yo eh. Ay girl may pera ka? Walang laman ang ref mo sa unit mo,gutom inaabot ko." tanong nito.
Mabilis ko naman dinukot ang wallet ko at nag lapag ako ng 50 thousand. Kasi 60k laman niya kaya alam kong 50 ang nakuha ko.
"Bilhin mo lahat ng kaibigan mo. Uuwi ako agad baka kasi magalit ang matandang mangkukulam sa mansion." sagot ko at inubos ko na ang pagkain ko.
Natawa naman ito at inirapan ako. "Oo na. Maka sabi ng mangkukulam kala mo naman?" natatawa nitong tanong.
"Mukha siyang mangkukulam na walang magandang gagawin. Promise! " sagot ko pa tumawa pa ito.
"Hahaha loko! Waiter!" tawag nito sa lalaking waiter. Sinenyasan niya ng bill yung lalaki, agad naman nito kinuha bago lumapit sa amin.
"Hindi na ako mag tagal Jazz maraming kailangan ang condo mo eh." paalam nito.
Tumango ako at sumagot. "Okay, mauna kana may bibilhin ako." sagot ko at tumango.
Matapos nito bayaran ang bill namin ay umalis na ito agad. Ako naman ay kinuha ko ang menu nila at nag order ng cheese cake, black forest cake nag order din ako ulit blueberry muffins.
Naupo muna ako hanggang nag vibrate ang ginagamit nilang device para malaman ng customer na ready na ang order ko.
Tumayo na ako ang tungo sa counter binigay ko ang card ko at kinuha na ang order ko.
"Good day ma'am, thank you for coming!" nakangiti bati ng babae.
Ngumiti ako at bahagyang yumuko. Pagtalikod ko napa iling ako ng maalala ko na wala na pala ako sa bansang Japan.
Ngumiti ako at nag lakad na palabas ng may naka banggaan akong malaking tao. "Ouch! Aish! Tumingin ka naman sa daan!" singhal ko sa lalaki.
Nakita ko ito napaka gwapo naman nito. Pero imbes na mag pantansya ako sa kanya nilagpasan ko siya. Hanggang hawakan nito ng braso ko.
"Baka! Sawaranaide kudasai!" ( Baka! Huwag mo akong hawakan!) singhal ko dito.
"What did you say? Sorry miss hindi ako nakakaintindi ng Japanese! I'm sorry hindi ko sinasadya na mabangga ka." paghingi nito ng paumanhin.
"Okay, just let go of me!" ines na sagot ko at binawi ko ang braso ko.
God! Ayoko talaga na hahawakan ng lalaki, ewan pakiramdam ko kasi nakaka diri mahawakan nila!
Tinalikuran ko ito at tuluyan na akong lumabas. Ramdam ko ang mga mata nitong nakatingin pa rin sakin. Pero wala akong pakialam sa kanya.
Habang naglalakad nakita ko ang isang matandang lalaki na parang hirap na hirap itong huminga. Mabilis akong tumakbo patungo dito.
"Tay? Ano po ang nangyari sa inyo?" tanong ko dito.
"Nahihirapan akong huminga hija. May tubig ka ba? Pasensya ka na kailangan ko ng tulong.." hapong sagot nito.
"Teka tay ta-takbuhin ko na lang yung cafe na pinanggalingan ko. Hintayin niyo po ako dito ha?!" pakiusap ko dito.
Tumango ito bilang sagot. "Tay sandal lang kayo d'yan sa puno may lilim dito okay?" mahinahon kong utos.
Nang mai-ayos ko siya agad akong bumalik sa pinuntahan ko kanina. Pagpasok ko diretso ako sa counter. "Miss may tubig po kayo? Kailangan kasi ng matandang pulubi sa labas please? Kahit bayaran ko na lang." nakikiusap ko dito.
Nag ka tinginan sila at nag bulungan ang ibang tao. Nahagip ng mata ko ang pag ngisi ng lalaki kanina. "Miss, hindi ka dapat basta basta tumutulong mas lalo sa pulubi. Iba d'yan mapag saman---" i cut her off.
"Mag bibigay ka ba ng tubig o hindi? Sa pag kaka tanda ko kasi tubig ang kailangan ko hindi pangaral mo." malamig kong tanong dito
Nilapag ko ang isang daang perang buo sa harap nito. Mabilis itong kumuha ng 2 bottles of water.
"Thanks!" malamig kong pasasalamat at mabilis akong lumabas sa coffee shop na yun.
Nakita ko agad si tatay na hirap parin. "Tay ito ho. Kumain na po ba kayo?" tanong ko dito ng maka lapit ako.
"Hindi pa ineng. Naghahanap pa ako ng mga kalakal para may maibenta ako." sagot nito. Binuksan ko ang tubig at binigay agad sa kanya.
Wala akong pakialam sa amoy niya alam ko naman na hindi yun maganda kaya bakit pa ako magtataka diba?
Kinuha ko ang cheesecake ko at binigay ito sa kanya ng buo. "Ito po tatay sa inyo na lang po ito. Saan po ba kayo nakatira? Ihahatid ko na po kayo." offer ko.
"Naku sobra na ito hija. Dyan ako nakatira sa ilalim ng tulay kasama ang asawa ko. Kaso bulag na ito. " may lungkot sa boses nito.
Bigla akong napa isip sa sinabi niya. Naalala ko na may 10k pa ako sa wallet ko. "Tay kung bang bibigyan kita ng puhunan mag titinda ka na lang ba sa bahay mo? Ay ayos lang po sa inyo?" tanong ko dito.
Umiling ito at ngumiti ng mapait. "Hija mahirap dahil nasa ilalim kami ng tulay naka tira." sagot nito.
Bigla akong napa pitik sa hangin. "Okay bibigyan ko kayo ng asawa mo niyo ng bahay tapos. Pwede po kayo mag tinda doon, ayos po ba?" masaya kong tanong dito.
Naalala ko kasi si Lolo noong bata ako may tinulungan siyang batang lalaki na kumakain ng mga panis na pagkain sa basurahan. Pinag aral ng Lolo ko yun.
Sabi niya kailangan lagi kami tumulong sa mahihirap. Lokohin man kami o hindi at least we give them a chance to live a better life.
"H-hija sobra na yan! Hindi mo naman ako ano ano.. Saka hindi ko matatanggap yan." sagot nito
Ngumuso naman ako at tiningnan ito. "Sige na tay. Saka kadugo lang ba dapat tulungan? Ako po pala si Maxine Jazz Alonzo. Jazz na lang po." masayang pakilala ko.
Ayoko din lagi ginagamit ang Wilhelmina dahil wala na si Lolo. Malaya ko magagamit ang apelyido ni mama. Which is Alonzo,
Nakita ko na ngumiti ito kaya naman lalo akong naging masaya. "Ako si Tatay Rudy ang pangalan ng asawa ko ay Nanay Belen." pakilala nito
Ngumiti ako lalo at tumango tango. " Tatay Rudy. Mag kita po tayo dito kasama po ang wife niyo bukas. Okay? Samahan ko po kayo s bago ninyong bahay." naka ngiti kong sabi dito.
"Maraming maraming salamat hija ha? Napakabait mo pagpalain ka sana ng panginoon at marami ka pang matulungan." nangingilid ang luha nito.
Ngumiti naman ako at tumango. Binigay ko sa kanya ang lahat ng binili ko. "Pasalubong niyo po sa asawa niyo. Ingat po kayo tatay! Ito po pera para may pambili po kayo ng makakain ninyo huwag na po kayo mag paka layo layo." sabi ko at binigay ko ang isang libong buo sa kanya.
"D'yos ko maraming salamat hija! Salamat ng marami! " hindi nito mapigilan na yakapin ako. Kaya buong puso ko din ito niyakap.
Matapos ang tangpong yun nag paalam na ako na uuwi na ako. Nakakita ako ng convenience store bumili ako ng pang dinner ko dahil baka sermon at kung ano na naman masamang salita ang marinig ko mula sa pamilya na yun..
Marami akong binili dahil balak ko mag kulong sa kwarto ko. Kwarto ko na yun simula ng bata pa ako well bahay kasi ni Lolo yun.
Pagdating ko sa mansion pag baba ko. I saw black Mercedes Benz na sasakyan. Dahil wala naman akong pakialam sa bisita nila nag lakad na lang ako.
Imbes na dumaan ako sa front door sa gilid ako ng bahay dumaan may pinto din kasi doon. Para hindi ko sila makita, pag pasok ko narinig ko ang tawanan ng step mom ko at kasama si papa.
Nag lakad lang ako hanggang mag salita si papa. "Maxine. Say hi to our guest." utos ni papa.
Humarap ako at nakita ko ang pamilyar na mukha. Yung lalaki kanina.
Mukhang may bago na naman biktima ang pamilya na 'to. " Hi." malamig kong bati at tumalikod na.
Narinig ko pa ang hirit ni Alisha. "Pasensya kana hijo ganyan talaga pag anak sa labas. Bastos!" sabay tawag pa nito.
Lumingon ako at nag salita. "Talaga? Kung bastos ako ano ka pa?" inirapan ko ito at tuluyan na akong umakyat sa taas at pumasok sa kwarto ko.
Kung takot akong saktan nila ako. Hindi dahil lalaban na ako this time.