CHAPTER 4

2893 Words
VALEEN KALALABAS ko pa lang ng banyo dahil naligo ako nang mag-ring ang cell phone ko na nasa ibabaw ng aking kama. Patay! Sa loob-loob ko nang makitang ang kaibigan kong si Fran ang tumatawag. Nagdalawang-isip ako na sagutin iyon. Actually, 4 days na siyang tawag nang tawag sa akin, pero hindi ako sumasagot. Alam ko na dahil 'yon kay Ate Ella, gusto na niyang makita ng personal ang hipag ko. Gusto ko naman talaga, pero kapag naiisip ko na malaki ang posibilidad na makikita ko ang kapatid niya, naiirita ako. Ilang linggo na ang nakalipas mula nang magkrus ang landas namin, pero hindi ko makakalimutan ang kahambugan niya sa akin. Alalahanin mong nangako ka kay Ate Ella na tutulungan mo siya. Piping paalala ng isip ko. Bahala na nga. Baka naman wala doon ang kapatid niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago nagdesisyong sagutin ang pang-apat na tawag ng kaibigan ko. "What happened to you, Val?" Bungad niya sa akin. Bakas ang iritasyon sa boses nito dahil wala man lang hello. "Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?" aniya pa. "Sorry, Fran. Kalalabas ko lang ng banyo." "Wow, ha? So, ano 4 days ka sa loob ng banyo?" Natawa ako sa tonong ginamit niya. "Huwag kang tumawa. Naiinis ako sa 'yo, Val! Ilang araw na akong tumatawag sa 'yo, letse ka!" Napahagikhik ako sa pagmumura niya. Ang sosyal pa rin kasi ng pagkakasambit niya. "I'm serious! At kung hindi ka pa talaga sumagot ngayon, susugod na ako sa bahay mo. Ilang araw na akong nag-aalala dahil akala ko kung napa'no ka na. Ano bang nangyari sa 'yo?" Tuloy-tuloy na sabi niya. Napapangiti ako na umupo sa kama. "I'm fine, Fran. I'm sorry kung hindi ko nasagot ang mga tawag mo. Na-busy ako, eh. Alam mo namang may nangyari sa lolo ko, 'di ba?" May halong katotohanan na sabi ko. Totoo naman na nasa hospital ang Lolo Carlos ko at doon ako madalas sa kaniya. "Sobrang busy ba talaga na kahit isang return call o text ay wala? Grabe, Val, ang daling mag-text para sabihin mong busy ka lang. Letse ka talaga." Pagmumura niya ulit. "Sorry na nga, eh." Narinig ko siyang bumuntong-hininga bago nagsalubong. "May magagawa pa ba ako? At least now, panatag na ang loob ko dahil okay ka lang." "Aw, na-touch naman ako. Thanks for the love, Fran. I love you palagi, my dearest friend." Paglalambing ko para makabawi. "I love you minsan." Natawa ako. Nai-imagine ko ang hitsura niya na halos mamuti ang mga mata sa pag-irap. Katakot-takot na panenermon pa ang inabot ko sa kaniya bago niya nasabi ang tunay na pakay sa kaniyang pagtawag. Si Ate Ella. Gusto na talaga niyang makita. Ramdam ko na sobrang interasado siya sa hipag ko. "Saan ba kami pupunta kung sakali?" tanong ko. "Our house. Nando'n si Mommy, gusto niya ring makilala si Ella." Patay! "Sa bahay n'yo talaga?" "Yes." "Hindi ba nakakahiya? Puwede namang sa ibang lugar tayo." Ayoko sa bahay nila dahil baka nando'n ang kapatid niya. "Marami akong alam na resto, doon na lang tayo?" "No need, Val. Nakapagpaluto na si Mommy for us." Agad-agad? "Parang sure na sure ka na darating kami, ah?" "Yes. Dahil kung hindi ka pa sumagot, susunduin kita sa bahay mo. So, ano? Anong oras kayo darating ni Ella? I really want to meet her in person." Bakas ang eagerness sa boses nito. Mukhang wala na rin akong choice kundi ang um-oo. Nakakahiya rin naman sa mommy niya kung tatanggi pa ako. "I'll call you later, Fran. Kakausapin ko lang si Ate Ella if free siya today. Okay?" Sa huli ay sabi ko. "Sure, Val. Thank you, my dearest friend." Tuwang-tuwa nitong sabi. "Welcome. Sige na, bye." "Bye." ______ PAGKATAPOS NAMING mag-usap, si Kuya Vin ang tinawagan ko para ipaalam si Ate Ella. As I expected, hindi siya um-oo, pero hindi rin humindi. Payagan niya sana si Ate Ella. Hayss, bahala na nga. Pagkatapos kong magbihis, saka ko tinawagan si Francine na darating kami. Laking tuwa ko nang mabanggit niya na ang mommy lang niya at siya ang nasa bahay, saka mga kasambahay. Kaya sabihin ko raw kay Ate Ella na huwag maiilang. Mabuti at sila lang. Matamis akong napangiti habang papalabas ng aking kuwarto. Hindi na ako nagpaalam sa parents ko dahil wala sila rito sa bahay. Nasa hospital sila kay Lolo Carlos. Sa aming mayordoma ako nagpaalam bago umalis. Sakay ng kotse ko, nagtungo ako sa Del Franco Company, naroon kasi si Ate Ella. Pagdating doon, ang secretary niyang si Katherine ang sumalubong sa akin. "Good morning, Madame Val." Bati niya. "Grabe sa madame, Kath, ha?" Nakangiting sabi ko at tinanong kung nasa loob ba ang kapatid at hipag ko. "Nasa loob sila. Tinawag ni Boss V ang ate mo, mukhang magpapa-cute na naman. May gusto kasing pumorma sa ate mo, kaya ayon binabakuran na niya." Pang-mamarites niya sa kuya ko. "Gustong pumorma? The who?" Usisa ko. "Si Engr. Cruz man. Si Samuel ba, ang guwapo niya." May kilig ang boses nito. Natigilan ako. Samuel? "May Samuel dito?" "Meron. Nasa engineering department siya. Ewan ko kung anong meron kay Samuel at parang selos na selos si Boss V. 'Di hamak namang mas guwapo, mayaman, hot at lovable siya kay Engr. Cruz." Napaisip ako. Bakit magseselos si Kuya Vin? Dahil ba si Samuel na ex-boyfriend ni Ate Ella at si Engr. Cruz ay posibleng iisang tao? Pero kung oo, bakit sinabi ni Ate na matagal na silang hindi nagkikita ng ex niya? Ah, baka naman hindi siya 'yon. Kung siya, eh 'di sana magkakilala sila dahil nasa iisang kumpanya sila. Oo nga naman. Malabong iisang tao 'yon. "Wait lang, Kath. Pasok lang ako sa loob, ha?" Paalam ko. "Sige lang." Hindi na ako kumatok. Tuloy-tuloy akong pumasok para lang mapatda nang maabutan kong mainit na nagtutukaan ang mag-asawa. Oh emmm gggg! Natutop ko ang aking bibig. Ang hot nila. Bukod sa mainit silang naghahalikan ay mahigpit ding magkayakap. Gusto ko pa sana silang panuorin, pero mukhang nakita ako ni Ate Ella. Bigla siyang bumitaw kay Kuya at mabilis na itinulak palayo. Ngumisi ako nang mamula ang mukha ng hipag ko. "It's okay, Ate. Wala akong nakita, promise." Tumungo ito. Mukhang hiyang-hiya. "What are you doing here, Val?" Iritableng tanong ni Kuya. Nabitin yarn? "Have you forgotten? Ipinaalam ko sa 'yo si Ate Ella, 'di ba? May lakas kami today." "Pumayag ba ako?" "Hindi pa." “Yes, hindi pa. So, why are you here?” "Papayag ka sa ayaw at sa gusto mo. Miss na ni Lolo Carlos ang asawa mo." Napatingin sa akin si Ate Ella. Bago pa man ako dumating, inabisuhan ko na siya na ngayon kami pupunta kay Fran. Hindi kasi namin puwedeng sabihin kay Kuya na ipapasok kong model ang asawa niya sa kaibigan ko. Bumuntong-hininga si Kuya, sabay kabig sa beywang ng asawa. Ang sweet! Kinikilig ako! "Fine. But promise me na ibabalik mo siya sa akin ang asawa ko before 4pm, understand?" "Loud and clear, Kuya!" Sumaludo oa ako. "Ang one more thing, Val. No boys allowed to touch my wife" "Eyy, possessive?" Tukso ko. "Understand?" "Loud and clear." "Good." Pagkasabi niyon, walang pakundangang siniil ng halik sa labi ang asawa. Matagal. Napaawang na lang ang bibig ko dahil torrid kiss 'yon! "Whoa! That was a mind-blowing kiss, lovebirds," bulalas ko habang abot hanggang langit ang kilig. I'm truly happy for both of them. "Let's go, Ate, bago pa maubos ni Kuya ang labi mo." Pagyayaya ko na ikinapula ng mukha ng hipag ko. "Sige." Bago pa man kami makaalis, katakot-takot na bilin ang ginawa ni Kaya. Mahigpit niyang bilin na huwag kong hahayaan na may umaligid na lalaki sa asawa niya. Ang possessive. Sana all! Lulan na kami ng elevator nang mag-ring ang cell phone ko. Napakunot ang noo ko nang makitang si Kuya Vin 'yon. "Kuya." "Where are you?" "Elevator, why?" "Wait for me." "Ha? Why--" busy tone na ang kasunod kong narinig. "Hintayin daw natin si Kuya, Ate." Imporma ko. "Bakit daw?" "Hindi ko alam. Naku, bilisan na natin, baka nagbago ang isip ng asawa mo!" Dahil doon ay nagmadali na kami ni Ate Ella. Nasa lobby na kami nang may tumawag sa akin. "Val!" Paglingon ko, tumatakbo si Kuya. "Kuya! Why are you here?" Hindi niya ako pinansin. Na kay Ate lang ang atensyon niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang heirloom ni Lolo Carolina na isinuot niya sa daliri ni Ate. "OMG!" V-Vincent…” usal ni Ate na parang maiiyak na. Kahit sino, maiiyak kapag ganito karomantiko ang asawa! “This ring can tell to everyone that you belongs to me. That you are all mine. Mine alone.” Possessive na pahayag ni Kuya. Kilig na kilig ako dahil sa kanilang dalawa. Namasa pa ang mga mata ko because this time, sigurado ako na mahal na mahal na niya ang hipag ko. ______ NAPAPANGITI AKO habang nagmamaneho. Buong byahe kasi, titig na titig lang si Ate Ella sa singsing na bigay ni Kuya Vin sa kaniya. Ako na kapatid lang ay kilig na kilig na, ano pa ba siya? Malamang parang nasa cloud nine ang feeling ni Ate ngayon. Hinayaan ko siyang damhin ang kilig. Kinuha ko lang ang atensyon niya nang nasa tapat na kami ng mansion ng pamilya ni Fran. Pinatuloy kami ng mga kasambahay na sumalubong sa amin. "Val! Ella!" Sabay kaming lumingon ni Ate nang marinig ang tinig ni Fran. Kung nagulat ako nang makita si Sam-kapre sa tabi ni Fran, mas nagulat si Ate Ella. Hindi ko maintindihan, pero bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan. Kahit nang ibeso ni Fran ang ate ko, nakatulala pa rin siya habang nakatingin kay Sam. What's happening? "Ella..." Nabaling kay Sam ang tingin ko nang sambitin niya ang pangalan nito. Kilala niya si Ate? How? “Sam. What's happening?” Si Fran ang nagtanong. “It's her, Fran. It's her. She's the woman who I've been looking for.” Napasinghap ako. Kami ni Ate actually. Hindi ko alam kung kanino ang mas malakas. “Ella, it's me. Samuel Natividad.” Napamaang na lamang ako nang makitang tumulo ang mga luha nito at sinugod ng yakap ang hipag ko. Daig ko pa ang tinulos sa kinatatayuan. Ang Samuel na ex-boyfriend ni Ate Ella at ang Sam na kapatid ni Fran ay iisang tao? Natutop ko ang bibig dahil sa realisasyong iyon. Oh, my God! It can't be. “I've been looking for you, Ella." Dinig kong sabi ni kapre sa hipag ko. Nagkatinginan kami ni Fran, pagkuwa'y muling ibinalik ang tingin sa dalawa. “Thank God I found you…” Pumiyok ang boses nito. Pilit kumawala ni Ate kapagkuwan. "S-Samuel." "Yes, it's me, Mama." Napasinghap ako. Mama? Hindi ko mabilang kung ilang beses akong suminghap habang napapanuod ang eksena nilang dalawa. Kung siya ang ex-boyfriend ni Ate, paano si Kuya Vin? God, hindi puwede 'to! Masaya na sila. Bakit eeksena pa siya--" Natigilan ako. Napatulala nang sapuhin nito ang mukha ni Ate. Gusto ko siyang hilahin palayo, pero anong karapatan ko? “I missed you so much. And I'm sorry for not coming back…” Hindi ko alam kung ano ang eksaktong nararamdaman ko ngayon. Basta isa lang ang nangingibabaw, iyon ay pangamba. “I'm sorry for not coming back, Ella. I'm so sorry.” Puno ng sinseridad na hingi nito ng tawad. “But I am here now. I'll make it up to you.” “So, siya si Ella na ilang taong laman ng panaginip mo? Ang babaeng ilang taon mong hinanap?” Boses ni Fran dahilan para pakawalan ni Sam si Ate. Hinarap nito ang kapatid. “Yes, Fran. She's the one who I've been dreaming of. And I'm so happy that finally I found her again. Unexpectedly.” Nangingilid ang mga luhang muli niyang tinapunan ng tingin si Ate. Akma niyang muling yayakapin si Ate, pero doon na ako nag-react. “I'm sorry to interrupt you guys, but—” Hindi ko natapos ang sasabihin dahil tuwang-tuwa yumakap si Fran sa akin. “Thank you, Val. Thank you for bringing her back to my brother's life. Ilang taong hinanap ni Sam si Ella. And I didn't expect na ikaw ang magiging daan para muling makita ni Sam ang babaeng ilang taong laman ng panaginip niya. Thank you so much, Val.” “Ahm, a-are you sure na si Ate Ella ang babaeng hinahanap ng kapatid mo?” Kumunot ang noo ni Fran. “I-I mean, maraming Ella sa mundo at baka nagkataon lang na magkapangalan sila? Y-You know?” Tumawa si Fran sabay hawak sa braso ko. “No. This is not a coincidence, Val.” “Yeah. It's definitely not.” Pagsingit ni Sam. “R-Really? Paano ka nakatiyak na siya ang babaeng sinasabi mo?" Panghahamon ko. Ayokong maniwala na iisang tao lang ang Ella ni Kuya Vin at Ella niya. It can't be! "It's her. Kilala siya ng puso ko. And I wanted to thank you for bringing her back to me " Umiling ako. “No. I-I didn't bring her back to you. Ni hindi mo na siya mababawi dahil asawa na siya ng kuya ko.” Mahina kong sabi kahit gusto ko nang isigaw sa pagmumukha niya. Kumunot ang noo ni Fran. “Ano ‘yon, Val.” “Ah, sabi ko don't thank me. Hindi ko naman ibinalik sa kapatid mo si Ate Ella.” “You did, Val. Ikaw ang naging daan para muli silang magkita and who knows, baka ito na ang tamang panahon para dugtungan ang naudlot nilang love story, hindi ba?” “I don't think so, Fran.” “Why? You don't believe in second chance, do you?” “Ah—” “Well, Sam is a good catch, Val.” “Mas good catch si Kuya Vin,” mahinang sagot ko. “What did you say?” “I-I— well, I don't believe in second chance.” “Why?” Lumapit ako kay Ate at humawak sa braso niya bago sumagot. “Dahil naniniwala ako na hindi sila pinagtagpong muli para dugtungan ang love story nila kun'di para tuluyang isara ang kabanatang ‘yon ng buhay nila.” Puno ng kumpiyansang sagot ko. Tumawa ang kaibigan ko. "Ang bitter mo, Val." “No. Nagsasabi lang ako ng totoo. Marami akong kilala na pinagtagpo lang pero hindi itinadhana.” “Ikaw talaga, Val. Daig mo pa ang nabigo sa pag-ibig, ah.” “Hindi naman. Doon lang ako sa reality." _______ PAGKATAPOS NANG NAGANAP na eksena kanina pagdating namin, nawala ako sa mood. Naiirita ako dahil maya't maya ang lapit ni kapre sa ate ko. Hindi ako papayag na makalapit siya kaya hindi ako umalis sa tabi ni Ate. Maski nang interview-hin siya ni Tita Helena, ang ina ni Fran. Buong pag-uusap nila, tahimik lang akong nakinig. Sumasali lang ako kapag kinakailangan. Bago kami umalis sa bahay ng mga ito, muling nagpasalamat si Fran, Tita Helena at kapre sa akin. Pero kagaya kanina, pinanindigan ko na hindi ako naniniwala sa second chance kaya walang balikang mangyayari. Nang mapatapat sa stop light, inis na sinabunutan ko ang sarili ko. Patay ako nito! "Feeling guwapo kasi, hmp!" Napatingin ako kay Ate nang tumawa. "Why?" "Kanina ko pa napapansin na parang galit ka sa kaniya." "Galit talaga ako, Ate. Hindi ako papayag na magkabalikan kayo dahil para ka lang sa kuya ko. Kay Kuya Vin ka lang naman, ‘di ba?” “Ate, gago lang si Kuya Vin pero mahal ka niya. Na-late lang siyang ma-realize iyon pero hindi pa naman siya huli sa puso mo, ‘di ba? May laban naman siya sa Samuel na ‘yon, ‘di ba, Ate?” Nataranta na ako. Literal iyong kaba at pag-aalala ko dahil ayokong muling masaktan ang kapatid ko! “Ate, kapag dumating ka sa puntong kailangan mong pumili, puwede mo bang piliin si Kuya Vin? Gago lang ‘yon pero mahal ka no’n, Ate. ‘Wag mong sasaktan si Kuya, please?” Gusto ko nang maiyak para sa kapatid ko. Hindi ko maintindihan, ako ang mas natakot para sa kaniya. “I know na magiging tunog selfish ako pero gusto ko sanang hilingin na sana hindi na lang kayo nagkita ulit. Hindi ko alam ang buong kuwento n'yo ng lalaking 'yon pero ngayon pa lang pakiramdam ko magiging balakid siya sa pagsasama n'yo ni Kuya lalo na't ilang beses niyang naitanong sa akin kung sino si Samuel sa buhay mo. Pero hindi ko masagot dahil hindi ko rin naman alam kung sino siya kung hindi mo pa nabanggit sa akin na may first boyfriend kang Samuel. Noong minsan, narinig ko rin siyang kinakausap si Lolo Carlos at tinatanong kung kilala ang lalaki sa panaginip mo. Pero wala naman siyang nakuhang sagot kasi ‘di ba, hindi na makapagsalita nang maayos si Lolo. Kaya siguradong mapapatay ako ni Kuya kapag nalaman ang tungkol sa pagkikita n'yo ngayon.” Mahabang litanya ko. “Val…” “Lalo na kapag nalaman niya kung sino siya at kung gaano kaguwapo ang kapreng 'yon.” "Huwag kang mag-alala hindi ko sasaktan ang kapatid mo, Val." Kulang na lang ay tumalon ako sa tuwa sa naging sagot ni Ate. Mahigpit ko siyang niyakap. Bumitaw lang ako nang mag-go na ang signal. Walang sa 'yo, kapre. Dahil kay Kuya Vin lang ang asawa niya! Hinding-hindi kita hahayaang makalapit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD