CHAPTER 5

2413 Words
Chapter 5 VALEEN MULA nang malaman ko na si Kapre ang Samuel na ex-boyfriend ng hipag ko, wala akong ginawa kundi ang paalalahanan si Kuya Vin na bilisan ang kilos. Gusto ko nang sabihin sa kaniya ang tungkol kay Kapre, pero hindi ko ginagawa bilang respeto kay Ate Ella. Pagdating sa pagsasabi kay Kuya Vin ng tungkol doon ay ayaw ko siyang pangunahan. Kaya ang ginagawa ko, todo bakod ako kay Kapre na huwag magkaroon ng chance na makalapit sa hipag ko. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiinis sa mga pinaggagagawa ko. Naging instant stalker lang naman ako para sa kuya ko. Kaloka! Ang gandang stalker ko. Tulad ngayon, narito kami sa studio ni Fran para sa kauna-unahang pictorial ni Ate Ella. Halos hindi ako makapag-focus sa pagkuha ng larawan sa kaniya dahil kay Kapre nakatutok ang mga mata ko. Binabantayan ko talaga ang bawat kilos niya. Nang mag-break sandali, nagpaalam si Ate Ella na magri-restroom muna. Wala sana akong balak na sundan siya, pero nakita kong lumabas din si Kapre ilang minuto pagkalabas ni Ate. Sinundan ko siya para alamin kung saan pupunta. Habang nakasunod sa kaniya, kinakalikot ko ang camera ko. Para hindi mas'yadong obvious ba. Tumigil ito at humarap sa akin. "Sinusundan mo ba ako?" Sa halip na pansinin, nagkunwari ako na walang narinig, saka nagpatuloy sa paglalakad. Nilampasan ko siya, ngunit bago pa man ako makalayo, hawak na niya ang kanang braso ko. "Bakit mo 'ko sinusundan?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Let me go," utos ko. "Sagutin mo muna ang tanong ko. Bakit mo 'ko sinusundan?" Dumiin ang hawak niya sa braso ko kaya pumiksi ako. "Bitawan mo ako." "Sagutin mo muna ang tanong ko, nene." Naghurumintado ang dibdib ko nang tawagin niya na naman akong nene. "Hindi kita sinusundan. Bakit ko naman gagawin iyon? Sige nga." "Bakit nga ba?" "Aba! Ewan ko sa 'yo. Hindi kita sinusundan, okay? Huwag kang feeling." Pagak itong tumawa. "Ako pa talaga ang feeling ngayon? Akala mo ba hindi ko napapansin na binabantay mo ang bawat galaw ko? Hindi lang dito sa studio." Napamaang ako. "Nagulat ka? Akala mo siguro hindi ko alam na sinundan mo rin ako sa isang coffee shop na pinuntahan ko noong isang araw, 'no?" Hala! Nakita niya ako? "Kaya huwag mong idi-deny na hindi mo 'ko sinusundan dahil mas'yado kang halata. Umamin ka nga, may gusto ka ba sa akin?" Napaawang ang bibig ko sa pagiging prangka niya. Sarkastiko itong ngumiti. "Silence means yes. So, gusto mo 'ko?" Hindi agad ako nakahuma. Mas'yadong prangka ang kapre na 'to. Malakas akong tumawa nang makabawi. Nag-isang linya ang kilay nito. "Anong nakakatawa?" Pikon niyang tanong. "Anong nakakatawa? Malamang, ikaw! Mas'yado ka namang ambisyoso para isipin na may gusto ako sa 'yo. For your information, hindi kita gusto. At kung nando'n man ako sa coffee shop kung saan ka rin nando'n, it doesn't mean na sinusundan kita. Anong akala mo, ikaw lang ang may karapatang pumasok sa coffee shop na 'yon? Hindi lang ikaw ang may pambili, 'no?" Pagtataray ko upang pagtakpan ang katotohanan. "At saka palagi ako roon, kaya tigilan mo 'yang kakabintang mo na sinusundan kita. Feeling mo!" dagdag ko. Tumaas ang gilid ng mga labi nito. "Sa tingin mo, bebenta sa akin 'yang palusot mo? And by the way, 'yong coffee shop na pinuntahan mo kuno para magkape ay pag-aari ko. And I asked my staff kung palagi kang pumupunta roon, pero ang sabi nila first time mo raw doon?" Oh, fvck! Piping pagmumura ko. Kung gano'n sukol na sukol na ako ng kapre na ito. Pero hindi ako papayag na mapahiya sa harap niya. "Iba-iba ang staff na naka-duty do'n." Panghuhula ko. "At saka maraming tumatambay do'n. Malamang hindi na nila ako namumukhaan, 'no? Saka palagi akong nasa pinakadulo." "Liar." Tahasang akusa niya sa akin. "Hindi ako sinungaling." "Mamatay?" "Mamatay ka, lol!" Pigil ko ang pagtawa nang lalong umasim ang mukha nito. "Kahit magpalusot ka pa, buking ka na. Why? Dahil hindi ko in-allow na may umupo roon kaya imposible 'yang sinasabi mo." Inirapan ko ito. Iyon na lang ang nagawa ko dahil wala na akong maidahilan. Kasi kung siya nga ang may-ari ng coffee shop na 'yon, malamang kabisado niya ang rules. Sa halip na makipagtalo, hindi na ako nagsalita at nagpasyang bumalik na lang sa studio. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo nang muli niyang pigilan ang braso ko. "What?" Asik ko nang humarap dito. "I don't like you. So, please don't follow me again." Muling uminit ang bumbunan ko dahil ipinamukha na naman niya sa akin na hindi niya ako gusto. Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "I don't like you either. At sige, aaminin ko sinundan nga kita. Pero hindi iyon dahil may gusto ako sa 'yo kundi dahil wala akong tiwala sa pagmumukha mo. Kahit kapatid ka ng kaibigan ko, wala pa rin akong tiwala sa 'yo. Hindi ko gusto ang pag-aligid-aligid mo sa alaga ko!" Tukoy ko kay Ate Ella. "Iyong alagang sinasabi mo ay babaeng pinakamahalaga sa buhay ko. Sa tingin mo may gagawin akong masama sa kaniya?" "Wala akong pakialam sa 'yo. Basta wala akong tiwala sa pagmumukha mo. At bilang handler/manager/ friend ni Ate Ella, karapatan kong protektahan siya. Gets mo?" Mataray na tanong ko. Pinaningkitan niya ako ng mga mata at tila nagtitimping bumuntong-hininga. "Magpasalamat ka dahil kaibigan ka ng kapatid ko dahil kung hindi..." "Dahil kung hindi ay ano? Papatayin mo 'ko? Ilalagay sa drum tapos itatapon sa gitna ng dagat, gano'n ba?" Nangilabot ako sa sarili kong kabaliwan. Tumawa ito. Hindi ko alam kung tama ba 'yong nakita ko sa mga mata niya. Amusement. "Kapapanuod mo 'yan ng mga walang kwentang palabas sa kung saan-saan," aniya at nilampasan ako. Susundan ko pa sana siya nang mapahinto ako dahil narinig ko ang huling sinabi niya. "Gandang babae, pero praning." Ano raw? Tama ba 'yong narinig ko? Maganda daw ako? Ilang sandali na siyang wala sa paningin ko, pero tila napako sa kinatatayuan ko ang mga paa ko. Sinabi ba talaga niya 'yon? Pinilig ko ang ulo ko para matauhan. Sige, Valeen, tunganga pa para makalapit siya sa hipag mo. Nanlaki ang mga mata ko, saka malalaki ang hakbang na bumalik sa loob ng studio. Naningkit ang mga mata ko nang madatnan na naroon na si Ate Ella, katabi niya si Kapre. "Ate, let's continue." Tawag ko. Kaagad namang bumalik si Ate sa puwesto niya kanina kung saan ko siya kinukuhanan ng mga larawan. Nahuli kong nakatingin sa akin si Kapre. Tinaasan ko siya ng kilay ng magtama ang mga mata namin. Napailing na lamang ito at lumabas. Naiwan kami ni Ate Ella sa loob ng studio at ang iba pang staff ni Fran. Itinuloy namin ang pictorial. NATAPOS NAMIN 'yon na pawang mga nakaita. Ang ganda at galing kasi ni Ate Ella. Bukod pa roon, hindi na nagpakita ang kapre kaya masaya ako. Literal. Nag-aayos na ako ng mga gamit ko nang bumukas ang pinto. Iniluwa niyon si Kapre. Bago pa man ako maka-react, nasa tabi na siya ni Ate Ella. "Maaga pa naman, can I invite you for a coffee?" Narinig kong tanong nito kay Ate. Basta ko na lang inilagay sa loob ng bag ang mga gamit ko at may pagmamadaling lumapit sa mga ito. "No. She can't!" Nagkaroon ng gatla ang noo nito. "The last time I checked, hindi ikaw ang tinatanong ko." "Alam ko. Pero hindi sasama si Ate Ella sa 'yo." "Huwag kang paladesisyon, hindi ikaw ang kinakausap ko." Halatang pikon na ito sa akin. Pero wala akong paki. Dahil ako man ay pikon na rin sa kaniya. "Matuto kang ilagay sa lugar 'yang sarili mo." Banat pa nito na lalo ikinainit ng ulo ko. "Hambog!" Gigil na sabi ko. "Hindi ako hambog. Paladesisyon ka lang talaga. ‘Wag mong pangunahan si Ella dahil siya ang magdedesisyon kung sasama siya sa akin o hindi.” “Baka nakakalimutan mong manager niya ako? Hindi lang niya ako manager dahil kapatid ako ng asa—” “Hey, what's happening here?” Si Fran. At kung hindi siya dumating, nadulas na sana ako na asawa ng kapatid ko si Ate Ella. "What's the matter, guys?” Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ng kapatid niya. Napabuntong-hininga ako. "I'm sorry, Fran, medyo maangas kasi 'yang kapatid mo." Natawa ito at binalingan ang kapatid. "Hey, bakit mo inaaway ang kaibigan ko?" "Paladesisyon, eh." "Aba't, hoy!" "Hep, hep, hep! Enough, guys." Natatawang awat nito sa aming dalawa. "Nagsisimula pa lang kayo na makatrabaho ang isa't isa, pero magkaaway na kayong dalawa. Nagsisimula pa lang tayo sa career ni Ella at malayo pa ang tatahakin natin. Kung hindi n'yo kayang maging magkaibigan, kahit maging civil na lang kayo sa isa't isa, okay? At saka, teka nga lang? Bakit mas'yado kayong mainit sa isa't isa? May isyu ba kayo, guys?” “Walang isyu sa akin, Fran.” Si Samuel. Umikot ang mga mata ko. “Wala ring isyu sa akin. Hindi ko lang talaga trip ang kahambugan niyang kapatid mo, Fran.” Natawa ito sabay iling. “Daig n'yo pa ang mga bata, guys. Ang mabuti pa, mag-cold coffee tayong apat para naman lumamig ang mga ulo n'yo. Ang init-init na nga ng panahon, sinasabayan n'yo pa.” Nagpatiuna na itong maglakad. Huminto ito nang hindi kami sumunod. “Come on, let's go, guys. Don't worry, my treat. Deserve ni Ella ang libre ko because she was doing good. Advance celebration na rin dahil alam kong papatok ang new brand ko dahil sa model ko. New brand, new design, new star, new face.” Udyok nito, pero walang kumilos. "Come on, guys." "Puwede bang tayo na lang tatlo, Fran? You know, girls time." Hirit ko. "Paladesisyon talaga." Pasaring niya, pero dedma ko lang. "I'll go with you, Fran. Gusto kong makasama si Ella." Kulang na lang ay malaglag ang panga ko. Talagang pinapainit ng kapre na ito ang bungo ko. Nabaling sa akin ang atensyon ni Fran. "How about you, Val? Are you coming?" Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang unahan ako ni Kapre. "Kung ayaw sumama ng kaibigan mo, tayo na lang." Nilingon ko ito habang may naglalarong ngisi sa mga labi. "Sinong may sabi sa 'yo na hindi ako sasama? Sasama ako kahit hindi ko trip ‘yang kahambugan mo. Dahil kung nasaan si Ate Ella dapat naroon din ako. Mahirap na, madaming aso sa paligid baka makagat siya.” Natawa si Ate Ella at Fran. Akmang sasagot pa ito, pero inawat na ng kapatid. Habang pababa ng building kung nasaan ang studio ni Fran, angilan pa rin kami nang angilan. Nunka akong magpatalo sa kapre na 'to. Bahala na kung sino ang unang mamatay sa aming dalawa dahil sa inis sa isa't isa. Magkaagapay ang magkapatid habang nakaabresyete ako sa braso ni Ate Ella. "'Yan ba talaga ang Samuel na sinasabi mong mabait, Ate? Bakit parang hindi naman." Sinadya kong lakasan ang pagkakasabi para marinig niya. "'Yan ba talaga 'yong ex mo? Kasi kung oo, anong nagustuhan mo riyan?" Natawa si Ate at pabiro akong siniko sa tagiliran. "Marinig ka." "Ay wala akong paki sa kapreng 'yan." "Ikaw talaga." PAGDATING SA parking lot, nguna-nguna na akong umupo sa front seat. Nang makasakay si Kapre sa driver's seat, tinapunan niya ako ng nakamamatay na tingin pero ngumisi lang ako. Akala mo makakatabi ka sa ate ko, ha? Manigas ka! Laman ng isip ko habang nakatingin dito. Iiling-iling itong nagbawi ng tingin at saka binuhay ang makina. Sandali lang niyang pinainit at umalis na kami. ______ TAPOS NA KAMING magkape nang tumunog ang cellphone ko. Kaagad akong nag-excuse sa kanila nang makitang si Mommy ang caller ko. Dahil hindi ko mas'yadong maintindihan si Mommy, lumabas ako sandali. Wala namang importanteng sinabi si Mommy, pinaalalahanan lang niya ako na huwag akong magpapagabi dahil kailangan naming mag-usap. Kung tungkol saan, hindi ko pa alam. Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Mommy, bumalik na ako sa loob. Pero dahil nakaramdam ako ng ihiin, sa restroom ako dumiretso. Para lang mapatda sa naabutang tagpo roon. Si Ate Ella, kausap si Sam. Ang lumapit ang unang gusto kong gawin, pero hindi ko alam kung bakit hindi ko maihakbang ang mga paa ko. Nakatingin lang ako sa kanila, particular kay Sam na umiiyak habang hawak sa balikat si Ate Ella. "Ang dami kong gustong linawin para maayos ang lahat at hindi kakayanin ng isang oras ang mga gusto kong sabihin. Para lang maayos tayo at iyong pangako ko sa ‘yo, walang nagbago. Ikaw pa rin ang gusto kong pakasalan. Ikaw pa rin, Ella. Ikaw pa rin. Ikaw lang.” Nasapo ko ang aking dibdib. Parang biglang nagkaroon ng bara kaya hindi ako makahinga nang maayos. Habang naririnig ang pinag-uusapan nila, kahit papa'no ay nakaramdam ako ng simpatya para kay Sam. Damang-dama ko 'yong pagmamahal niya kay Ate Ella. Lalong sumikip ang dibdib ko nang makitang tuloy-tuloy na tumulo ang mga luha ni Sam habang nagmamakaawa kay Ate na ayusin nila ang lahat. “Ako pa rin naman, ‘di ba?” Narinig kong tanong nito kay Ate. “S-Samuel…” “O, k-kasama sa n-nagbago ang… ang nararamdaman mo para sa akin?” Habang pinapanuod ko sila, pakiramdam ko biglang si Kuya Vin ang kotrabida sa relasyon nila. “M-May iba na ba? H-Huli na ba a-ako? May m-mahal ka na bang iba?” garalgal ang boses na sunod-sunod nitong tanong nang hindi sumagot si Ate. Umiiyak lang din ito. "Tell me. Gusto kong marinig kung kasama sa nagbago ang pagmamahal mo sa akin. Tell me, please?” Pagmamakaawa nito. Nang mga sandaling 'yon hindi ko alam ang eksaktong mararamdaman dahil nakikita kong nag-iiyakan silang dalawa, na tila ba mahal pa rin ang isa't isa. Iyong sakit na nakalarawan sa mukha ni Sam, parang biglang tanggal ang angas niya. Kung gaano siya kahambog pagdating sa akin, gano'n naman siya kalambot pagdating sa babaeng mahal niya. But the end of the day, kay Kuya Vin pa rin ang simpatya ko. At ngayon ay hindi ko itatanggi na nanasaktan ako para sa kapatid ko dahil kayakap ng asawa niya ang lalaking mahal nito noon. Nagseselos ako on behalf of Kuya. Paano kung si Sam pa rin ang mahal ni Ate? Paano kung hindi niya piliin si Kuya? Ayoko nang makitang lugmok ang kuya ko... Ayoko na. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako kung hindi pa nabasa ang kamay ko. Pumatak na pala ang mga luha ko. At bago pa man ako mas masaktan, tumalikod na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD