MAXINE'S POV
Napa nganga ako sa nakita ko habang nandito kami sa "Heaven's Delight"
"Girls. Tama ba tayo ng pinuntahan o sadyang puro bading ang nakikita natin dito?" tanong ni Sakura.
Si Cécil naman ay halos hindi na mai-dilat ang mata dahil sa mga nakikita niya. Ang nakikita ko ay mga machong lalaki na walang damit at tanging brief at pulang necktie ang suot.
"Alam niyo pakiramdam ko kahit lumipas ang sampung taon? Hindi ko makakalimutan ito." wika ko.
"Girl umalis na tayo dito. Parang sa mga paminta ang lugar na ito!" biglang kumapit sa akin ang dalawang babae na kasama ko nang may dumaan sa harap naming malaking katawan na lalaki.
"Gay bar pala ata ito." bulong ko. Natawa naman ako na pag lingon ko sa dalawa na hindi maipinta ang mga mukha.
"Okay let's go mukhang may sira sa ulo yung ang send sakin ng location na ito." pag payag ko.
Mabilis kaming nag lakad habang hawak ko ang dalawang sa kamay nila ng mahigpit. Nang malapit na kami sa pinto nakita ko ang pamilyar na mukha sa akin. Tumigil pa ako para mas makita ito.
Naka upo ito sa sulok kasama ang dalawa lalaki. Nakita ko ang isang lalaki naka hawak ang kamay sa maselan na parte ng lalaking nasa gitna at ang isang lalaki naman ay kahalikan nito.
Pakiramdam ko bigla akong nandiri. "Huy tara! Sino bang tinitingnan mo d'yan?" tanong ko ni Sakura.
Hindi ako sumagot kinuhaan ko ng litrato ang taong ito maraming shot akong kinuha. Nang sundan nila ito ng tingin.
"Oh my god! Is that Cody Wilhelm-----" agad kong tinakpan ang bibig ni Cécil.
"Shut up!" suway ko. Nakita ko natapos ang halikan nila ng isang lalaki yung isa namana ng hinalikan niya sa labi.
Nilingon ko si Sakura na kumukuha ng video at agad nitong tinapos." Para mas kuhang kuha. Let's go bago pa tayo mapansin." si Sakura na ang humila sa akin ngayon ni Cécil.
Tulala lang ako hanggang maka labas nakapag lakad naman ako ng maayos. Kitang kita ko paano siya paligayahin ng dalawang lalaki, nakita ko din paano siya makipag palitan ng laway sa mga ito.
Ano pa bang sikreto ang matutuklasan ko? "Maxine? Let's go!" tawag sakin ni Sakura.
Habang naramdaman kong nangasim ang sikmura mabilis akong tumakbo sa basurahan sa gilid ng kalsada.
"Oh my god! Jazz!" sigaw nilang pareho. Sumuka ako dito at napa luha ako, hanggang humihikbi na ako.
"Hey Jazz?" malumanay na tawag sa pangalan mo ni Sakura.
"Kukunin ko na ang sasakyan." paalam ni Cécil.
"Okay bilisan mo!" sagot ni Sakura.
Napa hikbi ako at yumuko inalis ko muna ang baseball cap ko at lumakas na ang hikbi ko. "A-ano bang problema?" nag aalala na tanong ni Sakura.
"Hindi ko na kaya... b-bakit ang daming sikreto ng pamilyang ito?" hindi ko na mapigilan hindi umiyak.
"Sshhh... kaya mo yan nandito kami sasamahan ka namin kahit saan okay?" naramdaman ko ang pag hagod ni Sakura sa likod ko.
"Tara na bilis!" biglang dating ni Cécil. Tumayo na ako at mabilis akong inalalayan ni Sakura.
GIDEON'S POV
"Uy ano plano mo d'yan? Sisilip kana lang at hindi pupuntahan si Maxine?" tanong ni Erson sa'kin.
Nilingon ko ito at umiling. "Paano ka naka takas sa asawa mo? Alam ba niyang kasama kita?" tanong ko pabalik dito.
Under de saya ang gago na ito kaya ko na tanong ng ganito. "Nag paalam ako pumayag naman siya. Nga pala siya yung hinahanap mong babae diba?" tanong nito.
Tumango ako muling nag salita. "Tapos na niyang malaman ang dalawang sekreto kapatid niya. Kikilos na siya," bulong ko. Wala si Brix ngayon dahil na rin sa kailangan nito sa magulang niya.
"Sigurado kana ba na mag tatagumpay siya? " tanong ni Erson sa'kin.
"Oo. Sigurado ako at mahahanap na rin niya kung saan nila nilagak ang bangkay ni Mr. Wilhelmina." sagot ko. Nakita kong umalis na si Maxine kasama ang dalawang kaibigan nitong babae.
Tama kayo sinusundan ko siya simula noong nakaraan pa. Para malaman ko kung gagawin ba nito ang utos ko. Ayos lang sakin na matagalan pero hindi dapat sobrang tagal.
Sana makaya mo ang lahat ng ito. Hindi ako papayag na hindi mo malaman ang totoo sa pagkatao mo.
"Tara na. Ipagdasal na lang natin na sa araw ng kaarawan ng papa niya ay mas marami pa siyang malaman." wika ni Erson sa'kin.
Tumango ako at tinapik ang balikat nito. Umalis na kami sa pinagtataguan namin, may kinalaman ako sa pag send sa kanya ng bank statement ng Madrasta niya at ang nawawalang pera sa kumpanya.
Paano ko nakuha ang lahat ng ito? Bago namatay si Ginoong Maxino ibinigay niya ang lahat ng ebidensya na ito sa akin.
Kabilin bilinan niyang ibigay ko sa kanyang apo ang mga ito. At yun ang eksaktong ginawa ko.
*****
MAXINE'S POV
Napa buntong na lang ako habang naka talumbaba dito sa loob ng fast food chain. Matapos ang nangyari kagabe sa nakita ko kay Cody halos hindi na naman din ako naka tulog.
Eto ako ngayon mag isa kumakain hindi na ako nag pasama bumili ng dress na susuotin ko dahil na rin mas gusto ko muna mag isa.
Nang matapos akong kumain na isipan ko muna na tumabay kahit saglit. Nag iwan ako ng tip at bayad ko saka ako tumayo at umalis, nag lakad ako sa labas ng may makita kong ice cream stall kaya agad akong lumapit.
"Ate pabili nga po ako nitong tig 50 po ninyo. "naka ngiti kong wika at tinuro ko sa itaas niya yung choices.
"Ma'am anong flavor?" tanong nito habang naka ngiti.
"Pwede po ba tatlong flavor?" tanong ko. Ngumiti naman ito ng husto at tumango.
"Oo naman ho, kasama po yan sa freebies niya." nakangiting sagot nito.
Napa 'Oh' ako sa sinabi niya at agad kong pinili ang gusto kong flavor. "Buko pandan, ube at itong cookies and cream Miss." masayang turo ko sa kanya.
Agad naman itong kumilos nakita ko pa kung gaano kadami ang iniligay niya sa isang malaking paper cup. Napa ngiti ako at kinuha ko ang dalawang daan na pera at binigay ko sa kanya ito.
"Keep the change Miss. Thank you!" masaya kong wika at agad kong kinuha ito.
"Ay salamat po. Ito po plastic spoon enjoy po!" wika nito. Nag wave ako ng kamay at umalis na rin agad.
Dahil marami pumipila para bumili, nag tungo na ako agad sa bilihan ng dress. Binagalan ko lang ang lakad ko para maubos ko ang pagkain ko.
Habang naglalakad nakita ko si Celine may kasama itong lalaki na hindi ko kilala.
Itong brat na 'to wala na ngang trabaho puro pa gala.
Isip isip ko pero hindi ko na lang sila pinansin. Nang makarating ako, agad akong binati ng mga staff. "Kayo ba si Miss. Maxine Wilhelmina?" bungad ng babaeng Tata ang pangalan sa nametag niya.
Tumango ako at inubos na ang ice cream baka kasi madumihan ko ang mga damit dito. Oo nga pala tumawag din ako sa kanila kanina dahil nga bibili ako ng damit.
"This way Ma'am. Meron po ba kayong theme sa aatenan ninyong party?" tanong nito. Sumunod naman ako dito ng tahimik, nakakita ako ng trash bin agad kong tinapon ang basura ko.
"Wala akong alam sa theme nila kaya ako na lang bahala kung anong klase ang pipiliin kong damit. Hindi naman nakakaapekto sa buhay ng celebrant." sagot ko dito.
Narinig kong tumawa ito at tumango na lang ng tahimik. Pagdating namin agad pumukaw sa akin ang isang Black silk dress na may strap, "Miss. May may ari na ba ang dress na yan?" tanong ko at tinuro ang itim na dress.
Mahaba ito hanggang lampas tuhod, at kitang kita ang likod mo dito pero maganda ito. May slit din pala ito sa kanang hita.
"Wala po Ma'am. Gusto niyo po ba yan?" tanong nito. Ngumiti ako at tumango agad,
Ngumiti ito at agad niyang kinuha ito at inilapit sa'kin. "Bagay po ito sa inyo ma'am. Maganda din po ang hugis ng katawan niyo." wika nito.
Tumango ako bago mag salita. "Ito na lang ang bibilhin ko Miss." final kong sabi.
"Okay ma'am this way lang po for payment." turo nito sa kanan naming bahagi. Agad akong nag sumunod sa kanya
Hanggang makarating kami sa cashier, nilabas ko ang card ko at inabot sa babae. "Wait po ma'am ha? Iaayos ko lang ito " wika ng babae.
"Sure, hindi ako nag mamadali." sagot ko. Naglibot libot muna ako hanggang makita kong pumasok si Celine kasama ang lalaki.
Pero hindi ko siya pinansin hanggang tuluyan silang maka pasok. "Oh look who's here? The unwanted daughter, ang bastarda." naka ngisi nitong wika.
Tiningnan ko ito mula ulo hanggang paa, at pataas mula paa hanggang ulo. "Do i know you? Wala kasi akong kilalang asal aso." tanong ko at tinalikuran ito.
"Ano bibili ka dito? May pera ka ba hahaha! I think wala! Miss palabasin niyo ang hampas lupa na 'to----" agad kong pinutol ang sasabihin pa niya
"Pwede ba wala naman may pake kung may pera ako o wala masyado ka lang epal. Bakit ba galit na galit ka sa mga hampaslupa? Eh kung ikaw ang ihampas ko sa lupa? Makuha mo pa bang magalit?" tanong at pambabara ko dito.
Inirapan ko na ito at kinuha ko na ang paper bag na laman ay damit ko. "Thanks Miss!" papasalamat ko at dinaanan ko lang si Celine na nag ngingit sa galit.
Lumabas na ako at nag tungo naman sa mga bilihan ng stilettos at iba pang kailangan ko. Kailangan ko maging elegante dahil alam kong mamatahin ako ng mga tao at mga kaibigan ng pamilya iyon.
Bumili ako ng bagong YSL stilettos, "Hi ma'am good afternoon. Pili lang kayo." naka ngiti wikang babae.
Agad akong lumapit dito at binulungan ito. "YSL stiletto size 38." sabi ko dito
Nginitian ako nito at nag salita. "Saglit po ma'am meron kaming size niyo." wika nito. Tumango ako at nginitian ito.
Mabilis itong umalis at ako naman ay nag libot lang sa area kung saan nakalagay ang ibang ibang klase at design ng YSL heels nila.
This is my favorite luxury brand ng high heels. "Ma'am ito na ho, sukatin niyo po muna." tawag nito sa'kin.
Lumingon ako at agad lumapit." Okay.." sagot ko binigyan ako ng upuan ng lalaki at umupo na ako. Inalis ko muna ang sapatos ko at medyas sa kanan kong paa.
Sinuot ko ito at saktong sakto sa paa ko. "Wow ma'am ang ganda po bagay sa inyo. Ang ganda din po ng paa niyo parang pang model po!" manghang papuri ng babae.
Natawa naman ako at tumango. "Salamat! Pero paa ko lang talaga maganda?" tanong ko dito habang natatawa
"Syempre kayo din po Ma'am." pambobola nito. Natawa na lang ako at hindi umimik
Hinubad ko na ito at agad nag suot ng muli ng medyas at sapatos. Tumayo na ako at agad inabot sa kanya ang Card ko.
"Salamat ma'am!" pasasalamat ng babae. Yumuko ako at ngumiti sa kanya
Matapos iyon bumili naman ako ng accessories naman tulad ng hikaw at kung ano ano pa. Bumili ako ng Bvlgari Necklace paired with earring and bracelet.
Matapos ng mga ito umuwi na ako dahil mag gagabi na. Bukas na ang party ni Papa handa na din ako at sila Sakura at Cécil nangako sila sakin na hindi ito papal-pak.
Sumakay ako sa sasakyan ko at nag maneho na pauwi ng bahay. Bumili muna ako ng pang hapunan ko dahil ako lang sa bahay ngayon, umalis si Sakura at si Cécil naman nakipagkita sa long time boyfriend niya.
Matagal ko ng kaibigan si Cécil high school pa lang pero nagka hiwalay kami dahil sa umalis nga ako tapos nag kita kami last year sa Japan kasi pinapunta ko siya.
Doon naging mag kaibigan sila din ni Sakura. Soon nag simula na maging kaibigan kaming tatlo.
Nang maka bili ako ng pang hapunan ko umuwi na ako agad. Pag dating sa condo pinarada ko ng maayos ang sasakyan ko.
Bumaba na ako at nag tungo sa unit ko. Sumakay naman ako sa elevator at pinindot ang floor ko. Nang tumunog ito ay lumabas na ako, dumeretso ako sa unit ko at pumasok na.
Nag bihis muna ako ng pambahay at itinabi ang damit ko na binili lalabhan ko yan ngayon para matuyo agad. Lumabas ako at hinanda ang hapunan ko.
Bumili lang ako ginataang gabi at isang pritong bangus na walang buto. Matapos na upo ako para kumain na ng naka kamay. Tahimik lang ang paligid hindi ko na binuksan ang TV dahil after nito ay mag papahinga na ako.
Matapos kong kumain at hinugasan ko na rin ang mga plato ay nag tungo na ako sa kwarto ko. Ginawa ko na ang dapat kong gawin sa dress at mabilis itong ginamitan ng dryer.
Nang matapos ako hinayaan ko na lang itong naka sabit at tinapatan ko pa ng electric fan. Nahiga na ako at nag pahinga.
Panibagong araw na naman bukas na haharapin ko..