TUD: Chapter 6

2026 Words
KINAUMAGAHAN inilagay ko lahat ng kailangan kong itago sa kotse ko. Matapos pumasok ako sa bahay na saktong baba ng mag iinang Diablo at Satanas. "Mommy daddy! Bakit hindi niyo palayasin yan?" tanong ni Celine. Napa irap naman ako at biniletan ito. "Bleeh! Kahit magulang mo walang magagawa. Takot lang nila kunin ko ang kumpanya!" pang aasar ko dito dito. Mabilis itong humawak sa'kin kaya umiwas ako na nakalagay ang kamay ko sa likod ko. "Woop! Easy peasy half sis!" umiwas pa ako at hinawi ang buhok ko sa tangkang pag hawak nito. Natawa naman ako dahil hindi niya ako maabot. "Tumigil na kayo at ikaw Maxine tumigil kana huwag ka mag simula ng gulo sa bahay ko!" si papa. "Wow ha? Ako ba? Sino ba ngawa-ngawa na parang bata dito? Trenta anyos na pero isip bata parin?" tanong ko. Tumigil ako at nag lakad patungo sa dining. Pinag buksan kami ng Butler ng pinto. "Maxine! Tahimik ka or I'll kick you out?" pananakot ni papa. "Relax paps! Puso mo kalma lang pag sabihan mo yang anak mo din na may pagka sinto sinto. " naka ngiti kong sagot dito Naupo na ako at agad kumuha ng pagkain. "Nakikitira na nga lang palamunin pa." wika ni Caiden. Sumubo ako at pinakita sa kanya. "Hmm.. ang sarap kapag libre.. Gusto mo Caiden?" pang aasar ko pa dito. Nakita kong umirap ito na kina diwang ng ka-pilyahan ko. Kumain ako ng maayos at ganun din sila. Ang sama ng tingin sakin ni Celine. Yung asawa naman ni Caiden na hindi ko maalala ang pangalan panay ang tingin sa'kin. "May problema ba Miss?" tanong ko dito.. Ngumiti ito at tinuro nito ang sarili ko. "May dumi ka sa gilid sa ibabang labi mo. Kanan mo. " mahinahon nitong sabi. "Oh? Thank you!" ngumiti ako at pinunasan ang kanan bahagi ng bibig ko. Nag thumbs up ito kaya ngumiti ako. Nang matapos akong kumain nauna akong tumayo ng hindi nagpapaalam. Umakyat ako sa kwarto ko at nag handa para maligo. Pag pasok ko sa cr mabilis akong naligo at lumabas ng naka bathrobe. Nag suot ako ng panloob ko ng may kumatok. "Bukas yan!" sagot ko at bumukas ang pinto na saktong nagsusuot ng Black Six Pocket pants. Noong nasa Japan ako ganito mga pormahan ko komportable kasi. "Hi, pwede ka ba makausap?" tanong sa'kin ng asawa ni Caiden. "Oo naman libre yun at walang bayad.." naka ngiti kong sagot tumalikod ako sa kanya at nag suot ng puting crop top. Kita ang abs ko. "Ahmm pwede mo ba ako samahan sa boutique a-ayaw kasi ako samahan ni Caiden." nahihiya nitong sabi "Basta walang gulo okay ako!" sagot ko. Tumango ito at biglang nag liwanag ang mukha nito."Oo ako bahala. Salamat ha mag bihis lang ako." sagot nito. "Okay hintayin kita sa baba." sagot ko. "Bibilisan ko lang.." sabi nito. Tumango ako at nag suot ako ng puting sapatos at kinuha ko ang baseball cap ko na itim. Nag apply lang ako ng pulbo at lip balm. Matapos nag pabango ako at lumabas na ng kwarto ko. Dala ko ang susi ng kotse ko dahil wala akong tiwala sa mga tao sa mansion. Bumaba na ako nandon din yung Gideon at lahat sila. "Anong porma yan? Ang baduy ha?" panlalait at pang didiri nito. "Palibhasa kasi manang kana." sagot ko at na upo ako sa tabi ni Gideon. "Welcome sa pamilya. Sana hindi ka mahawakan ng katangahan ng half sister ko." naka ngiti kong sabi Narinig kong natawa si Cody at bahagyang ngumiti ang Gideon na ito. "What the? Huwag mo nga ako ipahiya sa fiancé ko. At umalis ka d'yan! Lalandiin mo fiancé ko!" sabay tulak sakin ni Celine. "Landiin? 'Yang mukha na yan? Oo na lang Celine. Hindi yan ang tipo ko!" sagot ko at umling na lang. "What? Hindi mo ba alam na si Gideon ay isang self Billionaire? God!" sabi nito. "Paki ko? Yun ang tanong doon anong paki ko? Kaya ko gumawa ng pera, hindi ko kailangan ng ibang tao para magka pera. Aanhin ko pa utak ko kung hindi ko gagamitin?" pang iinsulto ko dito. "Are you insulting us?!" sigaw ni Alisha. Nilinis mo naman ang teinga ko at nag salita. "Geez! Hindi naman ako malayo para sumigaw ka. Nagtatanong ka lang naman.." mahinahon kong sagot. Inalog-alog ko pa ulo ko para mawala yung kunwaring bumara. Ang tinis kasi ng boses yung bang nag feedback na microphone? Ganon na ganon! "God! Ma stress ako sa'yong bata ka!" irita nitong wika sabay umalis. Ngumuso naman ako at tiningnan si Celine. Nakita kong pababa na ang asawa ni Caiden. Nag wave ako ng kamay at tinapik sa braso si Cody. "Ingat sis!" paalala ni Cody nag thumbs up lang ako habang naglalakad. "Maxine. Sa car ko na lang," tawag sakin ng asawa ni Caiden. Sumakay ito sa driver seat at ako sa tabi niya. "Ako si Cynthia," pakilala nila at nilahad pa nito ang kamay niya.. Tinanggap ko ito. "Maxine!" pakilala ko din. Ako ang unang bumitaw at ito naman ay nag maneho paalis ng mansion.. Hindi na ako nag abalang mag lagay ng seat belt. Just incase lang naman ay lalabas lang ako sa windshield. Joke lang. Tahimik lang kami hanggang maispan ko mag tanong. "Bakit hindi pa kayo nag anak ni Caiden?" tanong ko dito. "Ayaw pa kasi ng kuya mo.. gusto ko na nga eh." sagot nito. "Ilang taon na ba kayo kasal? Sorry ha? Hindi kasi ako nakiki balita kay mareng internet eh. Wala ako oras study is life noong nasa Japan ako." tanong at paliwanag ko. Natawa naman ito at nag salita. "Pareho talaga kayo ng Don. Maximo mag salita para kayong mag ama. Halos 5 years na rin kaming kasal." sagot nito. "Well, laking lolo kasi ako. Really? Baka naman hindi marunong si Caiden?" pabiro kong tanong. Narinig kong tawa nito na malakas. Okay OA na yung tawa niya. "To be honest? Hindi niya pa ako sini-sipingan.. that's why nag cheat ako with my ex boyfriend." may lungkot sa boses nito. Napa lunok naman ako at tiningnan ito ng hindi makapaniwala. "Then, kung ganun bakit ayaw mo pa makipag hiwalay?" tanong ko dito. "Kasi kahihiyan sa kanya. " sagot nito. "Hindi mo mahal si Caiden ano? " tanong ko. Parang pakunswelo de bobo na lang ginagawa niya eh. Yun ang tingin ko. "Never ko naman siyang minahal. Dahil mahal lang niya ang kumpanya niyo at imahe niya. Ayoko ng ganung buhay Maxine. Sayang ang 5 years ko sa kanya." sagot nito. "Okay. Then i will help you makipag hiwalay sa kanya divorce him ako na bahala sa lahat ng kailangan mo basta. Maka wala ka lang ano game ka?" naka ngiti kong tanong. Hindi masama ang tumulong sa mga taong itinuturing mong kaaway. Ayoko maranasan nila ang naranasan kong impyerno sa pamilya na yun. "Ga-gagawin mo yan?" hindi maka paniwalang tanong nito. "Oo naman. Ako pa ba?" naka ngiti kong sagot. Hindi na siya naka sagot ng makarating kami sa sinasabi niya. Pag baba namin naka ngiti na siya yung ngiting totoo. At Least nakahanap na siya ng kakampi. Ako wala tutulungan ko lang siya dahil hindi maganda makasal ng ganun. Hindi deserve ng kahit sinong babae ang ganung pagsasama. Sayang ang panahon. Pumasok ako sa loob at nakita ko ang nag gagandahang dress naisipan ko bilhan si Sakura at Cécil. Lumapit ako sa isang damit nakita kong ubod ng sexy ito. Kinuha ko yun hanggang may mag salita sa likod ko. "That's belong to me." nilingon ko ito. Nakilala ko ito kaibigan ito ni Celine. "Bayad na ba?" tanong ko dito. Nakita ko parating si Cynthia. "Maxine, gusto mo ba yan? i will buy it for you," tanong nito sa akin. "Ate Cynthia akin na po yan. At tama ba ang narinig ko Maxine? Ikaw yung anak sa labas diba?" tanong nito. "Oo. Don't tell me? Mag feeling high school na naman kayo na bully dahil anak ako sa labas? Oh god! Mag bago naman kayo istilo niyo. Iyo na yan, ayoko mahawaan ng katangahan." sagot ko at binigay sa kanya ito. "Isusumbong kita kay Celine!" sigaw nito. "Gawin mo kapag nabungi ko isang ipin niya kayo ituturo kong dahilan kay Alisha!" sagot ko. Biniletan ko ito na parang bata. Kasama kasi siya noon sa nang aaway sa akin 7 years old pa lang ako noon. Utos sila ng utos sakin tapos inaaway nila ako. "Hindi ba uso mag bago sa mga yun?" tanong ko. Hindi ko alam na may makarinig pala dahil halos pabulong na yun. Hindi sila nag salita ngunit tumawa lang. "Gusto mo ba pili kana, libre ko." naka ngiting wika ni Cynthia. "May pera ako so, i can buy it. Saka ibibigay ko ito sa mga kaibigan ko." sagot ko at kinuha ko ang tingin ko bagay sa dalawang yun. "Ganun ba? Ang bait mo tama si Mr. Wilhelmina na sa'yo ibigay lahat. " wika nito. Nagkibit balikat na lang ako at hindi na sumagot pa. Matapos ko makapamili at bayaran hinintay ko na lang si Cynthia sa may pinto habang nakikipag usap pa sa kaibigan niya. Nang may humawak sa akin. "Let's go.." aya nito. Tumango ako ng tahimik at nag lakad na kami palabas. Sumakay ako sa dati at nilagay sa paahan ko ang pinamili ko. "Salamat ha? Sa pagsama sakin kahit alam ko na may iba kang lakad." wika nito. "Wala yun maipag papabukas naman yun." sagot ko. Ngumiti ito at tahimik kami hanggang dumaan kami sa drive-thru ng isang bubuyog fast food restaurant. Nag order ako at siya ng pagkain hanggang muling umandar ang sasakyan. Kumain ako ang burger at fries. Nang makauwi kami saktong nandoon na ang asawa niya at mga kasama nila sa business na yan. Bumaba ako habang kumakain at dala ang pinamili ko. Dinaanan ko lang ang sila kahit si papa at mga kasama ang mga naka complete business attire na mga may katandaan na rin. "Maxine bumati ka!" utos ni papa. Tumigil ako at humarap sa kanila, yumuko ako ng halos lagpas sa 360 degree na tamang pag yuko. Tumalikod na ako at pumasok sa loob ng mansion. Deretso ako sa itaas at mabilis na nag bihis ng pambahay. Bumaba ako ulit ako nang harangan ako ni Celine. "Kung ako sayo hindi ako baba mapapahiya lang ako." ngisi nitong wika. "Kung ako din sa'yo tatabi ako. Pakialam mo ba kung mapahiya ako? Ikaw ba mapapahiya? Oh my god, nag bago kana ba at concern kana sakin?" pang aasar ko dito. Nginitian ko ito at agad kong binawi. "Kadiring pangyayari! Geez!" umakting pa akong nandidiri saka nilagpasan ito. Narinig kong gigil itong nag pigil ng tili. Diba may sapi? Nakita ko mga kaibigan ni papa at syempre si Caiden. "Hi hija. Join us!" aya ng lalaking may polkadot yung kurbarta. "Pasensya na Sir pero ayoko ho." sagot ko at hindi ko na hinintay sumagot ng sumagot si Celine. "Naku Mr. Japson walang alam ang little sister ko sa when it comes to business topic." maarteng wika nito. "Really say---" I cut the old man's words. "Kung hirap ang kumpanya sa pagkuha ng panibagong atake sa local market tumingin kayo sa ka-kumpitensya ng meron sila ng wala tayo. Hindi pangongopya ang tawag doon, kundi panibagong matutunan." malamig kong wika at tumalikod na ako ng tuluyan. Nag lakad ako patungo sa kusina at kumuha ng makakain dahil ayoko sumabay kumain sa kanila. Kumuha ako ng marami at muling umakyat sa kwarto ko. Ramdam ko ang pag sunod ng tingin nila sa'kin pero binaliwala ko yun. Nilock ang pinto ng kwarto ko at kumain ako habang nanonood ng balita sa TV. Alam ko na hindi nila ako tatawagin dahil ayaw nila masapawan. Matapos manood balita movie naman pinanood ko habang kumakain ng Clover Chips. Tawa lang ako ng tawa sa throwback pilipino movie nila Babalu at Dolphy. Habang nanonood ako umilaw ang cellphone ko at nakatanggap ako ng text mula kay Sakura. From Sakura: Kita tayo bukas may sasabihin ako. Nag reply lang ako ng 'Okay' nang matapos ang movie napag desisyunan ko nang matulog. Pinatay ko ang TV at nahiga na ako ng maayos. Mabilis akong tinamaan ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD