bc

100 Days Sa Piling Mo (Samuel and Valeen Story)

book_age18+
986
FOLLOW
15.5K
READ
family
HE
actor
like
intro-logo
Blurb

SAMUEL AND VALEEN STORY! ILALAYAG KO NA SOON ANG LOVE STORY NILA. PALAMBING PO, PA-ADD TO LIB, PLEASE? Hindi akalain ni Valeen na ang kaniyang pinakaiingatang sarili, na dapat ay para lamang sa lalaking pakakasalan niya ay nagawa niyang maisuko nang gano'n-gano'n lang sa lalaking ni hindi niya nobyo. Kay Samuel Natividad--ex boyfriend ng hipag niya. Nasa isang party lamang siya ng kaibigan niyang si Francine, pero paggising niya ay katabi na niya ang kapatid nito. Pareho silang walang anumang saplot sa katawan habang magkayakap sa ilalim ng kumot. Tumakas. 'Yon ang unang pumasok sa utak niya kaya hindi na niya hinintay na magising ang lalaki at umalis na siya. Handa nang kalimutan ni Valeen ang nangyari ng gabi na 'yon ngunit hindi niya inaasahan na susulpot si Samuel sa harap ng bahay nila para magpumilit na pag-usapan ang tungkol sa nangyari. Gustong panagutan ni Samuel ang nangyari sa kanilang dalawa ng gabi na 'yon. Ngunit hindi niya tinanggap dahil alam niyang hindi siya ang mahal nito kun'di ang kaniyang hipag. Handa na siyang lumayo at mag-pokus sa career niya ngunit nalaman niya na nagbunga pala ang isang gabing ligaya na ginawa nila. Dahil sa batang nasa sinapupunan niya, hindi pumayag si Samuel na hindi sila mag-usap. Hindi raw ito papayag na maging bastardo ang sariling anak-gano'n din naman siya. Hindi napilit ni Samuel si Valeen na tanggapin ang kasal na inaalok niya kaya't nauwi sa isang agreement ang lahat. 100 days na magsasama sa iisang bubong upang pag-aralang mahalin ang isa't isa. Magiging sapat na nga ba ang isang daang araw para matutunan nilang mahalin ang isa't isa? Paano kung isa lang ang mahulog sa kanila? Itutuloy pa ba nila ang pagsasama o tatapusin na lang pagkatapos ng isang daang araw sa piling ng isa't isa? ABANGAN PO ANG LOVE STORY NI VALEEN at SAMUEL! Ilalayag ko na ang buhay pag-ibig nila. Sana'y samahan n'yo ako mula umpisa hanggang dulo.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
Chapter 1 VALEEN Muntik ko nang mabitiwan ang pinakamamahal kong camera nang bigla na lang sipain ni Kuya Vin ang trash bin na malapit sa akin. Nagsalubong ang mga kilay ko nang makitang madilim ang mukha nito. "Galit?" Pabulong na tanong ko. Hindi ko siya pinansin. Pinagtuunan ko ng pansin ang mga pictures ni Ate Ella sa camera ko. Ang gaganda kasi ng kuha niya. Dinaig pa niya ang mga beteranang modelo sa mga pose niya. Ano kayang gagawin ni Kuya Vin kapag nalaman niyang balak kong gawing modelo ang asawa niya----Napaiktad ko nang muling sipain ni Kuya ang trash bin. Natanggal ang takip kaya tumapon ang mga basurang laman niyon. "Ano bang problema mo, Kuya?" Hindi na ako nakatiis. "Kung galit ka, aba'y 'yong kaaway mo ang suntukin mo. Huwag 'yang kawawang trash bin." Hindi niya ako pinansin at muli niyang sinipa ang kawawang trash bin. Kung nakapagsasalita lamang 'yon, malamang kanina pa pinaulanan ng mura ang kapatid ko. Bakit kaya bad mood ang lalaking ito? Hindi kaya nag-away na naman sila ni Ate Ella? Hmm... Mai-text nga ang hipag kong 'yon. Ibinaba ko sandali ang aking camera, saka nag-text kay Ate Ella. "Nag-away kayo ni Kuya Vin, 'no?" Laman ng text ko sa kaniya. Mabilis siyang nag-reply na ikinangiti ko. "Ewan ko d'yan sa kapatid mo. Masama yata ang gising. Ang aga-aga napakasungit." Piping basa ko sa reply ni Ate Ella. Nag-type ako ng ire-reply. "Hindi mo siguro pina-score kagabi kaya mainit ang ulo." Hindi ko mapigilan ang mapahagikhik nang mai-send iyon at mag-reply agad ang hipag ko. "Hindi talaga! Virgin pa ako, 'no?" "Weh? Kepay reveal nga diyan." Napahagikhik ako sa kalokohan ko. "Gaga. Baka mamaya ipakita mo pa sa kuya mong tukmol. Makikita lang niya 'to kung magmamakaawa siya with matching luhod-luhod. Kung hindi niya gagawin, aba! Bahala siyang manigas diyan." Ang lakas ng tawa ko nang mabasa ang reply ni Ate Ella. Kaya bet ko siya dahil pareho kami ng humor. "Taray. Gusto mo pala 'yong niluluhuran, ha? Hamo at sasabihin ko na luhuran ka para hindi na magsungit." "Kung kasama mo siya, pakisabi huwag na siyang uuwi." Natawa ako sa text ni Ate Ella. Nag-reply ulit ako. "Sasabihin ko na umuwi na siya kasi pagbibigyan mo na siya ngayon para mawala ang init ng ulo niya." Pagka-send ko niyon, napatingin ako kay Kuya. Patay! Ang sama kasi ng tingin niya sa akin. Parang gusto niyang ibaling ang init ng ulo sa akin. Tumunog ang cellphone ko. Malamang nag-reply na si Ate Ella. "Nang-iinis ka ba?" Pagsusungit nito. "Hindi. Inaano ba kita diyan? Nakaupo lang ako dito, eh." "Bakit tawa ka nang tawa? May nakakatawa ba?" Napairap ako. "Masama ba? E, sa masaya ako, eh." "Siguraduhin mong hindi ako ang pinagtatawanan mo, Valeencia." "Hindi nga ikaw. Saka bakit kita pagtatawanan?" Halatang hindi pa rin ito kumbinsido sa palusot ko. "O, siya para maniwala kang hindi ikaw, tumatawa ako kasi ka-chat ko 'yong friend ko. Inaway daw siya ng asawa niya kasi hindi niya napagbigyan kagabi. Kaya ayon, mainit daw ang ulo." Pigil ko ang pagtawa nang mapatiim-bagang ito at lalong dumilim ang mukha. Guilty yarn? "Ang oa naman kako ng asawa niya para magalit dahil hindi lang pina-score. Nakakainit ba talaga ng ulo kapag hindi naka-score, Kuya?" Lihim akong natawa dahil sa hitsura nito. Parang gusto niya akong sakalin. "Hindi lang pinagbigyan galit agad?" sabi ko pa. "Nang-aasar ka ba talaga?" Tila napipikong tanong nito. "Me? Aba'y hindi. Kinukuwento ko lang sa 'yo---" "P'wes, hindi ako interasado sa buhay ng kaibigan mo." "Okay. Bakit ka galit? Siguro hindi ka rin napagbigyan ng asawa mo---" "Get out, Valencia!" Pikang utos niya sabay turo sa pintuan. "Out." "Ang init ng ulo mo, Kuya. Ang aga-aga." "Get out, Valeencia. At pakisabi diyan sa kaibigan mo na huwag na siyang magtataka kapag iniwan siya ng asawa niya." "Dahil?" Pang-aasar ko. "Dahil kapag hindi ka pa umalis, ikaw na ang sisipain ko palabas ng opisina ko." "Sabi ko nga aalis na ako. Bye, Kuya." Bitbit ang camera, tumayo na ako at naglakad patungo sa pintuan. Mahirap na. Pasara na ang glass door nang tawagin niya ako. "Yes?" Naglakad siya palapit sa akin. "I have a question." Naghintay ako sa tanong niya. Pero ilang segundo na akong nakatanga sa harapan niya ay hindi naman nagtanong. Bakas sa mukha nito ang tila pag-aatubili. "Magtatanong ka ba o hindi?" tanong ko. "Fine. Sa tingin mo, anong dahilan kung bakit napapanaginipan ng isang tao ang isang tao?" Kumunot ang noo ko. Seryoso ba 'to? "Depende sa sitwasyon at relasyon niya sa taong 'yon." "For example, ex niya. Bakit napapanaginipan pa rin niya?" "Malamang mahal pa niya." Diretsang sagot ko na tila hindi niya nagustuhan dahil lalong dumilim ang mukha nito. "Posibleng mahal pa niya kaya gano'n, pero puwede rin namang hindi na. Baka lang may nakaraan sila na dala-dala niya till now, gano'n." Biglang bawi ko. Hindi ito umimik at tila nahulog sa malalim na pag-iisip. "Alam mo, Kuya, kung ako sa 'yo si Ate Ella na lang ang tanungin mo. Baka masagot niya ng tama ang tanong mo." "Valeencia!" "Nagsa-suggest lang ako. Kung ayaw mo naman, e 'di 'wag. O, siya lalayas na ako. Bye, Kuya." Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita, nagmamadali na akong umalis sa opisina niya. Sakay ng kotse ko, umalis ako ng Del Franco Company at dumiretso sa mall kung saan kami magkikita ng kaibigan kong si Francine. Personal kong ipapakita sa kaniya ang mga kuha ko kay Ate Ella. Sa tingin ko kasi malaki ang potential niya sa larangan ng pagmomodelo. Gandang-ganda kasi ako sa hipag kong 'yon. Hindi siya maputi, pero bagay na bagay sa kaniya ang morena. Habang nagmamaneho, napapangiti ako dahil tiyak na malilintikan ako kay Kuya Vin kapag nalaman niyang ako ang pasimuno sa pag-encourage sa asawa niya na pumasok sa modeling. Nasa in denial stage pa kasi ang kapatid ko na 'yon kahit halata namang gusto rin ang asawa niya. Mas'yado pang pabebe, pero selos na selos naman noong sinabi kong isasama ko si Ate Ella sa panlalalaki. "Tingnan lang natin kung hindi mo bakuran si Ate Ella kapag sumikat na siya. For sure, aamin ka rin soon." Puno ng pag-asang anas ko habang nakatutok sa daan ang mga mata. Ewan ko ba, sobrang gaan ng loob ko sa hipag kong 'yon. Ilang buwan pa lang simula nang maging close kami, pero sobrang lapit na namin sa isa't isa. Siguro dahil same humor and same vibe kami kaya madali kaming nagkasundo. Mabait si Ate Ella. Tatlong taon lang ang tanda niya sa akin. Gustong-gusto ko siya para sa kapatid ko. Hindi naman mas'yadong obvious kaya nga nag-aala kupido na ako para sa kanilang dalawa. Excited na akong magkaroon sila ng little Ella at little Vincent. How about little Valeen? Hindi ka pa excited? Bulong ng utak ko. "Ay 'wag! Baka hindi na ako makauwi sa bahay kapag nagkaroon ng little Valeen. Dapat asawa muna bago anak." Kasal muna bago anak. Bigla ay narinig ko ang munting tinig ni Lolo Carlos sa akin. Ang aking abuelo. "Promise, Lo. Kasal muna bago anak." Nakangiting pangako ko. Ngunit ang ngiting nakapaskil sa mga labi ko ay unti-unting naglaho nang biglang sumingit sa harapan ko ang isang itim na kotse. Kung hindi agad ako nakapagpreno, malamang nabangga ako sa hulihan ng kotse na 'yon. "Tarantado 'yon, ah!" Napilitan ng inis ang magandang mood ko kanina. Binusenahan ko ang driver ng sasakyan, pero hindi ito huminto. Handa na akong gerahin ang driver niyon, pero naalala ko ang palaging bilin ni Daddy at Kuya Vin sa akin na kapag nasa kalsada, huwag na huwag paiiralin ang init ng ulo. Dahil doon, hindi ko na hinabol ang itim na kotse at hinayaan na lamang. Pero hindi na bumalik ang good mood ko. Nabadtrip na talaga ako. Pero hindi ko alam na mas lalo akong mababadtrip nang pagdating ko sa parking lot ng mall ay unahan ako ng kung sino. Gigil na gigil ako nang makilala ang itim na kotseng iyon. "Hindi ako puwedeng magkamali, ito ang kotse na bigla na lang sumingit sa unahan ko kanina." Hindi ko na napigilan ang sarili ko, bumaba ako ng kotse ko at sinugod ang kotseng itim. Kinatok ko ang bintana sa tapat ng driver's side. Nakailang katok na ako, pero hindi 'yon binubuksan ng driver. Sa inis ko, hindi ko talaga tinigilan at nilaksan pa ang katok. "Get out!" nanggigigil na ako. Kanina muntik na akong madisgrasya dahil sa kung sino mang driver nito. Tapos ngayon, bastos na inagawan ako ng parking. Obvious namang ako ang nauna kaysa sa kaniya, pero walang modo! Hindi pa rin bumubukas ang pinto ng sasakyan kaya naman hinampas ko na. "Get out!" Wala namang tao sa parking at kung meron man, I didn't care. Patuloy kong hinampas ang bintana ng kotse. Iritang-irita na talaga ako. Napasigaw ako nang biglang bumukas ang pinto sa driver's seat at lumabas ang isang matangkad na lalaki. "Alisin mo ang kotse mo diyan dahil nauna akong dumating sa 'yo!" utos ko. "Okay, bye, Fran. I'll see you later, sweetheart," sabi ng lalaki sa cell phone na nasa tainga nito, saka ako binalingan. "What the hell is your problem?" Napanganga ako nang makita ang kabuuan ng lalaki. Ang tangkad niya. Parang nasa six-one ang taas. Brown eyes. Mapula ang mga labi. Ang tangos ng ilong, para siyang may lahi. Malapad ang dibdib. Wala yatang puwedeng ipintas sa mukha nito. Marami na akong nakita at nakilala na lalaki, pero ito na yata ang pinakaguwapo sa lahat. "Are you done checking me out?" Baritonong boses na tanong nito. Doon ako natauhan sa ilang sandaling pagkawala sa huwisyo dahil sa hitsura nito. Tiningnan ko siya nang masama. "Late na ako sa lakad ko! Muntik na akong madisgrasya. Sirang-sira na ang araw ko at lahat ng 'yon ay dahil sa 'yo! It was your freaking fault dahil wala kang modo!" "Wow, Miss! Ikaw itong kumatok nang kumatok sa kotse ko tapos ako ang sisisihin mo kung bakit late ka na? It's not my fault, that's yours." Nanliit ang mga mata ko dahil sa inis. Isinantabi ko muna ang paghangang naramdaman para dito at gulat na marunong itong mag-Tagalog. Akala ko kasi Amerikano siya dahil sa kaniyang hitsura. Dinuro ko siya kahit bahagya akong nakatingala dahil sa tangkad niya. "Hoy, Mister. Huwag mong maibalik-balik sa akin ang sisi. Kasalanan mo 'tong lahat! Now, alisin mo 'yang kotse mo diyan at ako ang nauna sa parking na 'yan!" Tumawa ito. "Kung nauna ka, bakit ako ang naka-park diyan?" "Aba't! Dahil gunggong ka. Alam mong papasok na ako, pero inunahan mo 'ko!" "Well, it's not my fault na mas mabilis ako sa 'yo." Lalong uminit ang ulo ko dahil sa sablay nitong katwiran. Huminga ako ng malalim upang kahit papa'no'y kumalma ang dibdib ko. Nanggigigil talaga ako. "Alisin mo ang kotse mo diyan, Mister. Ako ang nauna kaya humanap ka ng parking space para diyan sa kotse mong bulok!" Sa halip na mainsulto, tumawa pa ito dahilan para lumabas ang dimple sa kanang pisngi nito. Napatingin ako sa paligid, may mangilan-ngilang tao na nakatingin sa amin ng lalaki. Ikinalma ko ang sarili ko. Pagkuwa'y kalmadong tinawid ang pagitan namin ng lalaki. Nakatingala pa rin ako. "Aalisin mo 'yang kotse mong bulok o babasagin ko 'yang mukha mo?" Banta ko. "Babasagin? Ang tanong, abot mo ba?" Naningkit ang mga mata ko dahil sa harapang pang-iinsulto niya sa height ko. "Hoy! Ang kapal mo, 5'7 ang height ko!" "Really? I thought 4'11 lang ang height mo." Pinandilatan ko siya, pero ngumisi lang ito at basta na lang akong tinalikuran. Sumakay siya sa kotse niyang bulok at inalis iyon. Tumigil siya sa mismong tapat ko. Nakabukas ang bintana sa gilid nito. "Puwede ka nang mag-park, nene. Inalis ko na ang kotse kong bulok, nakakahiya naman sa 'yo." Nakangisi niyang sabi. "Hindi ako nene!" "Have a great day, nene!" Bago ko pa man maibukas ang bibig ko, naisara na niya ang bintana at umalis. Naiwan na lang sa akin ang itim na usok ng sasakyan niya. Argh! Wala akong nagawa kundi ang manggigigil.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
141.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
82.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
186.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
22.5K
bc

My SEDUCTIVE Innocent LOVER 'James Monteverde' (JAMES & JENNIEL)

read
51.7K
bc

His Obsession

read
92.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook