TUD: Chapter 21

2107 Words
MAXINE'S POV Naisipan ko dumalaw sa hospital kaya ito ako ang lalakad sa malawak na pasilyo. Sinabi naman ng nurse kanina na ayos lang si Celine pati ang baby niya. Kaya naman wala akong dapat ipag alala. Sumilip muna ako sa maliit na glass window sa naka sarang pintuan. Nakita siyang tulog kaya dahan dahan akong pumasok. Nilapag ko ang prutas na binili ko at ang sulat na gusto ko ibigay at basahin niya. Laman lang naman nito na sana matapos na ang hidwaan naming dalawa dahil napaka babaw lang naman ng dahilan. "Mag pagaling ka para sa baby mo.." bulong ko naisipan ko na agad umalis bago pa siya magising. Lumabas na ako hindi rin ako pwede mag tagal dahil magkikita kami ni Gideon para sa final fitting. Actually bawal ko ito sukatin ngunit kailangan din. Bawal lang makita ng groom. Nang makalabas ako sa hospital nag paalam na din ako sa guard ng maayos bago sumakay sa Mercedes Benz ko. Nag tipa muna ako ng mensahe para ipaalam na papunta na ako at nang maisend ko ito at nag meneho na rin agad ako. Maaga umalis si Gideon kanina dahil kailangan niya puntahan ang 8 am meeting niya. Sakto naman nakita ko ang Lawyer na nakausap ko about sa mana. Bumusina ako at agad naman itong lumingon, ginilid ko ang sasakyan ko. Mabilis akong bumaba, "Attorney! Ako ito si Maxine!" tawag ko. Lumapit naman ako agad. "Ikaw pala. Ano na pag isipan mo na ba?" tanong nito. "Opo tatanggapin ko po pero matapos na lang po ng kasal.." magalang kong sagot. "Okay pag usapan natin yan ulit. Congrats!" naka ngiti nitong wika. Tumango naman ako at mabilis akong umalis dahil mukhang nag mamadali din ito. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko patungo sa boutique. Hanggang makarating ako. Saktong dumating na si Gideon, "Kuya Dex iuwi mo na ang sasakyan ni Maxine ako na mag maneho pauwi." utos ni Gideon sa personal niyang driver. Ngumiti ako at inabot sa kanya ang susi at ako naman ay lumapit kay Gideon. "Ang dami mong driver." wika ko dito. "Pfft day off ng isa ngayon. Let's go inside.." aya nito sa'kin. Ako naman ang unang pumasok sa loob. Hanggang salubungin kami nang nag nga-ngalang Len-Len. "This way po hiwalay ang groom at bride ha?" wika ng babae. Nag paalam naman ako kay Gideon ganun din ito. Ako naman ay pumasok na sa loob puro mirror ito malamig damit na pang kasal. May nakita ako na nakasuot sa mannequin na kamukha ng wedding gown na isusuot ko. "Ma'am mag palit na ho kayo.."utos ng isang babae hindi ko kita ang pangalan nito. "Okay." sagot ko na lang at mabilis akong ang tungo sa changing room nila at inalis ang damit ko. Iniwan ko ang bra at cycling ko kahit naka Jeans ako naka cycling parin ako. Hanggang lumabas ako ng naka bathrobe. "Sige ma'am tulungan ka po namin. Hindi ito ang actual na gown ma'am ha? Kamukha lang po ito para makuha namin ang tamang sukat niyo.." paalala ni Len-Len at paliwanag. "Okay no problem!" naka ngiti kong sagot. Nang maayos nila doon ko nakita na kurbang kurba ang katawan ko. "Ang ganda niyo po ma'am bumagay po sainyo ng husto. Panigurado sa groom bagay din yung kanya." naka ngiti papuri ni Len-Len. Ngumiti ako at tiningnan ang likod gamit ang reflection ko sa salamin. "Ngayong okay na tapusin na namin ito. Hindi ba ma'am masikip o maluwag?" tanong ulit ng isang babae na ang pangalan ay Sugar. "Wala na sakto lang siya sa katawan ko. Ang ganda nga niya eh." sagot ko habang hindi naalis ang ngiti ko sa labi ko. "Ay salamat naman po. Si Ma'am Celine hindi pa nga nakaka pili ang dami ng demands tapos short period of time pa." reklamo ni Sugar. Ngumiti na lang ako at hindi na ang salita tungkol sa kapatid ko. Nang matapos pinahubad na ulit sa'kin ang gown kaya naman agad ko din itong ginawa. Malapit na rin kasi ang kasal sa Saturday na rin, hindi ko pa nakikita ang actual na wedding gown ko pero sana maganda ito. Matapos lumabas na ako agad kong nakita si Gideon na nakaupo at tinitingnan ang laman ng magazine. Lumapit ako dito agad at kinuha ang atensyon nito. "Hey," tawag ko sa kanya. Nag angat ito ng ulo at binaba ang hawak niya. "Are you done?" tanong nito. Ngumiti ako at tumango ng sunod sunod. Tumayo na ito at ngumiti sa'kin. "May pupuntahan tayo." wika nito kaya bago pa ako maka pag react ay agad ay hinila na ako agad nito. "Anong mga lugar ang napuntahan mo na noong bata ka pa?" tanong nito habang nag lalakad kami palabas. Kumaway naman ako sa mga staff dito at ngumiti sila sa akin at gumanti din ng kaway. "Hmm.. yung Ocean Park." sagot ko dito mabilis akong sinakay nito sa sasakyan niya ng hindi umiimik. Pumasok na ito sa loob din. "Noong bata ako doon ko gusto pumunta dahil marami kang makikita na mga isda doon. Libre pa entrance." kwento niya ng maka pasok ito. Ngumiti ako tiningnan ito. "What? Bakit ganyan ka maka tingin?" tanong nito sa'kin habang umaandar na ang sasakyan niya. "Wala lang. Gwapo ka pala ano?" tanong ko dito. Natawa naman ito "Kaya nga hulog na hulog ate mo." sagot nito.. Ngumiti ako pinag masdan lang ang mukha nito. Kahit naka side view siya ang gwapo niya ang tangos ng ilong ang hahaba ng eye lashes niya ang kipot ng labi niya. "Lalaki ka ba talaga? I mean ang haba kasi ng lashes mo eh." tanong ko. Tumawa lang ito at sumagot. "Malalaman mo kapag naka buo na tayo," ngisi nitong sagot. Sa ines ko hinampas ko matigas nitong braso at umayos na ako ng upo," ayoko nga mag ka anak ano? Dami pa ngang problema!" sagot ko. "Edi mag anak tayo kapag wala ng problema." sagot nito. "At confident ka talaga na papayag ako ano? No way!" sagot ko. Natawa naman ito at umiling.."Edi sa iba na lang ako mag hahanap ng magiging anak ko. Hindi na ako bata kailangan ko na magka anak.." wika nito. "Edi subukan mo! Wala tayong prenuptial agreement kaya makukuha ko pera mo!" panlaban ko naman sa kanya. Ano akala niya papa-under ako? No never! "Edi mag baby tayo. Yung makaka buo ng isang team." sagot nito. Napa nga-nga naman ako at tiningnan ito ng hindi maka paniwala. "Ano akala mo sa matres ko photo copy machine?!" tanong ko dito na lalong kina tawa nito. "Hahaha hindi ka naman mabiro kahit babae at lalaki na lang okay na yun. Para yung the rest time natin puro love making na lang.." ngumisi ito. "Ang manyak mo.." yun na lang nasabi ko na kina tawa na naman niya. Pero seryoso siya doon? Kapag nakuha na yung boy and girl na baby? Puro ganun na lang? God parang susunod na ata ako sa Lolo ko dahil sa kanya. "I'm just kidding, kahit dalawa lang talaga." wika nito. Tiningnan ko ito at tumango na lang ako. Dahil darating sa punta ng pag sasama namin na ganun talaga ang mangyayari. Nang makarating kami ay agad siyang bumaba at pinag buksan ako ng pinto. Kung kanina nang mag kita kami naka business suit ito, ngayon naka t-shirt v-neck navy blue na lang ito na halos yakapin ang malaki niyang katawan sa sikip sa kanya. "Bagay sayo ang suot mo." naka ngiti kong papuri dito. Don't get me wrong honest lang ako sa nakikita ko. "Thank you! Para maka sabay ako sa suot mo." bulong nito at hinila na ako papasok sa loob. Agad kong nakita ang lampas tao na aquarium. "Wow! Ang ganda parin! " manghang wika ko at tiningnan ang mga nasa loob. GIDEON'S POV "Wala bang panda dito?" tanong ni Maxine. Nawala bigla ang ngiti ko sa tanong nito. Nakikita niyang aquarium ito tapos panda? "Seriously? Panda? Aquarium yan Maxine." sagot ko. "Malay mo lang.." nakangiti nitong sagot. Hinayaan ko na lang siyang ilibot ang mata niya sa loob ng malaking aquarium. Sinabi ng lolo niya sakin noon na ito ang lugar na laging pinupuntahan ng mahal niyang apo. "Nabasa mo ba ang journal?" tanong ko sa kanya. "Oo pero hindi ko natapos." sagot niya. Tumango ako muling nag tanong. "Hanggang saan kang parte?" Lumingon ito sa'kin at nag salita. "Doon sa tungkol babaeng katulong sa mansion ni Lolo." sagot nito Ngumiti ako at hindi na nag salita, matapos ang kasal irerequest ko na tapusin na niya ang kwento sa journal na yun. Para malaman na niya kung sino at sino ang totoong pamilya. Kung alam ko ang loob ng journal? Oo na ikwento na rin sa'kin ni Mr. Maxino Wilhelmina ang totoong kwento sa likod ng pamilya niya. Ipinilit niya sa'kin na pakasalan ko ang apo niya upang mas maalalayan ko ito sa oras na lumabas na ang totoo. Kilala niya ang apo niya hinding hindi ito hihingi ng tulong sa iba mas lalo kung wala itong karapatan. Hindi kilala, hindi kaibigan at marami pang iba. Ito ang paraan para maalalayan ko siya, dahil magigimbal din ang buong pagkatao ng ama niya kapag lumabas na ang totoo. MAKALIPAS ang halos dalawang oras nag yaya na itong umuwi dahil pagod na daw siya. Napagod kaka laro ng dart at ang price ang malaking stuff toy na Panda. Life size ito kaya gusto niya. Wala naman akong reklamo lahat tayo may hilig, tulad niya mukhang panda ang gusto niya. "Ako na lang kaya mag buhat? Mas malaki pa sa'yo yan eh. At Least ako matangkad ako at hindi sumasayad na sa semento." wika ko. Ayaw kasi niya na ipahawak sa'kin dahil baka daw angkinin ko na. Gustong gusto niya dahil sobrang lambot, nahawakan ko kasi kanina nung inabot na sa akin ng lalaki. "Huwag mo aagawin ha? Ito oh hindi ko na rin makita ang daan eh." naka nguso pa ito habang naka tingin sa'kin. Natawa naman ako at nag salita ito. "Don't laugh at me!" asik nito. "Hahaha! I'm sorry, now let me and i promise I won't do that." sagot ko. Lumapit ito sa'kin at kusang ibinigay sa'kin ang Panda life size niyang stuffed toy. Kinuha ko ito at binuhat ng parang sako. Napa 'O' naman ang bibig nito, hinawakan ko naman ang kamay nito at lumabas na kami. "Umuwi na tayo ayoko maabutan ng traffic.." wika ko. Narinig ko naman itong tumawa. Tingin ko ang isip niya na sa buhat ko at wala sa'kin, napailing na lang ako at maayos na nilagay ito sa backseat ng kotse ko. Pumasok naman ng kusa si Maxine sa tabi ng driver seat. Umikot ako matapos ko isara ng maayos ang pinto. MAXINE'S POV Nang makauwi kami agad nag paalam si Gideon na aakyat na siya sa taas dahil naiinitan ito. Ako naman ay nanatiling sa baba at kausap nila manang Edna. "Alam mo ba na mahilig si Sir Gideon sa tinolang manok?" tanong ni Manang sa'kin. Ngumiti ako habang tinitikman ang luto niya. "Kaya ikaw bilang magiging asawa niya. Dapat lagi mo siguraduhin na masarap ang kakainin ng husband mo." paalala sa'kin ni Manang. "Opo tatandaan ko yan. Marunong naman po ako mag luto kahit pa-paano, saka nandyan po kayo pwede niyo rin po ako turuan ng iba pa." mahaba kong sagot. "Ay gusto ko yan. Hindi naamn siya pihikan sa pagkain kaya lang minsan mas gusto yung masasabaw," Kwento ni Manang. "Siguro po dahil mahaba ang oras niya sa trabaho kaya ganun po ang gusto niya." sagot ko. "Tama ka d'yan hija. Yan din ang nasa isip ko, hala sige umakyat kana muna at mag bihis tapos bumaba na kayo para makapag hapunan na kayo." utos ni Manang. "Sige po." paalam ko at umakyat na ako habang buhat ko ang stuffed toy ko. Pasok ko sa kwarto narinig ko ang pagbagsak ng tubig mula sa bathroom. Dahil doon alam ko na naliligo si Gideon, nilagay ko sa maayos na lugar dito sa kwarto ni Mr. Panda ko. Dalawa ang kama namin dito sa kwarto ni Gideon. Hindi lang ito napansin ni Celine noong una. Naupo muna ako at hinintay matapos si Gideon. Nang matapos nito tumayo na ako kinuha ko ang roba ko at inabangan siyang lumabas. Naka tapis ang ibabang parte ng katawan nito, "You can touch it Love." wika nito sabay ngisi nito. "Tsk para kang aso pa ngisi-ngisi d'yan!" singhal ko dito at nag lakad na ako papunta sa cr. Tumatawa lang ito hanggang mag salita ako. "Pwede dilaan? Rawr!" tanong ko at umakto pa ako na parang tigre. Mabilis akong pumasok ng nakita kong napa nga-nga ito. Tawa ako ng tawa sa loob ng bathroom..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD