TUD: Chapter 20

2045 Words
CELINE'S POV Nang gigil talaga ako kay Maxine, alam ko noon pa man na gusto na siya ni Gideon. Mas lalo nang makita niya ito noong nakauwi na sa Pilipinas si Maxine. He always asking me about Maxine, dahil ayoko mag sinungaling sinabi ko ang totoo sa kanya. "AAAAAAH!!" galit na sigaw ko at pinag punit punit ko ang papel sa harapan ko. Narinig kong bumukas ang pinto kaya sumigaw ako. "LEAVE ME ALONE!!!" pananaboy ko dito. "Ma'am breakfast is ready na po." wika ng katulong namin. Hindi ako nag salita o sumagot man lang, umalis naman ito agad. "Sisirain ko ang kasal ninyong dalawa!" galit na wika ko. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng kwarto, mabilis akong bumaba at hindi sila pinansin."Celine saan ka pupunta?!" sigaw na tanong ni Mommy. Hindi ako sumagot at sumakay sa sasakyan ko, pupunta ako sa bahay ni Gideon. Kung hindi ko siya makuha sa mga paawa ko. Then kukunin ko siya kahit pa ibigay ko ang katawan ko. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko hanggang makarating ako sa gate ng bahay ni Gideon. Nakita kong bukas ito kaya agad akong bumaba ng sasakyan at mabilis pumasok. "Ma'am Celine! Hindi po kayo pwede d'yan!" sigaw ng guard pero wala akong pakialam. "Aish!!" rinig kong reklamo nito. Pumasok ako sa pinto at dumeretso ako sa itaas. Wala kahit isang naka kita sa'kin. Nag tungo ako sa kwarto ni Gideon at walang pakundangan na pumasok. Nakita ko siyang naka talikod at halatang katatapos lang nito maligo. "Baby." sweet na tawag ko dito. Lumingon ito sakin na salubong ang kilay. "Celine? Bakit ka nandito?" baritong tanong nito. Lumapit ako at hinawakan ang matipunong katawan nito. "Well, alam ko naman na magpapakasal ka lang sa kanya dahil sa pera diba? Pwede mo naman siya paniwalaan na kasal na kayo.." matamis akong ngumiti sa kanya. Hindi parin nawawala ang pagka salubong ng kilay nito. "Fake marriage ba ang gusto mong sabihin?" tanong nito. Ngumiti ako at tumango. "Oo, marami naman gumagawa nun diba? Saka ako ang pakasalan mo ng totoo. Matutuwa si Daddy at Mommy kapag nangyari yun.." wika ko. Hinawakan ko ang kamay nito at nilagay ko sa strapped ng dress ko. "Then i can give you myself too. Kahit mag sawa ka pa." mapang akit kong wika dito. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hinawakan ko ang matipunong dibdib nito. "Alam ko naman na may epekto parin ako sa'yo. Why not let's have breakfast in bed?" malanding tanong ko dito. Binaba ko ang strapped ng dress ko. Binaba ko ang strapped ng dress ko gamit ang kamay niya, hanggang maging lantad ng cleavage ko sa kanya. "Ganyan ka na pala ka desperada Celine?" nagulat ako sa nag salita. Nang pag lingon ko si Maxine ito naka roba ito at bagong paligo. "Ba-bakit siya nandito Gideon?" nauutal kong tanong. Dali dali kong inayos ang suot ko. Tinabig nito ang kamay ko ng marahas at lumapit kay Maxine. "Make it fast Love, may pupuntahan pa tayo." narinig kong wika ni Gideon kay Maxine. "Why not na nandito siya? She's my wife." malamig na sagot ni Gideon. "Hindi pa naman kayo kasal!" sigaw ko. "Tsk. Umalis ka na lang nakakasira ka ng umaga." irap ni Maxine sa'kin. "Hayup ka! Lahat na lang inagaw mo sa'kin kahit si Gideon!" Sigaw ko. MAXINE'S POV Napahawak ako sa dibdib ko at nag salita. "Ako na naman? Bakit ba kapag may nangyari sayo ako sinisisi mo? Inutos ko ba?" sarkastiko kong tanong dito. "Enough na yan, umalis kana Celine bago kita ipakalad-kad sa guard!" awat ni Gideon sa'min. Tumalikod na ako ng hilahin ni Celine ang buhok ko. "Ano ba?!" sigaw ko hanggang hilahin ako nito. "F*ck ano ba bitawan mo ang Fiancé ko!" galit na wika ni Gideon nagulat ako ng may bumagsak sa likod ko. "Isa pang hawakan mo at saktan mo ang asawa ko. May kalalagyan ka sa'kin!" galit na banta ni Gideon kay Celine. "Wala akong akong pakialam kung babae ka pa!" Nakita ko paano ito magalit ng masaktan ako. Ngayon naka yapos ito sa'kin. "Ta-tama na Gideon babae pa rin yan." mahinahong awat ko dito. Mabilis itong lumingon sa akin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Are you okay? Aish stupid question." pag aalala nitong tanong Ngumiti ako tumango. "Okay lang ako immune na ako sa sambunot niyan." sagot ko. "Oh my god! Help me! My baby!" sigaw ni Celine kaya agad akong napalingon. "Baby?" tanong ko. Nilingon ko si Gideon. "Walang nangyari samin." bulong nito. Naniniwala naman ako sa kanya. "Teka tatawag ako ng ambulansya!" wika ni Gideon. "Hindi na! Mag bihis lang ako!" natataranta kong wika ko at mabilis akong nag bihis ng short lang at malaking t-shirt hindi na ako nag bra. "Gideon buhatin mo siya bilisan mo at dalhin mo siya sa kotse!" utos ko at kinuha ko ang susi ng sasakyan ni Gideon. Kinuha ko ang cellphone ko at mabilis akong tumakbo upang sundan sila. Tinawagan ko si Alisha habang kinakabit sa teinga ko ang Bluetooth earphone ko. "Love. Nasasaktan na siya. Sunod ako!" bungad ni Gideon sa akin. "Okay!" sigaw ko at sumakay na ako sa kotse ni Gideon mabilis kong pinaandar ito. "Maxine yung baby ko!" sigaw nito. Umiiyak pa ito. "Kumalma ka at wag kang umire kung ayaw mong mawalan ng anak! Hinga ka lang ng malalim at kalma!" ines na sigaw ko dito. Mas binilisan ko at nag busina na ako para maalerto ang mga tao." Kapag nahuli ako ikaw mag bayad ng piyansa ko!" ines na sabi ko dito. "Talaga ba Maxine? Anong mas malala ang mawalan ng anak o makulong?!" pa singhal na tanong nito sa akin. Hindi ko maiwasan hindi umirap bago sumagot. "Bakit sino ba may kasalanan? Ikaw ang sumugod baliw ka!" sigaw ko dito. Nag seryoso na ako ng makita ko siyang hirap na at umiiyak. Mabilis kong tinawagan ang mommy nito. "Alisha pumunta kayo sa PGH now!" utos ko. "At bakit kami susu---" i cut her words. "King*na naman saka mo na ako malditahan pumunta na lang kayo!" sigaw ko at binabaan ko na ito. Mabilis akong pumarada sa labas ng hospital, bumaba na ako "Kailangan ko ng wheelchair buntis ang kasama ko at dinudugo!" sigaw ko para na akong timang dito na nag e-eskandalo. Mabilis silang kumilos at ako ay umikot na saktong dating ni Gideon mabilis itong bumaba "Ako na bubuhat sa kanya Love!" wika ni Gideon kaua binuksan ko na ng maayos ang pinto. Agad nitong binuhat si Celine na ngayon ay wala ng malay. Matapos ito sinenyasan ko na ang driver nito na isara ang pinto.. Mabilis namin dinala sa emergency si Celine ang tagal ng wheelchair. MAKALIPAS ang halos 30 minutes saka lang dumating ang magulang ni Celine. "Anong ginawa mo sa anak ko ha?!" sasampalin sana ako nito ng humarang si Gideon. "Hit her i will sue you! Anak mo ang may kasalanan hindi si Maxine!" galit na banta ni Gideon kay Alisha. "Ano bang nangyari?" tanong ni Papa. "Buntis si Celine. Sumugod siya sa bahay ko at sinubukan akitin ako nag talo sila ng fiancé ko. Sinaktan ni Celine si Maxine. Naitulak ko siya." pag amin ni Gideon. "Oh my god! Ikaw ba ang ama? Mag kaka apo na ako at ikaw pa ang ta----" agad siyang pinutol ni Gideon. "Hindi ako ang tatay kahit kailan hindi ko ginalaw ang anak niyo." sagot ni Gideon kay Alisha. Naupo naman ako ng maayos at napa hinga ng malalim. "Umuwi na tayo Maxine, late na tayo." aya ni Gideon sa akin. "Okay. Mauna na kami." paalam ko. Nakita ko ang pag tataka parin sa mga mata nila. Ako naman ay nag lakad na lang pag una kay Gideon. GIDEON'S POV Napailing na lang ako at sumunod kay Maxine. Hindi naman ako ang aalala na hindi naniniwala sakin si Maxine. Pero ako na nagsasabi walang nangyari samin ni Celine kahit isang beses. "Ikaw na bahala sa isang sasakyan ipalines mo muna bago dahil sa bahay ko." utos ko sa driver ko. "Sige po Sir." sagot nito. Hinawakan ko si Maxine sa braso. "Doon tayo sa Mercedes Benz. Hindi na muna tayo tutuloy sa pupuntahan natin." wika ko. Hindi ito umimik pinag buksan ko ito ng pinto at pumasok naman ito ng maayos. Mabilis akong umikot at sumakay sa driver seat agad kong binuhay ang makina ng sasakyan."Hindi ko naman kasalanan yun diba?" tanong nito. Hinawakan ko ang kamay nito at nag salita. "Hindi, alam na niyang buntis siya at dapat siyang mag ingat pero eto pa ang ginawa niya. Wala tayong kasalanan doon." pag papagaan ko ng loob nito. "Pero yung baby?" tanong nito sa akin. Ngumiti ako at binigyan ito ng marahang halik sa noo. "Ipagdasal natin na strong si Baby at makapit si sa Mommy niya. Okay relax lang she will okay and the baby also." sagot ko. Tumango naman ito pinunasan ko ang pumatak na luha sa mata nito. CELINE'S POV "Ano ba naman itong buhay na ito?! Yung dalawang anak mo puro problema ang dala tapos dumagdag pa itong si Celine!" wika ni mommy. Tumalikod ako dahil nasa labas sila ng kwarto ko na ang babangayan. "Kailangan malaman natin sino ang ama ng dinadala ni Celine at kailangan nila ikasal!" galit na wika ni Daddy. Napa luha ako nang maalala ko na hindi ko alam kung sino ang posibleng tatay ng batang ito. Narinig ko ang pag bukas ng pinto indikasyon na pumasok sila. "Celine alam ko gising kana. Sino ang ama niyan?" tanong ni Mommy. Dahan dahan akong pumihit paharap sa kanila. Umupo ako ng dahan dahan. "Huwag ka mag alala okay lang ang baby mo.." dagdag ni Mom. "Sino ang tatay niyan?" tanong ni daddy. Nagsimula na mag tuluan ang luha ko at nag salita."Hi-hindi ko po alam.. Mom, dad so---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng isang malakas na sampal ang tumama sa kaliwa kong pisngi. "Nagpa galaw ka tapos hindi ka nag ingat?!" tanong ni Daddy. "Cerius ano ba anak mo yan?!" sigaw ni mommy at niyakap ako ng mahigpit. Umiyak lang ako. "Ayusin niyong mag ina yan. Pagod na ako kakalines ng kalat nyong mga iina!" galit na wika ni Daddy pabagsak niyang sinara ang pinto. Umiyak lang ako habang naka hawak ako sa pisngi ko. "Celine makinig ka sakin ha? Nandito lang ako okay? Gusto ko irecall mo sa isip mo sino ang posible na tatay ng baby mo." mahinahon pakiusap ni Mommy sa akin. Tumango lang ako at pinunasan ang mukha ko "Sa ngayon mag pahinga kana muna makaka sama sa'yo ang sobrang stress. Kung ano man ang nangyari sa inyo nila Gideon at Maxine," putol ni Mom sa sinasabi niya. "Mas mabuting sumuko kana anak. Dahil hindi din natin kaya diktahan ang desisyon ni Gideon kung gusto niya kay Maxine, kay Maxine siya. Darating din ang tamang lalaki para sayo.." wika ni Mom. "Yes mommy. Hindi na ako gagawa ng kahit anong ikakapahamak ng baby ko." sagot ko. Ngumiti si mommy sa akin at ako naman ay nahiga na at palihim kong hinawakan ang t'yan ko at hinimas ito. Iniisip ko din sino ang posibleng ama, pinikit ko ang mata ko hanggang hilahin ako ulit ng antok. LUMIPAS ang isang oras nagising ako sa mahinang tapik sa pisngi ko. "Celine nandito si Doc may sasabihin daw ito." wika ni Mommy. Kaya naman dumilat na ako at saktong nasa harap ko ang babaeng Doktora ko. "Ako si Doktora. Castro ang ob-gyn mo simula ngayon. Congratulations Ma'am your 4 weeks pregnant!" nakangiti nitong pakilala. 4 Weeks? Posible kaya yung lalaki na yun ang ama pero. "Anak hindi ka ba masaya?" tanong ni Mom. Ngumiti ako at umiling. "No, Mommy masaya po ako may naisip lang po ako." magalang kong sagot. "Salamat Doc." pasasalamat ko kay Doc at ganun din si Mommy. Lumabas naman ito, "Mom. Salamat po ha? Hindi niyo po ako iniwan at pinabayaan.." pasasalamat ko kay Mommy. "Celine. Mommy mo ako natural hindi kita papa-bayaan." wika ni Mom. Niyakap ako nito at ganun din ako sa kanya Nagpapasalamat din ako kay Maxine kasi kung hindi niya ako dinala dito baka wala na ng baby ko. Kahit pa magkaaway kami hindi iyon nangibabaw sa kanya. Nangibabaw pa rin sa kanya ang pagtulong sa akin at sa amin ng baby ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD