CHAPTER 7

2657 Words
CHAPTER 7 VALEEN NAKUMPIRMA kong sinusundan ako ni Sam dahil nang huminto ako sa isang convenience store para bumili ng tubig ay huminto rin siya. Sa mismong likuran ng sasakyan ko, pumarada ang sasakyan niya. Hindi ko na lang pinansin. Bumaba ako ng sasakyan ko at dumiretso sa loob ng convenience store. Malamig na malamig na tubig ang kinuha ko, medyo nahihilo kasi ako. Nakakaramdam na rin ako ng antok kaya kailangan ko ng pampagising, lalo pa't malayo-layo pa ang bahay ng parents ko. Pagkatapos kong bayaran ang tubig, lumabas na rin ako. Para lang mapatda nang makitang nasa labas si Sam. Tiningnan ko lang siya, saka naglakad pabalik sa sasakyan ko. Tumikwas ang kilay ko nang maramdaman na sumunod siya sa akin hanggang sa sasakyan. "Binabantayan mo ba ako?" Hindi ko na napigilang magtanong. "Nagkibit-balikat ito at tumingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ng tingin. Kinabahan ako nang makita ang dalawang lalaki kanina sa bar. "Oh, my God! Sinundan nila ako?!" Hintatakutang bulalas ko. Wala sa loob na napaatras ako. Dahilan para bumangga ang likod ko sa malapad na katawan ni Sam. Tila napapasong lumayo ako rito. "Sinundan kita dahil pag-alis pa lang natin sa parking lot kanina, napansin ko nang may kotseng nakasunod sa 'yo. Nakumpirma kong sila ang dalawang lalaki sa bar nang bumaba sila." Paliwanag nito. Napahiya ako. Nag-feeling maganda ako sa part na akala ko sinusundan niya ako, pero dahil pala 'yon sa dalawang lalaki kanina. "Thank you." Bukas sa loob na pasalamat ko. "Ngayon alam mo na kung bakit hindi magandang magsuot ng mga klase ng damit na kagaya ng suot mo?" Nainis na naman ako. "Hindi ba puwedeng welcome na lang ang isagot mo?" "Hindi. Gusto lang kitang paalalahanan. Palagi kang kasama ng kapatid ko at ni Ella, ayokong mapahamak sila dahil kinursuda ka ng mga lalaking namamanyak sa 'yo dahil sa suot mo." Hindi ako nakaimik. Si Fran at Ate Ella naman pala ang inaalala. Isang tipid na ngiti ang iniwan ko sa kaniya bago tuluyang sumakay ng sasakyan ko. Sinundan niya ako. Habang binabagtas ang daan pauwi, biglang nagbago ang isip ko na sa Del Franco hotel tumuloy instead na sa bahay ng parents ko. Naisip ko na kung nakasunod sa akin ang dalawang lalaki, malalaman nila ang bahay ko. At least kung sa hotel, matindi ang seguridad doon at hindi puwedeng makapasok ang hindi doon nakatira. Pagdating sa gate ng hotel, nakilala ako ng security at agad na pinapasok. Bago ako dumiretso sa basement, nagbilin ako sa security na baka may mapansin sila na nakaaligid na sasakyang itim. Pagdating ko sa unit ko, saka pa lang napanatag ang loob ko na ligtas na ako mula sa dalawang manyak na iyon. Bago humilata, naglinis muna ako ng aking katawan. Medyo nawala ang hilo ko dahil doon. Nakahiga na ako sa aking kama nang mag-ring ang cell phone ko. May tumatawag mula sa unknown number. "Sino kaya 'to? Madaling araw na tumatawag pa." Napipilitang sinagot ko ang tawag. "Hello?" Walang sagot. "Hello?" Ulit ko. "Who are you?" "It's me," anang baritonong boses mula sa kabilang linya. Napabalikwas ako ng bangon nang makilala ang boses nito. "Where did you get my number?" "From you." "What? At bakit ko ibibigay sa 'yo ang number ko?" Narinig ko siyang tumawa. "Hindi ko ibinibigay sa iba ang number ko." "Really? Sa pagkakaalam ko ikaw ang nagbigay nito sa akin. Hiningi ko sa 'yo ang number ni Ella last time, right? But you gave me your personal number instead of Ella's phone number. Remembered?" Napaawang ang bibig ko nang maalala ang ginawa ko. Oo nga pala! Noong hiningi nga pala niya ang number ni Ate, number ko ang ibinigay ko. Isang beses na siyang tumawag sa akin noon, at galit na galit nang malaman na maling number ang ibinigay ko. "Do you remembered now?" Untag niya sa pananahimik ko. "Yes. O, bakit tumawag ka? Alam mo nang akin 'to, 'di ba?" Nilakipan ko ng pagtataray ang boses ko para hindi ako mapahiya. "Nothing. I'm just wanna make sure na ligtas ka. Francine asked me if you are safe." "Oh, yeah. I'm safe. Pakisabi sa kaibigan ko, ligtas ako. Thanks and good morning!" Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita, pinatay ko agad ang tawag. Bago ko itabi ang cell phone ko, nag-chat muna ako sa mommy ko na sa unit ko ako umuwi. As I expected, gising pa siya dahil nakapag-reply pa. Para hindi na humaba ang usapan, sinabi ko na lang na hindi ko na kinayang mag-drive ng malayo kaya dito na ako tutulog. Dahil sa nainom ko, madali akong hinala ng antok hanggang sa tuluyang makatulog. ______ KINABUKASAN, nagising ako dahil sa pag-iingay ng cell phone ko. Nakapikit pa ang mga matang kinapa ko ang cell phone at sinagot nang hindi na tiningnan kung sino ang istorbo sa pagtulog ko. "Val, I need your help." Napaungol ako nang marinig ang boses ni Fran. "Ang aga pa, Fran. Antok pa ak--" "Please, Val. I need your help." Nasa tono nito ang pakiusap. "Ano bang tulong? Inaantok pa talaga ako." "Naaksidente ang photographer ko, may photoshoot kami ngayon dito sa studio. Nagagalit na 'yong manager ng isang model ko, Val. Inaaway na niya ako. Please, I need your help." Napilitan akong bumangon dahil mukhang desperada na itong mapa-oo ako. Hindi gawin ni Fran ang mang-abala kung hindi naman talaga kailangan. Kaya alam kong kailangan niya talaga ang tulong ko. "Hindi ako kasing galing ng professional photographer mo diyan, Fran. Pero kung kailangan mo talaga ang tulong ko, sige. Basta--" "Thank you, Val! Thank you so much!" putol niya sa anumang sasabihin ko. "Bilisan mo na, ha? I need you here na talaga. Baka maubos na ang pasensya ng manager nitong model ko!" "Okay. Maliligo lang ako--" "Huwag na! Magtatagal ka pa kung maliligo." "Ha? Pero--" Wala na akong natapos sa mga sinasabi ko dahil sa maya't maya niyang pagputol. "Sige na, please? Dito ka na lang maligo after the photoshoot, okay?" Paglalambing niya. "Fine. Sige na, bye." Tinapos ko na ang tawag niya at may pagmamadaling nagpalit ng damit. Ayoko namang pumunta sa studio niya na naka-nightties. Hindi na ako nagtagal at umalis na rin sa unit ko. Sa studio ni Fran ako dumiretso. Pagdating ko roon, may staff niya na sumalubong sa akin at sinamahan ako sa loob. Nadatnan ko na mataas na ang boses ng isang babaeng kausap ni Fran. "Napaka-unprofessional n'yo namang katrabaho! Late na ang alaga ko sa next appointment niya dahil sa mga staff mong un-proffessional." "Madame, parating na ang photographer ko. Malapit na po siya. Pasensya na talaga." Aligagang paliwanag nito sa babae. "Malapit? Kanina mo pa sinasabi 'yan, ah!" "Opo, pasensya na talaga. Pero malapit na po talaga siya." "I'll give you another 5 mins. Kung wala pa rin siya, I'm sorry-- "Fran." Tawag ko sa kaibigan ko upang patigilan na ang babae. Kitang-kita ko kung paano lumiwanag ang mukha nito nang makita ako. Patakbo siyang lumapit sa akin. "Thank you for coming, Val. Galit na talaga siya." Nakangiwi nitong salubong sa akin. "Of course darating ako. Let's start para matapos na 'to." "Sige, sige. Thanks, Val." Pasalamat niya bago namin sinimulan ang photoshoot. Habang isinasagawa ang photoshoot, mutaktak pa rin nang mutaktak ang babae. Parang ang model na lang nito ang nahihiya sa sarili niyang manager. Though, naiintindihan ko naman ang ikinakainit ng ulo niya, pero nag-sorry na si Fran, eh. Pagkatapos ng photoshoot, ako mismo ang nagpasalamat at humingi ng pasensya sa model ni Fran. Mabait naman siyang kausap. Naiintindihan daw niya dahil aksidente ang nangyari kaya wala ang photographer na dapat ay nandito. Kung mabait ang model, balasubas naman ang manager dahil hindi pa rin ito tumigil kahit tapos na. Nagpantig ang tainga ko sa huling sinabi nito kay Fran na ito na raw ang huling tapak nila sa studio, na mas malaki raw ang mawawala sa kanila dahil sa mga taong unprofessional. Na kesyo sayang lang daw ang oras nila dito. Nakikita kong nagtitimpi lang si Fran na huwag itong patulan. Marami din kasi kami dito sa loob. "Mawalang-galang na ho, Madame." Singit ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nito. "Tapos na po ang photoshoot. Maaari na po kayong umalis para hindi na lalong masayang ang oras ninyo rito." "Aba't!" Galit nitong sabi. "The door is open, Madame. You may leave now." Pinandilatan niya ako ng mga mata. Halatang nagulat sa sinabi ko. Sa halip na masindak, itinuro ko ang daan palabas ng pintuan. "You b***h!" Asik niya sa akin. Susunggaban niya sana ako kung hindi lamang napigilan ng model na kasama nito. "That's enough, Mamita. Nag-sorry na sila, okay na 'yon," ani niya at sinamahan na palabas ang manager niya. Mayamaya'y bumalik ito na mag-isa na lamang at humihingi ng paumanhin ang mga mata na tumingin sa aming dalawa ni Fran. "Thank you for understanding, Miss Bianca. Again I'm so sorry for inconvenience." Pagpapakumbaba ni Fran dito. "It's fine. I understand. Pasensya na rin kayo sa inasal ni Mamita. Mainit talaga ang ulo niya, nadagdagan lang dahil na-late na kami sa next appointment namin." Paliwanag nito. "Naiintindihan din naman namin siya kaya lang sumusobra na siya sa mga sinasabi niya, eh," sabi ko. "Aksidente kasi 'yong nangyari, wala namang may gusto niyon. At isa pa, lahat naman tayo ay naabala dito," dagdag ko. "Yeah. That's why I understand. Anyway, thank you, Miss Fran. I got to go." Paalam nito bago tuluyang lumabas. Nang sumara ang pinto, saka pa lang kami nakahinga nang maluwag ni Fran. Nanlalata itong umupo sa couch. Tumabi ako sa kaniya at pabirong hinagod ang likod. "Ang init ng ulo ni Mamita." Natatawa kong sabi na ikinangiti niya. "Nakakaawa siguro ang asawa niya, 'no? Napakaingay, my God!" Eksaheradang sabi ko muli. "Kung hindi pa siya tumigil, bubusalan ko na sana ang bunganga niya, eh. Napakaingay. Ang sakit sa ulo ng boses niya." "True. Pero thank you, dumating ka on time." Puno ng sinseridad na palasalamat niya. "You're welcome. Ikaw pa ba? Pero seryoso, nawala ang antok ko sa manager ng model mo." "Ako rin. Pati sakit ng ulo ko nawala. Akala ko mag-back out na talaga sila. Gustong-gusto ko pa naman si Miss Bianca, kaya kahit bungangera ang manager niya, keri lang." "She's smart." "Kaya nga gusto ko siya, eh." Ilang sandali pa naming topic ang kaaalis lang na model niya. Mayamaya'y napunta sa nangyari kagabi ang usapan namin. Nalasing daw siya kagabi kaya hindi na niya alam na nakatulog siya. Habang nagkukuwentuhan kami, nagpadeliver siya ng kape. "May next photoshoot ka pa?" Tanong ko. "Hmm, may dalawa pa." "Okay. Ako na ang kukuha ng mga pictures. Wala rin naman akong gagawin today." Lumiwanag ang mukha nito. "Talaga?" "Oo. Ayaw mo ba?" "No! Of course I want it! Itatanong ko pa nga lang sana kung puwedeng ikaw pa rin ang photographer, bumubwelo lang ako. Eh, nag-offer ka na. Tatanggi pa ba ako?" "No problem. Basta pakapehin mo 'ko." Ngumiti ito. "Sure. Kahit isang drum ng kape, walang problema." "Yaman." "Siyempre." Kung saan-saan pa napunta ang usapan namin habang naghihintay ng kape. Hindi nagtagal, dumating na ang kapre este kape. Kapre na may dalang kape, actually. Mukhang nagulat ito nang makita ako. Binati nito ang kapatid habang sa akin ay simpleng tango lamang. Nailang ako nang umupo ito sa mismong tapat ko. At dahil mahaba ang biyas niya, halos madikit na sa tuhod ko ang tuhod niya. Inilayo ko ang tuhod ko at sumimsim ng kape. Napaangat ako ng tingin nang marinig ko itong tumawa. "Pinagtatawanan mo 'ko?" "No." "No? So, anong nakakatawa?" "'Yang pantalon mo. Saan mo ba nabili 'yan? Hindi pa yata tapos, kinuha mo na." Bumaba ang tingin ko sa aking pantalon. Ripped jeans kasi 'yon kaya malaki ang butas sa bandang hita hanggang baba ng tuhod. "Design 'yan. Saang planeta ka ba galing at hindi mo alam ang ripped jeans?" Hindi ito sumagot kaya napilitan akong tumingin sa mukha niya. Napanganga ako nang makita ang malaking pasa sa kanang pisngi niya. "A-Anong nangyari diyan?" Huli na nang ma-realize ko na tunog concern ang tonong ginamit ko. Tumaas ang sulok ng labi nito sabay himas sa pisngi. "Anong nangyari dito? Nasapak lang naman ako dahil sa babaeng iniligtas ko kagabi." "Sana nilagyan mo ng yelo pagdating sa bahay mo para hindi nagkapasa." "I did." Tumango-tango ako. "Pasensya na at salamat pala." Ngumiti ito kaya napangiti rin ako. "Ehem." Sabay kaming napalingon kay Fran. May nanunuksong ngiti sa mga labi nito. "May na-missed out ba ako kagabi?" "Wala." Sabay naming sagot ni Sam. Natawa ito. "Bakit parang ang defensive naman? Nagtatanong lang ako, guys. Kung wala, eh 'di wala," ani niya. Mayamaya siniko ako sa tagiliran. "May utang kang kuwento sa akin, ha." Iyon lang at iniwan niya ako sa kapatid niya. May kukunin lang daw siya sa opisina niya. "Kumusta si Ella?" Tanong niya nang mapagsolo kami. "She's good. Masaya na siya sa piling ng kapatid ko. They're busy to make a babies. Gustong-gusto na nilang magka-baby kaya ayon, double time sila ni Kuya Vin. Kaya kung nagbabalak ka pang umeksena, naku 'wag na. Bukod sa masasaktan ka lang, wala ka na ring mapapala kasi in love na in love na sila sa isa't isa. Masayang-masaya na sila kaya kung ako sa 'yo mag-move on ka na lang." Tuloy-tuloy na litanya ko. Bahagya pa akong hiningal dahil hindi yata ako huminga hanggang sa matapos magsalita. "Simpleng she's good ay okay nang sagot. Ang dami mo pang sinabi." Napairap ako. "Para lang ma-realize mong hindi ka na dapat umeksena." Kumunot ang noo nito. "Why? Umieksena pa ba ako? I know my place, Val." "Don't call me Val. Close friends ko lang ang tumatawag sa akin niyan." Napailing ito. "Okay, Valeencia." Pinandilatan ko siya ng mga mata. "Don't call me Valeencia!" Eksaheradang sabi ko. Nababantutan talaga ako sa real name ko. "Ano ang itatawag ko sa 'yo kung gano'n?" "Miss Ganda o kaya Miss Sexy." Umasim ang mukha ko nang malakas itong tumawa. Napatingin ang ilan sa staff ni Fran. Tawag pansin kasi ang tawa at kagwapuhan nito. "Okay, Miss Siksik." "Sexy! Anong siksik?" Tumayo ako at ipinakita sa kaniya na wala akong bilbil, na sexy ako. Good thing, suot ko ang cup C kong bra kaya medyo malaki ang hinaharap ko. "Oo na, sexy ka na. Pero ayusin mo 'yang bra mo, tabingi yata. Wala sigurong kapitan--" "Hoy!" Awtomatikong napatingin ako sa hinaharap ko at pagkuwa'y pinandilatan ito. Umalingawngaw ang malutong nitong tawa sa buong studio. Ba't ba ang guwapo ng kapreng ito? _________ NANG BUMALIK si Fran, kasama na niya ang next model niya. Ang problema, dalawa dapat sila, pero isa lang ang dumating. "Paano ba 'to? Puro aberya naman. Nakakainis na." Himutok ni Fran, pero agad nagliwanag ang mukha nang mapatingin sa akin. Tingin pa lang niya, gets ko na. Nakumpirma ko na tama ang iniisip ko nang sabihin niya sa akin na ako muna ang kapalit ng model niyang wala. Wala akong nagawa nang hilahin niya ako patungo sa dressing room. "Alalahanin mong malaki ang talent fee ko." Pagbibiro ko habang pinapasuot niya sa akin ang isang skinny jeans. "No problem. Name your price, my dear friend. Ako ang bahala sa 'yo with bonus pa." "Anong bonus ko?" "Si Sam." Nakangising sagot nito. "Francine!" Pinamulahan ako ng mukha. "Gaga, anong gagawin ko sa kapatid mo?" "Bahala ka. Puwede mong iuwi sa bahay mo o kung gusto mo, asawahin mo." "Gaga!" Humahagikhik ito na animo'y kinikiliti ang singit. "Baliw ka. Tigilan mo 'yan, Francine." Sinundot niya ang tagiliran ko habang nakangisi pa rin. "Bagay kaya kayo." "Heh!" Angil ko. "Kapag hindi mo 'ko tinigilan, uuwi na ako." Pananakot ko na umipekto naman dahil tumigil na siya. Pero nang magsisimula na ang photoshoot, nahuli ko siyang nanunudyo ang tingin sa akin habang katabi ang kapatid niya sa harap namin ng model nito. Si Samuel kasi ang magiging photographer. Hindi ako makapag-concentrate sa pag-pose dahil pakiramdam ko, tumatagos sa lens ng camera ang tingin ni Sam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD