TUD: Chapter 7

2019 Words
Pababa na akong hagdan ng makita ko si Celine, Cody at Caiden sa sala na naka upo. Mukhang may pinag uusapan. Nag lakad ako at nilagpasan sila nang may bumato sa likod ko. Nang humarap ako nakita ko ang pag mumukha na naman ni Celine. "Kung bored ka kausapin mo yung pader ng mansion, huwag ako." irap ko dito at lumabas na ako. Mabilis akong sumakay sa sasakyan ko at nag maneho papunta sa condo ko. Mabuti na ito at madadala ko ang gusto kong itago sa unit ko. Hindi nagtagal nakarating na ako bumaba ako ng sasakyan agad akong pumasok at nakita ko si Cécil dahil on duty ang gaga. Tumango lang ako at nginitian ito. Nag lakad ako patungo sa elevator at pumasok ako dito pinindot ko ang number ng floor ko. Nag abang lang ako hanggang mag bukas ito sa 6th floor. May pumasok na lalaki. Tumabi naman ako at nilagay ko ang kamay ko sa bulsa ko. Oo nga pala kumakain ako ng lollipop, wala naisip ko kasi kumain habang nagmamaneho kanina. Ang bag ko naman nasa harap ng katawan ko. Napansin ko nakatingin ang lalaki sakin, nakita ko dahil parang salamin ang pader ng elevator sa kintab. Nilingon ko ito na yumuko naman agad ito naka baseball cap kasi ito at naka mask. Umirap ako sa hangin at nang bumukas ulit ay lumabas na ako. Lumabas din yung lalaki nag tungo ako sa unit ko nang napansin ko naka sunod ito. Tiningnan ko ang kabilang unit katabi ng akin. Nagkibit balikat ako and i enter my own passcode ng bumukas pumasok na ako. Napansin ko na nag lakad ito patungo sa kabilang unit. Kaya hindi ako nakaramdam ng kaba siguro dahil sa hindi naman kailangan. "Sakura!" tawag ko at binagsak ko ang dala ko sa sofa at naupo ako. "Mabuti at dumating kana." wika nito. Napansin ko ang hawak nito na parang brown envelope. "What's that?" tanong ko at tinuro ang hawak nito gamit ang lollipop ko. "Nakita ko ito sa ilalim ng kama ko. Nasa kahon at ito na brown din, mukhang nilagay ng lolo mo ito dito." sagot nito. Nilapag nito ng maayos ang envelope sa table kaharap ko. Umalis ulit ito at ako naman ay binuksan ang envelope. Kinuha ko ang laman nito at nang makita ko na puro ito litrato nagulat ako na surgical procedure ito. Nakita ko ang isang mukha ng babae ito na naka hospital gown ito. Isa isa kong tiningnan ito hanggang sa huling limang litrato na ito sana ng sumulpot si Sakura. "Ito pa, hindi ko ito pinag bubuksan kasi naka pangalan sa'yo." sabi niyo at tinuro ang ibabaw ng box. Tama siya naka pangalan sa'kin ito. Binuksan ko ito at nakita ko ang litrato ng batang babae tingin ko nasa edad katorse anyos ito. Kamukha ng babae sa litrato kanina. "Bakit naman si lolo mag lalagay ng ganito sa unit ko?" takang tanong ko. Nang buksan niya ang TV. Patuloy lang ako sa pag kalkal ng gamit. Nakakita ako ng flash drive kinuha ko ito at tiningnan. "Wait-- diba Kumpanya niyo yan?" tanong ni Sakura sabay turo sa TV screen. Tiningnan ko ito ng maigi nang mag salita si Sakura. "God! Yung lalaki tatalon sa building Maxine!" sigaw ni Sakura. Nakita ko na ang Wilhelmina group of companies nga ito. "Itago mo yan sa pinaka maayos na lagayan pati ang dala ko i have to go!" sigaw ko at mabilis akong tumakbo palabas ng unit ko. Hindi na ako nag elevator nag hagdan ako, nag padulas ako sa handle railing pababa. Nang makarating ako ng 4th floor sumakay ako sa elevator dito kasi mabilis na. Hindi nag tagal nakarating ako sa huling palapag. "Excuse! Tabe!" sigaw ko na ang tabihan naman sila agad. Tumakbo na ako palabas nakita ko ang tv sa table nila Cécil. "Aish!!" ines kong usal. Mabilis akong lumabas at nag tungo sa kotse ko. Pag sakay ko mabilis kong minaneho ito patungo sa kumpanya. Mabuti at malapit lang ako sa kumpanya sa kabilang bahagi lang. Hindi nagtagal nakarating na ako. Pagtigil ng sasakyan ko sa mismong entrance nakita agad ako ng guard at yumuko. Pumasok ako dito hanggang nakasakay ako ng express elevator patungo sa 16th floor. Nakita ko na nag kaka gulo din ang mga tao. Deretso ako sa taas hanggang tumigil ito. Nakita ko si papa at Caiden kasama ang secretary ng pamilya simula pa noon. "Sir bumaba kana please. Pangako ibibigay namin ang kailangan ng anak mo para makapag aral siya!" sigaw ng mga gwardya. "Pag bibigyan ba talaga natin yan? Mga hampaslupa na yan!" gigil na tanong ni Caiden. "Hindi Mr. Caiden gagawin natin yan para mapababa siya at tumigil ang pag e-eskandalosa nito. Matapos tatangalin siya sa trabaho." wika ni Georgina. Nakaramdam ako ng sobrang galit sa puso ko "Paano niyo na si-sikmura na mag pahirap ng tao? At mang manipula ng tao? Wala ba talaga kayong puso? Ginawa ang kumpanya na ito para sa mga mahihirap hindi sa mga ganid na katulad ninyo!" buong lakas kong sigaw. "This is the world works anak. Hindi lahat puro awa!" sagot ni papa. "Hindi naman awa ang hinihingi nila kundi patas na pagtanggap at maayos na pag ta-trabaho." sagot ko. "Well sorry to say Miss Wilhelmina. Hinding hindi mababago ang isip namin, ipapakulong namin ang taong yan." wika ng walang hiyang secretary na ito. Lumapit ako ay tiningnan ito diretso sa mata. "Sa oras na tanggapin ko ang position. Siguraduhin mong mag babalot kana ng gamit mo dahil ako mismo hihila sayo palabas ng kumpanya ko gamit 'yang buhok mo." matapang kong banta ito. Tumalikod na ako at muling sumakay sa elevator pababa. Nakita ko paano lumuhod at palabasin nila ng kumpanya ang matandang lalaki. Kung walang tutulong na ibang tao. Ako ang gagawa, Lolo bigyan mo ako ng lakas para dito. Padamog akong lumabas ng elevator at hinagis ko ang subo kong lollipop sa marmol na sahig ng kumpanya. Nag lakad ako palabas at nakita ko ang company car bumaba ako at sumakay sa loob. Huminga muna ako ng malalim at mabilis na pinatakbo ang sasakyan na ito. Nakita ko pang humabol ang mga guard sa sasakyan. Pinaikot ko sa malaking fountain sa gitna ang sasakyan at walang preno akong bumusina at nag ingay. Mas binilisan ko pa ito hanggang nakita ko ang tingin ko ay sasakyan ng matanda nakita ko ang mga produkto ng wine ng kumpanya. Binangga ko ito at hanggang nasira na ang likuran ng L300 na delivery car. Napahawak ako sa batok ko sa lakas ng impact. "Ooouch!!" ung*l ko hanggang napagtanto ko na hindi pa ako tapos. Bumaba ako at nag tungo ng sa harapan. Nakita ko si Gideon. "Miss Wilhelmina?!" tawag nito sa'kin. "Pumunta ka sa police station! Kasuhan mo reckless driving kapag nag tanong sila sabihin mo naka inom yung driver!" sigaw na utos ko dito. Kahit ang mga security guard ay naka nga-nga at gulat na gulat. Kinuha ko ang isang bote ng wine at inalis ko ang takip at ininom ko hanggang kumalat sa katawan ko. Binato ko ang bote at naka isang habang ako ng may aalala ako. "Idagdag mo hit and run! Isama mo yang lalaki na yan Attorney yan! Magaling yan!" sigaw ko at nag lakad na ako. Sumakay ako sa sasakyan ko at mabilis umalis. Nag tungo ako sa gilid ng isang Restaurant malapit sa isang police station. Nakita ko dumating ang isang Ferrari black na sasakyan at ang L300 ng matanda. Naghintay ako ng ilang minuto hanggang tumawag sakin ang hindi kilalang numero. Sinagot ko ito at sinabi dito na kailangan akong pumunta sa istasyon. Yun ang ginawa ko, nag palit ako ng damit alangan naman yun parin suot ko? Pinaandar ko ang sirang sasakyan ng kumpanya patungo at nang makarating ako bumaba na ako. Pumasok ako sa loob nakita ko si Gideon at yung matanda. "Ano ba gusto niyo Manong areglo o kaso?" tanong ng lalaking naka uniform ng police sa matandang lang lalaki. Sinenyasan naman ako ng babaeng officer na umupo sa harap ni manong. Kinalabit ko ito at pinakita ang daliri ko into a money sign. "Areglo na lang sir. Mukhang hindi naman po sinasadya ng babaeng ito at isa pa po lasing siya." mahabang sagot nito. Sa isip ko very good. Bumaling sakin ang lalaki. "Pasalamat ka nadadaan ang lahat sa pera. Oh bayaran mo siya magkano naman ang ibabayad mo?" tanong nito sa akin. Inirapan ko ito. "Magkano gusto mo tay?" tanong ko diretso kay manong. Hindi ko naman inalam ang pangalan nito. Nakita kong binulungan ito ni Gideon kaya umirap ako. Nang matapos ang bulungan nila ay nag salita si Manong. "Maganda kung si ma'am po ang mag presyo. Wala akong kasong ibibigay basta bayaran niya ako." sagot nito sabay tingin sa'kin. "5 million okay na ba?" tanong ko dito. Nanlaki ang mata nito at si Gideon din ay ganun. "P-po?" tanong nito. Nag kibit balikat ako at nilabas ang cellphone ko. Dinial ko ang number ni papa at tinawagan ito. "Babayaran ko yan ako bahala." naka ngiti kong sabi. "Hi papa! May problema po kasi ako pwede ba mag labas ka ng 5 million pesos?" tanong ko dito. "What the f*ck? Maxine, matapos mo gumawa ng kalokohan ako pababayarin mo?!" sigaw nito sa kabilang linya. "Eh kasi pa wala akong pera. Mayaman ka naman at may kumpanya so why not diba? Sige na kundi sasabihan ko si Manong na mag tawag ng press." nag paawa effect pa ako at halata sa boses ko na pinag babantaan ko ito. "What the f*ck! You're out of your mind Little brat!" sigaw nito. "Manong ayaw ni papa. Mag tawag ka ng press o mag rally sa harap ng kumpanya namin hanggang bayaran ka nila." naka ngiti kong sabi. "Oo na mag babayad na ako! Mamaya ka sakin sa mansion!" sigaw nito. "Send mo sa account ko pa ha? Love you thank you!" gusto ko masuka sa sinabi ko pero mamaya na lang pag uwi. "Wait lang ha. Parating na yung pera mo. May bank account ka?" tanong ko kay tatay. Tumango ito kaya hiningi ko agad yun. Nang dumating ang 5 million mabilis kong sinend ito sa account ni Manong walang labis walang kulang. Tumayo na ako at nakipag kamay. "Raise your children well sir. I salute you kaya mo isakripisyo ang kahihiyan mo para sa kanila, palabas ko lang ang nangyari kanina. Para maka kuha ka ng pera sa mga taong yun, hindi ko man alam anong rason bakit ganun ka na lang ho ka porsigido. Pero nakikita ko may malalim kang dahilan." pag amin ko na lalong kina nga-nga nito. "Sana mag trabaho po kayo ulit sa kumpanya kapag ako na po ang bagong may ari." naka ngiti ko. Yumuko ito sakin at umiyak. "Maraming salamat po ma'am! Malaking tulong ito sa pag aaral ng mga anak ko!" umiiyak nitong wika "Hindi yan tulong. Yan ang bayad nila sa'yo, aalis na po ako ingat po kayo. At mag tayo po kayo ng sarili niyong negosyo!" paalam ko at kumaway pa ako hanggang maka labas ako ng station. Nag lakad ako hanggang may tumabi sa'kin. Dahil balak ko mag commute na lang ako. "Sumabay kana sa'kin. Pupunta din ako sainyo, pero pinahanga mo ako kanina. Ang laki ng 5 million pesos." wika ni Gideon. Nagkibit balikat ako. "Maliit lang yun sa mahal ng bilihin ngayon? Kung hindi mo gagamitin ng maayos ang pera magiging maliit ay hindi sapat yun." sagot ko. Nag desisyon akong sumabay na lang kasi hindi ko na gusto amoy ko. "Buong akala ko ikaw mag lalabas ng pera." sabi pa nito. "Hahaha! Actually ako dapat, kaso naisip ko pinagsasabi ni Georgina yung matandang dalaga na secretary ni papa. Kaya sabi ko why not? yung 10% niyang mana? Bawasan ko ng 5 million?" tanong ko Narinig kong tumawa ito bago mag salita. "Literally? What the f*ck! Ibang klase parang lumalabas dito na pasimple parusa ginagawa mo.." sagot nito. Natawa na lang ako hindi na kumibo hanggang makapasok sa loob ng sasakyan niya. They deserves it, mga katulad nila maganda putulan ng yabang nang gabaan naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD