TUD: Chapter 16

2012 Words
MAXINE'S POV KINAUMAGAHAN the news about what happened last night is spreading all over the world like a wildfire. "Ganun ba ka sikat ang pamilya niyo?" tanong ni Sakura sa'kin Kumuha ako ng ice cream at spoon bago sumagot. "Sadly, Yes," sagot ko at sumubo agad ako. "So, talagang mag papakasal ka kay Gideon? Hindi ba parang risky yang gagawin mo? Eh halatado naman yung lalaki na yun na may gusto sayo." pag tatanong ni Cécil sa'kin. Umupo ako sa single na upuan at kumain ako. "Madali naman magpa walang bisa ng kasal." sagot ko na lang. "Duda ako sa intensyon ng lalaking yan. Tingin ko siya ang tipo ng lalaki na hindi makikipag hiwalay matapos mo magawa ang mission mo," wika ni Sakura. "True, siya yung tipo ng lalaki na hindi ka pakakawalan. Basta iwasan mo na may mangyari sa inyo. Naku naku!" si Cécil. Edi subukan niya gawin sakin yan baka masipa ko pa siya ng wala sa oras. "Huwag na natin yan pag usapan, ang gawin natin na lang ay anong sunod na hakbang." pag iiba ko ng topic nila. "Alam mo huwag kana muna kumilos dahil baka mahalata ka. Ikaw ang pinaka malapit sa pamilya mo na pwede gumawa sa kanila nito." paalala ni Sakura sa'kin. "Hindi ako pwede manahimik na lang." sagot ko. "Hindi ka mananahimik kailangan mo lang muna tumahimik ngayon. Dahil kapag sunod sunod ang atake natin, panigurado ikaw ang pag hihinalaan!" si Cécil naman ang nag salita. Wala akong nagawa kundi tumango na lang dahil tama sila. "Oo nga pala kailan pala ang kasal?" tanong ni Cécil. "Panigurado mamadaliin nila ito para matakpan ang kahihiyan ng dalawa mong kuya." segunda naman ni Sakura Hindi malabong mangyari, "Kapag tumawag sakin ang abnoy na Secretary ni daddy panigurado siya ang tatawag sa'kin. Saka mag uumpisa ang kasal thing na ito." walang gana kong paliwanag. Mag sasalita pa lang sana si Sakura ng biglang may nag doorbell. Nag katingan muna kami "Ako na.." wika ni Cécil dahil siya ang malapit sa pinto. Pag bukas niya tumambad sa mukha ko ang pinaka panget na mukhang ito. "About sa preparation ng wedding kuno?" tanong ko kay Georgina Inirapan ko dito at nag salitang muli. "Lumayas ka na ang panget ng atmosphere dito. Pupunta ako sa mansion." pagtataray ko. Ako na mismo ang ang sara ng pinto padamog. "Siya yung hinayupak na Secretary ng pamilya niyo?" tanong ni Sakura. Umirap ako at tumango. "Wala ng iba. Siya ang nag aayos lahat ng pwedeng ayusin!" irap kong sagot na kina tawa nila. "Oh siya mag handa muna ako. Baka uminet pa mga tumbong nila!" paalam ko na lalong kina tawa ng dalawa. Tumawa naman ako at pumasok sa kwarto ko nag hanap ako ng ripped black jeans at t-shirt na white na may design na cherry, v-neck ito. Yun lang at sapatos. Matapos ko ihanda agad akong naligo. Matapos ang pag ligo ko lumabas na ako at nag bihis na ako agad. Hindi na ako nag patuyo ng buhok ko. Paglabas ko ng kwarto ko hawak ko ang lip balm ko. "Kayo na bahala dito ha? Baka doon ako matulog kapag nag tagal ang usapan." paalala ko sa kanila. "Okay good luck!" wika ni Sakura. Inirapan ko naman ito na kina tawa ng dalawa. Bumeso muna ako at tuluyan ng nag paalam sa dalawa. Pag labas ko mabilis akong sumakay sa elevator habang sinusuklay ko ang buhok ko. Nasanay na ako na basa ang buhok kapag lumalabas ng bahay. Noong nasa Japan ako dahil madalas akong late. Sa daan na ako nagsusuklay o kaya naman sa school kasi minsan naka bike ako pumasok. Minsan takbuhin ko na lang yung Subway doon. Pag dating sa first floor lumabas na ako na sakto naman natanaw ko si Gideon na kausap ang guard. Lumapit naman ako at tinago ang suklay kong baby pink ang kulay. "Eto na po pala si Ma'am Maxine Sir." naka ngiting wika ni kuyang Guard. "Good morning kuyang Guard!" masayang bati ko. Ngumiti naman ito yumuko din sakin. Binalingan ko si Gideon. "Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko dito hindi pa ako makuntento sina-maan ko pa ito ng tingin. "Ang ganda ng ngiti mo sa guard pagdating sakin? Daig mo tigreng galit!" hindi maka paniwalang nitong wika. "Eh bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko ulit. "Para sunduin ka. Let's go!" sagot at aya nito. Papalag pa sana ako ng bigla ako nito hilahin. "Alam ko may sasakyan ka. Pero after mapag usapan ng wedding kakain tayo sa labas.." sabi nito. Sina-maan ko ng tingin ito kahit hindi ito nakatingin. "Tandaan mo ayoko sayo!" gigil na wika ko dito. Narinig kong tumawa ito at sapilitan akong tinulak papasok sa loob ng passenger seat. "Ano ba? Hindi ako gamit okay?! Tao ako maka tulak eh!" ines na singhal ko dito. Hindi ako sinagot pero binagsak niya ang pag sara ng pinto. Halos mapatalon naman ako sa kinauupuan ko sa ginawa nito. "Sit belt Mrs. Luxhell.." utos nito. Para naman akong nandiri sa sinabi niya."Eew! Mandiri ka nga! " suway ko dito. Narinig kong tumawa ito, ginawa ko naman ang utos nito hanggang umandar na ang sasakyan. "Don't tell me, kabilang ka sa mga babae na never been kiss, never been touch?" tanong nito. Tiningnan ako nito saglit. "Eh ano naman? At least hindi ako katulad ng mga babaeng nakama mo!" hiyaw ko dito. Natawa ito at nag salita. "Your very wrong my wife. Hindi ako nakikipag talik kung kani-kanino.." sabi nito. Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya at tiningnan ito mula ulo hanggang pababa. "Weeh? Ano 'to joke time? Nice joke ang corny!" sarkastiko kong tanong dito sabay irap pa. Nakita kong umiling ito at nag salita. "Seryoso na. About sa kasal gusto ko legal lahat, ayoko ng matapos ang issue ay may mag fa-file ng annulment. Baka sunugin ko pa ang buong korte kapag na galit ako," wika nito. Marahas kong nilingon ito. "Hoy lalaki! Ano akala mo gusto ko makasal sayo? FYI lang ha? Matapos ng lintik na isyu na ito ako mismo mag file ng annulment!" ines na sigaw ko dito. "At bakit ba atat na atat ka makasal sa akin? Ano dahil sa pera?" akusa ko dito. "Pera? Baka nakakalimutan mo na kung anong trabaho ko ngayon? Kung pera ang gusto ko. Bakit pa kita pakakasalan kung pwede ko gipitin ang kumpanya ninyo ay pilitin kang ibenta sa'kin ang buong kumpanya?!" halos mag labasan na ang ugat nito sa leeg niya at sentido. "Gusto ko magpakasal ka sakin. Matagal ko ng gusto yun, kaya nga nag hintay ako ng napakatagal." bulong nito. Narinig ko naman. "Wow naman! Edi ikaw na!" sarkastiko ko itong pina-lakpakan at matapos inismiran ko ito at tinalikuran ko siya. Hindi ko maintindihan ang lalaking ito atat na atat makasal? Ano bang meron sa kasal na yan? Kikita ba siya d'yan? Lalo akong na bwisit sa naisip ko. Hanggang makarating kami sa mansion, ako unang bumaba at iniwan ito. Sumalubong naman sakin si Celine. "Feeling mo naman mahal ka ni Gideon? Dream on sis, pera mo lang kailangan niya." wika nito. "Talaga ba? Hindi kasi yun ang nakikita ko, nakikita ko kasi patay na patay siya sakin. Oh, baka mainggit ka at maisipan mo mag pakamatay? Oh please ayoko ng sukob sa kasal ko." irap ko dito at nilayasan ko ito. Nakita ko buo ang pamilya ng mukha pera at hudyo dito sa sala. "Siguro naman hindi ka mang gugulo this time?" tanong ni Alisha. "Kung hindi kayo mangunguna my answer is Yes." naka ngiti kong sagot at umupo ako sa tabi ni Cody. Nakita ko naman papasok ang magaling na lalaki habang naka lingkis sa kanya si Celine. "Hindi na ako magtataka kung maging kabit ng bayan yan si Celine someday!" casual na wika ko na kinawala ng ngiti ni Celine. Nakita ko naman si Gideon na tumawa at ito na ang nag alis ng kamay ni Celine sa braso niya. "Celine. Kasama ba sa bucket o last wish mo maging kabit ng A-S-A-W-A ko?" tanong ko habang naka ngiti. Dahan dahan ko pa talaga binigkas ang salitang ' asawa ' "Enough na Maxine. Ito ang gusto namin para sa kasal niyo.." wika ni Alisha. " Bakit pakiramdam ko kayo ikakasal maka pag demand kayo? " tanong ko. Natawa naman si Gideon na ngayon ay katabi ko na. "Tama si Maxine, kami dapat ang mag desisyon hindi kayo." pagsang-ayon ni Gideon sa akin. "Ako ang ama, ako ang masusunod. Dahil hindi mo pikasalan si Celine ang wedding ni Celine ang susundin. Kung anong napag usapan noong kayo ay ni Celine ang nag pla----" Gideon cut my father's off. "Excuse. Ayoko na parang sinalo lang ni Maxine ang wedding na dapat ay kay Celine. I want new and special dahil ikakasal ako sa babaeng gusto ko makasal. Kung iniisip niyo ay business parin ito ay mali kayo." mahabang paliwanag ni Gideon kay papa. Nakita ko paano gumuhit ang galit at inggit kay Celine. Nilingon ko naman si Gideon, bakit ba gusto mo ako makasal sa'yo? Yan ang tanong na nabubuo sa isip ko. "That's unfair! Halos ako isuka mo ng malaman mong ikakasal ka sakin tapos kay Maxine gusto mo mas especial? Dad, Mommy!" parang bata nitong atungal. Umirap naman ako at nag salita. "Hindi ka daw kasi special." pang iines ko lalo dito. Hinawakan naman ni Gideon ang kamay ko at pinisil. Tiningnan ko ito at sumenyas sakin para tumigil ako. "Dad ako na lang ipakasal mo! Gideon, Please alam ko naman dahil sa pera kaya ka pumayag mag pakasal d'yan sa bastarda na yan!" paninigaw ni Celine kay Gideon. "Clean your f*cking mouth Miss Celine. She's my fiancé. At pera? Mali ka dahil kahit wala ang pera at kumpanya ng pamilya niyo. Kaya ko gumawa ng pera. " matalim itong tumingin kay Celine. "Kami ang mag dedisisyon kung kailan ang kasal. But i want it very soon." wika ni Gideon. "Pumapayag na ako na kayo na ang bahala, pero 2 weeks from now kailangan makasal na kayo." wika ni papa. Umirap na lang ako. "Kahit wala pang 2 weeks. We can do that early. "wika ni Gideon. "Kung tapos na ito aalis na kami dahil may date pa kami ng Fiancé ko." paalam ni Gideon Agad naman akong hinila nito patayo. Hindi na ako naka imik o nakapag reklamo man lang nang hilahin ako nito. "Paano mo sila nakaka usap ng ganun? Diba dati kayong close ni papa?" curious kong tanong dito habang naglalakad kami. "Close? Oo siguro nga noon dahil sa business, yun lang." malamig nitong sagot. Pinag buksan naman ako nito ng pinto at ako naman ay pumasok na muna. Nakita kong umikot ito at sumakay ngayon ko lang din napansin na Ferrari pala ang sasakyan na gamit niya. "Saan pala tayo ngayon? Alam ko hindi date ang pupuntahan natin." tanong ko dito. This time mas pinili ko maging mahinahon. Bukas na ulit ako ma-ninigaw. "No I'm serious about the date. We have a lunch date today, nakapag pa reserve na ako. Then may pupuntahan tayo." sagot nito. Agad akong napa tingin sa damit ko. "Ahmm pwede ba tayong umuwi muna? Magpapalit ako, date tapos itong suot ko? Ayoko naman mag mukhang eng-eng doon." wika ko dito. "No, bibili na lang tayo ng susuotin mo kung hindi ka komportable d'yan. But for me it's okay, pwede ko naman hindi isuot ang coat ko para bumagay naman din sa suot mo." wika nito. This time nakaramdam ako ng kakaiba sa puso ko. Yung sinasabi nilang biglang t***k, hindi man ako pamilyar pero alam ko ito kasi lagi ko itong naririnig na sinasabi ng mga kaibigan ko noong nasa Japan ako. "A-ah.. ako na lang ang mag babayad." sagot ko. Gusto ko kurutin sarili kong singit sa pagka utal ko. "Pfft. Okay sige," sagot nito habang nagpipigil ng tawa. Inirapan ko naman ito at nanahimik na lang. Ano bang nangyayari sakin? Bakit bigla akong na ilang sa kanya? Dahil lang sa sinabi niyang iyon? God! Maxine wag kang lumandi ngayon! Kastigo ko sa isip ko at pumukit ako ng marahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD