PAG DATING sa mansion. Masamang mukha ang sumalubong sa'kin o sa'min siguro. Naka pamulsa lang ako habang papasok.
"You!" sigaw ni Celine. Inirapan ko naman ito at padamog na umupo sa mahabang sofa.
"Anong atin? " prenteng tanong ko. Narinig kong tumawa si Cody at tumabi sa'kin.
"Sis pinabilib mo ako kanina ang galing mo doon!" wika ni Cody.
"I told you, sama ka lang sakin marami ka matutunan." natatawa kong biro dito. Nakipag apiran pa sa'kin ito.
"Dahil sa'yo nawalan ng 5 million si daddy! Ikaw ang salot talaga sa pamilya na ito." galit na panunumbat ni Celine.
Tumayo ako at tiningnan ito. "Kung makapagsalita ka parang ikaw ang nawalan ng limang milyon." sagot ko at nag lakad na ako paakyat sana. Nang hablutin ako ni Alisha at biglang sinampal ng malakas.
Kahit nahihilo pa ako sinampal ko ito pabalik na kina gulat niya. "Bakit tuwang tuwa kayo kapag nang aagrabiyado kayo ng mas maliit sainyo? Dahil ba walang wala sila at kayo ang meron?" tanong ko. Nag lakad ako palapit sa kanya. Umatras naman ito.
"Kilabutan naman kayo sa ganti ng karma. " wika ko at tumalikod na ako.
Saktong dating ni Papa at Caiden mabilis sumugod sakin si Caiden at inambahan ako ng suntok na agad naman sinalo ni Gideon ang kamao nito.
"Babe!" sigaw ni Celine.
"Baka nakaka limutan mong babae ang susuntukin mo?" malamig na tanong ni Gideon dito.
"Baka nakaka limutan mo na wala akong pakialam kung babae pa yan?!" sagot ni Caiden.
"Ipapaalala ko sa'yo na dalawang babae sa pamilya mo. Manakit ka ng babae parang nanakit ka din ng magulang at kapatid mo." malamig na paalala nito.
Mata sa mata ang titigan ng dalawa. Lalaki sa lalaki," Huwag ka masyadong in titled na may karapatan ka, tuta ka lang ng pamilyang ito!" naka ngisi nitong.
"Okay, sila mismo ang nag laglag sa kanila.." natatawa kong bulong.
"Kuya!" sigaw ni Celine
"It's too late Celine.." naka ngiti kong sabi dito.
"Ganun pala. Ginagamit niyo pala ako para sa sarili niyong gusto?" tanong ni Gideon mabilis lumapit si Celine.
"No babe! Totong mahal kita okay? Hindi yan totoo. Ikaw ang may kasalanan nito!" paninisi sa'kin ni Celine.
Nag buntong hininga ako at nag lakad para lagpasan silang lahat. Ngunit masa kalagitnaan pa lang ako ng hagdan ng mag salita ako.
"Hindi ko kasalanan kung pamilya kayo ng tang*, gahaman at mga mukhang pera at kapangyarihan. Akala niyo naman madadala niyo sa hukay." wika ko at ang patuloy na akong umakyat.
Nag tungo ako sa kwarto ko at nilock ito. Nag hubad ako na tanging bra at panty ang naiwan kong suot. Nakita ko mula sa bintana ng kwarto ko ang paghabol ni Celine kay Gideon.
Nakita ko paano ito umiyak at lumuhod, na nakita ko din paano itulak ito ni Gideon na kina bagsak ni Celine sa semento.
"Ouch! Sakit nun." wika ko at pinanood lang itong humabol sa kotse ng lalaking yun.
Nag kibit balikat ako at nag tungo ako sa bathroom at nag umpisa na akong mag lines mg katawan. Wala akong balak matulog dito ngayon.
Matapos ko maligo lumabas na ako ng naka suot ng bathrobe. Nag bihis ako ng jeans at v-neck t-shirt ginawa kong tuck-in ang harapan nito at nag sapatos ako ng black and white ang kulay.
Matapos nag suklay lang ako ng hindi pinatuyo ang buhok ko gamit ang hair dryer. Matapos kong mag ayos kinuha ko ang susi ng sasakyan ko at lumabas na ako ng kwarto ko.
Nag lakad ako pababa ng hagdan ng marinig ko ang away nila sa baba. "Bakit hinayaan mo na siya ang masunod? Tandaan mo anak mo lang siya labas!" sigaw ni Alisha.
Hindi na muna ako bumaba ng hagdan at pinakinggan sila. "Anak ko parin siya Alisha. Kung hindi ko ginawa yun hihilahin niya ang kumpanya sa kahihiyan." mahinahong wika ni papa.
Pagak na natawa si Alisha. "Ano bang pakialam mo sa batang yun. Eh halos dati nga hindi mo hinahawakan yun noong sanggol pa yun at ngayon bigla kang nag karoon ng pakialaman?" sarkastikong tanong ni Alisha.
"Gustong gusto ko talagang sakalin yang bata yan! Pareho sila ng ama mo at ng malanding babaeng yun!!" galit ni wika ni Alisha.
Nag lakad na ako pababa at hindi sila pinansin. Alam kong naka sunod sila ng tingin sa'kin. "Ikaw sampid lumayas kana sa mansion na ito!" sigaw ni Alisha.
Tumigil ako at hinarap ito. "Ako ang nag mamay-ari ng mansion kaya ako ang may karapatan na mag palayas. Mag pasalamat pa kayo na nanatili kayo sa mansion na ito. Dahil kung ako lang? Una pa lang pinalayas ko na kayo." malamig at matapang kong sagot.
Sumakay na ako sa kotse ko at tiningnan muna sila ng malamig.
Pag pasok ko mabilis kong pinaandar ito paalis ng mansion.
CELINE'S POV
Nag papadyak ako sa gigil sa bruha na 'yun pati si Gideon kailangan ko pa siyang iplease para maniwala siyang mahal ko siya.
Mahal ko naman talaga siya simula pa noong una naming pag kikita sa mansion. Buhay pa si Lolo ng makilala ko siya kaya simula noon lumalapit na ako sa kanya.
"Where are you going Celine?" tanong ni Kuya Caiden.
"Kay Gideon kuya kailangan ko siya maka usap at kailangan matuloy ang kasal!" sigaw ko at sumakay na ako sa kotse ko.
Mabilis kong pinaandar ito, hindi naman din nag tagal nakarating na ako sa harapan ng gate ng mansion niya.
Bumaba ako dahil ayaw ako pag buksan ng gate ng kanyang guard. "Ano hindi mo ako pag bubuksan? Fiancé ako ng amo mo!" sigaw ko dito.
"Sorry ma'am hindi ikaw ang boss ko eh. " sagot nito at tumalikod na ito sa'kin. Napa kagat ako sa ibabang labi ko at nag tungo ako sa doorbell at pinag pipindot ko ito ng paulit ulit.
Napansin ko na wala ang sasakyan ni Gideon sa garahe niya. "Ma'am ano ba? Kung si Sir Gideon ang hanap niyo wala siya dito!" salubong na kilay nitong sabi.
Inirapan ko ito at nag salita. "Kapag naging asawa ako ni Gideon ikaw ang una kong palalayasin sa trabaho mo. Mark my words!" sigaw na banta ko dito.
Mukha naman itong hindi na apektuhan. Ines akong nag lakad patungo sa kotse ko at pinaandar ito papunta sa kumpanya ni Gideon.
Habang nasa byahe ako namataan ko siyang nag lalakad ng tingnan ko kung sino itong sinusundan niya.
Hindi ito mag tiya-tiyaga mag babad sa inet ng wala lang. Lalong kumulo ang dugo ko nang makita ko si Maxine na may buhat na aso na mukhang binili nito.
Mabilis kong pinarada ang sasakyan ko sa tabi at bumaba ako. Hanggang nag lakad na ako doon ko napag tanto na.
"Alam na kaya ni Gideon na si Maxine ang hinahanap niyang apo ni Lolo?" tanong ko sa hangin.
Habang naka tingin ako sa fiancé ko doon ko unti unti na pag tanto na maaaring alam na niya ang totoo. "Hindi pwede! Hindi ako papayag na may maagaw ka na naman sa'kin! Una si Lolo sunod ang mana. Ngayon si Gideon? No way!" bulong ko at sinundan sila.
Hanggang nakita ko si Maxine pumasok sa isang Restaurant may lumapit sa kanyang babae na mukhang isang Japanese girl.
Pink din ang buhok nito. Nakita kong pumasok si Gideon kaya pumasok din ako sa loob. Nakita kong umupo si Gideon sa pinaka sulok kaya sinundan ko ito.
Tingin ko wala pang alam si Maxine na may sumusunod sa kanya. Pag upo ko sa harap ng fiancé ko. "Following my step-sister huh? Ano yan dahil mas mayaman na siya sa'kin siya naman uutuin mo?" bungad ko kay Gideon.
Nakita ko lang itong tumingin sa'kin ng malamig. He always do that, "Bakit ka ba nandito? Sa tanong mo? No, gusto ko mapalapit sa kanya." walang pag aatubiling pag amin nito.
Ganun ba niya ka gusto ni Maxine? Noon pa man gusto na niya si Maxine dahil ito daw ang unang babaeng nakilala niya noon at dahilan bakit siya nag payaman ng husto. Para matapatan ang bastarda na yun!
Nakaka ines ang parte na yun sobra!
"Ipapaalala ko lang sa'yo na engaged ka sa'kin." ngisi kong paalala dito.
Ngumisi naman din ito at nag salita. "Are you trying to threaten me Celine? Sa kasalan na yan na gusto mo at ng pamilya mo. Alam mo sa sarili mo na pamilya mo ang makikinabang at hindi ako," putol nito na kina gulat ko.
"For merger ang kasal always remember that. No feelings attached, umatras man ako sa kasal wala kang magagawa doon at ang pamilya mo. After all wala naman na akong mapapala sa kumpanya niyo dahil pabagsak na ito. The only thing you and your family could do is ilagay si Maxine sa posisyon because she's the heir to the family." mahabang wika nito.
"And you know that from the start. " paalala nito ulit.
Dahil doon nang gigil ako at tumayo nag lakad ako patungo kay Maxine. Kinuha ko ang Wine glass sa waiter at sinaboy ito sa pag mumukha ng bruha na ito.
Halata naman ang gulat sa mukha niya. "Celine!" sigaw ni Gideon sa pangalan ko.
MAXINE'S POV
Nagulat ako ang may nag tapon red wine sa mukha ko. "Celine!" sigaw ng pamilyar na boses sa'kin.
Nakita ko si Celine at Gideon. Sinenyasan ko si Sakura na umalis na agad naman itong kumilos ayoko siyang ma involved dito.
"Bagay yan sa'yo malandi at mang aagaw!" sigaw na pag iiskandalo ni Celine
"Let's go Celine nakaka hiya ka!" aya ni Gideon.
"Bakit totoo naman inagaw ka niya sa'kin. At kayo tandaan niyo ang mukha nitong Half sister ko, mang aagaw, ahas at higit sa lahat ay higad! Sabagay hindi na ako mag tataka," nakangisi nitong wika.
Wala akong pakialam sa mga bulungan ng tao dito sa paligid. Hanggang nag salita ulit ito. "Well, yung nanay kasi niya katulong namin nilandi ang Daddy ko at siya ang bunga. Napaka-ruming ba----" hindi ko siya pinatapos ng sabuyan ko ng mainit na kape ni Sakura ang mukha nito.
"AAAAAAH! My face ang inet!!" sigaw nito.
Kinuha ko ang malamig na tubig at binuhos sa mukha niya. "Isa pang mag salita ka tungkol sa nanay ko. Tandaan mo ito hindi ako ang sasalo ng kahihiyan sa pag uugali mo! Kundi ikaw at ang buong pamilya mo! " wika ko at nag lakad na ako nang may maalala ako.
"Oo nga pala. Hindi ko type yang lalaki na yan isaksak mo pa sa baga mo wala akong pakialam! At isa pa, gets have some class sayang pina aral sa 'yo.." inirapan ko ito at umalis na.
Nakita kong sumunod si Sakura sa'kin. Hanggang maka labas kami ng restaurant. "Grabe yun, baka mabulag yun Maxine ang inet ng kape na yun. Oh ito pala aso mo." wika ni Sakura
Kinuha ko naman ang aso ko sa kanya saka nag salita ako. "Hindi ako makaka uwi ngayon sa mansion." sabi ko dito.
Natawa ito at tumango bilang pag sang-ayon. Nakita ko ang driver ni Caiden hanggang lumabas si Gideon buhat ang walang malay na si Celine.
Kahit konting awa wala akong nararamdaman. Nakita kong sinakay lang ito ni Gideon at hindi sumama.
Mabilis umalis sila Celine at ako naman ay tumalikod na. "Tara na sa condo muna ako." aya ko at nag umpisa na akong mag lakad.
"Okay.." rinig kong sagot ni Sakura. Nakaka dalawang hakbang pa lang kami ng bigla akong tinawag ni Gideon.
"Teka Maxine. Hindi mo dapat ginawa yun kay Celine kahit papaano ay kapa---" i cut him
"Never akong tinuring na kapatid ng babaeng yun. Kung itatanong mo kung naawa ako? Ang sagot ko ay hindi," sagot ko na kina laki ng mata nito.
"Oo nga pala. Pwede lumayo ka na sa'kin? Wala ka naman magandang nadulot sa buhay ko!!" pag tataboy ko dito.
Nakita kong gumuhit ang lungkot sa mukha nito bago mag salita. "Ganun mo ba ako ka ayaw? Kaya ganun mo na ako hindi ka gusto? Sige tatapusin ko ang ugnayan ko kay Celine para lang magawa mo akong papasukin sa buhay mo." sabi pa nito.
Nag salubong ang kilay nito. "Bahala ka ang hirap mo umintinde. Edukado ka naman!" ines na sagot ko at tumalikod na.
Pagod na ako para mag salita pa o kausapin pa siya.