MAXINE'S POV
KINAUMAGAHAN maaga ako bumangon dahil gusto ko ako mag luto ng agahan ko. Hindi pa nakaka balik ang dalawa dahil si Cécil may duty pa si Sakura naman ay hindi pa tumatawag.
Matapos ko mag luto agad naman ako kumain habang nanonood ng balita sa umaga. Wala namang balita tungkol sa pamilya ko kaya wala akong dapat ika inet ng ulo.
Matapos kong kumain ng agahan, hinugasan ko na agad ang pinag kainan ko at nag desisyon mag lines ng condo ko mag isa.
Nag pa tugtog ako at nilakasan ito. Anong song?
" Gives You Hell by : The All-American rejects "
Inuna kong linisin ang mga kwarto at nagpalit na rin ako ng punda at kurtina namin. Para hindi mukhang may lamay sa kwarto dahil madilim ang ginamit na kulay ng housekeeper dito sa condominium. Ang nilagay ko sa kwarto ay light blue.
Ganun din ang kama ko, may attach ng konting attach din ng baby pink.
Nang matapos ako ay kumain muna ako ng tanghalian hanggang matapos ako. Hindi naman ako nag luto, instant noodles na lang kinain ko at ang tira kanin kaninang agahan.
Matapos naman ay bumalik na ako sa paglilinis, para pag pumunta dito ang kukuha ng marurumi ay may malalabhan na sila. Pinalit kong kulay sa sala ay light purple.
Inabot ako ng alas kwatro ng hapon sa paglilinis ng matapos ako. Nakita ko na parang naging maaliwalas ang bahay ko at mas lalong lumuwag.
Inilagay ko ang lahat ng labahan sa laundry basket at nang matapos ko naman ang lahat. Kinuha ko ang cellphone ko at nag tipa ng mensahe para sa dalawa.
Sinabi ko kung nasaan ang susi ng unit ko, nahiga muna ako ng halos dalawang oras sa couch dito para mag pahinga muna.
*****
LUMIPAS ang dalawang oras ngayon ay ala sais na ng gabi. Wala parin ang dalawa kaya nag desisyon na akong maligo upang maka alis na rin. Habang naliligo ako ay napa tingin ako sa sarili ko sa salamin.
"Kaya ko na ba ilabas ang sikreto ng pamilyang ito?" tanong ko sa sarili ko.
Pinilig ko ang ulo ko at tinapos na ang maligo. Matapos ko maligo lumabas ako ng bathrobe at nag umpisa na akong mag ayos ng sarili. I don't want to bored you for the details, matapos ko mag ayos ang pinaka pinag abalahan ko ay ang cat eye na ginawa ko.
Matapos nito inalis ko ang towel sa buhok ko. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang hair dryer, nakapag desisyon ako na plain straight ito para mas mag mukha akong plain lang din.
Dahil hindi ko naman birthday ang pupuntahan ko. Matapos sinuot ko na ang dress ko tuwang tuwa ako dahil talagang bumagay ito sa'kin.
Matapos kinuha ko ang stilettos ko at sinuot agad. Naka ngiti lang ako hanggang matapos ako sa pag aayos, kinuha ko ang bag ko at muling tiningnan ang sarili ko sa salamin.
Matapos ay lumabas na ako sa unit ko at inilock ito. Nag lakad ako patungo sa elevator pinindot ko ang open button at sumakay na ako sa loob.
Pinindot ko ang 1st floor at agad naman din itong tumigil at lumabas na rin ako. Saktong pag labas ko. " Bakit ka nandito?" tanong ko dito.
Salubong ang makapal na kilay nito habang naka tingin sa'kin. "I'll be your partner tonight. Get in." malamig nitong utos at pinag buksan ako ng pinto ng sasakyan.
Magsasalita pa lang ako ng hilahin ako nito at sapilitang ipasok. Pinalo naman nito ng pang upo ko. Sa ines ko hinampas ko ang busina nito dahil ang gago sinara ang pinto ng padamog.
"What the f*ck! May sasakyan akong sarili at hindi ako imbalido!" sigaw ko dito.
Natawa ito at binuhay na ang makina ng sasakyan. "Bunga-nga mo naman hinaan mo naman boses mo. Hindi lang tayong dalawa nandito.." natatawa nitong sabi.
Agad rumihistro sa isip ko ang sinabi niya. "Huh?" tanong ko at narinig ko ang pag tikhim sa likod namin.
Nanlaki ang mata ko at nakita ko na may dalawang lalaki sa likod. "Bakit hindi mo sinabi sakin na may kasama ka? At paano ako hindi sisigaw ha?! Pinalo mo ang pang upo ko!" sigaw ko ulit dito.
Umaandar na ang sasakyan nito habang nag pigil naman ng tawa ang dalawa sa likod na kinasama ko ng tingin sa kanila.
Agad silang tumigil. "Wala gusto ko lang gawin. Minsan lang ako maging pilyo buti nga sayo pa." sagot nito.
"At proud ka pasa kamanyakan mo ha? At saka FYI ha, hindi ko kailangan ng partner kaya ko pumunta doon ng mag isa!" ines parin ako sa ginawa niya.
Pakiramdam ko ramdam ko parin ang kamay niya sa kanan kong pang upo. "Huwag mo daw kasi pare paluin ng ganun." natatawang wika ng kaibigan niyang tingin ko ay may asawa na.
"Hi, I'm Erson Ramsay married." pakilala nito. Inabot ko naman ang kamay nito para hindi nakaka hiya.
"Maxine Jazz." pakilala ko dito, ako agad ang bumitaw para hindi nakaka ilang.
"Brix Dee, single and ready to mingle business partner ni Gideon." pakilala ng isa.
Ngumiti ako at nakipag kamay din dito. "Maxine Jazz. Nice to meet you both!" wika ko at nginitian naman nila ako.
"Wala na nagawa ko na. Anyway maiba tayo kaya ako nag desisyon na sunduin ka dahil panigurado may ibabato sila tungkol sayo." wika ni Gideon nahihimigan ng pagka seryoso ang boses nito
Nag cross arms ako at umupo ng maayos. Hinaan naman niya ang volume ng aircon. "Hindi naman bago sa'kin, sa pamilyang iyon daig pa new year laging may pasabog." sagot ko. Mula sa gilid ng aking mata nakitang tumawa ang animal na Gideon na ito.
"Basta final na kailangan nasa tabi mo ako. Mas maganda na yung handa." ma-otoridad nitong sagot.
Lalong umiinit ang ulo ko at tiningnan ito. "Hindi ka ba nag iisip? Kapag nakita nila na mag kasama tayo iisipin nila na totoo ang balita na ikakasal ka sakin. Edukado ka per----" he cut me immediately.
"That's exactly i want to do. Ang ipakita sa kanila na totoo ang rumors." sagot nito.
"Unbelievable! Leave me alone okay? Hindi mo alam anong ginagawa mo sa'kin kapag tinuloy mo ang bagay na yan!" gigil na pag papaintinde ko sa kanya.
"Hindi mo ba alam na kapag nalaman ni Celine yan mas lalo mo lang kami pinag aaway!" dagdag ko pa.
Nakita kong tinapik siya ng kaibigan niyang si Erson "Pare, tama siya. Huwag mo na ipilit pa mas malalagay siya sa alangain." wika nito sa lalaking ito.
Hindi naman umimik si Gideon kaya pinasalamatan ko ang kaibigan nito. Halos binulong ko lang na kina tango ng lalaki, hanggang makarating kami pag pasok namin sa gate hanggang tumigil.
"Salamat." malamig kong pasasalamat at lumabas na ako agad ng sasakyan nito. Mabilis akong pumasok sa mansion.
Nakita ko ang pamilya ng Papa ko at ang Papa ko mismo na pababa ng hagdan. Ngunit imbes na sa kanila ang mga mata ng tao ay napunta sa akin.
Napa iling na lang ako at nag tungo sa ibaba ng hagdan. "Happy birthday Mr. Wilhelmina!" bati ko ayoko siyang tawaging papa.
Malamig ko lang na tiningnan sila pati ang pamilya nito. Umalis na ako agad at nag tungo sa mga drinks.
"Ma'am Maxine. Kumain na po ba kayo?" tanong sa'kin ng katulong nila dito.
"No need hindi ako magtatagal." sagot ko. Kumuha ako ng wine at umalis na ulit
Totoong hindi ako magtatagal dito gusto ko lang makita ang susunod na mangyayari. Hanggang lumapit sakin si Papa. "Maxine ipapakilala kita sa mga kaibigan ko sa business. At mamaya konti sumama ka sa amin sa likod." wika ni Papa.
Tumango lang ako pa simpleng inalis ang kamay nito sa pag kakahawak niya sa braso ko. Nakita ko naman ang mata nitong napa tingin sa kamay niya.
Nakita ko din na gumuhit sa mata nito ang sakit. "Saan ba sila? Ipakilala mo na lang ako mamaya, huwag mo na subukan gawin sa harap ng maraming tao. Alam nila kung ano tayo na klase na pamilya. Mayaman at kilala pero magulo." wika ko at tumalikod na ulit.
Nag tungo ako sa likod hanggang nakita ko sa madilim na parte na nag uusap si Gideon at Celine. Nag patay malisya ako at nag tuloy tuloy hanggang makarating sa food section.
Kumuha ako ng plato at nag hanap ng pagkain na gusto ko. Kumuha din ako ng dessert na gusto ko matapos kumuha na din ako ng malamig na tubig.
Nag hanap ako ng upuan hanggang makita ko ang bakante. "Siya pala ang sinasabi ni Alisha na Unwanted Daughter ng asawa niya? Hindi naman siya mukhang bastos ang ganda nga niya eh." rinig kong wika ng babae. Hindi ko ito nilingon dahil mas gusto ko kumain kesa pag aksayahan sila ng panahon.
"Ano ka?! Ilang beses niyan sinaktan si Celine bastos yan walang modo. Tama si Alisha walang mannered ang batang yan palibhasa anak kasi ng katulong.." diring diri nitong paliwanag binaba ko ang hawak kong kutsara at tiningnan ito ng ngumu-ngumuya.
"Alam niyo ba ang ugali ni Celine kapag walang mga tao at ang ugali ng mag ina na yun? Daig pa nila walang pinag aralan sa mga asal kanto nilang ugali." wika ko.
Nakita ko naman paano mapa lunok ang dalawang ito kasabay ng pag inom ng alak.
"Saan ba nang gagaling ang pagiging bastos ng isang tao? Hindi ba sa mga batos din na tao? They made me like this, huwag din kayo masyadong mapaliwala sa mag ina na 'yun. Ika nga kila maraming namamatay sa maling akala." wika ko at kumain na lang ng maayos.
Wala naman na akong narinig mula sa dalawang mahaderang babae. Maya maya nakarinig ako ng mabilis at mabigat na yabag ng o tunog ng heels patungo sa gawi ko.
"Nandito na ang impakta... in 3,2, God! Hanggang dito ba naman?" bulong ko at umirap pa ako.
"And 1.. camera roll.." wika ko kasabay ng marahas na pag hila nito sakin patayo.
"Ang kapal ng mukha mo! Lahat na lang ba aagawin mo sakin? Ha?!" sigaw nito na tanong.
Nilingon ko ang dalawang babae. "I told you.." i whispered.
"Aagawin? Eh halos lahat naman kasi ng pinuputak mo ay hindi ko naman din gusto! Alam mo ganito na lang payong kapatid ha?" kalmado kong sabi.
"Patingin kana sa doctor, malala na 'yang sakit mo. Sakit mo sa pagiging inggitera, pala bintang at ka praningan.." nanatili akong kalmado.
Hanggang tinaas nito ang kamay niya. "Nah ah ah! Subukan mo sa ating dalawa mas mapapahiya ka tandaan mo. Ikaw ang legal na anak, god! Girl, have some manners naman hindi kana bata na kapag may umaway sa'yo kuya to the rescue. Umayon ka naman sa edad mo!" panlalait ko ito at naglakad nakuha kong banggain ang braso nito at nag lakad para lagpasan ito.
Nakita ko naman na nag aapoy na mata ni Alisha dahil sa pagka pahiya ng anak niya.
Umiling na lang ako at dumeretso ako sa gilid upang kumuha ng wine ulit. Hanggang maramdaman ko na may tao sa likod ko.
Agad akong napa lingon sa likod ko hanggang nakita ko ang matalim na tingin ni Caiden kaya naman binigyan ko ng isang matamis na ngiti ito.
"Stay away from my family and especially Celine!" gigil nitong paalala.
Hindi ko inalis ang ngiti ko at inayos ko ang kurbarta nito bago mag salita. "Relax. The show is not start yet my step brother.." bulong ko dito at nag walk out na ako at nag tungo na ako sa harapan ng stage na ginawa nila dito sa likod ng bahay.
Tumayo sa tabi ko si Gideon hawak din nito ang isang wine glass na may laman din. "Kung may plano ka na bwesitin ako Mr. Luxhell ngayon? Utang na loob ipag pa bukas mo na." pagbabago ko dito.
Natawa naman ito bago nag salita. "May offer ako sa'yo pag isipan mo. Gusto ng papa mo ipawalang bisa ang will na binigay sayo ng lolo mo. Pero maisasalba mo ito kapag," putol nito.
Napa lingon ako dito at mag salita. "What?" irita kong tanong.
"Mag pakasal ka sakin. Yun ang condition ng papa mo hindi niya ilalaban kapalit ng pagpapakasal mo para matuloy ang merger. Don't worry kahit ma-kasal ka sa akin walang merger na magaganap." bulong nito at umalis na lang bigla
Nag ngit ngit ako sa galit sa narinig ko napa tingin ako sa Papa ko ng masama. Ganito pala ang gusto ninyo? Sige iisipin kong nakuha niyo ang gusto niyo. Pero hindi matatapos ang gabing ito na hindi kayo aabutin ng kahihiyan.